Quarter to nine na nang makarating ako sa bahay. Iniwan ko ang kotse sa pinakamalapit na car repair shop. Ayokong malaman ni Kris ang nangyari dahil panigurado mag-aalala lang ito. Marahan kong binuksan ang pinto at palinga linga sa loob. Nakapatay na ang ilaw sa sala. Mukhang tulog na ito. Nakahinga ako ng maluwag nang masigurong tulog na ito.
I feel so tired...
Umakyat na ako sa kwarto.
Hinubad ko ang mga suot kong damit at nagpalit ng maluwag na t-shirt at pajama. Gumamit ako ng facial cleanser para matanggal ang make up at nahiga.
Nakakapagod ang araw na ito. I need a rest.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa boses ni Kris. Itinali ko ang buhok ko ng pa bun at papungas-pungas pa ako ng mata nang madatnan ko si Kris na nagmamadali. Mukhang may lakad ito.
"Hi Bestie, hindi na kita nagising kasi mukhang ang sarap ng tulog mo"
Napakamot na lang ako sa ulo. I feel so sleepy. I yawned.
"Saan ang punta mo ngayon?"tanong ko sa kanya habang pinupunas ko ang nangingilid kong luha sa mata.
"Pinapatawag ako sa opisina ng boss ko may kailangan lang tapusin, ikaw na munang bahala dito okay?"lumabas ito pero agad ding bumalik.
Napansin na niya...
"Nasaan ang kotse mo?" nagtatakang tanong niya.
"Iniwan ko sa car repair shop, naflat eh" pagdadahilan ko.
"Ahhh kaya pala medyo natagalan ka kagabi, hinintay kita pero di ko na kinaya. Knockout ang ate"nakangiti nitong sabi.
"Pasensiya na hindi na ako nakatawag" naupo ako sa sofa at nag stretching.
"Oh siya aalis na ako. Ikaw nang bahala dito"niyakap niya ako at umalis na.
Nakaalis na si Kris ay nakatunganga pa rin ako. Mukha siguro akong zombie ngayon dahil sa dark circles ko.
(Yawning...)
"I need more sleep"bumalik ako sa kwarto at natulog ulit.
(Devans's POV)
I woke up at six in the morning.
"God, my head hurts" I get my butt out of the bed and went to kitchen. I need coffee.
I went to the living room and turned on the TV.
I took a sip and stopped when a news caught my attention.
"An eclipse is expected to happen on August 21"says reporter.
"That will be two weeks from now" I gritted my teeth.
"I need to get things done before it happens"I opened my phone and look at the photo of a girl with a beautiful smile. She's playing around with butterflies and flowers around her. She's beautiful as ever.
"This time I will make sure you'll be with me before he reaches you out. Before...he finds you" I closed my eyes and took a deep breath.
(Back to Anna's POV)
"Huwattt???alas dose na?!!!" tunog ng gutom kong tiyan ang sumagot.
Umalis na ako sa higaan at bumaba patungong kusina. Madaliang pagkain ang inihanda ko. Nag toast ako ng tinapay at nag fry na lang din ng itlog at hotdog. Nagtimpla ako ng kape. Kulang ang meal ko pag walang kape.
Kumain ako sa sala habang nanonood ng noontime show.
Pagkatapos kong kumain ay nagligpit na ako.
Umakyat ako sa kwarto at tumawag kay Mama.
Uuwi na ito next week. Masaya siya at natapos na daw nito ang artwork niya. Tungkol daw ang artwork niya sa taong minsan ng kinain ng kadiliman pero nahanap din ang daan pabalik at ngayon ay mas malakas at matapang na siyang harapin ang anumang pagsubok na darating sa kanya. Gusto ko ang ideya ng artwork ni Mama.
I miss her so much...
After naming mag-usap ay napagpasyahan kong tumawag kay Kirsty. I need to check my schedule. Mabuti na lang at walang appointment for this day, just paper works that needs my approval. I need to sleep more. Simula nang napagplanuhan ang fashion show ng mga bata ay lagi na akong puyat. Kailangan kong bumawi or else bibigay na ang eyeballs ko. I set my alarm. I need to wake up by four o'clock.
Ipinikit ko na ang aking mata nang maalala ko ang nangyari kagabi.
So everything about that shadow is real...
