Pauwi na kami ngayon ni Alexander. Tahimik itong nagmamaneho. Pasilip-silip si Alexander sa side mirror ng kotse at mukhang balisa.
"Okay ka lang?"tanong ko sa kanya nang hindi na ako nakapagpigil dahil sa kakaibang ikinikilos nito.
"Someone is behind us"sagot niya. Napalingon ako sa aming likuran pero wala akong nakitang nakasunod sa amin. May nakikita ba siya na hindi ko nakikita?
"Wala namang nakasunod sa atin--
Isang malakas na kalabog ang pumutol sa iba ko pang sasabihin.
"Ano yon?!"gulat akong napatingin sa likuran ng kotse tapos kay Alexander. May kung anong bagay ang bumabangga sa likod ng kotse. Mabuti na lang at nakapag seatbelt ako kung hindi ay baka tumilapon na ako. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Alexander na kalmadong nagmamaneho.
"I need you to call your mom, di muna kita maihahatid sa inyo"nanatili itong nakatingin sa harapan ng kotse.
"Ha?!at bakit naman?Where are you taking me?"naguguluhan ako sa mga nangyayari sa amin ngayon.
Is he trying to elope with me?!!No way! I'm not ready! Is it because of the kiss we had?
"I need you to sit still and just do what I tell you" puno ng kaseryosohang sabi niya. Inapakan niya ang silinyador at mabilis na pinatakbo ang kotse.
"Oh my God!!!what the hell is happening Alexander?!!"napahawak ako sa aking upuan. Kahit na naguguluhan ay ginawa ko ang sinabi niya. Kinapa ko ang aking cellphone at tinawagan si Mama.
(Third Person's POV)
"Hello"tinig ni Cassalea mula sa kabilang linya. Lihim na nagpasalamat si Cassandra nang marinig ang boses ng kanyang ina.
"Hello Mom"
"Oh anak, nasaan na kayo ni Alexander?Tumatakbo ka ba?"naguguluhang tanong ng ginang sa anak. Dinig nito ang mabibigat na buntong-hininga mula sa kabilang linya.
"Hindi po, Mom hindi muna---Ayyy!!"napasigaw si Cassandra nang biglang nagdrift si Alexander.
"Anna...what are you guys doing?"nagtatakang tanong ni Cassalea nang marinig ang impit na sigaw ng anak. Kunot ang mga noong tumayo ang ginang at tinungo ang kusina.
"Pasensiya na Mom pero di muna po ako makakauwi ngayon...Ayy!Ano ba Alexander?Bagalan mo nga!"boses ni Cassandra mula sa kabilang linya. Natutop ng ginang ang bibigg. Kumuha siya ng pistel ng tubig at nagsalin sa baso saka dahan-dahang uminom.
'Diyos ko po!Anong nangyayari sa mga batang to? Hindi healthy ang ginagawa nila para sa baby nila!!!'
Iyan ang tanging naisip ng ginang nang mahinuha ang nangyayari ngayon sa kabilang linya.
"O-okay lang anak basta hinay-hinay lang...si baby wag niyong papabayaan, malapit naman kayong ikasal. Ingat"agad na pinindot ng ginang ang endcall dahil ayaw na niyang marinig ang mga ingay mula sa kabilang linya. Nagsalin siya ulit ng tubig at agad na ininom.
"Mga bata talaga ngayon"naiiling na ibinaba niya ang baso at hinugasan sa lababo.
Samantala, kunot ang mga noong ibinaba ni Cassandra ang cellphone.
"Anong sabi ni Ma'am?"tanong ni Alexander sa kanya.
"Okay lang daw basta hinay-hinay lang daw tayo"nalilito pa ring sagot niya kay Alexander. Hindi niya makuha ang sinabi ng kanyang ina.
Lumiko ang kotse sa isang masukal na daan. Natatarantang napalinga si Cassandra sa kanilang dinadaanan.
"Where are we now?"baling niya sa kasama.
"We're going to the cemetery"ang sagot ni Alexander na mas ikinabigla ni Cassandra.
"You're taking me to cemetery?!why?! Don't tell me... are you planning to bury me alive?!Kaya ba pinatawag mo ako kay Mom 'cause you're..."mabilis niyang kinapa ang kanyang seat belt para i-unbuckle ito. Mabilis siyang napinigilan ni Alexander.
