Chereads / Behind the Devil's Mask / Chapter 9 - I'm pregnant?!!

Chapter 9 - I'm pregnant?!!

Makalipas ang dalawang araw magmula nang nagwalk out ang nilalang ay hindi na ito nagpakita. Baka kinalimutan na niya ako at naghanap na lang ng ibang bibiktimahin. Mabuti na kung ganun.

Dalawang araw ang nakalipas at bumalik na sa dati ang normal kong buhay. Magmula ng umalis ito ay tumigil na ang mga kababalaghang nangyayari sa akin. Hindi na rin ako binabangungot.

Ang saya ko ngayon. Bukod sa wala ng kakaibang nangyari ay ngayon ang araw ng uwi ni Mama mula Bulacan.

Abala ako sa pagluluto ng paborito niyang ulam. Umuwi na ako sa bahay bago pa malaman ni Mama na buong linggo akong nag stay sa bahay ni Kris. I'm trying my best not to get her worried about me. She's been through a lot since my dad passed away. Hanggang sa makakaya ko, ayokong dagdagan pa ang hirap niya.

Her paintings... it's her way to divert her attention from the loss. Nagpapakatatag ito dahil sa akin at dapat ganun din dapat ako sa kanya.

Tumawag ako kay Kris para imbitahan siyang dito na maghapunan pero di ito makakadalo dahil sa new project na dumating sa kanya.

"Everything is ready." I smiled.

Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. Lumabas ako para i-check, napatalon ako sa tuwa.

Sinalubong ko si Mama ng yakap.

"Miss you Mom"

"Musta ang baby ko?"

"Okay lang po, tara pasok muna tayo. Nagluto ako ng paborito mong kare-kare at pritong paa ng manok"iginiya ko siya papasok sa sala hanggang sa makarating kami sa kusina.

"Wow naman...the best anak ka talaga!"at masaya naming pinagsaluhan ang mga niluto ko. Halos magdamag kaming nagkwentuhan lang. May ipapakilala din daw si Mama sa akin, anak ni Mrs. Verdon. Napakamot na lang ako sa ulo. Bukas daw ay makikipagkita ako sa kanya, so everything is planned na. Pumayag na lang din ako dahil kitang-kita ko ang pagkasabik sa mata ni Mama.

Kinabukasan ay sinamahan ako ni Mama sa pagpili ng damit na susuotin. Seven ng gabi ang blind date. Inayos ni Mama ang buhok ko at inaplayan ako ng light make up. Napapangiti na lang ako. Makalipas ang tatlumpong minutong paghahanda ay iginiya niya ako sa harapan ng salamin.

"Ang ganda talaga ng anak ko! Manang mana sa akin"natutuwang komento niya. Umikot ako sa harapan ng salamin at nakangiting tiningnan si Mama sa salamin.

"Now gora!!!magpakasaya ka anak at wala kang dapat ipangamba dahil mabait na bata si Patrick"sabay kindat sa akin.

Naku po!!!mukhang ibinebenta na ako ng Nanay ko. Mukha tuloy akong desperada. Imbes na tumutol ay ngumiti na lang ako at humalik sa kanyang pisngi. Nagpaalam na ako at dumiretso sa restaurant kung saan magaganap ang blind date.

Pagdating ko ay sandali akong nakatitig lang sa pinto.

Itutuloy ko pa ba or wag na? sa isip ay naitanong ko. Umiling ako, I need to give this person a chance. Huminga ako ng malalim.

This is it. I'm going in na.

"Ms. Montague?"tinig ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa pinagmulan ng boses.

Nakaramdam ako ng tuwa. Pakiramdam ko ay may kakampi ako.

Wala namang umaapi sayo Cassandra???(sabad ng utak ko). Kinalma ko ang aking sarili.

"Mr. Devans, hi how are you doing?"lihim akong natuwa sa bigla niyang pagsulpot. Nakasuot ito ng t-shirt na itim at itim na shorts. Nakasapatos lang ito at may suot na grey hoodie. Mukhang galing sa gym pero gabing gabi na para mag gym. May suot itong earphone na agad naman nitong inalis pagkakita sa akin. Ngumiti siya na nagpalitaw sa magaganda nitong ngipin. Walang tulak kabigin sa lalaking ito. Even his manners...

"I'm doing good. Where are you going?You look--

Inilibot nito ang paningin sa aking kabuuan. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng mukha. Kailangan ba talagang harap-harapan?

"You look gorgeous, I mean beautiful like... universe"sandali itong natigilan at napapailing na tumawa. Namumula na siguro ako dahil sa banat ng isang 'to.

