Ilang sandali pa ay dumating na ang militar. Kasama rin nila ang ilang CAFGU na mas nakakaalam ng pasikot-sikot sa gubat na iyon. Alas singko na ng hapon at malapit ng dumilim. Kaya may dalang flashlight ang mga magsasagawa ng rescue operation.
Pinauwi na muna ni Alissa ang mga magkakaibigan at pinahatid ang mga ito kay Victor. Nagpaiwan siya at pinayohan ang asawa na huwag na munang bumalik at tatawagan na lang ito kung kailangan siya. Gusto mang malaman agad ni Alissa ang totoo, hindi ito ang panahon para unahin pa niya iyon kaysa sa paghahanap sa nawawalang anak. Ipinasok niya sa kaniyang bag ang inabot na cellphone ni Maureen. Makakatulong sana ito sa paghahanap sa anak pero hindi niya ito mabuksan dahil sa passcode nito na anak lang niya ang nakakaalam. Napahinto siya saglit. Agad siyang lumapit sa mangunguna sa platoon na iyon, si Master Sargeant Alex Benson.
" Sir, nahulog ito ng anak ko bago siya mawala. Baka makatulong ito sa paghahanap sa kaniya."aniya sabay abot nito sa sundalo.
" Let me see, alam mo ba ang passcode nito?"tanong ng sundalo.
" Hindi sir, pero may paraan ba para makuha natin ang laman?"pagbabaka-sakali niya. Umiling ang sundalo at binalik nito ang cellphone kay Alissa.
" Kung iyan sana ay android device, malamang na may memory card yan, pero dahil ios device yan, wala tayong ibang magagawa kundi hanapin muna ang inyong anak saka pa lang natin yan mabubuksan." Sagot nito. Malungkot na binalik ni Alissa ang cellphone ng anak sa kaniyang bag.
" Wag po kayong mag-alala, gagawin namin ang lahat mahanap lang ang iyong anak. Magdasal na lang po tayo na wala pang masamang nangyari sa kaniya."pagtitiyak nito.
"Thank you sir."at sinundan nya ng tingin ang pagtalikod nito at nagsimula ng lumakad ang mga sundalo.
Samantala, nakatali pa rin ang mga kamay ni Cassey. Kanina pa hindi bumabalik ang binata. Kasama nito ang aso niya. Ilang sandali pa ay may narinig siyang ingay, pumasok sa kaniyang kinaroroonan ang binata na may dalang mga buko. Nakangiti nitong nilapag ang mga iyon.
"Gutom ka na ba? Pasensiya ka na at mahirap talagang makahanap ng tiyempo sa pagkuha ng mga buko. Baka mahuli ako ng may-ari mahirap na."anito na nakangisi pa. Hinugot nito ang itak niya para mabuksan na ang buko.
"Sandali lang, ibig sabihin ninakaw mo yan, sorry hindi kumakain ng galing sa nakaw."alma ni Cassey. Tumawa lang si Ishi bilang tugon.
"Bahala ka, ikaw din ang magugutom." Anito at tinagpas na ang buko at ininom ang sabaw nito. Tumutulo pa mula sa bibig nito ang sabaw na nagpatuyo lang sa lalamunan ni Cassey. Hiniwa na ni Ishi ang buko sa gitna at gumawa ng pangkuha ng laman nito mula sa mismong balat ng buko. Pinapanood siya ni Cassey habang sarap na sarap siya sa pagkain.
" Sigurado ka talagang ayaw mo? Uubusin ko to..." pang-iinggit pa nito habang nakangisi.
"Ok!"anas ng dalaga. Napatingin sa kaniya si Ishi.
"Kung di lang talaga ako nagugutom at nauuhaw."aniya. Nakatawang pinagbiyak ni Ishi ang bihag niya. Inilapit niya ang butas sa bibig ng dalaga at pinainom dito ang sabaw ng buko. Pagkatapos ay binyak niya ito sa gitna. Kinalos niya laman nito at pinakain kay Cassey. Isa-isa niyang isinubo ang mga ito sa bibig ng dalaga. Bahagya namang iniiwas ni Cassey ang katawan niya sa pagdikit ng binata sa kaniya. Naiilang siya sa paminsan-minsang pagdikit ng mga daliri nito sa kaniyang labi pero wala na siyang magagawa kundi magpanggap na manhid para lang magkalaman ang kanniyang tiyan. Hindi maiiwasang may nadidikit na mga laman ng buko sa paligid ng labi ni Cassey.