"Stop!What have you been watching lately? Kailangan lang nating dumaan sa sementeryo para mailigaw ang mga nakasunod sa atin, now stay still and don't panic, I'm here...I will protect you no matter what"mahabang litanya ni Alexander. Tumango na lang si Cassandra at pilit na ikinalma ang sarili. Napatingin siya sa rearview mirror at nanlaki ang kanyang mata sa nakita. May mabilis na anino ang nakasunod sa kanila ngayon. May kulay pula itong mata at kung anong kulay berdeng umaagos sa kanyang bibig. Medyo napangiwi siya sa nakita.
'He looks more gross than scary...'ang nasa isip ng dalaga nang makita niya ang anyo ng humahabol sa kanila.
(Anna's POV)
Napapikit na lang ako at tahimik na nagdasal. Pilit kong kinalma ang sarili kahit na takot na takot sa isiping aabutan kami ng anumang nilalang na nakasunod sa amin ngayon.
"I shouldn't have brought you there"ani Alexander. Idinilat ko ang aking mata at liningon si Alexander.
"What do you mean?"
"Now that you're exposed, they'll stick their noses to you."
"Exposed to whom? ano ba talagang nangyayari dito Alexander? I supposed to know all of this since I'm involved"mahinahon kong sabi. Nahinto ako sa pagtatanong nang may malakas na pwersa ang bumangga sa likod ng kotse dahilan para mawalan ito ng preno. Nagpagewang gewang ito ng takbo.
"My God!!!Have mercy on me!!! I don't wanna die. I'm still young! Alexander please, let's change seat. Ako diyan, dito ka"I then unbuckled my seat belt and turned to Alexander who looks speechless.
"Save your answers later"
"O-okay"sa huli ay sagot ni Alexander at sinimulang tanggalin ang kanyang seatbelt at lumipat sa kabilang upuan. Mabilis na nakalapit ang humahabol sa amin at isang mukhang kabayo pero katawang tao ang biglang bumagsak sa hood ng sasakyan.
'Shit!!!Tikbalang!!!"lihim akong napamura dahil nakita ko na ng malapitan yung humahabol sa amin. They really do exist.
"Fasten your seatbelt" baling ko kay Alexander.
Mabilis kong pinaandar ang kotse at paatras na pinatakbo ang sasakyan. Walang anu-ano'y inapakan ko ang gas pedal at parang nasa car racing na pinaharurot ang sasakyan. Sinubukan kong ihulog ang nilalang na nasa harapan ng kotse. Hindi naman ako nabigo dahil sa impact ng aking biglaang pag-abante ay nahulog na nga ito. Mabilis kong iniliko ang takbo ng kotse papunta sa pinakamalapit na sementeryo.
Palingon-lingon ako sa likod at nang masigurong wala na ngang nakasunod sa amin ay medyo binagalan ko na ang pagpapatakbo nito. Itinigil ko ang kotse nang may natanaw akong ilaw na nagmumula sa loob ng masukal na kagubatan.
"Where are we now?"tanong ko sa sarili.
(Alexander's POV)
Nailigaw na namin ang humahabol sa amin. Nakanganga ako ngayon habang nakatingin kay Cassandra. I'm trying to wear a straight face but I just can't. I was not expecting any of this from her. I mean she could drive but, God!!! She's amazing. I didn't know she know how to drive like a pro car racer. She's so good at it. No. She's cool.
Ang totoo ay kanina ko lang natutunang magmaneho. Nagpaturo pa ako kay Frost. I want to act and do normal things around her.
I don't even need a car. I can teleport anywhere and can reach places a car can't. I bought this car yesterday just to impress her. But what happened, is unexpected. She impressed me with her driving skills. Maybe I could make her teach me? I looked at her. She's wearing a ready-to-slay me face. Maybe I shouldn't.
"We're lost"aniya. Sinundan ko ang kanyang tingin.
"No we're not"
"Huh?So you know this place? Is this where you live?"tanong niya na hindi inaalis ang tingin sa harap. Ipinarada niya ang kotse sa tabi saka niya ako binalingan ng tingin. Ang tingin niyang ganyan! She deserves an explanation.
"You really need to explain everything about what happened back there"mataman niya akong tinitigan.
She needs to know all of it. Pagkatapos ng nangyari, alam kong hindi na siya titigilan ng mga alagad ni Constantine. Tumikhim ako bago nagsalita.
"We're being chased by a Kelpie"
"Kelpie? yun bang mukhang kabayo ang tinutukoy mo?"kalmadong tanong niya. Tinanguan ko siya bilang sagot. Nagpakawala ito ng pagak na ngiti at pailing-iling na napatingin sa labas.
"It's a shape-shifting water spirit"dugtong ko.
"A shape-shifting water spirit? then what is that Kelpie doing here, if it's a water spirit?"
