Chereads / BETRAYAL AFFAIR / Chapter 22 - Chapter Nineteen

Chapter 22 - Chapter Nineteen

"Ang kulit mo, ah! Ayoko nga niyan eh!" Layo ko sa apple. Ang nakakadiring mansanas.

"Wife, pampalusog to kay baby. Kainin mo na to, makakabuti to sa anak natin." Pilit niyang ibinibigay saki'n yung kadiring mansanas!

"Eh, ayoko nga sa apple eh! Mabuti pa, bilhan mo ko ng ketchup shake. Dali! "

"Kainin mo muna to, bago ako gagawa ng ketchup shake." Umiling ako. He sighed.

"Ba't ba ayaw mo kong bigayan ng ketchup shake! Gusto ko non!"

"Heather."

"Ayaw mo?"

"Kainin mo muna tong...." Kinuha ko yong phone ko at kinontact si Dom. Agad niya rin itong sinagot.

["Oh, Sancia. Napatawag ka?" ]

"Ayaw mo na ba kong kasama? Pati kausap?" I pout, kumunot ang noo ni Deneb.

"Sino yan?" Imbes na sagutin siya, ay inirapan ko lang siya.

["Hindi, naman. Haha, Do you miss me?"]

"Oo, namiss kita. Bilhan mo nga ko ng Ketch.... " Kinuha ni Deneb yung phone ko.

"Gagawa na, hindi mo na siya kailangang tawagan pa." Sabay talikod, teka...yung phone ko! Ang bastos talaga nun, kausap ko pa si Dom eh!

•••

D E N E B ' S P O V

"Ito na ang ketchup shake mo, mahal na asawa." Sabay abot ko kay heather ng tasa.

"Yipee!! Teka nga... Ba't ang baho?" Mabaho?

"Ang ano?" Tanong ko.

"May mabaho talaga eh, alisin mo yung mabaho Deneb nakakasuka!" Atungal niya, pero wala naman akong naaamoy na mabaho.

"Wala namam ah."

"Lapit ka nga, sandali." Lumapit naman ako. Nang makalapit ako ng sobra ay itinulak niya ko.

"Ang baho mo! Alis ka nga!" Ako?!

"Wah, kakaligo ko lang kanina, para namang wala akong ligo niyan."

"Basta maligo ka, kung gusto mong lumapit saki'n, ang baho mo!" Inipit niya pa ang ilong niya na para bang ang baho-baho ko talaga, tss ang bango ko nga eh.

Kamot batok akong naglakad papuntang kwarto ko, at makapaligo ULIT.

•••

H E A T H E R ' S P O V

Ang sarap talaga nito. Masaya kong nilalantakan ang shake nang makalanghap na naman ako ng mabaho!

"Tapos na kong maligo." Sulpot ni Deneb, siya yung mabaho!

"Ang baho mo parin! Layo ka, nawawalan ako ng gana kainin tong ketchup shake!"

"Halos iligo ko na ngaang sarili ko sa pabango, tapos mabaho parin ako? May mali ka yata sa pang-amoy." What? Eh ang baho niya!

"Ang baho mo!"

"Kakaligo ko nga lang, wife. Baka, sarili mo yung naaamoy mo,diba hindi ka pa naliligo." Nanlaki ang mata ko, at sumakit ang dibdib ko, hindi ko mapigilang mapaiyak.

"Mabaho ako?! Huhu, ikaw nga kasi ang mabaho! Tapos ako?? Ako?!" Nagpapanik naman siyang lumapit saki'n.

"Ako na, ako na mabaho." Itinulak ko siya.

"Ang baho mo! Alis!" Umalis nalang siya. Ako pa mabaho ah! Grabe!

•••

C L A U D E T T E ' S P O V

"Heather's pregnant, and Deneb is the father." Balita ng imbestegador na nasa harap ko. Umusok naman ang katawan ko sa galit.

"Ahhhh!!!" Sabay hagis ko sa kung anong mahawakan ko.

"Calm down, young lady." Kalma niya saki'n. Pero hindi ako nagpa-awat.

"Leave!" I command him.

"Young..."

"I said you to leave!" Sabay bato sa gamit na nahawakan ko, nailagan naman niya ito.

Yumuko siya at nagpa-alam na aalis na, pero hindi ko siya pinansin pa. Galit, poot, at sakit ang nananalaytay sa dibdib ko ngayon!

