Nagkita na naman magkakaibigan sa paborito nilang coffee shop. Ilang araw naring naghahanap sa social media si Cassey ng mga pangalan na Isidro at Helen Ibañez. Talagang mahirap silang matunton.
Napabuntong hininga ang dalaga. Labag man sa loob niya ay kailangan niya ng tulong mula sa mga kaibigan para makombinse si Ishi na bumaba sa lungsod.
Hindi ito ganon kadali lalo na at ngayon niya lang sasabihin sa kanila ang totoo. Sa totoo lang kahit matagal na silang magkakaibigan, hindi niya pa rin alam kung paano sila tutugon.
Napansin ng mga kaibigan niya ang kanina pa niya pananahimik.
"Cassey." tawag pansin ni Bob.
"Cassey!" malakas na bigkas ni Paul.
Napaangat ng mukha ang dalaga at inikot niya ng tingin ang kaniyang mga kaibigan.
"Bes may problema ka ba? Kanina ka pa ganiyan." dagdag ni Maureen.
"Wala to." aniya sabay ngiti.
"Anong wala. Parang kanina lang tayo nagkakilala ah." reaksiyon ni Alfred.
Natigilan siya, tama ang mga kaibigan niya. Wala siyang pwedeng itago sa kanila.
Muli niya silang inikot ng tingin.
"Guys sana strong pa rin friendship nati pagkatapos kong sabihin to..."
Napako sa kaniya ang mata ng lahat.
"I lied."
"I lied about sa sinabi kong kailangan ko ang info about ISHI para sa article na isusulat ko." pag-amin niya.
"So ano ang totoo?" tanong ni Maureen.
"Spit it out. Mauunawaan ka namin." dugtong naman ni Alfred.
"Di ko alam kung pano ko sisimulan to pero, mahirap man paniwalaan nagsimula to bago ko pa kayo nakilala, except kay Maureen of course."
"Sige lang...makikinig kami."pagtitiyak ni Paul.
Humugot siya ng malalim na hininga bago niya kinwento ang tungkol sa nakita niyang picture nong bata pa siya. Hanggang sa nagkakilala sila at nagsimulang sumama sa mga hiking. Hangang sa inakyat na nila ang Puting Bato at nawala siya at nakilala niya ang misong nasa picture. Kaya ngayon hinahanap niya ang nga magulang nito para malaman niya kung sino itong talaga.
"Ibig mong sabihin matagal mo ng ginagawa tong pag-iimbestiga mo ng hindi namin alam?" reaksiyon ni Alfred matapos siyang magkwento.
Tumango si Cassey.
"OMG bes, sana sinabi mo sa amin para natulungan ka namin sa rescue mission mo."ani Maureen.
"Tama si Maureen, buhay na ng isang tao ang pinag-uusapan dito. Ready kaming tumulong sa'yo."dagdag naman ni Bob.
Nakahinga ng maluwag si Cassey.
"Guys salamat sa inyo ha, I mean somehow nakatulong na naman kayo sa akin, pero this time mas kailangan ko tulong niyo."
"Ano maitutulong namin sa'yo."tanong ni Bob.
"Gusto ko sanang kunin si Ishi sa bundok."sagot niya.
Biglang natahimik silang lahat. Kaniya-kaniya silang yuko ng ulo.
"Guys akala ko ba?"
Si Alfred na ang sumagot.
"Cassey,...medyo mahirap yang gusto mong gawin. Alam mo naman ang nangyari sa'yo ng nagpunta tayo don."
"Pero...."
"Ano kaya kung humingi na tayo ng tulong sa mga pulis, sa daddy ni Maureen?" mungkahi ni Paul.
"Hindi pwede."mabilis na alma ni Cassey.
"Bakit naman?" halos sabay nilang tugon.
"Kapag ginawa natin yon, mahihirapan na tayong mahanap kung sino ang gumawa nito sa kaniya. Isipin niyo, kung totoo na anak siya ng isang mayamang businessman, hindi kaya nakidnap siya kaya siya napunta doon sa bundok?"katwiran ni Cassey.
"May point siya guys."sang-ayon ni Alfred. "Kapag nagpatulong tayo sa mga pulis na kunin siya, makukuha natin siya at mahahanap natin agad ang parents niya, pero hindi naman niya makukuha ang justice sa mga panahong nasayang sa buhay niya."dugtong pa ni Alfred.
"Kaya ang kailangan natin ay ibedensiya na magtuturo sa gumawa nito sa kaniya." bigkas ni Cassey.
