Chereads / My Air to breathe / Chapter 90 - Chapter 89 Explosion

Chapter 90 - Chapter 89 Explosion

Ding! tumunog na ang elevator, hudyat na para lumabas sila doon ni Minjy, Dinagdagan ni Jion ang pagiging alisto. Hindi sila pwedeng magpabaya sa mga oras na ito dahil buhay nila ang nakasalalay doon.

"Be careful, nandito sya sa may fire exit at aware sya na maaaring ikaw ang laman ng elevator!" ani Vince.

"Bro, we can do this!" marahang tinapik pa sya ni Minjy sa likod bago ito nagpatiuna paglabas doon, sabay pa silang nagkasa ng kalibre kwarentay singko nilang baril.

Tumigil si Jion sa pagtakbo ng matanawan niyang nakatayo sa dulo ng pasilyo ang ilang tauhan ni Vince habang nakatutok ang baril ng mga ito kay Mr. Carlo's na may nakaikot na time bomb sa bewang nito.

"Mr. Carlos," tawag pansin niya sa matandang makalapit na sila dito.

"Aba! akalain mo nga naman, nandito rin ang boss kong gahaman!" nakangising salubong nito sa kanya.

"Mr. Carlos hindi ko maintindihan kung bakit mo naiisip yan! hindi kaba naaawa sa pamilya mo? sila ang magdurusa sa ginagawa mo!" pinipilit ni Jiong maging malumanay, kailangan mapakalma nila ito habang hindi pa dumarating ang mga pulis, kumontak na si Vince ng mga pulis dahil ibang usapan na pagdating sa bomba.

"Ano kaba naman boss! kala ko ba matalino ka? syempre naka safety na ang kinabukasan ng pamilya ko, ginawa ko na yun bago ako pumunta dito dahil sigurado naman akong hindi sila masasaktan ng mga duwag na katulad mo!" nakakalokong tawa ang pinakawalan nito.

"Mr. Carlos bakit mo ba ginaganawa ang bagay nato? ano bang naging kasalanan ko sayo?" He needs to take some time.

"Kasalanan? wala kang kasalanan sakin! nagkataon lang na binalewala mo ang sampung taong serbisyo ko sa kumpanyang ito kaya kinuha ko lang ang dapat ay akin!" nanlilisik sa galit ang mga mata nito.

Itinaas ni Jion ang dalawang kamay, "Mr. Carlos hindi ka namin binalewala, nagpapasalamat pa nga ako dahil malaki ang ang naitulong mo sa kumpanyang ito." humakbang sya ng ilan para makalapit dito.

"Jion stop!" ani Vince sa earpiece, "Hindi sya makikinig kahit anung gawin mo!"

"Nagpapasalamat? kung talgang nagpapasalamat ka hindi mo itatago sa akin ang pamilya ko! at sana hindi mona hinanap yung pera, kinuha ko lang ang kaparte ko sa kinikita ng kumpanyang to dahil kabilang naman ako sa nagsusumikap para mapalago to ah!" dahan dahang nagsisiatras ang mga tauhan nila ng umakmang pipindutin nito ang timer ng bomba.

"Bro, Lumayo ka sa kanya! Isa pang kilos nyan at siguradong sasabog sya!" Utos ni Vince pero hindi nagpatinag si Jion, nanatili lang sya sa kinatatayuan, "Bro, anu bang ginagawa mo? lumayo ka na jan!" gigil na sabi ni Vince sa kanya.

Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita kahit alam nyang wala ng pupuntahan ang sasabihin nya, "Mr. Carlos, tinatanaw kong malaking utang na loob ang lahat ng naiambag mo sa kumpanyang ito, sana lang hindi na tayo umabot sa ganito dahil nanghihinayang talaga ako sa talento at sipag niyo."

Para namang napaisip ang matanda at bahagya itong umurong, "Sasayangin mo ba talaga ang buhay mo para lang sa pera? Yung magiina mo? hinihintay nila ang pagbabalik mo sa kanila!" Lakas loob niyang sabi dito.

"kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik ang sarili ko sa dati. Sira ng lahat ng pinaghirapan ko kaya mas mabuti pang mamatay nalang ako," Humakbang uli ito bahagya paurong. Itinutok nito ang hawak na baril kay Jion, "pero bago ako mamatay uunahin naman kita!" sabay kalabit ng gatilyo ng hawak nitong baril.

Umalingawngaw ang malakas na putok sa gusaling iyon kasunod ay malakas pagsabog na nagdulot ng kaguluhan sa labas habang pinipigil ng mga pulis ang mga taong nakikiusyoso roon.

Tiningnan ni Jion ang kamay niya, puro dugo iyon! hinigpitan niya ang pagkakahawak sa nakabulagtang si Minjy dahil iniharang nito ang katawan sa paparating na bala para sa kanya. Wala pala itong suot na bullet proof vest kaya tinamaan ito sa kanang bahagi ng likuran nito. Mabilis namang sumaklolo si Vince at naitago sila bago ang pagsabog ng katawan ni Mr. Carlos.

Halos mawalan ng malay si Yra habang pinapanood ang pangyayari sa balita! kakarating palang nilang mag ina sa bahay nila ng lumabas sa flash news tungkol sa nangyari.

"Isinugod na po sa ospital ang isang lalaking duguan na may tama ng bala, habang ilan pa ang sugatan dala ng pagsabog!" saad ng babaeng reporter sa tv.

"Yra, Yra!" inalalayan sya ng kanyang ina para makaupo. Kasunod noon ang sunod sunod na pagring ng kanyang cellphone, habang nangangatal ang kamay nya pinilit niyang sagutin ang cellphone nya.

"Yra, kailangan mong bilisan, nasa ospital si Jion!" di magkamayaw na sabi ni Heshi.

Kaagad tinawagan ni Yra ang pinsan nya para ipagmaneho sya pa maynila dahil sigurado syang hindi nya iyon magagawa sa sobrang takot na nararamdaman niya. Inabot ng tatlong oras bago nakarating sa maynila dahil sa tindi ng traffic, Pagdating niya sa Ospital ay sinalubong siya ng mga magulang ni Jion at ni Vince, punong puno ng pagaalala sa mukha ng mga ito.

Na naman? bakit ba ganito lagi nalang kaming nagtatagpo sa ospital? "Nasan po si Jion?" tanong niya sa mga ito.

"Nasa loob na Hija, pumasok kana at kanina kapa nyang hinihintay." tugon ng tatay ni Jion.

Nanginginig ang mga kamay ni Yra ng pihitan niya ang seradura ng kwarto, dahan dahan syang pumasok sa loob at halos lumundag ang puso nya ng makita si Jion na nakaupo sa tabi ng kama.

Napasandal sya sa likod ng pinto, nangangalog ang tuhod nya dahil buong akala nya ay si Jion ang nakahiga sa kamang iyon.

He looked at her, biglang tumayo si Jion at sinalubong ng yakap si Yra. Para syang nauupos na kandila ng makita ang babae.

"Okey ka lang ba?" halos pabulong na tanong ni Yra dito.

Hindi sumagot si Jion, bagkos lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap kay Yra. "Minjy Save my life." garalgal na boses nito.

"How is he?" sinilip ni Yra ang pasyente sa likuran ni Jion.

"Natanggal na ang bala sa katawan nya. Naghihintay pa kami ng sasabihin ng mga doktor.