Chereads / My Air to breathe / Chapter 64 - Chapter 63 Mini Mr.

Chapter 64 - Chapter 63 Mini Mr.

Nagising si Yra sa hindi mawaring pakiramdam, naduduwal sya kaya dali dali syang pumunta sa banyo. Nang mailabas niya ang lahat ng laman ng sikmura ay nagbukas sya ng ref kahit latang lata ang pakiramdam dahil parang gustong gusto niya ng yoghurt at laking tuwa nya ng may makuha doon. Naupo sya sa sofa at sinimulang upakan yun.

Hmmm!! feel na feel nya ang bawat subo, alas tres ng madaling araw at nagyoyoghurt ako!? hindi lang naman siguro ako ang babaeng nagugutom sa ganitong oras! ilang araw na ba syang ganon? palaging nagigising sa hating gabi, kung hindi nagsusuka ay nagugutom sya. Naisip niyang baka sintomas ng depression iyon dahil sa pinagdaanan niya.

Halos magdadalawang buwan na mula ng magkahiwalay sila ni Jion dahil sa insidenteng iyon ng pangingidnap sa kanya. Although napakahirap ng pagsisimula niya ay pinipilit nyang paglabanan ang lungkot na nararamdaman, Sobrang miss na miss na niya si Jion.

Malapit ng maubos ang kinakain nyang yoghurt ng maisip niyang mag selfie at ipost iyun sa social media account niya. Ng maubos ang iyon ay bumalik sya sa pagtulog.

"Hi kambal!" ani heshi sa kabilang linya, araw araw siyang tinatawagan nito mula ng itayo niya ang sariling negosyo sa laguna. Ayaw kasing pumayag ng magulang niyang bumalik sya sa maynila kaya napilitan syang magtayo ng sariling negosyo ng party planner ang event organiser doon. "Kamusta ang pagyoyoghurt mo sa madaling araw!"

"Ayos naman ako, medyo nanaba na dahil laging gutom! ikaw, kamusta ang business jan sa maynila?" lumipat na rin kase ng lugar si Heshi dahil sa takot nito.

"Heto, naninibago kase wala ka! mas maganda pa ring magtrabaho pag magkasama tayo."

"Ganon talaga! ako man ay naninibago rin, pero wala naman akong magagawa. Mabuti nalang at maganda ang pwesto ko dito," akala kase niya ay hindi papatok sa tao ang ganung uri ng negosyo dahil nasa probinsya sya pero nagkamali sya dahil kahit bago palang ito ay marami na agad siyang nakabook na okasyon.

"Ooopps! may kliyente ako kambal, usap nalang uli tayo later at magkita nalang tayo paguwi ko ingat ka dyan ha, love you!" paalam nito.

Pagkababa ni Yra ng cellphone nya ay sakto naman pumasok ang kapatid niyang si Sabrina, kaawas lang nito galing eskwela at doon ito lagi dumideretso sa maliit niyang opisina para tulungan sya.

"Ate, eto na yung pinabibili mong butchi sa palengke!" ibinaba nito sa mesa niya ang isang plastic na may lamang mga kakanin. [butchi- made of malagkit rice na may matamis na monggo sa loob] "Di ka ba pa nauumay jan? araw- araw ka lang nagpapabili nyan ah!"

"Eto kase ang masarap kainin eh," para syang gutom na gutom na kinuha agad ang isang plastic na may lamang tatlong piraso noon at nagsimulang kainin. "Yaan mo bukas, espasol naman ang ipapabilo ko sayo."

"Ate pagkain na yang hawak mo, pagkain pa rin ang nasa isip mo! daig mo pa ang naglilihi ah!" anitong nakidampot narin ng pagkain sa mesa niya.

Napatigil si Yra sa pagnguya, naglilihi? come to think of it, lagi syang naduduwal at nahihilo, at kung ano anong pagkain ang gusto niyang kainin! Kinuha niya ang Cellphone at tiningnan ang kalendaryo, two months na nga siyang hindi dindatnan. Shit! pano nga kung buntis sya? Anong gagawin nya?

"Sab, pumunta ka sa botika! ibili mo ako ng pregnancy test kit." Utos nya sa kapatid.

"Aba ayoko nga!" mariing tanggi nito, "baka makita ako ng mga kaklase ko! tsaka baka isipin ng tindera ako ang gagamit eh ang bata bata ko pa!"

Napangiti na lang sya sa reaksyon ng kapatid. "Sige ako nalang ang bibili, pag may dumating na costumer paghintayin mo muna mabilis lang naman ako." bilin nya sa kapatid.

Hindi nya maiwasang magisip habang naglalakad sya papuntang botika, kung totoong buntis sya siguradong matutuwa sya! nakaramdam sya ng excitement at kusang napahawak ang kamay niya sa kanyang puson, sana nga! lihim nyang dalangin.

"Ang cute-cute talaga ng baby namin!" habang karga karga ni Heshi ang sanggol na kasisilang pa lamang ni Yra, "kasing ganda ko!" kinikilig pang sabi nito.

"Pano magiging maganda eh lalaki yan?" ani Francis na nakatayo sa tabi ni Heshi. magkasama ang dalawa ng dumating sa ospital ng malamang nakapanganak na sya, hindi kase naputol ang komunikasyon nila ni Francis kahit di sila masyadong nagkikita.

"Kambal, anong ipapangalan mo sa baby natin?" habang inuulan ng maliliit na halik ni Heshi ang bata.

"Xymon, his name is Xymon!" sagot niya rito.

"Si baby Xymon, ang cute ng name nya, bagay na bagay sa kanya! buti ka pa kambal may baby na, ako kaya kelan.?" naiingit na naman sa kanya si heshi, mula kase ng malaman nitong buntis sya ay palagi nito yun sinasabi na sana sya rin ay magbuntis na!

"May boyfriend ka diba? bakit di ka magpabuntis sa kanya?" ani Francis na lumapit na kay Yra at naupo sa tabi ng kama niya.

"Eh sa hindi nga kami makabuo anong gagawin ko!" ibinababa nito ang sanggol sa tabi ni Yra.

"Eh mahina pala naman yung boyfriend mo eh, kung sakin ka nalang magpabuntis at ng magkaanak kana agad!" biro dito ni Francis.

Kaagad naman itong nilapitan ni Heshi at pinaghahampas ng maliit na unan ng baby ni Yra.

"Ikaw talagang lalaki ka, palagi ka nalang ganyan! yang mga jokes mong pang manyak, umiiral na naman!" ganoon na sila kakomportable sa isat isa. "Bat hindi yung girlfriend mong si Lora ang buntisin mo at ng natatahimik ka?"

"Hindi pa pwede, 22 years old palang si Lora, bata pa sya para magbuntis!" tatawa tawang sagot nito.

"Yan paedophile ka kase, pati si Lora di mo pinaligtas."

Ganoon sila kasaya ng dumating ang nurse na may dala dalang Form na kailangan pill upon, birth certificate iyon ng bata.

Binasa iyon ni Yra, "Nurse, pwede bang blangko nalang sa Father's name ng bata, wala kasi syang tatay eh!" bahagyang nagbara sa lalamunan niya ang huling sinabi.

"Pwede naman po, iwan nyo nalang pong blangko at kami na po ang bahala." nakangiting sabi nito sa kanya.

Niyakap naman siya ni Heshi, napagkasunduan nilang ilihim nalang kay Jion ang tungkol sa munting Mr. Guia.