Chereads / Behind the Devil's Mask / Chapter 14 - Hubby & Wife

Chapter 14 - Hubby & Wife

Late na akong nagising at wala na si Alexander sa kwarto. Sinipat ko ang sarili sa salaming nasa tabi ng kama.

I have dark circles around my eyes. Magulo ang kulay brown kong buhok. Maliit ngunit matangos ang aking ilong na pinaresan ng kulay pink na bitak-bitak kong labi, ang nunal na nasa ilalim ng aking mata at itaas ng aking labi ang nagpadagdag sa beautiful features ko.

Yes. That's right. I have so much confidence for myself. Nagagamit ko naman sa mabuting paraan. Sabi nga nila, "Confidence makes the difference."

Hindi masyadong singkit ang kulay kape kong mga mata. Naghubad ako ng t-shirt at matamang pinagmasdan ang peklat sa aking dibdib. Ayokong alisin ang peklat na ito not until I remember what happened that day.

"It's too bad. Nakalimutan ko kung paano kita nakuha. Gusto kong maalala ang lahat. Gusto kong maging buo." Napabuntong hininga na lang ako. I feel something is missing.

Naglakad ako patungo sa mini office ko at tsinek ang mga emails ko. Pagkatapos kong maunread lahat ay napagpasyahan kong maligo na. I immediately took off my clothes leaving only my undergarments and went inside the bathroom.

After kong maligo ay nagsuot ako ng leggings na itim at malaking t-shirt na kulay pink na may print na minions. Yes. You got it right. Mahilig ako sa minions. I find them super cute!

Matapos kong i-blow dry ay hinayaan kong malugay ang aking buhok na hanggang gitna ng likod ko. Simpleng simple lang ako pag nasa bahay. Pagbaba ko ay hinanap ko si Mama.

"Mom"tawag ko kay Mama. May nakahanda ng almusal sa hapag pero wala ito. Kumuha ako ng isang pirasong pancake at nagtimpla ng kape. Nakakarelax ang amoy ng kape sa umaga. Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay hinanap ko sa labas ng bahay si Mama.

"Mom? Goodmorning"nasa labas nga ito at nagpapakabusy sa pag-aayos ng garden. Inilapag ko ang dalang pagkain at lumapit sa kanya.

"Goodmorning Anna baby, how's your sleep?"pinagpagan nito ang mga kamay at nakangiting binalingan ang anak.

"Mabuti naman Mom"

"Come closer baby...look what we have here...I bought these beauties yesterday"excited nitong pinakita ang mga nag gagandahang paso. Natuwa rin ako dahil karamihan dito ay nagliliitang cactus at may iba't ibang kulay pa ng rosas.

"Wow naman po, saan niyo nakuha ang ganito kagagandang mga bulaklak Mom?"namamanghang tiningnan ko ang mga nakahilerang succulents, my fave.

"Kahapon kasi ay nagpunta ako sa isang kaibigan at pag-uwi ko, may nadaanan akong nakahilerang mga bulaklak eh, alam mo naman ang Mama mo pagdating sa mga ganito"bahagya itong lumayo at pinag-aralan ang pwede naming baguhin.

"Gusto mo Mom pinturahan na lang din natin ang mga paso para mas bongga?then palagyan na lang din natin ng mga figurines, yung cute...gusto ko may touch din ng fave kong minions"nangingislap ang mga matang suhestiyon ko kay Mama.

"Good idea. Pinturahan din natin ng white and gold para pasok sa color theme ng bahay natin then palagyan na lang din natin gaya ng sinabi mo. Let's get your minions back here in our garden"parang into character na sabi ni Mama. Natutuwang sinabayan ko si Mama sa pag-aayos ng mga pot.

"After this, we need to hire someone who can maintain this Mom"sabi ko pagkatapos naming ihilera ng maayos ang mga paso.

"I can do that hija, and hindi naman masyadong nakakapagod ang paghaharden lalo na't I love doing this!"lumapit ito sa isang paso na medyo hindi nakalinya sa iba at inayos.

"Okay but don't overdo it, you also need to rest Mom...tell me if you need help, okay?" ang tangi ko na lang sagot sa kanya.

"Oo naman hija"

Matapos namin i-arrange ang mga paso ay umalis kami ni Mama para mamili ng pintura at makapaghanap na rin ng magandang figurines na ididisplay. Pumili kami ng dalawang gnome, babae't lalaki at sampung minions. Paalis na kami ng bigla akong hinila ni Mama.

"Mom?"tanong ko. Sinundan ko ang kanyang tingin.

"Si Alexander ba yun anak?"kunot-noo nitong tanong sa akin.

"Po?Naku Mom, namamalik-mata lang po kayo. Tara na po" humakbang na ako palayo pero nanatiling nakatingin pa rin si Mama sa lalaki.

