Chereads / My Air to breathe / Chapter 54 - Chapter 53 Report

Chapter 54 - Chapter 53 Report

May ilang minuto na ring naka upo sa may pinto si Khalix na parang gwardya ng dumating ang sinasabi nitong kaibigan, "Thank you sa pagpapatambay niyo sa akin dito, nagpadeliver ako ng pizza para sa inyo. Aalis na ako." hindi na nito hinintay ang sagot niya bago ito umalis.

"Ahh, daddy wag mo akong iwan!" pag arte ni Anjo na parang may hinahabol.

"Kanina nandyan yung tao hindi mo kinausap tapos ngayun hahabulin mo, anu kaya yun!?" natatawang biro niya dito.

"Ayus din ang isang yon anu mam, bukod sa gwapo na galante pa!" sabi ni jenny na kinakalikot na naman ang camera nila, "Kaso may Sir Jion na si mam Yra kaya deadma na si superman!"

bigla namang dumating na yung pinadeliver na pizza ni khalix kaya nagkagulo na yung tatlo. "Sarap talagang magtrabaho dito, laging busolve!" ani marjo na may dala na kaagad isang sliced.

"How's your work!" tanong sa kanya ni Jion kinagabihan paguwi niyo galing trabaho.

"Okey naman!" sagot niya rito.

"balita ko may bisita ka daw sa office nyo kanina?" habang nagbibihis ito.

"Ah, si Sir khalix nakitambay don kanina habang hinihintay yung kaibigan niya." sabi na nga bat irereport iyon ni Juan Pablo sa boss nito eh.

"Yra, how many times do I have to tell you na hindi lahat ng tao ay napagkaka tiwalaan sa mga oras na ito? alam mo naman na may threat pa ang buhay mo pero ayan ka parin, willing makipagusap kung kanikanino."

"Alam ko naman yun, kaya lang hindi ko naman sya pwedeng itaboy kahit nakikiupo lang sya don kanina at may hinihintay."

"Kaya next time, makinig ka sakin OK! hindi natin alam kung anong iniisip ng pursuers mo! hindi natin alam kung kailan sila kikilos, malay mo yang khalix na yan pala papatay sayu!" patuloy pa rin nito.

Oo nga naman, nakalimutan nya na ang bagay na iyon. medyo matagal na nga rin palang tahimik ang buhay nya mula ng tumira sya sa bahay ni Jion, pero katulad nga ng sabi nito kailangan mag ingat dahil di sila sigurado sa kilos ng kalaban.

"Okey, mag iingat na ako, but wait kamusta na si Cielo? Ok na ba sila ni Vince?" tanong niya dito.

"Wag mong baguhin ang usapan mahal ko, alam kong nag aalala ka sa kapatid ko pero hindi sya ang issue natin dito."

"Tinatanong ko lang naman." pagtatapos niya sa usapan, alam naman niyang kailangan mag ingat pero wala naman syang magagawa, hindi naman niya kilala ang kalaban.

"Sir Francis long time no see!" bati ni Jenny sa bagong pasok na bisita.

"Hello sa inyo," bati din nito "Hi dear, kamusta na pinaka paborito kong otaku?"

"Eto, otaku pa rin! antagal mo na naman hindi nagpakita!" sagot niya rito. "Kamusta na yung bago mong game?"

"Okey naman, maganda ang tanggap ng mga gamer."

"Eh yung water deity mo kamusta naman?" biro niya dito.

"Were going out." sabi nito sa pinaka kaswal na tono.

"talaga! eh bakit parang di ka masaya?" si heshi naman ang lumapit dito.

"Dahil sa kapatid kong babae, she is really annoying!" anito

"Bakit? ayaw nya bang mag girlfriend ka?" binigyan niya ito ng cookies na meryenda nila.

"Oo, ayaw niya akong mag girlfriend hanggat hindi pa daw niya nakukuha yung lalaking gusto niya!" napabuntong hininga nalang ito. "Nasanay ang kapatid ko na ibinibigay ko sa kanya ang lahat ng bagay kaya pati tao hinihingi na rin sa akin."

Nakaramdam si Yra ng awa para sa binata, ilang beses na rin kase nitong naikwento na may kapatid syang babae na naiwan sa pangangalaga nya dahil namatay na ang mga magulang ng mga ito. At ilang beses na ring simabi nito kung gaano nito kamahal ang kapatid at gagawin nito lahat wag lang mapasama ito.

"bakit kase inispoil mo yung kapatid mo, yan tuloy pinahihirapan kang mabuti!" saad ni heshi dito saka dumampot ng cookies.

"Hindi ko naman talaga sya inispoil, ayoko lang na maranasan nya ang hirap na dinanas ko noon kaya binibigay ko lahat ng gusto nya."

"Ipaliwanag mo kase sa kanya na hindi napipilit ang puso ng isang tao" sabi naman niya dito, "kahit anong gawin niya kung talagang hindi sya gusto, hindi sya gusto! wala na syang magagawa." hindi alam ni Yra kung bakit pero parang naiinis siya sa kapatid ni Francis, sa mga kwento palang kase nito parang maldita na kaagad ang dating para sa kanya.

"Im doing my best para maintindihan niya ako!" yun nalang ang sinabi ni Francis saka dumampot na rin ng cookies sa lamesita.

"May bisita ka naman daw sa opisina niyo kanina sabi ni Juan Pablo." ani Jion sa kanya.

Tiningnan niya lang ito dahil inaasahan niyang sasabihin ito nito sa kanya.

"gaano mo naba kakilala yang Francis na yan at lagi nalang dumadalaw sayo."

"Hindi lang naman ako ang dinadalaw niya, lahat kami!" sagot niya rito.

"Lahat kayo? pero ikaw lang ang tinatawag niyang dear, so ibig sabihin sayo lang sya sweet!" anito

"Endearment nya lang yun dahil mas close kaming dalawa kesa sa kanila ni Heshi, saka isa pa may girlfriend na yung tao kaya wag kang mag alala!" naiinis na sabi niya dito, feeling kase niya habang tumatagal lalong humihigpit ito.

"Hindi porket may girlfriend na yung tao ibig sabihin hindi na sya interesado sayo!'

"Jion, pwede ba? alam ko na ang tungkol jan sa bagay na yan, ilang beses mo nang inulit sakin kaya siguro naman sapat na yun." pasigaw niyang sabi dito bago sya umakyat sa kwarto nila.

Ito ang unang beses na pinagtaasan niya ito ng boses, naiinis sya pero hindi nya mapin point kung bakit, basta ang alam nya ay nasasakal na sya sa sobrang higpit nito. Ito rin ang unang gabing matutulog syang katabi ito pero hindi niya ito gustong yakapin.

Nakaramdam siya ng awa sa sarili, bakit ba kase nangyayari ito sa kanya? wala naman siyang ginagawang masama pero para syang preso na kulang na lang ay ikulong sa apat na sulok ng kwarto nila! hindi man niya gustong aminin sa sarili pero kailangan niyang tanggapin na iyon ang makakabuti para sa kanya.