Gaya ng napag-usapan ay kaniya-kaniyang tanong ang magkakaibigan tungkol sa pakiusap sa kanila ni Cassey. Dumaan saglit tailoring shop ng nanay niya si Alfred dala ang ulam na binili niya sa kalapit na karenderya.
"ISHI?" reaksiyon ng nanay niya ng itanong niya rito ang tungkol doon.
"Opo. Baka kasi alam niyo kasi nanahi rin kayo ng RTW dati."
Napatigil sa pananahi ang nanay niya.
"Oo tama. May company dati ng RTW dito sa atin diyan malapit sa pantalan na ang pangalan ay ISHI. Pero matagal na yong wala." sagot nito.
"Talaga po? Nakapagtrabaho po kayo doon?" usisa pa ni Alfred.
"Hindi eh, pero may kakilala akong doon dati nananahi."
Napangiti si Alfred. Nagpaalam siya kaagad para tawagan si Cassey.
Napasugod sa bahay ni Cassey ang barkada. Napagkasundoan nilang sabay silang pupunta sa binigay na address ng nanay ni Alfred.
"Alfred salamat ha. Napadali ang trabaho ko." pasalamat niya rito.
Pinagpaalam ni Cassey ang kotse nila at si Bob ang nagdrive papunta sa mananahi.
Pagkalipas ng sampung minutong biyahe, nakarating sila sa isang bahay sa gilid ng highway na nakaharap sa dagat.
"Tao po." tawag nila. Kumahol ang mga aso sa loob ng gate. Sumilip ang isang ginang na nakatapis ng tuwalya at nagsasampay ng mga nilabhang damit.
"Ano yon?" tanong nito matapos buksan ang isang maliit na entrance ng gate. Hinarap siya ni Alfred.
"Ah magandang hapon po. Anak po ako ni Letty Bernal yong mananahi sa bayan." pakilala ni Alfred sa sarili.
"Naku talaga, kumusta si Mareng Letty?" nakangiti nitong sagot.
"Ah ok naman po si mama. May gusto lang po sana kaming itanong sa inyo." Napatingin sa kanilang lahat ang ginang.
"Sige pasok muna kayo, nakatali naman mga aso ko." imbita nito. Pumasok silang lima at tumuloy sa isang maliit na pahingahang kubo sa bakuran ng bahay nito.
"Diyan na muna kayo at ipagtitimpla ko lang kayo ng juice." pagkukusa nito.
"Ay wag na po, nakakahiya." ani Bob pero sa loob-loob niya ay kanina pa siya nauuhaw. Napadako sa kaniya ang tingin ng lahat.
"Hayaan niyo na." at tumalikod na nga ito para pumasok sa kaniyang bahay.
"Kunwari pa to." biro ni Maureen kay Bob.
"Siyempre..." nakangiting tugon ni Bob.
Bumalik ang ginang dala ang petsel ng juice at mga baso.
"Ano ba yong gusto niyong itanong?" anito pagkaupo.
"Nabanggit kasi ni mama na nakapagtrabaho kayo sa company na ISHI, totoo po ba yon?" tanong ni Alfred.
"Oo. Kaya lang nagsara na sila."
"Bakit po sila nagsara?" singit ni Cassey.
"Namatay kasi yong anak nila sa pagsabog ng minahan." agad nitong sagot.
Napalunok si Cassey.
"Alam niyo po ba kung saan na sila nakatira ngayon?" tanong ni Cassey.
"Nag-abroad na sila sa America. Mula non di ko na sila nakikita."
"Alam niyo po ba kung bakit ISHI?"
Napatingin kay Cassey ang mga kaibigan niya. Alam nilang may isusulat itong article pero di nila akalaing ganon siya kainteresado dito.
"Isidro and Helen Ibañez. Yan ang ibig sabihin ng ISHI."
Hinahanap ni Victor ang camera niya dahil may pagagamitan siyang event sa office nila. Hinalungkat na niya lahat ng gamit nilang mag-asawa ay di niya pa rin ito makita.
"Hon, kanina ko pa hinahanap yong camera, sino ba huling gumamit non?" tanong niya sa asawa matapos siyang pagpawisan.
Nagluluto si Alyssa ng lapitan niya ito sa kusina.
"Baka nasa anak mo. Alam ko nasa kaniya yon, tingnan mo sa kwarto niya."nakatalikod na sagot ng asawa.
Marahang tinulak ni Victor ang pinto ng kwarto ng anak.
