Chereads / BETRAYAL AFFAIR / Chapter 19 - Chapter Sixteen

Chapter 19 - Chapter Sixteen

"Heather." Napalingon ako sa nagsalita...si Dom.

"Heather? Tinawag mo kong Heather?"

"Eh, diba pangalan mo yun?"

"Oo, pero Sancia nalang itawag mo sakin."

"Okey." Lumapit ako sakanya at kinurot siya sa pisngi.

"Kailangan ko na talagang masanay na laging nasasaktan ang pisngi ko, pag kasama kita." Biro niya, I pout.

"Cute." Siya naman ang nagngurot ng pisngi. Inawat ko siya, ansakit ah!

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko.

"Yayayain sana kitang kumain sa labas." Medyo nahiya pa siya.

"Sige ba! Teka magbibihis lang ako." Tinulak ko siya papalabas ng pinto at isinarado ko yon.

"Heather." Atay hindi ko pa pala napatay yung VC namin ni Gayle.

"Bye." Kaway ko, tyaka pinatay ang Vc.

•••

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.

"Gusto ko ng ice cream, pero gusto ko na gung flavor niya eh, ketchup." Masigla kong sagot. Nasa hagdan na kami ngayon, pababa ng kwarto ko.

"Ketchup?" Natawa pa siya, akala niya siguro nagbibiro ako.

"Heather." Malamig at seryosong tawag ni....Deneb. Nasa sala siya nakatayo, at seryosong nakatingin sami'n.

"Bakit?" Pagmamaldita ko.

"San ka pupunta?" Seryoso padin.

"Kakain kami sa labas ni Dom." Walang pag-aalinlangan kong sagot. Kumunot naman ang noo niya.

"Kayo lang?" He obviously asked.

"Di ba obvious." Irap ko

"Let's go, Sancia." Nagpatiuna na ako kay Dom. Pero hinila ako ni Deneb.

"Ano ba?" Bitawan mo ko.

"Sasama ako." Matigas niyang sambit. Inirapan ko siya, ang hilig kong mang-irap!

***

"Ano ba yan, Deneb? lumayo-layo ka nga ng konti?!" Naglalakad kami, ngayon. And I swear, ang sikip ng paglalakad namin, dahil kay Deneb na grabe kung makadutdot saki'n.

"Why?" painosente niya pang tanong!

"Ang lapit mo masiyado!"

"Ayaw mo bang napapalapit saki'n?" kindat niya.

"Syempre ayaw." nawala ang mapaglarong ngiti niya.

"Let's eat here." turo ni Dom sa isang restaurant na simple lang, pero elegante ang disenyo.

"Tara." binanewala ko si Deneb, na makatanga lang.

•••

"What's your order, Sancia?" tanong ni Dom, hmmm?

"Ito, tyaka, ito rin." turo ko sa mga unfamiliar na putahe.

"Ehem." pakunwaring ubo ni Deneb.

"Bakit?"

"Orderan mo ko."

"Ano ko, yaya mo?"

"Sige na." pilit niya.

"Tyaka ito rin." turo ko nalang sa kung saang bahagi ng menu.

•••

"Ang sarap ah." pag-iingay ko.

"They're dishes here, we're all delicious. Halata naman siguro sa name ng restaurant na 'Delicioso' ." Tumango nalang ako. Pero napansin kong may kakaiba sa itsura ni Deneb.

"Woy, anong nangyari sayo." pilit kong tinanggal ang pag-aalala sa boses ko.

"I'm fi..." napasigaw nalang ako, nang bumagsak siya, gosh putlang putla siya!

Dali-dali namang lumapit ang staff ng restaurant at idinala siya sa hospital.

•••

Paroon at parito ako sa paglalakad. Hindi ako mapalagay, anong nangyari?Okay lang ba siya? Nang lumabas ang doctor ay agad ko itong nilapitan.

"How is he, Doc?" nag-aalala kong tanong.

"He's fine now, He just got his alergie attack." He casually said. What, allergie?!

"Excuse me." paalam niya. Tumango nalang ako, allergie siya, at ako...ang nag-order ng pagkain niya!

"Hey, Sancia. I really need to go, may emergency sa bahay." Tumango nalang ako.

Pumasok ako, at umupo sa tabi ng hinihigaan ni Deneb. Hinawakan ko ang kaniyang buhok, inayos ko yon.

Hindi ko mapigilang maluha, it's my fault! Ang emo ko! huhu!

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit, bakit.... bakit siya sumunod saakin, gusto niya ba ng annulment? Pero hindi ko maiwasang mag-assume na sana mahal niya ko, kaya niya ko sinundan. Hinalikan ko siya sa noo.

"I love you, Deneb." hinalikan ko siya sa labi. Pero ng aalis na sana ako ay, naramdaman ko nalang ang pagyapos ng mga braso niya saakin, pinalalim niya ang simpleng halik na iginawan ko.

"I love you too, wife." Bulong niya, napakagat labi nalang ako.

***