Makatang Ina
Minulat mo kami sa mundo ng mga letra.
Kung saan katotohanan at kathang isip ay maaaring maging isa.
Isang mundo ng kung saan mga damdamin ay nagiging salita.
Lugar na kung saan ang tanging hangganan ay ang sariling diwa.
Makatang Ina,
Ikaw ang pinagmulan naming mga batang nabubuhay sa papel at tinta
Mga umiibig at nasasaktang bumubuo ng mga panibagong tula
Mga Manunulat na humuhubog ng mga bagong akda
Mga taong bumubuhay sa mga ideyang nagmumulat ng mata.
Makatang ina,
Bakit tila ika'y parang nakalimutan na nila?
Hindi naman kami tumitigil sa paglikha.
wala na bang nagbabasa?
Literatura ba'y namamatay na?
Makatang Ina,
Madami ang unti unting nalilibing sa ilalim ng sistema.
ang dating naghahatid ng kamulatan ngayon ay para na lamang sa pera.
Subukan man na hukaying muli ang lalim ay parang wala nang kwenta,
dahil sa kanilang mata ay iba na ang kahulugan ng isang makata.
Makatang Ina, May pag-asa pa ba?