Dumiretso siya sa travelling bag nito na nakasabit sa loob ng aparador. Tinanggal niya ang mga gamit sa loob at nandoon nga ang hinahanap niya. Isa-isa niyang binalik lahat ng gamit ng anak. Nang may mapansin siyang isang lumang picture na nakahalo sa baon nitong mga pagkain.
Napatigil siya para tingnan ito. Napako siya sa kinauupoan niya ng makitang si Sid at Helen ang nasa picture.
Tanda niya pa ang picture na ito dahil siya mismo ang kumuha nito bilang regalo sa kanilang wedding anniversary.
May kumurot sa puso niya ng makita ang kanilang mga ngiti. Larawan ng masayang pamilya.
Napaisip siya bigla kung paano ito napunta kay Cassey gayong binigay niya ito kay Sid. Hihintayin na lamang niya ang anak pagdating nito at saka niya ito personal na tatanongin.
Narinig niya ang pagpasok ng kanilang kotse sa garahe. Dumating na ang magkakaibigan. Ang iba ay nagpaalam na para umuwi maliban kay Maureen.
Nadatnan nilang dalawa ang kaniyang dad na nakaupo sa kama niya.
"Hi dad." bati niya.
"Pasensiya ka na, hinahanap ko kasi yong DSLR. Gagamitin ko sa office mamaya."
Kinabahan bigla si Cassey.
Hindi kaya....nakita niya kaya?
"Nakita niyo na po?" kinakabahan niyang tanong.
Tumitig sa kaniya ang kaniyang ama ng ilang segundo saka tinaas ang camera na hawak niya.
"Anak pwede ba tayong mag-usap?" ani Victor.
Lumingon si Cassey kay Maureen. Nakuha nito agad ang ibig niyang sabihin at bumaba na ng hagdan.
Nanginginig na isinara ni Cassey ang pjnto.
"Gusto niyo po ba akong sumama sa event niyo? Pwede po ako ngayon, sasamahan ko kayo kung..." Napatigil siya sa pagsasalita ng makita ang hawak ng dad niya na picture.
"Saan mo to nakuha?" malumanay na tanong ni Vic.
Lumapit sa kaniya ang dalaga at hinila ang upoan ng computer desk niya.
"Yan po, nakita ko sa....sa may,...sa may bodega." sagot niya sabay upo.
"Doon po sa mga sirang maleta." dagdag pa niya.
Tumitig sa kaniyang mukha ang dad niya. Alam niyang binabasa nito kung nagsasabi ba siya ng totoo.
Inabot sa kaniya ni Victor ang picture ng mag-asawa at tumayo na ito.
"Itago mo, mga kaibigan ko sila." bigkas nito sa malungkot na tono ng boses.
Dumaan sa kaniyang harapan ang dad niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Natigilan si Cassey. Lalo pa siyang nagulohan sa mga pangyayari.
Kung kaibigan ni Dad sina Isidro at Helen, hindi kaya kilala din niya si Ishi?
Marami siyang tanong, pero hindi niya pwedeng ipaalam ito sa mga magulang niya.
Makakatulong sa kaniya na nalaman niya na magkakilala ang mga posibleng mga magulang ni Ishi at Dad niya.
Hindi mapakali si Victor. Alam niyang hindi nagsasabi ng totoo ang anak. Pero bakit nito kailangang itago sa kaniya ang totoo tungkol sa pinanggalingan ng picture na iyon.
Masama ang kutob niya, hindi niya akalaing patuloy siyang guguluhin ng kaniyang nakaraan. Sa pagkakataong ito, paano kung posible pang madamay ang anak sa gulong pinasukan niya. Kailangan niyang malaman ang totoo, pero kahit pilitin man niya, alam niyang hindi siya sasagotin ni Cassey ng purong katotohanan.
Matapos kumatok ng dalawang beses ay pumasok na sa kawarto ni Cassey si Maureen.
"Bes, nakasalubong ko dad mo. Parang malungkot, ano namang ginawa mo?" bungad niya.
"Ikaw talaga. Wala, nag-usap lang kami tungkol sa pagkawala ko." aniya.
"Ikaw naman kasi, pasaway ka. Dinamay mo pa kami." biro nito.
"Hoy, bakit sinabi ko bang samahan niyo ako. Sabi ko naman sa inyo kaya kung mag-isa eh." pabiro din niyang sagot.
"Ah ganon. Ganyanan." sabay dampot ni Maureen ng unan para ihampas sa kaniya. Gumanti siya at masayang naghampasan ang dalawa hanggang sa nahubaran na ang unan.