"Dito ka ba kakain ng lunch?"tanong ni Kris sa akin. Naghahanda na ako papuntang school dahil ngayon ang fashion show ng mga estudyante. I'm wearing a white top paired with maroon slacks with matching coat na color maroon. I smiled nang makita kong everything is in place. Pinaresan ko ang outfit ko ng black high heels. Light make up lang at linugay ko ang wavy-brown hair ko. Humarap ako kay Kris na nakangiti habang inililibot ang paningin sa aking kabuuan. She mouthed "Perfect". The best talaga ang bestie support na binibigay ni Kris!!!
"Baka doon na lang ako kakain Kris medyo gagabihin din kasi ako ng uwi, don't wait for me"tumayo na ako. I grabbed my purse and took out my sunglasses. Hinatid ako ni Kris sa labas.
"Take care, I'll be back at seven"paalam ko sa kanya.
"Okay Bestie, ingat ka rin sa biyahe. Call me if anything happens, okay?"bilin nito at nagwave sa akin.
"Okay po Aleng Kris"natatawang sagot ko.
Nagpout ito pero ngumiti rin.
I'm so blessed with people around me. I thank God for all these amazing people who care and love me unconditionally.
"Bye Aleng Anna"ganti nito at binelatan pa ako. Ngiti lang ang itinugon ko. I started the engine and left.
"Hi Ms. Anna, I'm Katarina marketing manager from Girltrends Fashion Company. It's a pleasure to meet you. I'm a big fan of your work"pagpapakila ng isang babae na mukhang ismarte at elegante ang dating. Tinanggap ko ang kanyang pakikipagkamay at nginitian siya ng matamis. Isa siya sa mga napiling guest. Malapit ng makompleto ang listahan ng mga guests. Piling mga personalidad lamang ang inimbitahan. Ang iba ay malapit kong kakompetensiya. Naniniwala ako sa kasabihang "If you cannot kill your enemy then try befriending them. Kung walang kakompetensiya then walang motivation para maging better."
Masama na ba kong pakinggan? Anyway Business is business. Walang personalan.
"Hi Ms. Katarina, pleasure is mine. I heard about you and your company and I believe that your work is amazing"sagot ko naman sa papuri niya. Ang company nila ang isa sa masasabi kong malapit na kakompetensiya ng clothing business ko.
Malapit ng mag-umpisa ang show. I checked my watch. It's 5:30 already. The show will start at exactly 6:00.
Iginala ko ang aking paningin. Isang tao na lang ang kulang.
Minabuti kong umupo na sa aking pwesto then I called my secretary.
"Are the students ready?"
"Yes Ms. Anna, they have already gathered at the back stage. Don't worry Ms. Anna, everything is ready"puno ng assurance na sagot ni Kirsty.
"Good. Better not disappoint me. Thank you Ms. Cierra"ibinalik ko ang tingin sa runway stage. Everything's ready.
Nag-iiba ako sa tuwing business o trabaho na ang pinag-uusapan. I'm kind of strict and meticulous about the details. I want to make sure that everything is going as planned.
"Good evening Ms. Montague"tinig ng isang lalaki. Napalingon ako at bahagya akong napasinghap. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Siya na lang ang hinihintay ko sa guests list.
"Good evening Mr. Devans, everyone is waiting for you" nakangiting sagot ko sa kanya.
"I apologize for that, I assume this chair is for me" tukoy nito sa upuan sa bandang kaliwa ko. Tumango ako. Umupo na ito at casual na nakipagkwentuhan sa katabing babae, si Katarina. Bigla akong nakaramdam ng pagkairita sa dalawa.
Ibinaling ko na lang ang atensiyon ko sa iba pang guests. Five minutes na lang at mag-uumpisa na ang show.
"Good evening ladies and gentlemen" pasimulang bati ng emcee.
"May I present to you..."
Nakafocus na ang lahat nang magsimula ng magsalita ang Emcee.
