Chereads / My Air to breathe / Chapter 92 - Chapter 91 Juno & Heshi

Chapter 92 - Chapter 91 Juno & Heshi

"Ano ba namang buhay to? kakasweldo ko lang pero wala na naman akong pera!" bulong ni Heshi sa sarili habang nakapila sa isang ATM machine malapit sa labas ng opisina nila, kakabigay nya lang ng pera sa mga magulang niya nung nakaraang day off nya at ngayun isang linggo palang ang nakakaraan ay tumawag na agad ang nanay nya at humihingi ng panggastos.

Napapakamot si Heshi sa ulo nya, dahil masezero balance na naman sya bago pa dumating ang susunod na swelduhan. Konti lang ang pila sa mga oras na yon dahil tanghaling tapat, pang apat si Heshi sa nakapila.

"Ay ate bili na ng face towel anim na piraso one hundred pesos lang!" Alok sa kanya ng tinderong nakasuot ng sandong puti at shorts na maong na may sumbrerong pula na isinuot ng pabaligtad.

Iling lang ang isinagot nya dito para lumayo na ito sa kanya pero mukhang makulit at hindi sya tinigilan sa kaaalok.

"Sige na ate, one hundred lang naman o may anim na pirasong towel kana pampunas ng pawis kung gusto mo dadagdagan ko pa ng isa para pito na! sige na ate bumili kana para may buena mano na ako!" pangungulit parin nito.

Hay!! por dios por santo! pano ko kaya maiiwasan tong mamang ito? wala na nga akong pera ako pa ang napiling kulitin ng bwisit na to! "Kuya pasensya na ha, wala kasi akong pambili!" ani Heshi para lang tumigil na sana ito.

"Ano? wala kang pambili eh nakapila ka nga sa atm? sige na naman ate bilhan mo na ako ng towel, para may pangkain na ako ng tanghalian!"

Ang gagong to! pinipigilan ni Heshi ang sariling murahin ang lalaking kaharap dahil baka isipin ng mga tao don na ansama ng ugali niya, uso pa naman ang mga nagba viral na video ng mga nang aapi.

Isa na lang ang nakapila at sya na susunod na pipindot kaya hindi nya maiwasan ang kabahan dahil hindi parin umaalis ang tindero sa tabi nya.

"Hi babe!" bati sa kanya ng bagong dating na lalaki, "Kanina kapa nakapila? sorry ha nalate ako ng dating!" habang ngiting ngiti ito sa kanya at nakalabas ang cute na dimple nito.

Halos natakluban ng katawan nito ang lalaking tindero sa tabi niya dahil sa tangkad at lawak ng balikat nito. Bigla namang lumayo ang tindero sa kanila at naghanap ng ibang makukulit na costumer.

"Ahm miss ikaw na!" sabi nito sa kanya na nagpabalik sa kanya sa reyalidad dahil para syang nanaginip sa pagkakatitig niya dito.

"Ah, okay! salamat!" saka dali daling lumapit sa atm at nagsimulang mag transact doon. Nanatili naman sa pila ang lalaki.

Nang makatapos si Heshi sa pagwiwithdraw ng Limang libong piso na ipapadala nya sa mga magulang ay muli syang nagpasalamat sa lalaki saka naglakad pabalik sa opisina nila.

Pinanood lang ni Juno ang papalayong babae, hindi na sya nagtatakang kinukulit ito ng tindero dahil napakaganda naman talaga ng babae, sa taas niyang six-two ay umabot lang sa balikat nya ang height nito. Di nya mapigilang mapangisi ng makita ang mukha nitong nakatulala sa kanya.

Paakyat na sana sya sa dalawang baitang na hagdan papuntang atm machine ng mapansin niya ang isang ID sa baba noon, dinampot niya iyon para ibigay sana sa guard ng makita niya ang mukha ng nagmamayari doon.

Isinilid muna nya sa bulsa ang I'D niyon saka nagpatuloy sa pagwithdraw, Heshi Mikaela A. Suarez ang pangalang nabasa ni Juno with complete address and birthdate at ang pinakaimportante sa lahat ang Cellphone number nito!

Sumilay ang tinitipid na ngiti ni Juno, This must be fate! bulong nya sa sarili. Kinuha nya ang cellphone at idinaial ang nakitang numero doon sa id pero nakakasampung ring na ay wala pa ring sumasagot, ilang beses pa niyang sinubukang tawagan ito pero hindi parin nito sinasagot kaya pumasok na sya sa sasakyan at nagmaneho palayo doon.

He wants to know her, kaya sa halip na idaan sa kumpanya ng babae ang I'd nito ay itinago nya iyon sa kanyang bulsa para personal na ipakuha dito. What a brilliant idea! puri nya sa sarili!

Pesteng Id yun! san ko kaya nailagay yun? kanina pa kinakalkal ni Heshi ang bag pero hindi nya rin mahanap ang I'd nya, sukdulang ibaligtad niya iyon para lang makita ang hinahanap.

"Ano ba kambal! kanina kapa nagkakalkal jan ah!" puna sa kanya ni Yra habang nag gagayak sila ng gamit para makauwi na sila dahil tapos na ang oras ng trabaho.

"Yung Id ko kase kanina ko pa hinahanap di ko makita!" sagot niya dito, "Hindi ako makakapag out pag wala yun!" kailangan kase nilang I swipe ang mga I'd nila para sa in at out ng kumpanya nila.

"Baka nandyan lang yun hanapin mong maige!" tinulungan na syang maghanap ng kaibigan.

"Okey lang naman ako kambal, mauna kana saking umuwi at baka kung san ko lang nailagay yun!" pagtataboy niya dito.

"Sure ka?" tanong nito sa kanya.

"Oo naman, sige na mauna kana at susunod na rin ako maya maya!" aniya dito. kaya nauna na itong umalis habang hinahanap pa rin niya sa ilalim ng table ang I'd nya ng tumunog ang telepono nya.

Tumigil muna sya sa paghahanap at sinagot ang pang abalang tumatawag, "Hello!" sagot niya.

"Ahm, Is this Miss Heshi Mikaela Suarez?" tanong ng malamig na boses sa kabilang linya.

"Uh, yes! who on the line please?" mala call center na tanong sagot niya dito.

"Napulot ko yung I'd mo kaninang lunch, ibabalik ko lang sana sayo!"

Hay Dyos kupo! kaya pala hindi ko makita kita dito sa bag ko don ko pala sa labas nalaglag! "Ganun po ba, maraming salamat po! san ko po pwedeng kuhanin?" magalang na sagot niya dito.

"Currently I'm in a bar, so wouldn't you mind kung dumaan ka nalang dito? hindi kase ako makakaalis dahil oras ng trabaho ko!" paliwanag nito.

"Ah, sure po! walang problema pakitext nyo nalang po sakin ang location ng pinagtatrabahuhan nyo at pupuntahan ko po!" kinakabahang sagot niya dito.

Ilang sandali pay sakay na sya taxi papunta sa bar na sinabi nito sa ayala.