"They're after us, I'm sorry I shouldn't have let you be involved with this but since you already are, you should stay with me. That way you'll be safe...and...the eclipse is coming"
"Now we're talking about eclipse, what about eclipse? What will happen?"she rolled her eyes.
"Let's talk inside, it's not safe for you to stay outside"bumaba ako at tinungo ang driver seat. Nanatili siyang nakaupo at binigyan ako ng nagdududang mga tingin. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.
I can feel her distrust towards me.
"I'm going to take you there, it's where most of my kind lives. Trust me, no one can harm you. They will treat you well"inilahad ko ang aking kamay at hinintay na abutin niya ito.
"If anything happens to me, I will come after you...kahit multo na ako, mumultuhin kita"aniya bago inabot ang aking kamay. Binitawan niya rin ito nang makalabas na ng kotse.
I thought this night will turn out to be just, normal.
"Master, dumating ka"masiglang bati ni Frost sa akin. Tumikhim ako at pasimpleng sinenyasan siya na may kasama ako. Napatingin ito kay Cassandra at gulat na tumingin sa akin. Tumango ako at mabilis itong yumuko kay Cassandra.
"Maligayang pagdating sa aming lugar binibini, ipagpatawad niyo at hindi agad ako nakapagpakilala sa inyo. Ako si Frost, ang kanang kamay ng aking Master"
Nginitian ni Cassandra si Frost at bahagya ring yumuko at nagpakilala dito.
"Ako si Anna Cassandra, si Alexander ba ang tinutukoy mong Master?"tumingin ito sa akin tapos kay Frost.
"Tama po kayo binibini, maupo po kayo at ikukuha ko kayo ng maiinom"
"Anna na lang ang itawag mo sa akin"
Napakamot ng ulo si Frost.
"Iyan ay di maaaring mangyari sapagkat ikaw ang binibining nakatakda para sa aking Master"
"Ahemm..."tumikhim ako para kunin ang atensiyon ni Frost. He seems nervous. Napalingon naman siya sa akin.
"Just.act.normal"halos pabulong kong sabi sa kanya.
"Master?"tanong niya nang hindi niya nakuha yung sinabi ko.
Salubong ang kilay ni Cassandra nang mapatingin siya sa akin. Mayamaya pa ay ibinalik na niya ang tingin kay Frost.
"Ganon ba?Okay"umupo ito at pasimpleng iginala ang tingin sa kabuuan ng silid.
"Ako'y magpapaalam na muna, Binibini. Ako'y babalik dala ang inyong pagkain at masarap na inumin"paalam ni Frost. Tumalikod ito at pumasok sa kusina.
"What is that?"agad na tanong ni Cassandra ng makaalis si Frost.
"Ang alin?"maang kong tanong sa kanya.
"Nakatakda para sayo?"di makapaniwalang sabi niya.
"Pag-usapan na lang natin yan pagkatapos mong magpahinga. Sa ngayon, feel yourself at home. Alam kong napagod ka kanina"sumandal ako sa upuan at marahang ipinikit ang aking mata.
"Fine. I won't insist since you're right"isinandal nito ang kanyang likod at minasahe ang kanyang ulo.
"Master...Binibini...narito na ang inyong inumin"saad ni Frost. Marahan niyang ibinaba ang dalang tray na naglalaman ng inumin na nagmula pa sa ugat ng punong Acaziaa at matamis na tinapay.
"Drink that tea, it's good for your sleep"
"Thank you"sagot niya. Binalingan nito si Frost at nagpasalamat din dito.
Madaling araw pa lang ay nakatanggap ako ng ulat mula sa Grupo ni Felix. Ipinagbilin ko kay Frost na wag hahayaang umalis ng kastilyo si Cassandra at asikasuhing mabuti ang kanyang pananatili dito habang hindi pa ako nakakabalik. Nagpasya akong maglibot sa karatig lugar kung saan napapabalitaang may Kelpieng namataang nagpapagala-gala.
Gabi nang makabalik ako mula sa paglilibot.
"Kumusta ang inyong Binibini? Kumain na ba ng hapunan?"bungad ko kay Frost.
"Kasalukuyan na pong nagpapahinga ang Binibini sa kanyang kwarto. Ayaw pa po sana niyang kumain ng hapunan dahil sa gusto ka raw niya pong hintayin"nakangiting pahayag ni Frost. Pinigilan ko ang sarili na mapangiti. Tumikhim ako bago umupo sa paborito kong upuan.
"At?"tanong ko kay Frost.
"Sinabi ko pong baka gabihin po kayo ng dating kaya ayun po, nauna na siyang kumain"
Tumango ako bilang sagot.
