Pagdating sa bahay ay wala kaming sinayang na oras, agad kaming nagsimula sa pagpipintura ng mga paso. Parang batang hindi makapaghintay si Alexander at excited na kinuha ang paint brush. Nakalimutan ata ng kumag ang presensiya ko at concentrate masyado sa pagpipintura. Si Mama naman ay nagsimula na rin.
"Okay then, lez get it!"sa huli ay kinuha ko ang natitirang paint brush at nagsimula na rin sa pagpipintura. Pasulyap-sulyap ako kay Alexander na mukhang sobrang nag-ienjoy sa kanyang ginagawa. Hindi maalis-alis ang kanyang tingin sa kanyang ginagawa.
Makalipas ang halos dalawang oras na pagpipintura ay natapos na rin kami. Hinayaan muna naming matuyo ang mga ito. Nagpaalam si Mama na may kukunin lang daw sa loob saglit kaya naiwan kaming dalawa ni Alexander.
"Wow ha, mukhang nag-enjoy ka masyado kanina...Let me see your work"sabi ko kay Alexander na ngayon ay nakatalikod sa akin.
Ano na naman kaya ngayon ang pinagkakaabalahan niya?
"Hindi ko ba nasabi sayo na magaling na pintor ang asawa mo?"puno ng confidence na sagot niya. Hindi ko na pinansin ang hirit niya bagkos ay tiningnan ko ang gawa niya.
"You draw this?"tanong ko habang nakatitig sa maliit na paso na may nakapintang babae. Maliit lang ito pero detalyado. Saan ba niya kinuha ang kulay na dinagdag niya?
"Told you wife...I'm good at this" aniya saka humarap sa akin. Nakakatawang may puting pintura sa kanyang mukha. Pinigil ko ang sarili na hindi matawa at baka malaman niyang may "something" sa mukha niya.
"Ahemmm...Bonakid batang may laban"kinanta ko ang kanta ng isang advertisement sa telebisyon. Kunot-noong nakatingin lang siya sa akin.
"What's wrong Wife?You look like you're about to cry...napuwing ka ba???"humakbang ito palapit sa akin. Umatras naman ako at nag sign ng "stop" sa kanya. Huminto naman ito at nanatiling nakatingin lang sa akin.
"Ha? No--no, mahangin lang sa labas kaya para akong naiiyak hehe"pinilit kong hamigin ang aking sarili. Wala itong comment at nanatiling nakatingin sa akin with his "questioning look", maybe?
'Bakit kasi hindi ko makita ang mukha ng kumag na ito?'
Humakbang ito palapit sa akin. Nagsimula na namang mag panic ang heart ko at nagiging abnormal na naman ang tibok nito. Lihim akong napalunok habang patuloy sa paglapit si Alexander. This reaction again.
'Ano na naman kayang kalokohan ang iniisip nito?'
"Wife..."tawag niya nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Sa sobrang lapit niya ay naaamoy ko na ang kanyang pabango.
This scent...
Again.
Tumingala ako upang salubungin ang nakakalusaw niyang mga titig.
"Got yah"walang anu-ano'y may ipinahid ito sa aking mukha.
"Wait! What did you put on my face?!"gulat kong tanong sa kanya. Mabilis itong naglakad palayo. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang sariling repleksyon.
"What?!"he made me looked like a living graffiti. Isang malaking cross ang nasa mukha ko ngayon.
"Anong ginawa mo?Now I looked like an Avatar"inis kong nilingon si Alexander na tawang-tawa dahil sa malakas nitong halakhak. Nagmukha akong Avatar na may isang kilay. Ibinaba ko ang phone ko at hinabol si Alexander dala ang isang paint brush.
"Ganun pala ha, gusto mo ng giyera"hinabol ko siya pero mabilis itong nakatakbo.
"Ang daya mo!!! You're using your power now"nakanguso kong sabi.
Tawang-tawa naman ang loko.
"Power?Nah. You're just too slow"
Hingal na hingal na ako. Sumandal ako at hinawakan ang aking dibdib.
