Chapter 4: Engagement
"BAKIT HINDI KA PA NAGBIBIHIS!?" galit na bulyaw ng kaibigan ko na si Dhannarose Villamor pagkapasok palang niya sa kwarto ko.
Hindi ko siya pinansin saka ako nagtalukbong ng kumot. Ayoko magbihis. Ayoko umattend ng party! Kakarating ko lang galing Australia tapos magpaparty ako? No way! I still have jet lag and I'm still sleepy.
"Hoy babae! Don't tell me na hindi ka man lang magpapakita sa kanya after mo siyang iwan ulit! Alam mo bang ilang beses niya akong sinugod sa bahay to know your whereabouts?! And now he's already engaged to someone, wala ka paring balak magpakita sa kanya?! Ha?!" doon na ako umupo mula sa pagkakahiga.
"That's one of the reason why I left him! I already know that he's about to engage to someone. So bakit ako magpapakita sa kanya, aber?! Para sirain ang magandang buhay niya ngayon?!" para siyang namutla sa sinabi ko kaya humiga ulit ako at tinakpan ko ng unan ang aking mukha.
The fuck talaga! Sa simula palang alam ko na ang magiging tadhana ng isang Cale Alaistair Montreal.
Of course, he's the only heir of Montereal Group of Companies, a multi-billion company not just here in Asia but throughout Europe.
Even though I know that he's about to be bound to a girl that has the same status as him, pumayag ako na malink sa kanya. Of course, si Dhanna lang ang tanging nakakaalam tungkol sa amin. Wala ng iba. We hide it. I hide it. Hindi para sa kapakanan ko, kundi sa kapakanan ni Cale.
I ended things between us for good 5 years ago but 3 years ago, nagkita ulit kami at sa hindi maiwasang pagkakataon may nangyari ulit sa amin. For the second time around, I left him.
Now, desidido na ako na putulin ang koneksyon ko sa kanya dahil ikakasal na siya. I can't be tied to a man who's now being bound to marry someone which is not me.
"Tell me, may nararamdaman ka ba sa kanya?" tanong ni Dhanna. Nakaupo na siya sa kama. Tinanggal niya ang unan na nakatakip sa mukha ko at seryoso akong tinitigan.
"Hindi ko alam, okay?" sagot ko saka ako umupo mula sa pagkakahiga.
Actually, hindi ko na alam. Binabagabag kasi ako sa huling sinabi ni Cale sa akin at dahil doon, nalilito na ang puso ko pati utak ko.
Oo na attracted ako sa kanya! But it is not enough to conclude that I'm in love with him.
I don't think I am. Yet.
"Kung hindi mo alam, why don't you try to check if meron ba o wala?" napatingin ako kay Dhanna na nakakunot ang noo.
"What do you mean by that?" tanong ko na nakataas ang kilay. Imbis na sagutin ako ay tumayo lang ito saka kinuha ang isang puting box na nakapatong sa work table ko.
"Get up! You're going to that party and you'll know kung may nararamdaman kaba talaga sa kanya o wala!"
~
Dumating kami sa Marriot Hotel ni Dhanna mga 7pm sharp. I'm wearing a couture dress made by a local designer and I paired it with a silver glass high heels. It's a shade of black and gray tube type tea-length dress.
While Dhanna is wearing a red satin off shoulder dress. Hapit na hapit ito sa katawan niya kaya sobrang sexy niya tingnan. Kasama naman namin ang asawa niya na si Leo kaya kahit pa na mukhang sexy siya ngayon, wala namang pwedeng lumapit sa kanya na lalaki na basta basta lang. Gwardiyado siya ng asawa nito.
Nang makababa kami sa kotse, ay marami agad sumalubong sa mag-asawa. Sikat na rin ngayon si Dhanna dahil isang sikat na modelo ang napangasawa nito. Kilala rin ang pamilya ni Dhanna dahil ang pamilya nila ang may-ari ng isa sa pinakasikat na clothing line in Asia.
Mabuti nalang talaga hindi ako masyadong sumasama sa pamilya ko kapag ganitong gatherings. Ayoko kasi makilala ako dahil isa akong anak ng sikat na businessman ng bansa. Gusto ko makilala sa kung anong larangan bihasa ako. Kaya ang alam lang ng lahat ay may apat na anak lang si Kean Dominic Clemeña. Hindi nila alam na dalawa kaming babae sa limang magkakapatid.
Pagkatapos ng maikling interview sa mag-asawa ay pumasok na kami sa grand ballroom. Bumungad agad sa akin ang napakagandang ballroom na pilapalamutian ng kung anu-ano. The place is so big. May limang golden chandeliers na nakasabit sa itaas at ang pinakamalaking chandeliers ay nasa gitna. Each table has a set of flower decorations. The place looks like I am inside a fairytale. Napakaganda at napakaelegante.
Para akong nalula habang pinagmamasdan ang lugar pati na rin ang mga tao na suot suot ang pinakamagandang damit sa buong mundo. This place screams for wealth, power and elegance.
"Kea, your parents are over there." napatingin ako sa tinuro ni Dhanna kung nasaan ang mga magulang ko at nagulat ako na makita silang lahat sa isang table. Wait! They are invited? Friends ba sila ng dalawang....
Napatigil ako sa pag-iisip at hinila si Dhanna sa gilid.
"You told me that he's engaged with someone right?" tanong ko kay Dhanna. Tumango lang siya. "Who is that girl by the way and why is my whole family is here?" tanong ko pa ulit pero umiling lang ulit si Dhanna.
"I don't know. I was just invited but they never mentioned about that girl. And about your family, wala rin akong alam." binuksan naman niya ang clutch bag niya at may kinuha. Nang makuha niya ang isang dark red na card ay binigay niya ito sa akin.
Kinuha ko naman ito at binasa.
Nakasulat sa card ay Montreal and Lim engagement party then my name under it.
So isang chinese na babae ang nakatali para kay Cale? There is only one Lim that is fitted to be Cale's fiancee but I can't be sure. Mayaman din sila kagaya namin. Dhanna didn't know about her but I hope mali ang nasa isip ko.
I don't like that girl to be Cale's wife. She doesn't deserve to be Cale's wife.
Hindi ko na namalayan na naikuyom ko na ang aking kamay dahil sa mga iniisip ko.
Napakurap kurap ako!
Anong pakialam ko kung sa isang Lim mapunta si Cale? Wala naman diba? We're not even in a secret relationship. So why am I even thinking this way?
"Are you okay, Kea?" tanong ni Dhanna. Huminga ako ng malalim saka ako tumango.
Wala lang to! I shouldn't be feeling this way! Dapat maging masaya ako para sa kanya! Ako ang nang-iwan! Dapat wala lang sa akin ang lahat ng to.