Mayamaya pa ay isa isang nagsilabasan ang mga modelo, suot ang sariling gawa ng mga top students sa bawat klase. Ang iba ay gawa sa tinalak, abaca, pinya at iba pa na ipinagmamalaki ng bawat probinsiyang kanilang pinanggalingan. Ang mga assessor or judge ay matamang pinag-aaralan ang detalye ng disenyo at kalidad ng bawat kasuotang ipinapakita.
"Congratulations! Miss Ana, it was a great show. The students are all talented and I believe they will have a promising career ahead of them" pagkocongratulate ni Mr. Vane, ang nagmamay-ari ng isang sikat na network dito sa Pilipinas.
"Thank you Mr. Vane, I'm glad you enjoyed our little show"
"That was no little show back there Miss Anna, that was a blast! If you don't mind, I would like to invite you in an interview, this has been successful and a lot of your fans would love to hear from you"paanyaya nito.
"That would be great Mr. Vane and I would love to but let me check my schedule first" nginitian ko siya ng matamis. As if, I know ratings lang naman ang habol niya but on the other side, mabuting gawing marketing platform ang kanyang istasyon since marami din namang tumatangkilik dito.
"Ohh of course just let me know"
"Thank you for coming. I hope you didn't regret your time spent here"nagkamayan kami.
"Of course not. I'm looking forward to seeing you"sagot nito at umalis.
Nasa parking lot na ako. Umuwi na ang mga guests at iilang staff na lang ang naiwan. Medyo natagalan ako ng uwi dahil nanatili muna ako sa office at tinapos ang konting paperworks na kailangan kong ireview for approval.
"Thank you po Lord God at naging successful ang event. Amen" I started the engine and made my way out of the school.
"Anong oras na ba?" I checked my watch. It's seven forty-five. I feel happy so I played Ava Max's playlist.
(Now playing: Sweet but Psycho)
Napapasayaw ako sa beat ng kanta. I just love Ava. Who wouldn't love this artist? Every song of her makes you feel sing and dance.
"Oh she's sweet but a psycho,
A little bit psycho at night she's screaming I'm mamaout of my mind ohh she's..." sandali akong natigilan nang sa di kalayuan ay may naaninag akong tao. Mukha itong lasing dahil sa pagewang gewang nitong lakad. Bumusina ako para umalis ito sa gitna ng kalsada pero sa halip na umalis ay umupo ito at nakatingin lang sa direksyon ng kotse. Sandali kong inihinto ang kotse at tinitigan lang ang lalaki.
Delikado kung bababa pa ako. What if...
Peep!!Peep!!!
"Excuse me ho pero maaari bang tumabi kayo at baka masagasaan pa kayo ng ibang sasakyan"sigaw ko sa lalaki.
Sa halip na makinig ay tumawa ito at pasimpleng itinaas ang kamay, ilang sandali pa ay may lumabas na apat na lalaki mula sa madilim na parte ng kalsada.
"What the?!!"napamura na lang ako nang mahulaan ko ang modus ng mga lalaki.
"Lumabas ka dyan Miss at mag-usap tayo" sabi nung isa na mukhang nagji-gym dahil sa well-built nitong katawan. Halos lahat sila ay may matitipunong pangangatawan. Naalarma ako. Mabilis kong inilock ang bintana ng sasakyan at nag seatbelt. Nagsimula silang humakbang palapit sa aking kotse.
"I'm going home now, and you're in my way"pinatakbo ko ang sasakyan diretso sa kanila.
"Hoy...sasagasaan niya tayo!!!Tabi"sigaw nung nagpapanggap na lasing. Nalampasan ko sila, napangiti na lang ako. Tiningnan ko ang rear-view mirror at nagulat ako sa nakita. Nakamotor na ang mga ito at kasalukuyang nakasunod sa akin.
Look how annoyingly persistent these bastards are!!!
"Fudge!!!What the hell do they want from me?!!!"
Obviously it's money Cassandra!!!sagot ng isip ko.
Mas binilisan ko pa ang takbo ng kotse ko pero nakasunod pa rin ang mga ito. Humahalakhak pa ang mga lalaki na parang nademonyo.
Demonyo talaga sila Cassandra...(sagot na naman ng utak ko).