"Tulong...I can't breathe"
Yumuko ako at pasimpleng sinulyapan si Alexander. Tumigil ito sa pagtawa at lumapit sa akin.
"What's wrong Wife?"nag-aalalang tanong ni Alexander nang makalapit ito sa akin. Itinaas niya ang aking mukha.
"Hi"isang pilyang ngiti ang sumalubong sa kanya. Mabilis kong itinaas ang paint brush sa aking kamay at ginuhitan ang kanyang mukha.
"Hahaha...I got you this time bleh"binelatan ko siya.
"You cheated on me"nagbabantang tinig ni Alexander. Tumayo ako at nagmake face sa kanya.
"Ang dali mo namang mauto Hubby"binelatan ko siya ulit. Siya naman ang pagdating ni Mama.
"Anong nangyayari dito?"tinig ni Mama sa aking likuran. Paglingon ko ay shock itong nakatingin sa akin.
"Anyare sa inyong dalawa?"
"Nagkakatuwaan lang po kami ni Hubby, Mom"sagot ko kay Mama. Natawa na rin si Mama. Nilingon ko si Alexander na sa tingin ko ay nakangiti sa mga sandaling ito.
"Mga batang to, alam niyo namang hindi maganda para sa mukha ang ganitong klaseng pintura...Oh siya, before tayo magpaint, mag hilamos na muna kayong dalawa. Magpapadeliver na lang din ako ng merienda natin. Now go and wash your face" utos ni Mama sa amin.
"Paint? Di po ba kakatapos lang natin Mom?"
"Yup. But we only finished the first part baby, hindi pa tayo nagsisimula sa fun part. Now go"itinaas nito ang ilan sa kanyang gamit sa pagpipinta.
Napangiti ako ng makuha ko ang ibig pakahulugan niya.
"Okay po"at hinila ko papasok ng bahay si Alexander. Dumiretso kami sa banyo.
"Now you're holding my hand"tila nakangiting sabi ni Alexander. Napatingin ako sa kanya then sa magkahawak naming mga kamay. Bigla ko namang nabitawan ang kanyang kamay.
"Ahh...eh... don't misunderstand this"napaiwas ako ng tingin sa kanya. Nag-init bigla ang mukha ko. Pakiramdam ko ay pulang pula ako ngayon dahil sa hiya. Kagat ang mga labing tiningnan ko si Alexander.
"Another thing you need to know about me..."saglit itong huminto sa pagsasalita at tinitigan niya ako sa aking mata. Lihim akong napalunok at kinakabahan.
Ano na naman kayang iniisip ng lokong to?
Wait. Did he just smirked?
Napailing ako.
"I tend to misunderstand things like this"at sa aking pagkabigla ay hinila niya ako palapit sa kanya. I think this scene is replaying on its own.
"Ah-eh... Hubby?You don't have to do this?"I know I sound like a teenager just now but his gaze...Pakiramdam ko may iniisip na namang kalokohan ang kumag na ito. Lihim akong napakapit sa manggas ng aking suot na t-shirt.
Wait. Did I just saw his dead eyes...sparkling?
Here we go again. Para na naman kaming nag staring contest nito. Inilapit niya dahan-dahan ang kanyang mukha sa akin. Tinatawid ang maliit na distansya papunta sa akin. Napapikit na lang ako at hinintay ang kanyang gagawin.
Suddenly, I heard him laughing. Isang pitik sa aking noo ang kanyang pinakawalan.
"Ouch!!!What is that for?"napahawak ako sa aking noo.
"Don't get over excited"
"Ehh?Ansabe mo?"
Tiningnan ko siya ng masama at walang ano ano'y kinuha ko ang kanyang kamay at hinila siya palapit sa akin. Mukhang nagulat ito dahil tumigil ito sa pagtawa. Nginitian ko siya ng matamis na ikinakunot ng kanyang noo. Pagkatapos ay nagpakawala ako ng isang malakas na head bat sa kanya.