"I will kill you, Heather! I will!" I shout.

Hindi na ko makapaghintay na mawala ka sa daanan ko, Heather Sancia Falguera!!

***

H E A T H E R ' S P O V

"Pwede na ba kong lumapit?" Tanong ni Deneb, inirapan ko siya. Hindi na siya mabaho, pero naiirita parin ako sakanya.

"Wife."

"O?!" He pout, ang sarap lamukatin yang mukha niya.

"Lapit ako ah." Di ko siya pinansin.

Nabigla ako nang bigla niya kong hinalikan, paglalit niya.

"I miss this." He sexily whisper. And the rest.... That night, we made love.

•••

"Ahhh," nagising ako sa ingay ni Deneb, mula sa banyo. Naglakad ako, papalapit.

"Are you, okay?" I worriedly asked.

"Obvious ba?" He sarcastically answered, nagulat ako.

"Oh, it sucks!" Sabay mumog pa niya, lumabas siya sa banyo, at iniwan akong tunganga. Nakainom ba siya, kagabi? Pero, wala naman akong maalala ah.

"Teka, Deneb." Habol ko sakanya, pero iritado niya kong nilingon. Anong bang problema niya?

"Ketchup shake? Ketchup Adobo? Ketchup cake?" Umiling ako, at ngumiti. Pero, hindi nag-iba ang mukha niya.

"Come on, sabihin mo na." Aburido, na talaga siya.

"Umuwi na tayo ng pilipinas."

•••

"Ako na nga ang magdadala niyan!" Agaw niya sa sling bag ko.

"Deneb, ikaw na nagdadala ng gamit natin, pati ba naman sling bag ko?" Nakakainis na talaga siya, grabe na!

"Wag ka na kasing magdala, mapapagod ka lang." Sabay suot ng sling bag ko.

"Ang OA mo!" Inis kong sabi.

"Wag kang makulit."Nauna na siyang naglakad, Inis na tinignan ko siya habang dala-dala ang sling bag ko, back pack niya, at dalawang maleta na kulay blue, at pink.

•••

"Gusto mo." Abot ko ng brownies, kay Deneb.

"Ayoko, gusto ko ng Avocado with Ketchup." Napalingon ako sakanya. Ang weird ah.

"Weird mo." Patuloy ako sa pagkain.

"Eh, gutom na ko."

"Umorder ka sa menu, bobo eh."

"Eh, kasi nga wala namang avocado with ketchup sa menu!" Napalingon na saamin ang ibang mga pasahero.

"Kainin mo, kung ano yung meron diyan. Ang arte." Irap ko.

"Gusto ko nga kasi ng Avocado with ketchup." Iling-iling lang ako sakanya, bahala siya diyan, ang arte niya.

•••

"Minsan lang kitang..." Natigil ako sa pagsabay sa pagkanta ng mahina nang magsalita si Deneb.

"Pwede po bang paki-patay ng radyo, manong." Paki-usap ni Deneb sa taxi driver.

"Wag ho, manong." Utos ko.

"Wife, maingay. Gusto ko ng katahimikan."

"Gusto mo boring, ganon?"

"Tss, paki patay." Pinatay naman ng driver.

"Buksan..."

"Wag po kayong mag-away dito maam, sir." Nahiya naman ako. At nagsimulang tumahimik.

Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa bintana ng taxi, nang biglang may itim na SUV van ang humarang sa taxi na sinasakyan namin.

Napahinto kami, lumabas ang driver.

"Sir..." Pero bigla itong binaril ng lalaking naka-mask. Lubha akong natakot.

"Damn it!" Dito ka lang.

"Deneb!" Pigil ko, pero lumabas parin siya, nilabanan niya ang mga lalaki, pero sadyang marami sila. Binuksan nila ang pintuan ng taxi, at hinila ako.

"Deneb!" Sigaw ko, lumingon siya saakin, pero hindi niya ko nalapitan, dahil sa mga lalaking nakaharang at nilalabanan siya.

Ipinasok nila ako sa van, nagpupumiglas ako. Pero may isang lalaki ang nagtakip sa mukha, ko bumigat ang mata ko, nakaramdam ako ng antok. Pero, bago pa man ako hilain nang antok ay narinig ko pa ang sinabi ng isa sa mga lalaki.

"Yes, we got her. Young lady." And everything went black.

****