Chereads / Stealing the Billionaire's Heart / Chapter 5 - Miranda Kimberly

Chapter 5 - Miranda Kimberly

Chapter 4: Miranda Kimberly

"Let's give a round of applause to the newly engage couple." nagsitayuan ang mga tao kasali narin ako dahil sa paglabas ng dalawang couple. Everyone applause while I'm just staring at the two couple na magkahawak kamay na naglakad papunta sa gitna ng stage.

Mabuti nalang talaga may kalayuan ang table namin. My family's table is in front. They look so happy looking to the newly engaged couple. I just rolled my eyes saka ko binalik ang tingin ko sa babaeng parang nakasuot na ng wedding gown dahil sa sobrang engrandeng suot nito.

Mabuti nalang hindi niya naisipang kulay puti ang gown na isinuot niya dahil mukha na talaga siyang ikakasal. Hindi naman halata na excited siya. Tss.

Kahit may hinala na ako kung sino ang babaeng Lim na matatali kay Cale, hindi parin ako makapaniwala na siya talaga.

Miranda Kimberly Lim.

"You know her?" tanong ni Dhanna sa akin ng makaupo na ulit kami.

"Yes." matabang kung sagot saka ko inubos ang laman ng nasa kopita ko.

Kilalang kilala ko talaga siya. Siya lang naman ang babaeng kontrabida sa buhay ko noong grade school at high school years namin. She made my life a living hell. But that was before. Hindi na niya ako basta basta matitibag ngayon.

"Selos ka sa kanya no?" kunot ang noo ko na napatingin kay Dhanna na may kakaibang ngiti na nakaplaka sa kanyang mukha.

"Bakit ako magseselos aber?" pabalik kung tanong sa kanya.

Ako magseselos? Bakit at ano ang dapat ko ipagselos? That Miranda Kimberly Lim? Iyan pa talaga ang pagseselosan ko? Hah! Ang swerte naman niya para pag-aksyahan ko ng oras!

"Well, you look like you're ready to kill that Cale's fiancee." I rolled my eyes. Siguro, gusto ko patayin si Miranda pero hindi dahil sa magiging asawa na siya ni Cale soon. I just want to kill her because of her existence.

Pero gee! Hindi naman ako mamamatay tao no!

"Let's hear something to the newly couple." binigay ng emcee ang mic kay Cale. Kinuha naman niya ito at nagsalita.

"Thank you for sparing your time to be here with us tonight. I just want to express my gratitude most importantly to Mr. Miguel Lim for entrusting your daughter with me. I'm not going to promise anything but I will do my best to be a responsible fiancee and soon to be a husband to your lovely daughter."

"Hah!" reak ko dahil sa narinig ko. Hindi ko na pinagpatuloy ang pakikinig dahil ayoko na marinig pa ang kung anong klaseng kasinungalingang lumalabas sa bibig ni Cale.

Kung hindi ko masyadong kilala si Cale ay siguradong kikiligin na ako sa sinasabi niya kaso hindi. Sobrang stiff niya. His voice has no emotions at all. Kahit pa nilagyan niya ng filter ang sinasabi niya para mas nakakagana pakinggan, I know he's just pretending.

"Anong problema mo?" tanong ni Dhanna sa tabi ko.

Umirap lang ako saka ko inubos ulit ang laman ng kopita ko. Napaparami na ang inum ko kaya feeling ko nalalasing na ako. Nakakainis kasi! Hindi ko alam kung bakit pa ako pumunta rito para makaramdam ng ganitong inis.

"Hoy saan ka pupunta?" tanong ni Dhanna ng tumayo ako mula sa pagkakaupo ko.

"CR lang muna ako." I can't bear to see Cale pretending to be like this. This is not the Cale I used to know. Pero ano nga bang pakialam ko? Iniwan ko na siya diba? Bakit ganito nararamdaman ko?

Argh!

