Tatlong mahihinang katok ang pumukaw sa akin. Nakatulugan ko na pala ang pag-iisip sa kung ano ang pwede kong gawin para hindi matuloy ang kasal.
Bumangon ako para tingnan ang sarili sa salamin. Umiiyak pa rin ako. Di ko na namamalayan ang pagpatak ng mga luha ko. Nakaramdam ako ng awa sa sarili.
"I don't deserve this"bulong ko sa sarili.
"Umiiyak ka ba?"tinig mula sa likuran ko. Kahit na di ko tingnan, alam na alam ko kung sino ito.
"Pakialam mo ba at saka alam mo naman ang sagot ba't nagtatanong ka pa?"sagot ko nang hindi siya nililingon.
Bahagya akong sumulyap sa pinto, nakalock pa rin ito, how did he manage to enter my room?
Naalala ko bigla na hindi siya tao. Pinunasan ko ang luha ko at humiga. Tinakpan ko ng unan ang aking mukha. Ayoko siyang makita, kahit boses niya ay ayokong marinig...
"Just accept it Wife"malamig nitong sabi. Nanunuot ang malamig nitong boses sa aking kabuuan.
Akala ba niya ganon lang kasimple lahat? Wala siyang puso!!! Pinaglalaruan niya ang buhay ng ibang tao.
"Umalis ka na lang, ayaw kitang makausap"mahina kong sabi. Namumugto na ang mata ko dahil sa kabaliwan ng engkantong 'to!
"Fine, call me if you need me"kalmadong sagot ng nilalang.
"I don't need you"malamig kong sagot sa kanya. Sandali akong nanahimik at pinakinggan kong andito pa siya. Inalis ko ang nakatakip na unan at wala na nga ito. Bumangon ako at tinungo ang banyo. Kailangan kong maghilamos para makapag-isip ako ng maayos.
After kong maghilamos ay mataman kong tinitigan ang sarili kong repleksyon.
I won't let him! I will make him regret his decision for messing up with me!!!
I only need to pretend that everything is going as he planned.
Kunwari ay papayag ako sa gusto nilang kasal but the truth is I need to do things that will make that creature hate me, then he'll go away. He will surely leave me before the wedding day. Si Mama naman ay kailangan ko lang ipakita sa kanya na nagsisinungaling lang ang nilalang na yon.
Tama!!! You're so brilliant Cassandra!!!
But...ganon lang ba yun kasimple???
Whatever! Basta kailangan ay makawala ako sa sitwasyon ko ngayon...
Kinabukasan ay maaga akong bumangon at nagluto ng agahan. Pancake, pritong itlog, hotdog at nag fried rice na lang din ako. Nagtimpla ako ng kape, ginawa ko ng tatlo para sa nilalang ang isa. Dito na siya pinatulog ni Mama dahil masyado na raw late para bumiyahe pa ang nilalang. Matapos kong ihanda ang almusal ay agad kong pinuntahan sa kwarto si Mama.
Mahimbing itong natutulog. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at naupo sa kanyang tabi.
"Mom...gising na po"malambing kong sabi at yumakap sa kanya. Nagmulat ito ng mata at tinitigan lang ako.
"Gising na po Mom"
"Anna baby??hmmm...Ang sarap ng tulog ko"nagstreching ito at bumangon na mula sa pagkakahiga. Hinalikan ko siya sa pisngi at tumayo.
"Hintayin ko na lang po kayo sa labas"paalam ko sa kanya at naglakad na palabas.
"Si Xander?"tanong ni Mama. Huminto ako sa paglalakad at nilingon si Mama. Did she call that creature "Xander"? so may nickname na siya kay Mama. Hindi ito maganda...
"Gigisingin ko pa lang Mom"sa huli ay naisagot ko sa kanya.
Tumango ito at tinungo ang banyo.
Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan. Paglabas ko ay agad akong napatingin sa pinto ng kwarto ni Alexander.
Lumapit ako at kumatok ng tatlong beses.
"Bumaba ka na at kakain na tayo ng almusal"tumahimik ako at nakinig sa loob ng kwarto.
Tulog mantika ata ang isang to. Kumatok ako ulit this time medyo nilakasan ko na.
"Alexander... lumabas ka na dyan kakain na tayo...kung ayaw mong kumain mas maganda" ilang sandali ay nakarinig ako ng mahihinang hakbang palapit sa pinto. Bumukas ang pinto. Mabilis akong tumalikod at akmang aalis na nang hinila niya ako pabalik. Sa aking pagkabigla ay di ko napansing nakahawak na pala ako sa malapad nitong dibdib. Napigil ko ang aking hininga habang nakatitig sa kanyang mukha. Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Pero yung pagbilis ng heart beat ko ay hindi dahil I feel something "romantic" towards this creature, it's the other thing. Tibok yun ng sobrang galit.
This black creature showing only his emerald eyes are making me feel nervous for God knows what reason.
"Just wait inside"anas niya at tuluyan niya akong hinila papasok ng kwarto.
"No--no I'll just wait for you outside"tutol ko pero huli na dahil agad niyang isinara ang pintuan. Nagpapanic ako baka ano namang gawin ng nilalang na ito sa akin. No. I must stand with my head held high.
Lub.dub.Lub.dub.
Mukhang nagpapalpitate na naman ako. Oh my gosh!!! Mukhang mahahigh blood ako pag nagpatuloy ito.
"Stop overthinking Wife"kalmadong pahayag niya.