May nadaanan kaming mga tao pero tila wala silang pakialam o sadyang hindi lang nila alam na hinahabol ako ng mga nakasunod sa akin. Susubukan kong silang iligaw! Nagpaliko-liko ako hanggang sa umabot ako sa isang pader.
Dead end!!!
Napamura na lang ako. Tumingin ako sa aking likuran. Damn these stupid shits!!!
Ang saya-saya ko kanina pero anong nangyayari ngayon? Two sides of coin, ika nga!
Di ko namalayang nakalapit na pala ang isa sa kanila at parang asong tila naglalaway habang nakatingin sa kotse.
"Lumabas ka na dyan Miss...wag mo ng pahirapan ang iyong sarili. Pinagod mo pa kami" ang sabi nung mahaba ang balbas na sa tingin ko ay nasa mid thirties na niya.
Lumapit ang isa pang lalaki at,..
"Bwisit kang babae ka!!!Pinagod mo pa kami!!"kinuha nito ang garbage can at ibinagsak sa salamin ng sasakyan. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Napatingin ako sa basag na salamin ng kotse at sa lalaking gumawa nun. Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. I will make them taste their own medicine.
"Ano bang ginawa mo?Sinira mo na yung kotse?!!"galit na binatukan nung isang lalaki yung kasama niyang nambasag ng salamin.
"Pa-pasensiya na...nadala lang ako ng emosyon ko"sagot naman nung nambasag sa salamin.
Kinapa ko ang aking bulsa para humingi ng tulong pero sa malas ay nahulog yung cellphone ko.
"Fudge!!!"lihim kong pinag-aralan ang mga lalaki.
"Lumabas ka na diyan Miss"sabi nung isa sa kanila. Napailing na lang ako. I have no other choice. Kinuha ko ang Double Tap(a hand carry gun) na nasa purse ko. Lagi ko itong dala simula nang unang beses akong naholdap. Itinago ko ito sa aking tagiliran. Tumikhim muna ako bago nagpasyang lumabas ng kotse. I know this is too risky!
Nagkislapan naman ang kanilang mga mata. Napalitan ng pagnanasa ang mukha nung isa na nambato sa salamin ng kotse.
I smirked. What a bunch of bullshits!!!
"Wowww...kidnapin na lang kaya natin pre, mukhang milyones ehhh" sabi nung isa.
Tinulak niya ako. Napasandal ako sa pader.
"Please stop"umakto akong nanginginig sa takot. Tiningnan ko ang tumulak sa akin with my teary eyes.
"Hoy pre, bakit mo tinulak?!!"alma nung isa. Mukhang nadala ito ng acting ko.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. Mabilis ko namang hinawakan ang kanyang balikat at tinisod. Nanlaki ang mata nung apat nang makitang nakadapa na ang isa sa kanila. Inapakan ko yung nakadapa at dahil naka high heels ako, napasigaw ito sa sakit. Dahil mahilig akong manuod ng iba't ibang genre ng movies, which includes action, medyo may alam akong konting self-defense. Lumapit naman yung isa. Pasimple akong umatras at paikot na sumipa. Natamaan ito sa panga.
Strike two.
Mabilis na sumugod ang tatlo, and this time they caught me off guard. Kinuha ko ang garbage can at ibinato sa kanila. Nakailag ang nasa harapan at natamaan yung nasa likuran. Sandali itong nagpapungas pungas ng mata, at biglang sumugod sa aking direksiyon nang makakuha na ng tiyempo. Nahawakan ako nung dalawa sa magkabilang kamay.
"Damn!!!Bitawan niyo ako" pagpupumiglas ko. Akmang lalapit ang isa kaya naman mabilis kong binigyan ng malutong na front kick ang hinaharap niya.
"Aghhh. Ang manok ko"napaluhod ito habang tila may nakaing mainit dahil panay ang paghipan nito sa hinaharap.
Sinuntok ako nung isa sa sikmura.
"Aghh" para akong maduduwal.