"Sandali, may buko ka sa bibig, kukuha lang akong damit pampunas." Anito at tumayo na para kunin ang gagamitin niyang pampunas. Wala pang isang minuto ay nakabalik na ito dala ang kulay gray na damit pambata. Lumapit siya sa dalaga para sana punasan ang bibig nito pero naiilang si Cassey.
"Sandali,...ako na" aniya.
"Baka mahirapan ka" sagot naman ni Ishi.
"Sana naisip mo yan bago mo ko itinali."balik niya rito. Napangiti na lang si Ishi at inilagay ang damit sa kamay ng dalaga.
"Buti nga pinakakain pa kita."tanging nasabi na lang ni Ishi.
"At talagang may utang na loob pa ako sa'yo. Salamat ha." Sagot naman ng dalaga. Tawa na lang ang naging tugon ng binata na lumayo na sa kaniya at umupo sa paborito nitong upoan. Pinunasan na ni Cassey ang kaniyang bibig kahit mahirap ito dahil nakatali ag kaniyang mga kamay. Kahit papaano naman ay kaya niya itong itaas papunta sa kaniyang bibig kaya magagawa niyang punasan ang sarili. Napatingin si Cassey sa damit na ibinigay ng binata sa kaniya. Damit ito ng isang bata.
"Kaninong damit ito?"usisa niya.
"Akin yan, yan ang suot ko ng magising ako sa gilid ng ilog."sagot ng binata.
"Nagising ka sa gilid ng ilog? Pero bakit di mo hinanap ang daan pauwi?"
"Dahil wala akong maalala. Hindi ko alam kung bakit napunta ako roon. Ang unang nakita ko pagdilat ko ay isang maliit na aso na dinilaan ako sa mukha."
"Kung ganon,...paano mo nalaman ang pangalan mo?"tanong pa niya.
"Ang totoo niyan di ko alam ang pangalan ko. Kinuha ko lang ang ISHI mula sa etikita ng damit na yan."
Agad na hinanap ni Cassey ang etikita sa kwelyo ng damit. Nagsasabi nga ito ng totoo. Nakasulat doon ang ISHI.
Pero ano ang ibig sabihin nito, yan ang una niyang aalamin kapag nakatakas siya mula sa pagkakatali sa kaniya.
Hindi pa rin mapakali si Elmer sa bahay niya. Hindi niya akalaing magkikita ulit sila ng dati niyang amo sa minahan. Hindi ito ang panahon para manahimik siya sa kanila hintayin kung anong nangyari sa anak nito. Kailangan niyang maunahan sa paghahanap ang mga sundalo. Hindi niya hahayaang sirain uli ng pamilyang iyon ang kapayapaan ng pag-iisip na nararanasan niya mula ng mangyari ang trahedya sa minahan. Hindi siya makakapayag na dito magwawakas ang mga plano niya para sa kaniyang sarili.
Labag man sa loob ni Victor pero dinala niya pauwi sa kanila ang mga kaibigan ng anak. Hindi niya hahayaang makarating pa ang nangyari sa mga magulang ng mga ito. Pero panahon na ba para sabihin niya sa asawa niya ang totoong nangyari sa minahan? Panahon na ba para pagbayaran niya mga nagawa niya noon?
Alam niyang mabuting tao si Elmer at nadamay lang ito sa plano niya at alam niya kung saan nito hinuhugot ang matinding galit. Pero kailangan niyang magmukhang matapang para sa pamilya niya. Kung meron mang mas naapektohan ng mga pangyayaring ito, ito na ay ang kanyang pamilya.
Marami ng nawala sa kaniya, at hindi siya makakapayag na madagdag pa rito ang nag-iisa niyang anak.