"Huh?O-overthinking?!!Sino?"pagkakaila ko. Damn this nerve!!!
"Just wait for me, I'll be quick" tumalikod na ito.
Lihim akong sumusulyap sa lokong nilalang na 'to. Ang dami na niyang atraso sa akin tapos ngayon pinapabilis na naman niya ang heart beat ko. Pacheck up na talaga ako sa doktor.
"Kailangan ba talaga, hintayin pa kita?"naiirita kong tanong. Nagsusuot na ito ng damit.
"Yes of course, baka gusto mong magalit ang Mama mo sayo dahil hindi ka mabait sa mapapangasawa mo"tapos na itong magbihis at lumapit na sa akin.
"Ginagamit mo pa talaga ang nanay ko laban sa akin. Tsk.Tsk.Tsk. I thought you're different, but I'm wrong... You're a total jerk" lumapit na ako sa pinto pero pinigilan niya ako. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
"What now?" mataray kong tanong sa kanya. Tahimik lang itong nakatitig sa akin. Naiinis na inalis ko ang nakahawak niyang kamay sa palapulsuhan ko.
"Let go of me" inis kong sabi sa kanya.
"Ngayon alam ko na, kung may masama sa ating dalawa ikaw yun, wife"malamig nitong sagot. I rolled my eyes at humakbang palapit sa kanya.
"Huh? Really? Who messed up with someone's life first? Was it me? Ikaw yun Alexander... So don't you ever touch me again, di pa tayo kasal and it will never happen...and lastly don't you ever call me "Wife", wala akong asawang engkanto and I will never love someone like you." Sa wakas nakahinga ako ng maluwang dahil nasabi ko na ang gusto kong sabihin.
I chose the right words to make him realize that he's nothing to me and that he's a total jerk. To my surprise, he grabbed me by wrist and pushed me against the wall. My eyes went bigger when I saw his green eyes turning red. I can feel his anger. He looked at me and suddenly locked his lips against mine.
"No!!"I said in between our kisses.
Wrong move because he immediately slipped his tounge into my mouth making me moan.
I can feel his hurt feelings while we kissed. He groaned. He's hurting me. I pushed him but he continued on what he is doing.
I feel defeated then I started crying. He suddenly stopped from kissing me then moved back away.
"Don't ever say that again" hinawakan nito ang aking mukha at pinunasan ang aking luha.
Psychotic!!!
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa kanyang mukha.
"Kung ayaw mong kumain, eh di wag kang bumaba pero hinihintay ka ni Mama"sabi ko sa kanya at umalis na sa kanyang kwarto. Hinamig ko muna ang aking sarili bago nagpakita kay Mama. Bumaba na ako at nadatnan ko si Mama na nakaupo na at kami na lang ang hinihintay.
"Oh nasaan si Xander?"pagtataka nito.
"Susunod na lang daw"naupo ako at pilit na hinahamig ang aking sarili.
That creature!!! Damn you!!!
(Alexander's POV)
That creature!!!
Naririnig ko ang kanyang iniisip.
I made her hate me even more...
I let a deep breath out of my chest.
"Ahhh" napaungol ako nang biglang sumakit ang aking dibdib.
Para itong pinipiga sa sobrang sakit. Napaluhod ako at napahawak sa masakit na parte ng aking dibdib.
I am alive within this dead body...
I have a heart, a dying heart...
Mahinang mahina na ang tibok nito...
She's the only reason why I'm trying so hard to live within this dead body of mine.
I cannot be with anyone, anyone but her...
I gave my heart to Cassandra...
I only belong to her...if she won't accept me, then I'll vanished forever...
Pinilit kong tumayo. Inayos ko ang aking damit bago lumabas ng kwarto at baka naiinip na sila sa paghihintay sa akin. I composed myself.
Pagbaba ko ay nadatnan ko ang mag-ina na nag-uusap.
Binati ko ang nanay ni Cassandra. Sinulyapan ko si Cassandra, hindi niya ako pinapansin. Tahimik lang ito hanggang sa matapos na kaming kumain.
Masayahin ang nanay ni Cassandra, katulad ni Cassandra. Kung hindi lang siya bad mood tiyak na masaya itong nakikipagkwentuhan.
After naming kumain ay nagpresenta akong tumulong sa pagliligpit.
Kasalukuyan kaming naglilinis ng pinagkainan, naiwan kaming dalawa ni Cassandra sa kusina.
'Akala siguro ng kumag na ito bati na kami!!!'
Narinig kong nasa isip niya. Napailing na lang ako. Tumingin siya sa akin at tinitigan ako ng masama.
"Anong iniiling mo dyan?Binabasa mo na naman ba ang nasa isip ko?"mataray niyang tanong.
"Hindi naman. Naisip ko lang, sa tanang buhay ko ngayon ko lang naranasang kumain ng may kasama at heto naghuhugas pa ng plato" natatawa kong sagot.
"Bakit saan ka ba nakatira?"
"Sobrang malayo dito...pag nakasal na tayo dadalhin kita doon at ipapasyal sa lugar namin"hinintay ko ang magiging reaksyon niya. Nagkibit balikat lang ito at tahimik na ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
'Pakasalan mong mukha mo!!!'
Napakamaldita naman ng babaeng to. Pag naging kami ba, kakayanin ko kaya ang ugali niya?
Dapat lang na kaya...
Napailing na lang ako sa aking naisip.