"Ummm... Alexander, pwede magtanong?"kagat-labi akong naghintay ng sagot mula sa kanya. Natapos na kami sa appetizer at èntree and now we're waiting for the dessert. I ordered Pavlova Cake and Mochi. Si Alexander naman ay umorder ng Maltesers Tiramisu. Di maalis sa aking isip ang relasyon nilang dalawa or if not, anong meron at nangyari between them at Alexander is so disgusted of Devans's presence? The tension between them is real.
"If that is about that guy then forget it"tukoy nito kay Devans.
I can feel his abomination towards Devans. I wanted to know what's going on between them but based on his response, I should probably ask the other guy or find out for myself.
"Ah eh... it's not about Devans, it's more about you"nahihiya kong sabi.
"Try me"sumandal siya sa kanyang upuan at humalukipkip na nakatingin sa akin. Feeling ko tuloy nasa interrogation room ako. Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob.
"The truth is...umm how should I start this?Ah... Promise me you won't get mad at me"
"Come on, I won't get mad"
"Promise?Pinky swear?"
Napahawak ito sa ulo at naiiling na inilapit ang kanyang kamay at saka nag Pinky swear.
"How did you know Devans?"natutop ko ang aking bibig. He already warned me not to asked about Devans.
"I already told you Wife, I'm not going to answer anything about that guy"lumapit ito sa mesa at nangalumbabang pinag-aralan ang aking mukha. He's trying to read me. Again. I pouted at nahihiyang nag-iwas ng tingin.
"Tell me Wife, what did you like about him?"tanong niya sa akin. His dead eyes and his killing gaze brought me chills. I call it "killing gaze" 'cause it could really make anyone knees wobble.
I rolled my eyes and answered him.
"He's handsome--
"I am handsome"singit niya sa iba ko pang sasabihin.
"He's kind---
"I am kind"
"Hayss..."
"What?"
"He's a gentleman..."huminto ako sa pagsasalita bago ko dinugtungan ng
...and I find him attractive"nakangiting kong sagot.
"What?!so you find him attractive and handsome, and what about me?"hindi makapaniwalang reaksyon niya. Napatayo siya sa kinauupuan at may iilang diner na nakatingin na sa amin. Nahihiyang hinila ko siya paupo.
"Ano bang ginagawa mo? nakakahiya sa mga tao oh, you're getting unnecessary attention"saway ko sa kanya pero sa pabulong na paraan.
"Here's your order Ma'am and Sir"ang sabi ng waiter dala ang mga order namin.
Nagkikislapan ang mga ito sa aking paningin.
"Thank you"nginitian ko ang waiter at itinuon ang aking pansin sa mga nag gagandahang dessert.
(Alexander's POV)
Nakatingin ako ngayon kay Cassandra na parang nakakita ng kayamaan dahil sa kumikislap nitong mata. Nakalimutan niyang nag-uusap pa kami. Tsk. That Devans, I'm sure she likes him. She also find him attractive and handsome, like what?! Nevermind. I need to warn her.
"Don't talk to him"
"Huh?Did you say something?"nag-angat ito ng tingin.
"I said don't talk to him" ulit ko sa kanya.
"It's impossible. He's one of my investor"isinubo niya ang natitirang mochi sa kanyang plato.
"Really?but... nevermind just try to avoid him as possible as you can"
"Okay"sagot niya na nakatuon ang pansin sa dessert na nasa mesa.
"And from now on, don't talk about other guys when you are with me, okay?"
Sandali siyang natigil sa pagnguya at nag-angat ng tingin sa akin.
"Why not?"kunot-noo nitong tanong.
"I am your husband, now do you need more reasons?"Kitang-kita ko ang paglunok niya at ang marahan niyang pagpunas sa kanyang bibig. Napalunok na lang din ako. Pinigil ko ang aking sarili bago ko pa mahalikan ang inosenteng babaeng 'to sa harap ng maraming tao.
Kinain ko na rin ang inorder kong Maltesers Tiramisu. Isa ito sa mga unang pagkain na aking natikman sa mundo ng mga tao kaya isa ito sa mga naging paborito ko.
Pagkatapos naming kumain ng dessert ay agad ko siyang niyaya. I'm going to take her to the amusement park. I've been planning to go there but I don't have anyone to accompany me. Well, I've been there once and it's been so long, long enough that I can't even remember when it was and I think that is the best place to get close to her. Wink.
"Ahhh. Natatakot ako Hubby"nanginginig sa takot na napahawak siya sa aking kamay.
"Don't worry Wife. I got you"nakangiting hinawakan ko siya sa mukha at dahan-dahan, naglalapit ang aming mukha.
"Anyare sayo?"tanong ni Cassandra sa akin. Kanina na pala ako nakatayo at malayo na ito.