"Alexander hijo"tawag pansin ni Mama sa lalaki. Napalingon naman si Alexander sa aming gawi at nang siguro ay nakilala niya kami ay naglakad na ito palapit sa amin. Napahawak na lang ako sa aking mukha.

"Nandito na naman siya"pabulong kong sabi at dahan dahang lumayo kay Mama.

"Ma'am magandang umaga ho, kumusta po?"magalang nitong bati sa ginang. Yumuko ito at marahang kinuha ang kamay ng ginang at bahagyang idinampi ang kanyang mga labi.

"Hahaha okay lang naman hijo, bakit ka nga pala andito?may bibilhin ka rin ba?"natutuwang reaksyon ni Cassalea sa magalang na gesture ni Alexander.

"May hinahanap lang po ako pero okay na, nahanap ko na"makahulugan itong sumulyap sa babaeng nasa likod ni Cassalea.

"Ganun ba? Aba't kung wala ka ng gagawin sa araw na to, bakit hindi ka na lang muna sumama sa amin ni Anna"lumingon si Cassalea kay Anna. Malayo na ito sa kanilang dalawa.

"Anna?Saan ka ba pupunta?Halika rito, look who's here"

Tumikhim na muna ako bago lumingon sa kanilang dalawa at ngumiti ng pilit sa kanila. Umakto akong gulat nang dumapo ang aking tingin kay Alexander.

"Ohhh hi! So it's really you pala"

"Goodmorning Wife, I didn't know you're here...hindi ka man lang nagsabi eh di sana nasamahan ko na kayo ni Ma'am"tila nanunudyo nitong sabi.

"Wife?Yan pala ang tawag niya sayo baby???"pabulong na sabi ni Mama sa akin. Nginitian ko lang si Mama. Ayokong sumagot at baka matuwa pa ang nilalang na 'to.

"Yes po...Nakakahiya naman ho sa inyo"sagot ni Alexander habang nakahawak sa kanyang batok.

'Iniinis talaga ako ng nilalang na ito...'

"Ayyy...Ang sweet naman so hubby naman ang tawag ni Anna sayo?"natutuwang segunda ni Mama. Napahilot ako sa aking ulo ng wala sa oras. This scene is too much for me.

Nakita kong tumango naman ang nilalang sa tanong ni Mama. Akala nito, nagugustuhan ko ang mga pinagsasabi niya. Mukhang bumalik na ito sa normal niyang mood dahil mapang-asar na ito.

Tiningnan ni Mama ang reaksyon ko kaya awtomatikong sumilay ang peke kong ngiti sa nilalang.

'Masaya ka na?'

"Sa totoo Ma'am, wala na ho akong gagawin after nito...Kung okay lang din sa inyo pwede ho akong tumulong...okay lang ba wife?"

"Ah-eh, oo naman Hubby. May magagawa pa ba ako?"halos hindi ko na maibuka yung bibig ko dahil sa inis ko sa nilalang. Mukhang nag-ienjoy ito dahil nakapamulsa pa ito habang nakatingin sa akin.

"Ganun naman pala, tara na"yaya ni Mama sa amin.

"Sinusundan mo ako anoh?" singhal ko sa kanya. Nagkibit balikat lang ito saka biglang kinuha ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. Nakaramdam ako ng biglaang pagkakuryente sa simpleng pagkakadikit ng aming mga palad. Tiningnan ko ang magkahawak naming mga kamay at naalala ang isang eksena.

De javu?

Napailing ako at tinitigan siya ng masama.

"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?"itinaas ko ang magkahawak naming mga kamay sabay taas ko sa aking kilay. Sa aking pagkabigla ay marahan niyang hinila ang aking kamay at idinampi ang kanyang labi.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?"tinig ni Mama ang kumuha sa atensiyon naming dalawa. Kanina na pala itong nakatingin sa amin ni Alexander. Hindi ako makasagot agad lalo na ng simula akong hilahin ni Alexander papunta kay Mama.

"Pagpasensiyahan niyo na po Ma'am, namiss lang po kasi namin ang isa't-isa"sagot ni Alexander.

"Ahahaha ganon ba? Kayo talagang mga bata kayo...Ohhh siya tara na at may gagawin pa tayo"tumalikod na si Mama at nauna ng sumakay sa kotse. May dalawang lalaking nakasunod sa kanya na may dalang kahon ng pinturang nabili namin. Isusunod na lang daw nila ang mga figurines sa bahay.

Pasimple kong kinurot sa tagiliran si Alexander. Nabitawan niya ang aking kamay at mabilis na hinimas ang sumakit na tagiliran.

"Arayyy! para saan yon?"mahinang tanong niya.

"Umayos ka ha"sabi ko sa kanya nang makarecover na ako mula sa pagkabigla kanina.

Nauna akong naglakad at iniwan si Alexander na humahabol na rin ng hakbang. Lihim akong napamura sa sarili dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Wait for me"dinig kong habol ni Alexander.

Somehow, I feel excited. Today, I have someone to pissed off.