Ilang minuto ako tumambay sa CR. Hinintay ko ang oras na matapos ang pagsasalita ng dalawang newly engage couple bago ako lumabas. Hindi ko feel ang mga sasabihin nila especially sa sasabihin ni Miranda.

Gusto ko na sana umuwi kaso feeling ko dapat talaga muna ako magpakita kay Cale for one last time. After that, pwede na akong umuwi at tuluyan ko na siyang iiwan.

Bago ako lumabas, pinag-isipan ko muna kung ano pwede kung sabihin lalo na pwede kung makasalamuha si Miranda. Dapat handa ako. Ayoko mag mukhang kawawa kapag kaharap na sila.

Nang makalabas ako sa CR ay nagulat ako ng makita ko ang kapatid ko na nakasandal sa pader at nakahalukipkip.

"Kid." tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at ngumisi.

"Sabi ko na nga ba na ikaw iyong nakita ko kanina. Ghad ate! This is the first time I saw you wearing a dress. How do you feel?" Napangiti lang ako tapos lumapit sa kanya. I hug him saka ko siya tinapik sa balikat.

"You look handsome baby brother." puna ko dahil totoo naman. Gwapo na ang kapatid naming bunso. He's already 18 I guess but he's taller than me. 5'6 ako pero siya mukhang 5'9 or 6 footer. Tangkad!

"Are you already drunk ate?" napakurap kurap ako dahil sa tanong nito.

"Hindi ah!" pagsisinungaling ko saka ako ngumiti ng matamis. "Let's go! I want to say hi to mom and dad!" Kumapit ako sa braso ng kapatid ko saka kami naglakad pabalik sa grand ballroom. Nakita ko si Dhanna na kumaway sa akin pagkapasok namin ulit pero inilingan ko lang siya tapos ngumuso na pupuntahan ko na muna ang parents ko.

Pagkarating namin sa table kung nasaan ang buong pamilya ko ay napatayo agad ang kapatid kung babae pagkakita sa akin.

"Good lord! Is that you Kea?" lumapit siya sa akin at sinuri ako. I just smiled at her awkwardly.

I know! Hindi ako ganito noon! No one knows that I can wear a dress. Like duh! Babae naman ako.

"Kea baby." napatingin ako kay mommy na napatayo na rin sa kinauupuan. Lumapit ako sa kanya at yumakap.

"I miss you mom." napatingin naman ako sa apat na lalaking nakatingin sa akin kasama si Kid. My older brother King and Kane just nodded at me pero si papa nakakunot lang ang noo niya na nakatingin sa akin.

"Kailan ka pa umuwi?" tanong ni mommy kaya napahiwalay ako mula sa yakap niya.

"Kanina lang po. Sinama lang ako ni Dhanna rito." sagot ko. Nakita ko naman ang pagtayo ni dad at lumapit sa akin.

"You're drunk." saad nito saka ako hinila at pinaupo sa isang bakanteng upuan. Nag-alala naman na lumapit si mommy at Ate Kate sa akin. Napailing lang ang dalawa kung kapatid.

"Do I need to call a doctor now dad?" Umiling lang si daddy sa sinabi ni Kid. Nginusuan ko lang lang siya but he just laughed. Damn that kid! Subukan lang niya tumawag ng doctor, papatusin ko talaga siya! Ang oa lang! Hindi naman ako gaano kalasing ah!

"You shouldn't drink, Kea. Alam mo naman-" I cut my sister's off.

"I'm fine ate. Seriously. Please stop doing this. Nakakahiya. Dad. Mom." grabe to sila. Kapag nakainum ako, natataranta agad. Alam ko naman ang limit ko. Hindi na nila kailangan maging OA sa lahat. I just need a few drinks for now dahil hindi ko ata kaya ang nararamdaman ko.

"Mr. & Mrs. Clemeña?" napakagat ako sa labi ko ng marinig ko isang napakapamilyar na boses. Agad nagsitayuan ang mga kapatid ko. Pati si dadl mom at Ate Kate ay napatayo rin at hinarap ang nagsalita sa aking likuran.