Pagkatapos kong maghapunan ay agad akong umakyat sa itaas. Tinungo ko ang kanyang silid. Kumatok ako ng tatlong beses pero mukhang tulog na ito. Bumalik ako sa pasilyong aking dinaanan nang may nakita akong nakatayo sa balkonahe.
"Cassandra?"tawag ko sa kanya. Lumingon ito sa aking gawi.
"Alexander??? Nakabalik ka na pala"nakangiti itong humarap sa akin.
"Kararating ko lang, pasensiya na't hindi na ako nakapagpaalam sayo dahil mukhang ang himbing ng tulog mo"lumapit ako sa kanya at dahan-dahang isinabit sa kanyang tainga ang kulay puting bulaklak na pinitas ko kanina. Lumikha ako ng tubig para makita niya ang sariling repleksyon. Nanlaki ang kanyang singkit na mata dahil sa aking ginawa.
"I don't know which is the flower"marahan kong tugon. Napansin kong bigla itong natigilan sa aking sinabi.
"Ahemm..."tikhim ko sabay hawak sa aking batok. Lihim kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. Hindi ko makuha-kuha kung saan nanggaling ang mga sinabi ko kanina. Natural itong lumabas sa aking bibig.
Nakangiting pinagmasdan niya ang sariling repleksyon kapagkuwan ay tumingin naman sa akin.
"Thanks"aniya. Tumango ako bilang tugon sa kanya.
"Ummm...I don't wanna ruin this moment but can we talk about us now?"ani Cassandra
"Su--sure, if that's what you want"alam ko namang dadating pa rin kami sa puntong ito.
"Thanks...so anong ibig sabihin ni Frost nang sabihin niyang itinadhana ako sayo?"paninimula nito. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi niya rin pa pala nakakalimutan yung kagabi. Tumikhim na muna ako bago sumagot.
"Well...yes, Cassandra. Remember two years ago?"panimula ko.
(Wait...Bakit ako kinakabahan?)
Dinig kong tanong ng kanyang isip.
"The day where you had car accident with your father, I came and saved you"tiningnan ko ang kanyang reaksyon. Alam ko nang ganito ang makukuha kong reaksyon mula sa kanya pero bakit para akong nasasaktan?
"I don't remember you... everything happened on that day, I don't remember anything"nalilitong sabi niya.
(Bakit alam niya ang tungkol sa aksidente? I don't remember telling him about the accident)
"I told you, you didn't have amnesia Cassandra. You chose to forget everything happened on that day"huminga ako ng malalim. I need to calm myself down. Bago pa man rumehistro ang galit at sakit sa aking mukha ay agad ko ng kinontrol ang aking sarili.
"Anong ibig mong sabihin?Wala akong amnesia? My doctor told me I do have amnesia"
"You chose to forget the past. You chose to forget me. Nung araw na iyon, yun ang araw na makikipagkita ako sa kaibigan kong tao. My poor friend..."pinigilan ko ang iba pang emosyon na gustong kumawala sa dibdib ko dahil ayokong mawala sa kontrol. Takot at pagkalito ang rumehistro sa mukha ni Cassandra. Ikinuyom ko ang aking kamay.
Kalma lang Gabriel...
I took a deep breath then let out a deep sigh.
"I saw the accident, sinubukan kong tulungan kayo. You died Cassandra and your father..."sandali akong tumigil sa pagsasalita nang may luhang pumatak sa kanyang mukha.
"Please stop!"pigil niya sa akin. Napahawak ito sa kanyang ulo.
"Hanggang ngayon, gusto mo pa ring kalimutan ang lahat. Hindi ka magiging buo pag hindi mo kayang tanggapin ang isang parte ng iyong buhay... kahit masakit, kailangan mo itong harapin...diyan ka lang mas magiging malakas"
"No...please! Just stop..."pakiusap niya habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.
"Ang sakit...tama na..."aniya habang mahigpit na nakahawak sa kanyang ulo. Mabilis ako nakalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
'Dammit Gabriel!!!'
"I'm sorry Cassandra...I'm such a jerk... I'm sorry"anas ko habang patuloy pa rin ako sa paghaplos ng kanyang buhok.
'Fuck! I made her cry!'
Nang makarating na ako sa kwarto ay hindi ko na napigilan ang emosyong kanina ko pa pinipigilan. Nagsalin ako ng alak sa baso at agad na tinungga. Nasa kanyang silid na si Cassandra.
"Damn you Gabriel!!!"mahigpit kong hinawakan ang baso at di sinasadyang mabasag ito.
Damn!!! now I broke another glass.
Napabuntong hininga na lang ako.
I. just. need. to. drown. myself...
Tommorow I'll be sober....