"I'm sorry, I know I sounded weird but you look amazing"ngumiti ito. Lihim akong kinilig sa simpleng compliment niya. Crush na bang matatawag ang nararamdaman ko ngayon para sa lalaking 'to? I feel happy now that he's here. Bigla kong naalala ang dahilan kung bakit ako nandito.

"I...I need to meet someone, if you know what I mean"ayokong sabihin ang totoo pero nandito na ako eh. Alangan namang anong gawin ko dito?

Nagets naman nito. Biglang sumeryoso ang anyo nito. May nasabi ba akong mali? Bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot? Gusto kong bawiin yung sinabi ko.

Phone ringing...

Si Mama tumatawag.

"Excuse me Mr. Devans--

Tumango lang ito. Sinagot ko ang tawag ni Mama.

"Oh kumusta ang date mo Anna baby?"ramdam ko ang excitement sa boses niya.

"Kakarating ko pa lang Mom"sabi ko sa mahinang boses.

"Okay. Enjoy baby. Bye." iyon lang at agad niyang pinatay ang tawag.

Hindi man lang ako nakapagpaalam.

Haysss...

Napabuntong hininga na lang ako. Nilingon ko si Devans pero wala na ito.

Nasaan na siya?

Nagmamadali masyado...

Pumasok na ako sa restaurant. I looked around and saw a man sitting at the corner. Nakasuot ito ng brown na coat, black ang inner nito at pants na color grey.

"Hi, I'm Anna Cassandra"tipid na ngiti ang sumilay sa aking labi.

Tumayo ito ng mabilis at kinuha ang aking kamay at aakmang yuyuko, mabilis kong kinuha ang kamay niya at nakipag handshake.

Napangiti ito.

"What a beautiful name, I'm Patrick. P-please have a seat"aniya at ipinaghila niya ako ng upuan.

"Thank you."

Umorder kami at nanatiling tahimik.

Ang awkward naman nito...

Mayamaya pa ay nagsimula na siyang magtanong about my likes, dislikes, hobbies...ibigay ko na lang kaya ang autobiography ko nung highschool ako?

Mabait ang lalaki, isa itong doktor at sa edad na twenty-eight ay isa lang ang naging nobya nito. Masaya naman siyang kasama pero di ko mafeel yung spark na sinasabi nila.

Maybe I just need to give this "relationship" time...

Nagpresenta itong ihatid ako sa bahay. Ipapakuha na lang daw niya sa driver niya ang kotse ko. Pumayag na lang din ako, mukhang gusto talaga niyang makipaglapit so...I need to give this guy a chance.

Madilim na ang paligid. Bilang pasasalamat ay inimbitahan ko siyang magkape muna. Tinanggap naman niya ang imbitasyon ko. Pagpasok ko ay nadatnan kong nakaupo si Mama sa sala at nanunuod ng TV.

"Hi Mom"humalik ako sa kanyang pisngi.

"Ohh anak---

"Good evening Tita Lea"bati nito kay Mama. Napansin kong nawalan ng sigla si Mama.

Anyare?kanina lang ay siya yung sobrang hyper?!! Nakapagtataka. Pinili ko na lang manahimik at ireserba ang mga tanong ko mamaya.

Nakaalis na si Patrick nang bigla akong niyakap ni Mama.

Nakapagtataka ang ikinikilos niya?

"Okay ka lang Mom?" sinipat ko ang kanyang noo, okay naman siya.

"Umupo muna tayo"yaya nito sa akin. Nanatiling nakahawak ito sa aking kamay.

Ang weird ng ikinikilos ni Mama. Nalilito akong sumunod sa kanya.

"Bakit di mo sinabi?"agad na tanong ni Mama sa akin, tunog nag-aalala ito.

"Ang alin po?" nagtataka kong tanong.

"Di naman ako magagalit anak" hinaplos niya ang aking magkabilang kamay.

"Magagalit saan Mom?"nalilito na talaga ako sa mga sinasabi niya.

"Buntis ka pala anak?"sagot ni Mama na muntik ko ng ikahulog sa kinauupuan ko.

"Po?!!Sinong may sabi sa inyo?"nakaramdam ako ng pagkairita.

Me pregnant?!!!Wala ngang jowa, buntis agad?!!!

"Yung boyfriend mo, tanggap ko naman Anna baby pero sana sinabi mo na agad." pilit na mga ngiti ang rumehistro sa kanyang mukha.

"Ma naman, Wala ngang jowa buntis agad??pwede hanapan niyo po muna ako ng jowa bago apo Ma???"natatawa kong sabi kay Mama.

Ang galing mag prank ni Mama!!!The Best talaga!!!parang totoo!!! Sakyan ko na lang kaya?

