Chapter 2: Do you want to go over my place?
Una naming hinatid si Dhanna sa bahay nila. At ngayon pabalik na kami sa kotse niya para ako naman ang ihatid.
Ayoko sana umuwi dahil ayoko makasama si Cale na kaming lang dalawa kaso naalala ko na kailangan ko umuwi sa amin dahil umuwi rin pala ang kapatid kung babae at ayaw na ayaw niya na hindi ako umuuwi sa amin kahit pa umabot pa ako ng madaling araw sa kakagala.
Kaya wala akong nagawa kundi magpahatid din kay Cale.
"Where to go now?" tanong nito nang makapasok na siya sa kotse. Nagsuot ako ng seatbelt saka ko siya hinarap.
Actually, nagtapang tapangan lang ako ngayon. Iyong tipong hindi ko pinapahalata sa kanya na nanlalamig ako. Sobrang tigas lahat ng pagkakabigkas ng mga salitang lumalabas sa aking bibig at palageng nakataas ang kilay ko.
Hindi sa may nararamdaman ako sa kanya na wala naman talaga kaso hindi ako nakapaghanda na harapin siya ngayon pagkatapos ng ilang taong hindi namin pagkikita. Iniwan ko ba naman kasi siya bigla sa ere.
I didn't leave him dahil gusto ko siyang saktan. Umalis ako dahil wala akong makitang rason para manatili pa at ipagpatuloy ang kung anong klaseng relasyon na mayroon kami noon.
Sana naman, nakamove-on na siya. Kasi ako nakamove-on na. Hindi naman kasi big deal kung anong mayroon sa amin noon.
We were just having fun before. Just plain sex and nothing more. Hindi naman kasi ako nainlove sa kanya noon. Maybe, he gave me some kind of rare feeling that I never felt with any man but that just it. Wala ng iba.
Kaso anong ginagwa niya rito sa Pilipinas? Alam ko na may negosyo sila rito ng pamilya niya but he is assigned to manage their family business in London. Not here.
"Are you here for a vacation?" tanong ko imbis na sagutin ko ang tanong niya. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga and that's the moment I notice the changes from him.
He's kinda chubby before when I met him but right now, gosh! Did he just make himself look like a god? His biceps and triceps are visible. Hindi gaano kalaki pero tamang tama lang sa kanya. Halatang halata ang muscles nito dahil sa fitted nitong suot na damit.
Naging matulis narin ang may katabaan noon na panga. Mas lalo siyang gumwapo ngayon. Ghad! Mukhang mas nakamove-on siya mula sa nangyari sa amin noon. Hindi maipagkakaila na mas marami ng babaeng maghahabol sa kanya dahil sa malaking pagbabago ng hitsura niya. Why did I leave him though?
Oo. Gwapo siya noon pa maman. Pero ngayon, ang hot na niya!
Yuck! Ang landi ng utak ko!
Napalunok ako saka ako umiwas ng tingin! Ano ba nangyayari sa akin? Dapat hindi na ako maattract sa kanya. We're done already! At hindi pwede na malink ang kagaya ko sa kagaya niya. Hinding hindi pwede!
''I have some business to attend here.'' Sagot niya habang nakapokus siya sa pagmamaneho. ''How are you? I never heard anything from you.'' I bit my lower lip.
Did he expect that I'll contact him after I left him? Why?
''I'm doing better. I got busy from studies and then from work.'' Yun lang ang sagot ko. Walang kabuhay buhay at walang gana.
How should I act while he's around? His presence is merely giving me a heart attack. Hindi parin nawawala ang kakaibang charisma niya. Mas dumoble nga lang to ngayon.
Is this love? I guess not. This is just infatuation! O baka libog?
''Do you want to go over my place?'' Nanlaki ang mga mata ko sa paanyaya niya. Did he just invite me to go over his place? But why? Anong gagawin namin doon? Magdarasal?
Jusko! Did he want to reminisce about the thing we had before?
Omg! Seriously?!
''Ah-eh-hmmm. Okay.'' The heck! What I've been thinking!?