Natanaw ni Ishi ang mga ilaw ng flashlight na tumatagos sa dahon ng mga puno sa gubat. Nakapatong siya sa isang malaking bato sa mataas na parte ng bundok. Alas syete na ng gabi kaya nakikita niya kung gaano sila karami sa pagbilang lang sa mga ilaw ng flashlight. Mukhang wala na siyang iba pang magagawa kundi ang pakawalan ang bihag niya bago pa matunton ng mga sundalo ang kaniyang kinaroroonan. Baka makita din ito ng kaniyang asong si Az at kumahol ito na mas lalo lang magpapahirap sa sitwasyon niya.
Tahimik na nakabuntot sa mga sundalo si Elmer. Palipat-lipat siya sa mga malaking puno. Gusto niyang maunahan ang mga ito sa paghahanap sa dalaga.
Bumalik na sa loob ng kweba si Ishi. Umupo muna ito at pinagmasdan ang dalaga.
"Bakit ka ganiyan makatingin sa akin? Kung ano man yang masamang balak na iniisip mo.." pabirong sabi ni Cassey.
" Matutulungan mo ba talaga ako?" tanging tugon ni Ishi.
" Oo nga,...ano pa bang patunay ang gusto mo?"
"Alam mo ba, nasa paligid na ang mga magulang mo, hinahanap ka nila kasama ang mga taong may baril."salaysay niya rito. Naging seryoso ang mukha ni Cassey.
"Anong plano mong gawin?"usisa ng dalaga.
"Papakawalan na kita, pero kailangan kong takpan ang mga mata mo para di mo matunton ang lugar na ito."aniya.
"Salamat Ishi,...makakaasa ka, babalik ako. Hahanapin ko ang totoo mong pamilya. Kung saan ka talaga nanggaling."ani Cassey na tinuldokan ng ngiti.
"Sandali, may kukunin lang ako."anito sabay tayo at lumabas sa silid na iyon. Wala pang dalawang minuto, bumalik na ito dala ang isang lumang litrato. Inabot niya ito sa nakataling kamay ni Cassey. Mag-asawang magkatabi at nakangiti ang makikita sa picture na yon.
"Hindi ko alam kung sila ba ang tunay kong magulang, pero nakita ko yan sa isang lagayan ng mga papel."
Tiningnan ni Cassey ang nakasulat sa likod ng picture na iyon.
"Sid and Helen 1st Wedding Anniversary, August 3, 1994." ang nakalagay sa likod nito.
"Sid and Helen. Baka yong S at H sa ISHI ang kahulugan ay Sid at Helen,...yong I sa magkabilaan na lang ang problema natin. Malaki ang maitutulong nito sa paghahanap ko."paliwanag ni Cassey. Nanatiling tahimik lang si Ishi.
Kinuha na ni Ishi ang itak at isa-isang pinutol ang tali sa katawan, paa at kamay ni Cassey. Tumayo ang dalaga at tinanggal na rin ang mga natitirang nakabuhol. Lumabas saglit ang binata at pagbalik ay may dala na itong isang pirasong tela na kailangan niya sa pagpiring sa dalaga.
"Handa ka na?"tanong ni Ishi. Pumikit na si Cassey. Inalalayan siya ng binata sa paglalakad nila. Ramdam niya ang mga hakbang niya sa mga sanga at dahon sa dinadaanan nila. Wala pang kalahating oras at huminto na si Ishi sa paglalakad. Unti-unti na nitong tinanggal ang telang nakatakip sa kaniyang mga mata. Tumitig ito sa mga mata niya.
"Sa pagbalik mo ay ipapakita ako sa'yo. " bigkas ng binata.
"Kung ano man yan...masaya akong babalik na may mga sagot na sa mga tanong mo."tugon ni Cassey.
"Maghihintay ako..." aniya. Kinuha ni Cassey ang kanang kamay ng binata. Hinawakan niya ito ng mahigpit gamit ang kaniyang dalawang kamay. Saka dahan-dahang bumitaw at humakbang palayo sa kaniya. Huminto ito saglit at lumingon kay Ishi.
" Cassey,..Cassey Vasco. Yan ang pangalan ko."anito at tuluyan ng naglaho sa dilim. Naiwang tahimik at nakatingin sa mga ilaw sa di-kalayuan ang binata. Napangiti siya at tumalikod na pabalik sa kaniyang taguan.