Chereads / My Air to breathe / Chapter 51 - Chapter 50 new costumer

Chapter 51 - Chapter 50 new costumer

"Look who's here!" bulalas ni Heshi ng pumasok si Yra sa opisina nila, sinalubong kaagad siya ng mainit na yakap. "Buti pinayagan ka ng lumabas ng jailguard mo!"

"Oo naman, medyo mahigpit lang." saka niya itinuro ang kasunod na body guard. "see! kung hindi ko yan isasama ay hindi ako makakalabas ng bahay!"

"Hayaan mo na, atleast sigurado tayong safe ka don sa tagahanga mo." anito

"Alam mo kambal, hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may taong, gustong akong saktan. Wala naman akong kaaway! at lalong wala naman akong tinakbuhang utang." aniya kay Heshi.

"Sigurado kaba jan sa bagay na yan? eh nung college nga tayo inutangan mo ako ng bente tas hindi mo na binayaran!"

Tawang tawa si Yra sa sinabi ni Heshi. hindi nya akalain na uungkatin pa iyon nito. "Sabi mo kambal kahit di ko na bayaran okey, basta pumayag lang akong makipagpalit sayo ng upuan!" yun kase ang kondisyon nito sa kanya para mapalapit sa crush nitong kaklase nila.

"Well hindi niya naman ako pinansin kaya, ibalik mo na sa akin ang bente ko!" ikinura nito ang palad sa kanya.

"Sisingilin mo talaga!?" di sya makapaniwala sa kalokohan ng kaibigan, "Wait, ganyan na ba katindi ang paghihirap natin at kailangan mo na akong singilin!"

"Actually hindi na nga bente yan eh, kase ilang taon na so may tubo na yan, Singkwenta pesos na yan ngayun." humagalpak ng tawa si Heshi kasabay kaya nadamay na pati ang tatlo nilang tauhan.

"what a lively day!" ani Francis ng pumasok ito sa opisina nila, "Hi girls!" bati nito.

"Hi, Francis." iminuestra ni Yra ang kalapit na silya dito, "Ano ng update kay water deity?"

"She'll be comin here today para mameet nyo. Since wala ka last week, at naghahabol na ako sa oras para sa launching ng bago kong game."

"Buti nakahanap ka! nakatipid tayo sa oras!" Ani heshi, kahit kase nasa bahay lang si Yra ay tuloy ang trabaho niya, hindi nya iniasa lahat kay Heshi ang gawain.

Cling! cling! napatingin silang lahat.sa pinto, pumasok doon ang isang maliit na babae, sa tantya niya ay 5 feet ang lang ang taas nito, subalit napakaganda ng mukha. Nakapalda itong blue at naka rubber shoes.

"She's here!" ani Francis, "Guys I want you to meet Lora, sya ang bago kong endorser ng Water deity!" pakilala ni Francis dito.

"Hi!" bati ni Yra

"She's cute!" ani Heshi

Nang matapos ang kwentuhan ay nagpaalam na ito at si Francis, dahil kailangan pa daw nilang bumalik sa opisina nito at ng magawa na ang costume para dito.

Nang makaalis si Francis ay nagpatuloy na sila sa mga gawain dahil kailangan nilang i finalized ang kakailanganin para sa launching ng game nito ng muling tumunog ang bell.

Isa namang hunk ang pumasok doon, "Excuse me!" anito sa malagom na boses, "Naghahanap ako ng organizer para sa isang bachelor's party!"

"Ay Sir, saktong sakto po ang lugar na pinuntahan nyo, dahil nag- oorganize pp kami ng lahat ng klase event!" masiglang sabi ni Heshi dito, "Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?"

"Gusto kong ipagset niyo ako ng bachelor's party para sa kasal ng kaibigan ko, I don't care about the prize as long as papatok sa panlasa ng mga kaibigan ko." hindi man lang ngumingiti ito habang nagsasalita. Hes tall, siguro mga Six feet ang taas nito, and ang facial feature nito ay kawangis ng artistang gumanap sa pelikulang superman, base sa obserbasyon ni Yra ay well built ang pangangatawan nito dahil bakat sa suot na long sleeve ang muscle nito.

"Ah Okey po Sir, dito po tayo para mapagusapan natin ang mga detalye," inaya na ito ni Heshi sa costumers area nila.

Habang nakaupo si Yra sa counter nila ay lumapit sa kanya si Jenny ang Photographer nila, at ipinakita sa kanya ang hawak nitong SLR camera, tiningnan niya ang picture doon at nakunan pala nito ang lalaking costumer na nakatitig sa kanya.

Ibinalik niya rito ang camera saka ito tinapik ng mahina sa pwet, "Bumalik ka na nga Don kana nga sa pwesto mo at hindi kung ano anong nakikita mo." sabi niya rito.

Tumalima naman ito at tatawa tawang umalis sa tabi niya, "Ganda mo talaga miss Yra!" pahabol pa nito.

Nang makaalis ang lalaki ay lumapit sa kanya ni Heshi, "Ayos kambal, galante na naman ang costumer natin, kaya lang!"

"Kaya lang ano?" tanong niya rito.

"Magkakasabay ang party niya at ang event ni Francis sa sunday, kaya kailangan nating maghiwalay ng trabaho." paliwanag nito. "Okey lang ba na ikaw na ang maghandle ng bachelor's party ni Sir Khalix?"

"Oo naman, tutal ikaw na ang hahawak ng ano ni Francis!" sabi niya dito.

Nagulat sya ng bigla syang tampalin ni Heshi sa braso, "Anong ano ha? ayusin mo kambal yang pagsasalita mo at baka ibang ano yang mahawakan ko!" malakas na nagtawanan ang mga tao roon.

"Yung event ni Francis ang sinasabi ko, to naman! pagkakarinig ng ano, iba ang nasa isip!" ginantihan niya iyo ng hampas aa balikat.

"Ma'am Yra, ako ang isama mo sa event ni Superman ha!" kinikilig na sabi ni Jenny,

"Hindi, ako dapat ang kasama ni mam Yra" sabi naman ng assistant nilang si marjo, "Di ba don ka nakatoka kay sir Francis!"

"Oy, kayung dalawa! nakakita lang ng gwapo, nagkakagulo na! Si Anjo ang isasama ko!" ani Yra, si Anjo ang baklang designer nila.

"Ay, ay! bet ko yan mamang! Aketch nalang ang isama mo at ng makapagpasasa ako sa Malaking muscle ni papito!" kaagad namang sagot nito. "And im sure hindi lang muscle ang Daks don kay gwapo!" Sanay na sila sa mga ganoong hirit nito, dahil ito ang nagpapasaya sa tahimik nilang mundo.

"Mabuti pa sina mam Yra at mam Heshi, ang may mga boyfriend na! Bukod sa mga gwapo at macho, mayayaman pa!" madramang sabi ni Marjo, "Sana all!"

"Sige na nga si Marjo nalang ang isasama ko at ng makabingwit na din ito ng sinasabi niyang gwapo at macho!" sabi ni Yra dito.

"Yes!" naglulundag naman ito sa tuwa, "Wag kang mag alala mam Yra, hindi ka magsisising ako ang isinaman mo!"