"Wag ka ng magkaila anak, yung boyfriend mo mismo ang nagsabi sa akin"puno ng pag-aalala ang mukha ni Mama ng mga oras na iyon.

"Kilala niyo na po pala siya???"umakto akong gulat.

"Tama nga ang hinala ko kaya wala ka pang ipinapakilala sa akin yun ay dahil..."suminghot pa si Mama na tila naiiyak.

"Pasensiya na Mom, patawarin niyo po ako at di ko agad nasabi"sagot ko habang nagpipigil ng tawa. Naluluha tuloy ako. Ang galing umarte ni Mama. Ibang level!!!

Tumahimik si Mama at mukhang nag-iisip. Wow ha, pang Grammy na ang aktingan ni Mama...Bilib na ako sa kanya. Grabe siya mag prank mukha talagang totoo.

Pigil ang mga luha ko dahil sa tawang di ko mailabas.

"Andyan ka na pala hijo, andito na si Anna"sabi ni Mama na parang may kausap na ibang tao.

Hijo???

Lumingon ako at tuluyan na nga akong nahulog sa kinauupuan ko.

"Aba't ang batang ito, mag-ingat ka nga at baka mapano ang baby mo" nakatitig na lang ako kay Mama tapos sa nilalang na lumapit sa akin.

"Careful wife..."binuhat niya ako at marahang inilapag sa sofa.

"Anong nangyayari dito?!!"pabulong ko sa kanya. Nagpanggap itong walang narinig at umupo sa aking tabi.

"Sinabi na lahat sa akin ni Alexander, ipinagdadalang-tao mo daw ang anak niya"kalmadong sabi ni Mama.

"Po? Nagdadalang-tao?Ako?!"bigla akong nag panic.

'Baka nagdadalang-tae kamo' sagot ko sa isip.

"Pfft. Ahemm"tila nagpipigil ng tawa ang nilalang sa tabi ko. Pinandilatan naman ako ni Mama nang paluin ko sa braso si Alexander.

Tumahimik na ako. So she's not acting...

Patay!!! Lagot kang bata ka!!!

Hindi ba nakikita ni Mama ang nasa harapan niya ngayon???Hindi siya tao!!!

Biglang nagsalita ang nilalang. Ano naman kayang kasinungalingan ang sasabihin ng kumag nato?

"I love your daughter Ma'am, and I'm ready to take responsibility for whatever happened between us"seryosong pahayag ng engkanto.

"Us? Walang us noh?"iritableng sabi ko sa nilalang.

"Silence"saway ni Mama sa akin.

Ipinagpatuloy ng nilalang ang naudlot nitong speech.

No one is listening to me.

Tumango si Mama bilang pagsang-ayon sa sinabi ng nilalang.

I'm so dead.

Hindi na ako nakatiis ay sumabat na ako sa usapan nila.

"Mom, can't you see him?"tumayo ako at itinuro ang nilalang na mukhang walang pakialam sa nararamdaman ko.

"You're being rude Anna, now sit down or else..."nagbabantang tingin ang ipinukol ni Mama sa akin.

Natameme ako bigla.

Oppss...Mali ata ang tanong ko, of course nakikita niya ang nilalang na yan!!!

Should be, nakikita mo ba ang tunay niyang anyo? that's the right question.

Stupid Cassandra.

Sinulyapan ko ang nilalang. Nakatingin ito sa akin at parang umangat ang gilid ng labi nito.

That smirk again. He's annoying me!!!

Anong ginawa nito kay Mama at napaniwala niya agad? knowing my Mom, she wouldn't fell for that.

Duhh...may kasalanan ka rin Cassandra!(sabad ng pakialamera kong konsensiya).

"So it's decided, ikakasal kayo next month"tumayo si Mama at iniwan kaming dalawa.

Ilang sandali akong hindi makapagsalita.

I'm speechless. I'll be doomed if matutuloy ang kasalan.

Tulala pa rin ako. I'm still processing what happened.

"Anong ginawa mo kay Mama ha?"sa wakas ay naitanong ko sa nilalang na ngayon ay nakadekwatro nang upo.

The nerve!!!

"I already told you, I can do everything...I can make you beg,..beg for my love or beg for your life? You choose. And I thank your stupidity, that made everything easier"malamig nitong sagot.

Nanlaki ang mata ko sa tinuran ng bwisit na nilalang na 'to.

"You're a demon, I thought your different from how you look. Ang sama mo...isa ka rin palang demonyo"gigil kong sabi. Tumayo na ako at umalis patungong kwarto.

I thought he's gone...what did I do to deserve this???

I locked down my door.

He's right. Because of my stupid mouth, everything goes as he planned.