I'm not hallucinating. Akala ko nababaliw na ako, and he keeps on calling me "Wife" but why?
Kamukha ko siguro yung asawa niya. Pero hindi naman siguro ako mukhang usok noh or engkanto...
Ang ganda naman ata ng asawa niya kung nagkaganoon.
But what if akala niya talaga ako yung wifey niya? What will happen next? Meron na ba silang anak?
Nevermind. As if I care.
Ano nga ang pangalan niya?
Xander?
Nope.
Salamander?
Nope.
o di kaya Thunder?
Aishhh...ewan ko...
Nakatulugan ko na ang pag-iisip sa pangalan ng nilalang na nagligtas sa akin.
"Careful wife..."
Napabalikwas ako ng bangon. Tunog ng alarm ko ang gumising sa akin at...ang boses ng nilalang na yon.
Natatakot ako. Paano kung may gumagamit ng black magic sa akin?tapos yung mga nakikita ko ay hindi na pala totoo?paano kong isa pala akong sugo na nagmula sa langit at pinababa para labanan ang kasamaan???
Sandali akong natulala. Pinaprocess pa ng utak ko ang mga iniisip ko. Binatukan ko ang sarili ko. Nandito na naman ako sa wild imagination ko.
"Wake up Cassandra. Ouch!!!" hipo ko sa parte ng ulo kong masakit.
Masakit pala ako mambatok. That pervert!!! Lagi ko na siyang naiisip since that night!
Minabuti kong ipagpatuloy ang pag-iisip sa banyo. I need cold shower.
Nagsimula na akong maghubad.
That creature!!! Ever since nagpakita siya ang gulo na ng buhay ko.
I wish everything is just a dream...
Ayoko sa ideyang may asawa na...at...at...sa isa pang engkanto. Maybe I need to see some mangtatawas, I need protection from bad spirits.
Malapit na akong matapos nang makarinig ako ng boses. Pinatay ko ang shower at pinakinggan ang aking paligid.
"Kris?"tawag ko sa posibleng pinanggalingan ng ingay. Tahimik ang paligid. Naiiling na ibinalik ko ang atensiyon sa paliligo.
Guni-guni ko lang siguro...
Nagpatuloy ako sa pagsabon ng aking katawan nang muli ko na namang narinig ang ingay sa labas. This time pinatay ko na ang shower at nagtapis ng towel. Sinilip ko ang labas ng banyo.
0o0
Ganyan ang ekspresyon ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong nakaupo sa kama ang itim na nilalang. Bahagya pa itong nagulat at mabilis na ibinaling ang mukha sa kabila. Tiningnan ko ang sarili, aba't ang iksi pala ng towel. Dala ng pagkataranta ay nahila ko ang shower curtain at nadulas sa basang sahig ng banyo. Para akong lumpia roll dahil sa shower curtain na nakabalot sa akin ngayon. Nanatiling nakabaling ang kanyang mukha sa ibang direksiyon. Pinilit kong tumayo pero ang hirap sa sitwasyon ko ngayon.
Nakakahiya...Sarap mo batukan self!!!
"Ca-care to help me?" ang tangi ko na lang nasabi. Hindi siya sumagot pero tumayo ito at lumapit sa akin.
Yumuko ito at parang tinitigan niya ako. Napalunok ako. Baka kung anong gawin sa akin ng engkantong ito.
"Heavenly father--"nagsimula akong magdasal ng di ko namamalayan.
"That won't help you in this situation"komento ng nilalang sa ginawa kong pagdarasal. Binilisan kong matapos ang pagdarasal bago sumagot sa kanya.
"Then, tutulungan mo ba ako o magtititigan na lang tayo buong maghapon?"pagtataray ko sa kanya.
Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha sabay sabing, "I can watch you like this all day" na parang may iniisip na naman siyang masama sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa tinuran ng engkantong 'to. Napakabastos niya talaga!
"Tu-tulungan mo na lang ako, pwede?"nauutal kong pahayag.
"Okay, as your husband I'll help you"sagot niya na ikinatigil ko. Tinitigan ko ang kanyang mukha na walang ibang ipinapakita kundi parang itim na usok. Then suddenly, I saw a beautiful pair of green eyes looking at me.
Lub.dub.Lub.dub.