Wild imagination.
Gusto kong batukan ang sarili. Nawawalan ako ng control pagdating sa babaeng ito.
"No-nothing"naglakad na ako papunta sa kanya.
Nasa parking lot na kami. Ipinagbukas ko siya ng pinto. Nang makapasok siya, bigla akong natigilan nang may kung anong enerhiya akong naramdaman. Mukhang may sumusunod sa amin. Palinga-linga ako sa paligid. Someone is watching us...
"Alexander?Tara na"tawag sa akin ni Cassandra. Sumunod naman ako at pumasok na rin sa kotse.
Nasa amusement park na kami. Parang nagbago ata ang isip ko nang makita ko ang nagtataasang ferris wheel at roller coaster, dagdagan pa ng mga nagsisigawang tao. Bigla kong pinagsisihan ang desisyon ko. Of all the decisions I made in my entire life, this is the worst!!! Hinawakan ko sa braso si Cassandra.
"Wife"tawag ko sa kanya and to my surprise, nakatingin ito sa mga rides with her "can't wait to get on those rides" look.
"Wow!!!Alexander, Ang galing mong pumili ng date place. I so love this!!!"hinila niya ako papasok ng entrance. Mabibigat ang mga hakbang na nakasunod ako sa kanya.
"Wife..."malapit na akong mapiyok buti na lang at naitawid ko.
(Anna's POV)
Wow!!! I can't believe he liked this kind of date. One of the best place for me!!!
"Wife..."tawag niya sa akin.
"Oh anong problema?"
"Ah...forget it"
"Ang lamig ng kamay mo ahhh, masakit ba ang tiyan mo?"nag-aalalang tanong ko sa kanya. Aba't mahirap ng dito siya datnan ng tawag ng kalikasan. Bumitaw siya mula sa pagkakahawak ng aking kamay at pinunasan ang kanyang noo. Pinagpapawisan siya, it must be his stomach.
"Natatae ka ba?"pabulong kong tanong sa kanya baka nahihiya lang umamin.
"No--no just that---
"Ano?Gusto mo ng haplas?Tara muna sa botika, bibilhan kita"hinila ko siya pabalik ng kotse.
"Forget it. Tara na"nagpatiuna ito sa paglakad papasok sa amusement park. Napangiti na lang ako. He's just excited!Bakit ayaw pa niyang sabihin eh pareho lang naman kaming mahilig sa amusement park?! Naeexcite na sumunod ako sa kanya.
Pagpasok namin ay nakanganga lang ako sa nag gagandahang rides. It's going to be fun!
"Doon muna tayo"turo ko sa Crazy Mickey.
Tahimik lang na tumango si Alexander.
"Okay, then what are we waiting for?Lez go!!!"patakbo akong lumapit sa tenant at kumuha ng dalawang ticket.
"Woahhhh!!!!"sigaw ko ng nasa rides na kami. Ang saya nito sobra.
"Woahhh!!!I miss riding this!!!"baling ko kay Alexander na tahimik lang. Tapang nito oh!Wala man lang itong reaksyon. Hanggang sa mabilis na umikot si Mickey, kasama kong nagsisigawan ang iba pa.
"Alexander?"tawag ko sa kanya ng natapos na kami sa first ride. Marami pa kaming hindi nasasakyan. Nanatili itong nakaupo at walang imik.
"Oh miss, may next batch na, pakisabi dyan sa kasama mo na bumaba na"sabi ng lalaking nagbabantay.
"Alexander?Tara na, may susunod na oh"hinila ko siya patayo.
"Buwahhh..."sumuka ito.
"Ayyy!!!Alexander? Okay ka lang ba?"hinagod hagod ko ang kanyang likod.
"Naku kawawa naman iyang kasama mo Miss mukhang mahina ang kanyang sikmura"natatawang komento ng lalaking nagbabantay.
I rolled my eyes to the attendant. Binalingan ko si Alexander na nakayuko pa rin.
"Don't mind him" Nagi-guilty tuloy ako dahil enjoy na enjoy ako not knowing hindi naman pala mahilig sa rides ang kasama ko.
Inalalayan ko siya paupo sa isang bench. Iniwan ko siya saglit at bumili ng tubig at dinala sa kanya. Kinuha niya ang water bottle at uminom ng konti.
"Okay ka na?"tanong ko habang dahan-dahan kong hinahagod ang kanyang likod.
"Yeah, thanks"sumandal ito sa bench at pumikit.
"You're not for this kind of thrill." Nanatili itong nakapikit at parang wala ng buhay.
"Alexander???"
Tinapik ko siya ng bahagya sa kanyang pisngi. Hindi ito nagreact. Nanatili pa rin itong nakapikit at hindi gumagalaw. Oh no!!!Sinundot ko ang ilong niya sunod ang kanyang talukap.
