"Ang ganda magsulat niyang si Stean Mendez Writes ah, pero wala namang kapicture-picture sa album niya." Komento ni Deneb.
"Malamang, kasi nga rp'er lang siya." Sagot ko.
"rp'er?"
"Yung mga taong gumagawa ng account, pero hindi nila pinapaalam real na identity nila, kagaya nalang niyang si Stean Mendez Writes, hindi niya yan totoong pangalan, at ginawa niya ang account na yan, para makapagsulat ng stories." Paliwanag ko.
"Eh kung sa tunay na account niya nalang i-post?"
"Hindi ko masasagot yan, kung gusto mo. Siya yung itanong mo." Sarcastic kong sagot.
"Ang sweet talaga ng misis ko." He hug me, hindi ko alam kung bakit, pero bigla nalang akong nairita.
"Hanapan mo nga ko, ng Ice cream na ketchup ang flavor." Utos ko, sabay tulak sakaniya patayo.
"Saan ako makakahanap non?"
"Ewan ko sayo, gumawa ka ng paraan. Wag kang bumalik na walang dalang Ice cream na ketchup ang flavor ah!"
•••
• D E N E B ' S P O V •|
"What is your order, sir." Magalang na tanong sakin ng isang countet girl. Nandito kasi ako sa IceCream Parlor, nagbabaka sakaling may flavor na KETCHUP dito.
"Do you have Ketchup flavor Ice Cream here?" Alinlangan kong tanong.
Sandali pa siyang napatulala. Pero, muli ding nagsalita.
"We haven't, but we can make one."
"Really?"
"Who want to eat it?"
"My wife."
"It's your wife's craving huh."
"Yes, she suggested it."
"How months?" She ask. Months?
"Months?"
"How months, pregnant she is?" What?!
"She's not??" Alinlangan kong sagot, buntis si Heather?!
"Awh, okey. Please wait for an hour." Tumango nalang ako at naupo. Binabagabag sa sinabi ng babae kanina.
• H E A T H E R ' S P O V •|
"I'm here!" Napatayo naman ako sa kinauupuan kong sofa.
"Ang tagal mo!" Sigaw ko.
"Relax lang wife, natagalan lang sa paggawa."
"Bigyan mo na ko, dali." Utos ko.
"Eto na po, mahal kong asawa." Sabay abot niya saki'n ng mangkok na may ice cream.
***
Magana kong kinain yon, nakatunganga lang siya, at pinagmamasdan ako.
"Bakit?" Intriga ko.
"Naisip ko lang yung sinabi nung counter girl kanina." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Nilandi ka?"
"Hindi, alam niyang para sa asawa ko yung ice cream."
"Tapos." Patuloy ako sa pagsubo.
"Sabi niya na buntis ka daw, at naglilihi." Napatigil ako sa pagsubo, gulat ko siyang hinarap.
***
"Deneb." Seryoso kong sabi, kinakabahan man, pero batid kong karapatan niya ring malaman.
"Hmm." Atat na tanong niya.
"Buntis ako." Napakagat ako ng labi. Sumeryoso ang mukha niya.
"Buntis ka." Tila pinoproseso niya pa ang sinasabi ko. Tumango ako, tumayo siya at naglakad palabas.
"Deneb!" Pero hindi niya manlang ako nilingon.
Hinintay ko siya, ng isa, dalawa, hanggang sa gumabi na.
"Where's your husband, Heather?" My lola ask.
"He leave, but I know that, he'll be back." I hope that he'll be back.
•••
Nagising ako ng may naramdaman akong paghalik sa pisngi ko. Nang imulat ko ang mata ko, ay si Deneb ang tumambad saki'n.
"Deneb!" Niyakap ko siya.
"Wife."
"Akala ko, iiwan mo na ko. Sabihin mo saki'n ayaw mo ba sa bata? Deneb, ikaw ang ama niya..." He cuts me with his kiss.
"Of course, tanggap ko ang anak ko, Heather. Pasensiya ka na't umalis ako. Marami naman akong pasalubong na Ketchup, Ice Cream na ketchup at adobo na ketchup ang sabaw. Diba pinaglilihian mo yon." Masayang niyakap ko siya ulit.
"I love you, Deneb."
"I love you too, Heather. Pati narin ang baby natin, god! Hindi ako makapaniwalang tatay na ko, gusto kitang buhatin ngayon at tumalon-talon." Nagkikislapan ang mata niya. Pinalo ko naman siya.
"Aray!"
"Ang OA mo kasi."
"Deneb!"
"Yes, wife?"
"Hukaran mo nga ko, ng adobo na ketchup ang sabaw, tapos kanin na may ketchup din!" Utos ko, natatawang tumalima siya sa utos ko.
***