"Are you alright here, Tito, Tita?" feeling ko mas kumulo ang dugo ko ng marinig ko ang boses ng babae na matagal ko na hindi naririnig.

"We're fine here, Miranda." medyo may pagkamataray na sagot ni Ate Kate. Ate Kate is the only one who knows my relationship with Miranda kaya alam ko na hindi rin niya ito gusto.

"Yes, hija. We're fine. By the way, congratulations to the both of you." bati ni dad sa kanya. Bumati narin ang mga kapatid ko sa kanila. Ako naman, para akong toud na nakaupo parin. Mabuti nalang naisipan ni dad na paupuin ako kanina dahil kapag sumulpot sila na nakatayo parin ako, baka matumba ako dahil sa bigat na nararadaman ko.

Nagulat nalang ako ng may kamay na pumatong sa balikat ko.

"Are you okay, Kea?" tanong ni Kuya King. Tumango lang ako. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako okay.

Hindi ako okay dahil alam ko na kung ano talaga ang nararamdaman ko. At hindi ako okay dahil ang tanga tanga ko para gawin ang lahat ng iyon kay Cale. Ngayon huli na ang lahat, saka ko pa to mararamdaman! Tangina talaga!

"By the way, I want you to meet my youngest daughter." panimula ni dad para ipakilala ako.

Dad and I had an agreement. Hindi niya ako ipakilalang anak niya kapag hindi ako umattend na kahit anong party na may kinalaman sa business. Pero ipakikilala na niya ako kapag nakaattend ako even if hindi ko sinasadya na umattend. At ngayon, I attended a party which involves my family business, alam ko na hindi na nagdadalawang isip si dad na ipakilala ako sa lahat.

"May iba pa po kayang anak na babae?" halatang gulat na tanong ni Miranda.

"Yes, hija. We hide it since my daughter doesn't like to be exposed in the media or in our family business." sagot ni mommy. "Kea, anak." tawag naman niya sa akin.

Tumayo ako at huminga ng malalim.

I need to do this. I need to let them know that I'm not Kea Lyre Mendoza anymore. Because I'm a Clemeña. I am Kea Lyre Clemeña.

Nang humarap ako sa kanilang dalawa, parehong umawang ang kanilang mga bibig.

Ngumiti lang ako saka ako lumapit pa lalo. "Congratulations to the both of you and I'm happy for you Miranda." bati ko. My voice is full of sarcasm and bitterness. Iyong puso ko parang dinudurog pero ininda ko ang sakit.

Eto na to. Nangyari na ang dapat mangyari. I just have to accept this and try to hide this feeling of mine.

"You're a Clemeña?" hindi makapaniwalang tanong ni Miranda.

"Yes. I am." I just smiled again.

Napatingin ako kay Cale. He's just staring at me. Puno ng pagtataka ang nasa kanyang mga mata. Ang gwapo nito sa suot na dark red na suits.

Napakagat ako sa labi ko. Ghad! I miss him! Namiss ko siya. Gusto ko umiyak dahil namimiss ko siya. Kaso wala na! Iniwan ko na siya!

Pero engage pa naman siya diba? Hindi pa sila ikakasal. Kung may asawa nga na nasusulot ng iba, siguro naman pwede ko pa siyang agawin kay Miranda?

Wala namang masama diba? Dahil sa simula palang, ako ang nakauna sa puso niya. At sisiguraduhin ko na ako lang din ang panghuling babae na magmamay-ari sa puso niya. Ako lang!

"I wish you both luck, Alaistair." nalaglag na ang kanyang panga dahil sa pagtawag ko sa pangalan niya.

I'm the only one who has the right to call him Alaistair. At sana makuha niya ang pinapahiwatig ko sa kanya.

Dahil sa huling pagkakataon, babalik na ako sa kanya at hinding hindi ko na ulit siya iiwan.