"Alexander???"
Hinawakan ko siya sa noo at kinabahan ako ng maramdamang sobrang lamig niya. He's freezing to death.
"Are-are you dead?"
Tanga lang Cassandra?Kung patay yan, sa tingin mo sasagot pa yan sayo?and you think he could die easily just because of Crazy Mickey?!!(sabad ni brain)
Well...You got a point. But he's freezing to death!
Hinawakan ko ang kanyang leeg sunod ang kanyang kamay. Hinawakan ko ang kanyang pulsuhan, tumitibok naman ito pero sobrang hina na.
"Alexander?"nag woworry na ako sa kanya, or maybe I shouldn't because this guy is no human at all. It's impossible for him to be killed because of that f*cking Crazy Mickey.
"Don't worry, I'm just tired. I'm not dying. Not now"sagot niya sa akin. Idinilat niya ang kanyang mata at tinitigan ako sa mata.
"Ah...eh...So ano na?tuloy pa ba ang date natin or what?"utal-utal kong tanong sa kanya.
"Of course. Tara"tumayo ito at inilahad ang kanyang kamay. Bigla akong napaisip, di ba ayaw ko sa kanya? why am I hanging out with him then? what if magbago ang isip ko at...what if naman kong siya yung biglang magbago ang isip? what will happen then?
Kinuha niya ang kamay ko at hinila patayo. He carefully patted my head.
"Stop overthinking. Let's have fun"he slowly pressed his hands against mine. He read my thoughts. Again.
Tinabig ko ang kanyang kamay sa aking ulo at nakapameywang na hinarap siya.
"Don't pat my head, I'm not a dog"mataray kong sabi sa kanya.
"Of course you're not. You're my Wife"tila nakangiting sagot nito.
Ehh? Natigilan ako saglit dahil sa kanyang sinabi. Bakit ako parang kinikiliti? Gusto kung ngumiti. Kilig ba ang tawag dito? Tumalikod ako sa kanya bago nagpakawala ng ngiti.
"Tara na?"yaya ni Alexander sa akin. Sumunod na lang din ako sa kanya.
Makalipas ang halos isang oras na kasiyahan sa amusement park ay napagpasyahan naming umuwi na. Dala ang dalawang teddy bear na napanalunan ni Alexander kanina, ay naglalakad na kami papunta sa kotse.
I've never been this happy since that day.
"Salamat ha"walang anu-ano'y sabi ko sa kanya.
Nasa loob na kami ng kotse. Nais ko lang magpasalamat sa kanya dahil I had so much fun.
"No worries. We'll do a lot more adventure together once we're married"nakatingin siya sa akin ngayon.
Lub.dub.Lub.dub.
This abnormal heart again.
Slowly, he's leaning towards me. Nagsimula akong magpanic dahil mukhang alam ko na ang gusto niyang gawin.
"Alexander..."
He started kissing me. I don't know how to react. Is it the time to push him away or the time for me to just let things happen? Stop overthinking Cassandra. I closed my eyes and started kissing him back. I can say that, he felt my response. He started kissing me harder but he suddenly stopped.
"You don't know how to kiss?"gulat nitong tanong. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya.
"You're my first"pabulong kong sagot sa kanya.
"F*ck"pabulong nitong mura na umabot sa aking pandinig.
"I'm sorry if I was harsh back then, you're first shouldn't be like that"nakayuko nitong sabi.
"Well, it already happened. Forget it"
"I'm sorry...Can we pretend this is your first then?"nag-angat ako ng tingin. Napigil ko ang aking paghinga nang magsalubong ang aming mga tingin. Nandoon na naman ang kakaibang kislap ng kanyang mata. Napatango na lang ako bilang pagsang-ayon.
"Then let me be your guide. Just go with the flow as if we're dancing"
"Well I don't know how to dance"
"Silly"
Once again, he started kissing me and this time... it's gentle and passionate. He's trying to teach me how to do it. Napapangiti ako habang hinahalikan niya. Huminto siya at tumawa na rin.
"Fasten your seatbelt. I need to send you home or else you're Mom is gonna kill me"natatawang sabi niya.
Nahihiya akong tingnan siya sa mata. We did kissed many times but this time, I kissed him back.
Anyare sa "get him out of your life" Cassandra? Akala ko ba, ayaw mo sa kanya?Bakit ngayon mukhang lumalambot ka na sa kanya?
Natahimik ako bigla sa aking naisip. Paano kung nababasa ni Alexander ang nasa isip ko ngayon, anong iisipin niya? Magagalit kaya siya?
Diba mas maganda nga yun para madali mo na siyang maalis sa buhay mo?Tama ako Cassandra, hindi ba?
Napailing na lang ako at nilingon si Alexander at binigyan siya ng tipid na ngiti.