Madali lang sabihin pero nahirapan silang lahat mag-isip kung paano ito gagawin gayong hindi sila pwedeng umakyat ulit sa bundok.
Nagpasya ang lima na sa bahay na lang nila iisipin ang mga susunod na mga gagawin.
Lingid sa kanilang kaalaman, kanina pa nakamasid sa malayo si Victor mula sa kaniyang kotse. Sigurado siyang may tinatago ang mga kabataang ito sa kaniya. Lalong-lalo na ang kaniyang anak. Mula ng makita niya ang picture ni Sid at Helen sa bag ng anak hindi na pinatulog nito sa kakaisip. Kailangan niyang ayosin ito sa paraang alam niyang makabubuti sa lahat.
Sinamahan ni Cassey na mamalengke ang kaniyang mom. Pagkatapos bumili ng mga gulay ay dumiretso ang mag-ina sa wet market para bumili ng isda at karne.
Namimili sila ng isda ng mapadako ang tingin ni Cassey sa isang bata. Inisip niya agad kung saan niya nakita ang pamilyar na mukha nito.
Si Panoy...
Hinabol niya ng tingin ang bata. Kasama nito ang kaniyang nanay.
"Mom, C.R. lang po ako ha." paalam niya. Tumango si Alyssa.
Agad na hinagilap ni Cassey ang bata. Namimili ang nanay nito ng mga luya at bawang.
"Hi po. Naaalala niyo pa po ako?" bati ng dalaga. Bahagyang nagulat ang ginang at napalingon sa kaniya. Tumitig lang ito sa kaniya.
"Hi Ate." bati naman ni Panoy.
"Hello Panoy,..kumusta ka naman?" malambing niyang tugon.
Napansin niya ang sumilip na ngiti mula sa labi ni Ising.
"Pasensiya ka na iha kung hindi kita agad nakilala." anang ginang.
"Ok lang po. Pwede ko po mahiram saglit si Panoy? Bibilhan ko lang siya ng tinapay at chocolates." paalaam niya rito. Tumingin muna si Ising sa reaksiyon ng anak bago ito sumagot.
"May gagawa ba ako eh halata namang gustong-gusto ng anak kong sumama sa'yo." anito matapos makita ang kagalakan sa mata ng anak niya.
Hinawakan niya ang kamay ng bata.
"Salamat po ha, promise ibabalik ko rin po siya mamaya." aniya.
"Salamat din iha. Magkita na lang tayo sa sakayan ng habal-habal."
"Ok po." nakangiti niyang tugon.
Dinala niya sa isang bakery ang bata at binilhan ng tinapay at softdrinks.
Pagkaupo ng dalawa ay agad niya itong kinausap sa totoong pakay niya.
"Nasa inyo lang ba ang tito mo?"tanong niya.
"Opo. Hindi naman po siya masyadong pumupunta kung saan-saan." sagot naman ng bata habang puno ang bibig.
"May ipapagawa ang ate sa'yo pero secret lang natin to ha? Wag mo sabihin sa mama at papa mo ha." pabulong niyang bigkas.
Inosenteng tumango si Panoy tanda ng pagsang-ayon.
"Pagdating niyo sa inyo sabihin mo kay Tito mo na itext niya ako sa number na 'to. Text lang kamo ha, wag tawag." aniya sabay abot ng kaniyang contact card.
Panay naman ang tango ng bata at halatang nakikinig naman itong mabuti.
"Tapos sabihin mo gusto ko siyang makausap ng personal." bilin pa niya.
Nang makatapos na sa pagkain ang bata ay binilhan niya pa ito ng mababaon nitong tinapay. Dumaan din sila saglit sa isang convenience store para bilhan si Panoy ng pinangako niyang chocolates.
Hinatid niya ito sa sakayan ng habal-habal kung saan nakapila ang mga motorsiklo paakyat ng bundok. Naghihintay na doon ang ginang bitbit ang mga pinamili niya.
Pabalik na si Cassey sa wet market ng magring ang kaniyang cellphone. Ang mommy niya ang tumatawag.
"Anak saan ka na,..andito na ko sa pinagparkingan natin."
"Papunta na ako diyan mom. Sorry po, may dinaanan lang."
Huminga ng malalim si Cassey at naglakad na papunta sa kotse nila.
Dalangin niya na sana ay maging maayos ang lahat at kontakin siya ni Elmer para makausap niya ito. Balak niyang ito na ang pakiusapan niya na magpunta kay Ishi at kombinsihen ito na bumaba na ng siyudad.
Konti na lang Ishi, makikita din natin mga parents mo.