"Delikado ka rin pala ha, binasag mo na ang kay pareng Lopi...Ngayon mukha mo na naman ang babasagin namin"galit nitong sabi at may kinuha itong isang bagay. Medyo nanlalabo na ang aking paningin.
Tunog ng bakal...
Kinapa ko ang baril na nasa aking tagiliran. This is self-defense so no matter what happens to them, they left me with no other choice but to pull the trigger.
Itinaas na nito ang bakal na pamalo and I was about to pull out the gun nang biglang may isang maitim na usok ang mabilis na humarang at sa isang iglap lang ay tumilapon ang lalaking may hawak na pamalo. Ilang sandali pa ay sunod-sunod na ring tumilapon ang iba pang kasama nito.
Napasandal na lang ako sa pader habang pinagmamasdan ang nangyayari. Makalipas ang ilang segundo ay may lumapit sa akin.
"Psst...Are you okay? Why you didn't ask for a help?"tanong ng maitim na pigura.
Wow!!! Englishero ha?
"Si-sino ka?"nanlalabo pa rin ang aking paningin.
"It's me your husband, Alexander"pagpapakilala nito.
Biglang nanghina ang tuhod ko. Matutumba na sana ako kung hindi lang maagap ang mga bisig ng nagligtas sa akin. Ang kaninang itim na usok ay naghugis tao. Nakatitig lang ako sa kanyang mukha. Wala akong maaninag.
Ilang segundo lang kaming tahimik. Ramdam ko ang titig niya.
"Ikaw ba yung?Yung--
Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko pa ang tungkol sa halik.
"So hindi mo pa nakakalimutan ang nangyari sa atin nung gabing yun?"puno ng kahulugan na tanong nito.
Nanlaki ang aking mata at di sinasadyang naitulak ko siya pero dahil nakasandal ako sa kanya ay nahila niya ako at ayun sabay kaming bumagsak.
Napapikit ako dahil pakiramdam ko ay nabali yung isang finger ko dahil sa pacrack nitong tunog. Pagmulat ko ay nakadagan ako sa kanya.
"Not here wife, let's get some privacy"maloko nitong sabi.
Nanlaki yung mata ko nang maramdaman ko yung manhood niya na...
Dali-dali akong tumayo at nandidiring pinagpagan ang aking damit.
"Ouch!!!"napaungol ako dahil sa daliri kong sumakit.
"Pervert!!!" singhal ko sa kanya. Lumapit na ako sa kotse at binuksan ang parte kung saan nabasag ang salamin. Tuluyan ko na itong binasag at inalis ang mga bubog ng salamin sa loob ng kotse. Sandali akong huminto at nilingon yung itim na nilalang. Nakaupo na ito at nakapangalumbabang nakatingin sa akin.
"Maniac!!!"medyo pasigaw kong sabi nang makita kong tila tinititigan niya ang pwetan ko. Bastos na engkanto!!!
Sumakay na ako at nilingon ang maitim na nilalang. Ewan ko ba kung matatakot pa ko sa kanya o hindi. Sa kabila ng nangyari, natulungan niya akong huwag tuluyang mawasak ng mga sira ulo na yun. Speaking of the Devils, mahimbing silang nakatulog sa ilalim ng puno. Nakatali ang mga ito at mukhang wala ng ulirat.
"Patay na ba sila?"tanong ko sa anino.
"Nope. Mahimbing lang ang tulog nila. Don't worry wife, wala na silang maaalala sa nangyari and...and Remember to call me wife... I'll find you"sagot nito at bigla siyang naglaho. Napalinga-linga ako sa paligid.
Nasaan na kaya yon?sa isip ay naitanong ko.
"God please heal this beautiful finger of mine..."pabulong kong dasal.
"Wait. Ano ngang pangalan niya?Hmmm...Nevermind. Nakalimutan ko na" pinaandar ko na ang makina at sinimulang bagtasin ang daan papunta sa bahay ni Kris.
Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya because of him, hindi ko nagamit ang Baby ko (yung baril ang tinutukoy ni Cassandra ha). Maybe next time? Napailing na lang ako sa isiping mukhang gusto ko pa siyang makita.