Bigla kong iniiwas ang aking tingin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Narinig kong napabuntong hininga ito at saka dahan-dahan akong iniangat mula sa sahig. Napakagat labi na lang ako sa sobrang hiya.
Marahan niya akong inilapag sa kama, di siya umalis at nakatitig lang sa aking mga mata. Nakatitig din ako sa kanya.
Ang ganda ng mata niya...Ngayon ko lang nakita sa malapitan at...
Did he just smirked?
"Hoy, wag kang feeling anoh? It's not what you think!"defensive kong sabi nang maalala ko na nababasa pala niya ang nasa isip ko.
"Fine, whatever you say"puno ng sarcasm na sabi niya. Umalis siya at lumabas ng kwarto.
Fudgeeeee!!! I feel sooo embarrassed right now...Feeling din ang engkanto nato!!!
So narinig niya talaga?!!!! Nakakahiya ka Cassandra!!!!
"Don't ever try to peek or else I'll pluck your eyes out" pagbabanta ko sa kanya. Wala akong narinig na komento mula sa labas.
Mabilis akong nagbihis ng maluwag na t-shirt at pajama bago lumabas ng kwarto. Hinanap ko siya. Andito pa ba siya??? May narinig akong ingay na nagmumula sa kusina. Pagdating ko sa kusina ay nadatnan ko siyang nangingialam sa loob ng fridge.
The nerve!!! Ang kapal din ng engkantong to!
Hindi na ako kumibo at lumapit na lang ako at nagsimulang maghanda ng hapunan. Ginawa ko ng pangtatluhan. Habang abala ako sa pagluluto ay palihim kong tinitingnan ang nilalang.
Di kaya naka mascot lang ang isang ito? O baka naman kulang lang ng ligo o baka nakadisguise lang? Sa pagkakaalala ko, wala siyang mukha. Tapos kanina lang I saw his eyes...
"What are you thinking now Wife?"kalmadong tanong niya.
Naku po!mukhang nabasa na naman niya yung iniisip ko. Bakit ba palagi ko na lang nakakalimutan na may power ang nilalang na ito, that he can read my thoughts?
But I see this as a chance to clarify things...
Tumikhim ako bago nagsalita.
"Why do you keep on calling me your wife?I mean, Do I look like someone you know??? I don't remember getting myself married into someone...like you"nakatuon ang atensiyon ko sa kanya. Gusto kong malaman ang totoo.
"Because Love... you're my wife"sagot niya na parang naghatid sa akin ng "konting" kiliti. Napakasweet ng pagkakasabi niya. Okay sana kung nanggaling sa tao yung katagang binitawan ng engkantong to at baka hinimatay na ako sa sobrang kilig.
"But you chose to forget me Cassandra"may bahid ng panunumbat ang kanyang tinig.
Natameme akong bigla. This is the first time he called me "Cassandra."
Ramdam ko ang galit sa kanyang boses. Totoo bang sinasabi niya? Maybe he has mistaken me as his wife?!!!
"Nevermind. I'm going crazy if I continue to believe in your existence"tumalikod ako. Hindi ko namalayang mabilis itong nakalapit sa akin at isinandal ako sa pader.
"Ughh, you jerk! What do you think you're doing?"nakaramdam ako ng pananakit ng likuran dahil sa ginawa niya.
"Feel my pain Wife" kinuha nito ang isa kong kamay at inilagay sa kanyang dibdib.
Malamig ito at tila walang tumitibok. Itinulak ko siya pero tila isa siyang pader na hindi man lang natinag. I saw his eyes... his cold and emotionless eyes.
"If you don't accept me, then fine. Let's do it the other way... I'll make you beg for my love...or make you feel my pain or even worse" anas nito at parang bulang biglang naglaho.
Naiwan akong nakatingin sa kawalan. I coughed.
"That jerk!!! Akala mo kung sino"hinawakan ko ang dibdib ko.
Bastos ka talaga... Ang sama mo...
Nakatulala lang ako hanggang sa naamoy ko ang nasusunog kong niluluto. Patakbo kong pinatay ang kalan.
Tulala pa rin ako sa nangyari. Bakit sa daming tao dito sa mundo ay ako pa ang naging kamukha ng asawa ni...ni...Nakalimutan ko na!
Naupo ako at tinitigan ang sunog na sinangag na kanin.
I'll make sure that.. Whatever he said just now, will never happen.