Chereads / My Air to breathe / Chapter 91 - Chapter 90 Finally

Chapter 91 - Chapter 90 Finally

Hindi mapigilan ni Yra ang pag iyak habang ikinukwento ni Jion ang mga nangyari sa kanila ni Minjy, "Kung alam mo lang kung gaano ang takot na naramdaman ko nung napanood ko sa balita ang pagsabog sa building nyo! akala ko talaga nawala ka ng tuluyan samin ni Xymon eh!"

Hinawakan ni Jion ang dalawang kamay ni Yra, "Kung hindi dahil kay Minjy baka nawala na nga ako."

"Wag kang OA boss!" hirap na sabi ni Minjy, "Hindi naman malala ang tama ko, idinadamay mo pa ako sa drama mo!"

"Wag ka munang magsalita! save your breathe para makabawi ba agad." ani Yra sa lalaki.

"Oo nga naman Bro, kailangan mong magpalakas." sang ayon ni Jion.

"Wag nyo na akong intindihin, ang mahalaga natapos na din ang problema natin." gustuhin man ni Yrang magsaya ay hindi nya magawa dahil naiisip nyang mayroong nasaktan at may pamilyang naghihinagpis sa mga oras na to.

"Minjy, gusto kong magpasalamat dahil niligtas mo ang buhay ni Jion, napakabuti mong kaibigan."

"Kulang pa itong ginawa ko para makabawi ako sa lahat ng kabutihang ibinigay sakin ni boss at ng pamilya nya, Binigyan nila ako ng pagkakataon para magbagong buhay at para maitama lahat ng pagkakamaling nagawa ko dati, kaya hindi mo kailangan magpasalamat sa akin Yra!" may bahagyang ngiti sa labi ni Minjy habang sinasabi nito ang mga katagang iyon.

"Tama na tong mga dramang ito, magpahinga kana dahil nakaligtas ka man sa tama ng bala, hindi ka naman makakaligtas kay Zianna pagdating nya mamaya!" natatawang sabi ni Jion.

"Huh? sino naman Zianna? Girlfriend mo?" Takang tanong ni Yra dito, kase naman sa tagal nya na itong kilala ni Minsan walang nabanggit si Jion tungkol sa lovelife ng kaibigan.

"Girlfriend niyang hilaw!" nakapasok na pala su Vince sa kwartong iyon.

"Hilaw? ano yun mangga?" natatawa na rin si Yra, "May girlfriend ka pala!"

"Syempre ano naman ang akala mo sa akin pangit! walang magkakagusto! aw!" napangiwi si Minjy habang nagsasalita.

"Sabi na kaseng wag ka munang magsalita at baka kung mapano yung sugat mo!" pagalit na sabi ni Jion dito.

"Okey po boss, susunod na!" ani Minjy.

Di naman nagtagal at dumating na ang sinasabi ng mga itong Zianna at nakatulog na rin si Minjy kaya umuwi na sila sa bahay ni Jion.

"Hindi kaba talaga nasaktan kanina?" tanong ni Yra kay Jion habang tinutulungan nyang magbihis ito.

"No, I'm good! kaya hindi mo kailangang magalala." sagot nito.

Itinaas ni Yra ang dalawang kamay para yakapin si Jion at ikinawit iyon sa leeg nito, gumanti naman ng yakap sa kanya ang lalaki. Nanatili rin sila ng ilang minuto sa ganoong posisyon.

"Jion, hindi ko naisip na mayayakap uli kita ng ganito." pabulong na sabi niya dito.

"Don't worry mahal ko, from now on lagi mo ng mararamdaman ang yakap ko!" sagot nito.

Tama ba ako ng narinig? "Anong sinabi mo?" kunot noong tanong ni Yra dito.

"Ang sabi ko, pamula ngayon palagi mo ng mararamdaman ang yakap ko!" Ulit nito.

"Hindi, hindi yun! what did you call me again!?" inilayo pa ni Yra ang katawan nya ng bahagya para makita ng husto ang mukha nito.

"Bakit mahal ko? nakakagulat ba?" nakangising sabi nito.

Speechless si Yra, totoo ba to? "W-wait lang ha! naalala mona?" paniniguradonya rito.

"Ang lahat!?" nagpause muna ito na parang nagiisip, "Malinaw at kumpleto!"

Ahaha!!! hindi mapigil ni Yra ang bahagyang pagtawa, hindi sya makapaniwala sa naririnig, "talaga!"

"Talagang talaga!!!" sabay halik nito ng mariin sa kanyang mga labi. "Kaya ihanda mo ang sarili mo dahil babawiin ko lahat ng nawalang oras sating dalawa!"

After three months of preparation ay dumating na sa wakas ang pinakahihintay na araw ni Yra, ang kasal nila ni Jion, Pinilit nyang maging hands on sa pagaayos at paghahanda ng lahat ng bagay na kakailangan para sa araw na iyon dahil gusto nyang maging perpekto ang araw na yon.

"I'm so happy for you kambal! sa wakas matutuloy na rin ang pagiging mag sister inlaw natin!" hindi magkamayaw si Heshi sa pamimili ng isusuot na hikaw ni Yra na babagay sa puting wedding gown na suot niya.

"Sa dami ng pinagdaanan namin, hindi ko talaga lubos maisip na dadating ang araw na ito!" naiiyak na sabi ni Yra.

"Shit kambal! wag kang iiyak at masisira ang make up mo! siguradong masasabon ka ni Anjo pag kumatat yung eyeliner mo!" banta sa kanya ng kaibigan.

"Kase naman bakit ba ang kapal ng make up na inilagay niya, sabi naman kaseng pulbos lang at liptint ay ayos na sakin!" pero wag ka, halos hindi nakilala ni Yra ang sarili sa salamin ng makita nya ang final touch ng itsura nya. Shes really beautiful! at aminado syang nagustuhan niya ang ginawa ni Anjo sa transformation nyang iyon.

"May oras pa para tumakbo!" biro sa kanya ni Francis na present din sa kasal nila kasama ang girlfriend nitong si Lora na tumatayong isa sa mga brides maid ni Yra.

"Tatakbo talaga ako dear at bibilisan ko pa!" natatawang sabi niya dito.

"So iniisp mo pang takasan ako?" ani Jion habang nakasandal sa haligi ng pintuan ng kwarto niya. "You know naman na kahit anong gawin mo hindi mo ako matatakasan mahal ko!"

Nginitian niya ito ng ubod tamis, "Tatakbo ako papunta sa harap ng altar para lang matapos agad tong kasalang to at baka may kung ano na naman ang mangyari sating dalawa!" saad niya dito.

Humakbang si Jion palapit sa kanya, "Hindi mangyayari yon mahal ko, dahil kahit harangan pa ng sibat, hindi nila mapipigil ang pagmamahal ko sayo!"

"Eeewww!!!" sabay sabay na sabi ng mata roon sa kwarto, "Jusko mamaya pa kayo magpapalitan ng Vows doon pa yun sa simbahan kaya wag kayung masyadong sweet dito!" ani Heshi sa kanila.

"Kaya lang hindi ko na matitiis na makarating kami ng simbahan para sabihin kay Yra na mahal na mahal ko sya at hindi ako mabubuhay ng wala sya!!!" diretso sa mga mata ni Yra ang tingin ni Jion na parang wala iyong ibang nakikitang tao roon.

"Yeah,I feel the same way! It's like parang mawawalan ako ng hininga pag nawala ka, Kayo ni Xymon you are my air to breathed." sagot niya dito na naging dahilan ng liko nga mga daliri ng lahat ng kasama nila roon.

"I love you!" they mouthed to each other.