Chereads / My Air to breathe / Chapter 65 - Chapter 64 Heshi's wedding

Chapter 65 - Chapter 64 Heshi's wedding

Mabilis ang kabog ng dibdib ni Yra habang papalapit sila sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal ng pinakamatalik niyang kaibigan at syempra sya ang tatayong maid of honor nito at ring anak naman niyang si Xymon ang ring bearer, ilang beses rin siyang nakiusap na kung maaari ay wag ng isama ang bata sa entourage nito ay ayaw pumayag ni Heshi, katwiran nito'y para na niyang anak ang bata kaya hindi ito pwedeng mawala sa listahan ng mga taong pinakamalapit sa kanya.

Sa isang Cathedral sa laguna gaganapin ang kasal at ang reception naman ay sa reception hall malapit sa bahay nina Heshi na apat na bloke lang layo mula sa bahay nina Yra at syempre siya ang Coordinator. Nauna nang dumating sa simbahan ang mga magulang ni Yra at ang kanyang anak, habang magkasama naman sila ni Heshi sa bridal car nito.

"Oy kambal, baka naman pwedeng kumalma ka kahit konti lang!" ani Heshi na nagiisang nakaupo sa backseat ng kotse habang siya naman ay nasa tabi ng driver. "Baka nakakalimutan mong ako ang ikakasal hindi ikaw!"

"Kalmado naman ako ah! ninenerbyos lang!" tiningnan niya ito sa rearview mirror ng kotse, para itong prinsesa sa suot na traje de voda. "

"Kung ninenerbyos ka ibig sabihin hindi ka kalmado! wag mo kaseng masyadong isipin ang presensya ng best man namin dahil makikita rin yun mamaya!" tukso nito sa kanya.

"Pwede ba kambal, kung hindi lang bestfriend ay hindi talaga ako dadalo sa kasal mo at lalong hindi ko dadalhin si Xymon don!" saka niya ito inirapan.

"Wag kang mag alala, They know nothing about him." anito.

Nakaset up na ang entourage ng bride ng makarating sila sa simbahan, sila na lamang ang hinihintay at magsisimula ng lumakad ang mga ito, inipon ni Yra ang lahat ng lakas ng loob na kakailanganin niya para makababa ng sasakyang iyon.

She's wearing a white ankle length gown na napaka simple, walang nakalabas na balat sa kanya maliban sa leeg at braso. nakalugay ang mahaba niyang buhok na dinesenyuhan lang ng flower crown.

Nagsimula ng lumakad ang groom ng tumugtog ang wedding march habang naghihintay lang sa kotse ang bride. nang isara ang pinto ng simbahan ay naglakad na si Yra palapit sa altar. Mabigat ang bawat hakbang niya, dahil alam niyang nasa dulo ng isle na yun si Jion katabi ng groom.

Nanatili siyang nakatitig sa altar habang naglalakad, pilit niyang iniiwasang tingnan ang direksyon ng groom.

"Mama!" nangibabaw ang maliit na boses ng kanyang dalawang taong gulang na anak sa katahimikan roon. Kaagad hinanap ng mata ni Yra kung saan nakapwesto ang munti niyang anghel. "mama!"

Nakita niyang kumakaway ang bata na kalong ng lola nito kaya binigyan niya ito ng flying kiss at finger heart. Panay naman ang kislap ng mga camera ng mga photographer na naroroon.

Jion keep on staring at her! halos bumaon ang mga mata nito sa katawan ni Yra. Pero binalewala niya ang titig nito sa halip ay nginitian niya ng ubod tamis ang katabi nitong groom bago sya pumunta sa pwesto niya para hintayin ang bride.

Ng matapos na ang mga seremonya ay tinawag na ang ring bearer para sa singsing ng bride at groom. Nakatingin ang lahat ng tao roon sa maliliit na hakbang ng bata. Halos maiyak naman si Yra habang hinihintay na makalapit ang anak niya sa altar.

"Napa cute na bata!"

"Parang artista!"

"Kamukha nung nanay!"

Yun ang mga naririnig niyang sinasabi ng tao roon kaya kinalimutan na muna niya ang isang pares ng matang matiim na nakatitig sa bata.

Nang maiabot nito ang maliit na unan sa groom ay kaagad itong tumakbo palapit kay Yra kay kinarga muna niya ang anak at pinaliguan iyon ng halik. "Ang galing galing ng baby ko, very good!"

"Love you Mama!" anitong gumanti rin ng halik sa kanya.

Ng matapos ang wedding ceremony ay dumiretso na sila sa reception area.

"Yra how are you hija?" napatigil siya sa ginagawa ng lapitan siya ng Mommy ni Jion. "Its been so long since we last saw you!" kinabig sya ng matandang babae at niyakap.

"Maayos naman po ako tita!" kinakabahang sagot niya rito.

"We saw the little boy you're carrying kanina, is that your son?" tanong nito.

Napalunok siya ng laway bago sumagot dito, "Yes po, anak ko po sya."

"We didn't know na nagasawa kana pala! where is your husband? kasama niyo ba sya?" mukhang naghihinala ang matanda kaya ito nagtatanong sa kanya.

"Ah, wala po sya dito. He's busy po kase kaya hindi saya nakasama." kabadong sagot niya rito.

"Mama!" nilingon niya ang batang humihila sa saya niya. "mama, tulog na!"

Muli niyang kinarga ang anak saka namaalam sa matandang ginang, "Tita maiwan ko po muna kayo at inaantok na ang baby ko."

"Sure, go ahead!"

Inilabas niya sandali ang anak sa reception para makatulog ito, Ipinaghehele niya ang bata ng lapitan siya ni Jion.

"Do you need help?" napatitig siya dito.

"Hindi, kaya ko na to." tuloy lang sya sa paghele sa bata, humakbang pa sya ng ilan para makalayo sa dating nobyo.

"Kamusta kana Yra?" he followed her.

"Okey naman ako." She moved, kailangan niyang makalayo dito. "excuse me! ipapasok ko lang tong bata sa loob."

"Wait," pigil nito sa kanya, Her heart skip a beat! "Hindi mo ba kakamustahin man lang?"

"Why would I do that?" mapaklang sagot niya dito. "Kilala ba kita?" nilampasan niya ito at bumalik na sa loob ng reception area.

Tiim bagang lang siyang sinundan ng tingin ni Jion. Nang makatulog ang bata ay ibinigay na niya iyon sa kanyang doon para maipagpatuloy ang trabaho. Nagkakasiyahan ang lahat doon ng tawagin ng emcee lahat ng single na kababaihan para sa paghahagis ng bouquet ng bulalak ng bride, at kahit ayaw ni Yrang sumali roon ay napilitan sya dahil sa kaibigan na ipina special mention pa sya sa emcee.

nagtipon tipon silang lahat sa likuran ng bride para sa bulaklak nito, nang maihagis iyon ni Heshi ay Iniwasan ni Yra yun, pero sa ulo nya naman tumama!

kaya sa kanya parin ang bulaklak.

At ang inaabangang garter ng mga kalalakihan ay hindi inihagis ni Juno kundi iniabot lang sa kapatid na si Jion.