Chereads / BETRAYAL AFFAIR / Chapter 23 - Chapter Twenty

Chapter 23 - Chapter Twenty

Nagising akong nangangawit ang leeg ko. Nang maimulat ko ang mata ko ay tumambad saakin ang isang bodega, luh? Walang originality, ampt!! Mangingidnap na nga lang sa bodega pa. Hays, ang sakit ng kamay ko, nakatali kasi sa likod ko.

"Well, well, well gising na pala ang bihag." Bihag, pmmmtt. Pero sumeryoso ang mukha ko ng matantong si Claudette pala ito.

"Nasaan ako?" Ngumisi naman siya.

"You're here, in hell." A demonic smile escape from her lips. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hell? Patawa ka ba? Baka naman sabihin mo ding ikaw si Lucifer." Pambabara ko, mukhang nagalit naman siya sa sinabi ko.

Lumapit siya saakin at hinawakan ang mukha ko, na parang sinasakal.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pilit akong nagpupumiglas pero sobrang higit ng pagkakahawak niya sa mukha ko, naramdaman ko rin ang pagbaon ng kuko niya.

"Do you think, I'm kidding you?" Sabay sampal saakin. Namanhid naman ang pisngi ko, ansakit! Damn!

Hindi pa siya nakuntento at sinampal-sampal pa ako. Sinabunot-bonutan niya rin ang buhok ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapadaing, wala naman kasi akong magawa.

"Damn! Caludette Tumigil ka!" Pinapadala ko nalang sa daloy ng pagsabunot niya para hindi masyadong masakit, pero masakit parin.

"No, hindi pa ako tapos! You bitch!" Maluha-luha na ako, feeling ko makakalbo nako, pero ayaw niya paring tumigil.

"Buntis ako, Claudette ano ba!" Sandali siyang tumigil at tinignan ako ng matalim, mukhang hindi naman siya nagulat.

"I know! At papatayin ko yan!" May kinuha siyang dos por dos na kahoy. Umiiling-iling na tinignan ko siya.

"Clau...Claudette, Tu-Tumigil Ka-ka na." Mautal-utal na bigkas ko. Nginisihan niya lang ako.

"Why would I? Huh? Sabihin mo bakit ako dapat tumigil?! Inagaw mo si Deneb saakin! You bitch!" Nag-aapoy ang matang tingin niya saakin.

"Claudette..."

"Inagaw mo siya!" Lumapit siya at bago pa niya ako mapalo ay may dumating.

"Madame, may mga pulis po." Magalang na sabi ng isang lalaki, pero nakikitaan ang magkakataranta nito.

"Ano?! Patayin niyo yan sila, hindi pa ako tapos sa malanding babaeng nandito. Hindi ko pa siya napapatay!" Sigaw niya, tumakbo naman palabas ang naturang lalaki.

"Bago pa man sila makapasok, sisiguraduhin kong wala ka ng hininga." Dahan-dahan siyang lumapit saakin.

At hinataw ako ng palo, napahiyaw ako sa sakit, sa may bandang likod ko ang natamaan dahil sa iniwasan kong matamaan ang tiyan ko.

Muli na naman niya akong pinalo at sa ulo ko na ito tumama, agad nahilo at nanlabo ang mga mata ko. Pero bago pa man ako makatulog nakita ko kung paano dagling lumabas ang dugo sa bunganga ni Claudette.

Deneb' POV

"Do everything, please I'm begging you." Walang tigil sa pagbagsak ang luha ko sa mga mata. Nandito ako sa hospital at nakikiusap sa mga nurse at doctor na pagalingin ang asawa ko.

"We'll do everything we can, sir." At sinaraduhan na ako nito ng pinto. Nauupos na napaupo ako sa sahig, I don't care if maraming makakakita sa nangyayari saakin.

Halos huminto ang mundo ko kanina ng makita ko kung paano hatawin ng dos por dos ni Claudette si Heather. Walang ano-ano'y pinaputukan ko siya. I don't know kung anong nangyari sakanya, kung buhay pa ba siya o patay na. Wala akong pakialam sakanya! She hurt my wife at kahit mamatay man siya wala akong pakialam!

"Anak." Tumatakbong pumunta sina mama sa kinaroroonan ko. Niyakap ako ni mama at tinnulungan nila akong tumayo ni papa.

"Everything's gonna be okay, anak." I hope so.

•••

"Are you, the patient's?" Madali akong tumayo at naglakad patungo sa doctor ng lumabas ito.

"Husband. I'm her husband. Ano pong nangyari? Okay na ba siya?"

"Naagapan na namin ang pagdurugo ng utak niya, but we're not sure kung kailan siya gigising. Pwede siyang ma-coma or worst, mamatay. And the baby, sorry but we lost the baby."

"Doc, please do everything. Please..."

"All we have to do is to wait for some miracle to happen." Sabay alis nito.

•••

"Wife, I buy you a book. A novel book, diba nahilig ka sa pagbabasa basahin ml to ah. Gising na kasi." I smile pero nandon parin yung hope na magigising siya, it's been a month since na-comma siya. Our baby failed to fight, masakit pero mas masakit kung pati siya mamatay din.

Hinawakan ko ang kamay niya at inilapit ito sa bibig ko, hinalik-halikan ko ito.

"I love you,..." biglang tumunog ang alarm na may hindi magandang nangyayari, maya-maya'y dumating ang mga nurses at doktor.

"Dun muna kayo sa labas, sir." Naeestatwang tinitigan ko sa may screen kung paano nila pilit isinu-survive ang asawa ko. And when line when flat, my whole world stop.

***

(A/N)

Charot, awiehh epilogue na sa susunod. Siguro nagtataka kayo kung bakit naiba, hhehe yung sa group kasi minadali ko ng sobra kasi nasira yung phone ko at ayun, ang now iniba ko. Kaya ayan, sige haha pag-iisipan ko pa kung tragic ba o hindi. Siggest kayo, hehhe.

10/27/2019