"Ouch"lumayo siya sa akin na hawak-hawak ang kanyang ulo. I smiled mischievously.
'You're being childish now Cassandra' saway ng isip ko.
"A-anong klaseng ulo mayroon ka?"tanong ni Alexander habang patuloy sa paghimas ng kanyang ulo.
"Well...should I say that, this is the head of the woman you're going to marry?" I answered with a smirk.
"You're dangerous Wife"umayos ito ng tayo at naglakad papuntang lababo.
Lumapit ako sa kanya at nakihugas na rin.
"So tell me, are you still gonna marry me?"parang batang nakatingala ako sa kanya ngayon.
"Of course silly"hinawakan niya ako sa baba at dinampian ng halik ang aking noo. Nag-init na naman ang mukha ko sa ginawa niya.
Nag-iwas ako ng tingin. My heart starts to beat abnormally. Sinipat ko ang aking noo at mamula mula ito buhat ng pag head bat ko kay Alexander.
Did he kissed my forehead because he thought I was in pain? I...I feel...
"Tsk. Tell me if you have anything else in your mind Wife"makahulugang sabi ni Alexander.
"Anong aything else in my mind ka diyan?Ang feeling nito oh. Sapak you want?"nakangusong tumalikod ako sa kanya at umiwas na sa kanyang nakakalusaw na mga titig.
"Come with me tonight"aniya na ikinahinto ko sa aking ginagawa. Nagtaas ako ng tingin.
"Saan naman?"curious kong tanong sa kanya.
"You'll know it later this evening"kumindat ito at umalis na sa banyo.
Ang feeling nito oh...Akala ba niya gwapong-gwapo ako sa kanya at kung makaasta parang "can't say NO" ako sa kanya?
Tinapos ko na rin ang paghihilamos at lumabas na sa banyo. Nadatnan ko sina Mama at Alexander sa sala. Umorder si Mama ng pizza, fried chicken, fries at drinks. Kuminang naman ang mata ko sa nakita.
"Woahh, tamang-tama!! gutom na po ako" naupo na ako. Nagdasal kami at ayun! Kumain na kami.
"So kailan mo ipapakilala ang mga magulang mo hijo?"tanong ni Mama kay Alexander. Nagsimula na itong magtanong tungkol kay Alexander.
"Ang totoo po Ma'am, wala na po akong magulang"sagot ni Alexander na kumuha sa aking atensiyon.
"Ha? I'm sorry to hear that hijo"Mom
"It's okay. Namatay po sila because of an accident but... I do have a twin brother"nakita ko ang paggalaw ng kanyang jaw muscles. Ayaw ba niyang pag-usapan ang kakambal niya kaya wala pa siyang nasasabi sa akin tungkol dito? Sabagay hindi naman siya obligadong magkwento sa akin dahil ako yung may ayaw sa kanya.
"Where is he now?"
"He's...far from here"
"Ahhh...pero you're still connected to him right?I mean do you still communicate?"
Tango ang isinagot ni Alexander. He must have been suffering...living alone.
"Ah ganoon ba?I can't wait to meet your twin brother, he must be very handsome just like my son-in-law"tila proud Mom na pagkakasabi ni Mama.
So this creature is handsome?Mukhang "Yes" ang sagot base sa sinabi ni Mama.
Sinulyapan ako ni Alexander. Mabilis kong iniiwas ang aking tingin.
Binasa na naman ba niya ang nasa isip ko?
"I'm planning to take Cassandra out for a dinner date tonight, if that is okay with you Ma'am?"paalam ni Alexander kay Mama. Muntik na akong mabulunan.
'Did I hear him right?'
He's trying to influence my decision through my Mom.
"Oh that's so sweet of you hijo, why not?"walang pag-aalinlangang tugon ni Mama. Tumingin si Mama sa akin at binigyan ako ng ngiting "Gora Anak." Napapailing na lang ako. Mukhang mas excited pa si Mama kesa sa akin. Ipinagpatuloy na namin ang pagkain at masayang kwentuhan nila Mama at Alexander.