Chapter 12 - Damlay

"Sa pagsikdo ng damdamin ay kikibo ang malay"

Sa aking pagkagising at pagmulat ng mata,

tinatanong ko ang sarili 'di ka ba nagtataka?

bansa'y patuloy ang bulusok, di ka ba nangangamba?

Nasaan ba ang pag-asa, wala na bang magagawa?

Nasaan ang kalayaan, 'Di na ba masasalba?

Silang nakaupo sa mga upuan wala nga bang ginagawa?

Kaya kunin mo ang lapis at ikaw na ang gumawa.

Damdamin ang ating bala at ang gatilyo ay gawa!

Sa pagsikdo ng damdamin ay kikibo ang aking malay.

Para lamang sa bayan dugot at pawis iaalay.

Lahat ibibigay, sa kamatayan man o buhay,

pagkat kinabukasa'y sa 'ting kilos mababatay

Ito ang aking panata sa bayan,

Lahat itataya maging sarili kong pangalan.

Palalawakin ang kaalaman, Hindi magaalangan,

pagkat magdamot sa bayan ay isang kahangalan.

Sa pagsikdo ng damdamin ay kikibo ang aking malay.

Para lamang sa bayan dugot at pawis iaalay.

Lahat ibibigay, sa kamatayan man o buhay,

pagkat kinabukasa'y sa 'ting kilos mababatay.