Chapter 1: Long time no see
"Ano lasing ka na ba?" tanong ko sa kaibigan ko na si Dhanna.
She looks so wasted and so messed up. Pasuray suray na nga kaming naglakad pabalik sa table namin after niyang mag sexy dance sa gitna ng dance floor. Kung hindi ko talaga siya sinamahan ngayon, naku ewan ko nalang kung saan pupulutin tong babaeng to.
"H-hindi pa ako lasing hik." napailing ako sa naging sagot niya.
Alam ko na nasasaktan siya sa nangyayari sa buhay niya especially sa love life niya pero alam naman niya na hindi sagot ang paglalasing sa mga problema niya. Mas masasaktan lang siya lalo na' panigurado bukas ay aatakihin siya ng hangover!
Naku naku tong babaeng to! Kung hindi ko lang to kaibigan talaga!
"We need to go home Dhan. Ihahatid na kita." saad ko saka ko kinuha ang clutch bag ko na iniwan ko sa mesa saka ko kinuha ang aking cell phone sa loob. Pinaupo ko na muna si Dhanna para tawagin ang driver niya.
"Hello? Manong nasaan ka? Sunduin mo na kami rito.--- Ho? Paano po yan? Lasing na lasing tong amo niyo?" napatingin ako kay Dhanna na nakatulog na sa couch.
Tangina naman! Bakit pa nasiraan ang sasakyan ni Dhanna? Hindi pa naman ako nagdala ng kotse dahil ayoko magmaneho na nakainum kasama ang babaeng to.
"Magt-taxi nalang po ako." sambit ko bago ko binaba ang tawag.
Napabuga ako ng hangin ng mapatingin ulit kay Dhanna. So magt-taxi talaga ako kasama tong lasing na'to?
Hindi pwede! Ang bigat bigat ng babaeng yan tapos magt-taxi kami?! No way!
Pero ano naman ang gagawin ko sa kanya? Alangan naman hayaan siya na ganito?
Kahit kailan talaga hindi ko matitiis tong babaeng to! Pero anong gagawin ko para makauwi kami ng matiwasay ngayon?
Naman oh!
"Lyre?" napakagat ako sa labi ko ng may marinig ako na pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.
My heart started to thump faster. Damnit! Don't tell me! No! Matagal ko na siyang nilayuan. There's no way na nandito siya ngayon sa Pilipinas.
Kaso wala naman siyang kaparehong boses. Iisang tao lang naman ang nagmamay-ari ng boses na kayang magpalamig sa buong katawan ko. At iisang tao lang naman ang tumatawag sa akin na Lyre. Ghad! There's no way that he's here!
"Kea Lyre." mas lalong nagharumentado ang puso ko ng banggitin niya ang aking buong pangalan.
Geez Kea! Get a hold of yourself!
Hindi ka rapat magpakita ng kahit anong sign na naapektuhan ka pa sa kanya. I'm already done with him right? So be it.
Humarap ako as lalaking nasa likod ko na may blankong mukha.
"Hi." bati ko sa kanya. Gusto ko kagatin ang labi ko pero ayoko dahil baka kung ano pa isipin niya. "Long time no see." dagdag ko pa.
Damn! Long time no see talaga? Ako 'yung nang-iwan sa kanya tapos iyon ang sasabihin ko? Ang gaga ko talaga!
"Yeah. Long time no see." saad nito saka napatingin sa likod ko.
Napatingin naman ako sa likod ko kung nasaan nakahiga si Dhanna.
"Is that your friend?" tanong nito.
Tumango ako bilang sagot nito at nang makatango ako, may biglang umilaw sa utak ko.
Shit! Do I have to do what I'm just thinking? Pero kung pagpipiliin ako, mas pagkakatiwalaan ko si Cale Alaistair Montreal kesa sa pagkatiwalaan ang mga taxi driver na maghahatid sa amin.
I know Montreal is some kind of beast that I knew before but I bet he won't do anything bad to me this time. Hindi man ako sigurado na wala siyang gagawing masama sa akin, pero atleast I can still trust him a bit.
I hope so.
"What happened to her?" tanong nito. Humakbang siya palapit sa amin kaya agad ako nataranta.
"Ah-s-she got drunk and blackout." sagot ko saka ako nagmadali na lumapit kay Dhanna.
Nang makaupo ako sa tabi ni Dhanna ay napatingin ako kay Cale. I want to call him Alaistair but I know I don't have any rights to do so. Not anymore.
"Cale." tawag ko sa kanya. My voice is low pero alam ko narinig parin niya ako kahit sobrang lakas ng music sa buong bar.
Kumunot lang ang noo niya.
"It won't hurt if I ask a favor tonight, right? I mean, wala na akong ibang pwedeng lapitan at mahingan ng tulong. Nasiraan yung sasakyan ni Dhanna and I didn't bring my car. I don't think I can handle my --- ." hindi ko na natapos ang paliwanag ko dahil lumapit na siya sa amin at binuhat si Dhanna ng walang kahirap hirap.
"Follow me, Lyre. Ihahatid ko kayo." napangisi ako sa isipan ko. Hindi parin pala mawawala ang kabaitan ng lalaking eto. Hmmmn.