Sooth's pov
Inihatid ako ni Rick hanggang sa labas ng building ng college of engineering.
"Salamat sa paghatid." Sabi ko na ginagaya kung papaano magsalita si Sophia.
Kabisado ko na ang galawan ni Sophia, maging ang pananalita nito kaya nakakasiguro akong walang makakahalata sa akin. Hindi ko lang talaga alam kung paano nalalaman ni Rick na ako si Sooth at hindi si Sophia?
Hindi naman nagsalita si Rick na paring di yata narinig ang sinabi ko at sa unahan lang ito nakatingin, na parang may invisible na tao siyang inihatid at di niya pa namalayan ang pagbaba nito.
"Sige paalam." Sabi ko na lamang at humakbang na palayo dito.
"Sooth ah Sophia!" Narinig ko ang pagtawag nito kaya naman bilang si Sophia na mabuting kaibigan nito at mabilis akong lumingon dito ng nakangiti.
'Tandaan mo, hindi ikaw si Sophia.' Basa ko sa isip nito, ngunit sa sama palang ng tingin nito sa akin ay di ko na kailangang basahin ang iniisip nito.
"Bakit?" Nakangiti ko paring tanong dito.
Ngumiti narin ito, "Sabay na tayong umuwi mamayang hapon."
"Ikaw bahala." Sabi ko nalang saka tuluyan ng pumasok sa building namin.
Sa pagkakaalam ko ay nasa dulo pa ng second floor ang ang unang klase ni Sophia. Kukunti palang ang mga mag-aaral dito na nakakasalubong ko, marahil ay maaga pa nga.
"Sophie." Narinig kong tawag sa akin ng isang babae. Lilingunin ko pa pamang sana ito ng nakakapit na pala agad ito sa kaliwang braso ko.
Sabi ko ba at si Lea ito, isa siya sa mga close friend ni Sophia pero my subject lang na nahuli siya dahil bumagsak.
"Tinatawagan kita kagabi pero di ka sumasagot." Wika nito na nagtatampo.
"Ini-silent ko yung phone para walang isturbo sa pagtulog." Pagdadahilan ko naman.
"Hindi ko kasi masagutan kong una at pangalawa sa assignment natin sa hydrolics."
Napaisip ako sa sinabi nito. "Eh diba items lang naman ang assignment natin sa hydrolics." Nag-aalangan kong wika. Baka kasi mali ang pagkakaalala ko.
"Kaya nga." Pagsang-ayon nito. "Wala akong nasagutan. Pakupya ako."
"Mamaya nalang, mamayang hapon pa naman ang hydrolics." Sabi ko at pumasok na ako sa classroom namin pero sumunod parin ito.
Naroon na ang karamihan sa mga kaklase ko, pangkat-pangkat ang mga ito at kanya-kanya ng channel. Habang kapansinpansin naman ang bagong mukha na nag-iisa sa kalagitnaan ng classroom at inaabala ang sarili sa smart phone na hawak nito.
Tatlong taon din ang nakalipas mula noong huli ko itong makausap.
Napailing na lamang ako ng mapansing apple ang brand ng smart phone nito, anong klaseng disguise kaya ang ginagawa nito o baka nakaligtaan niyang state university sa malayong probinsiya itong kinaruroon niya.
"May bago yata kayong kaklase, gwapo ah." Kuminto ni Lea, pumasok din pala ito sa classroom. "Pero wag mong masyadong titigan ha, baka malusaw."
"Wala ka bang klase ngayon?" Tanong ko kay Lea para maiba ang usapan habang naglalakad kami palapit doon sa bakanting upuan na katabi ng bagong mukha.
"Yes, maaga lang talaga akong pumasok para makakupya ng assignment, ngayon na, dahil after this hour is fully loaded na ako hanggang mamayang hapon."
Naupo ako katabi ng bagong mukha sa klase na si Lance.
"Hi." Bati ko kay Lance na natigil sa paglalaro sa phone nito.
"Hi, I'm Lance Pacim and you are?" Pakilala naman nito in english ha. Mukhang nahuhulaan ko na kung ano ang pakulo nito.
"Sophia Salazar and —"
"Me, I'm Lea Matibay." 'my gush, mas gwapo siya sa malapitan.' Landi ng babaeng 'to ah.
Binuksan ko ang aking packpack at kinuha doon ang assignment ko sa hydrolics na nakasulat sa yellow paper at ibinigay kay Lea.
"Ah may papel ka pa?" Si Lea.
Talaga naman oh, iba talaga ang tama nitong Lea Matibay na ito. Mangungupya na nga ay manghihingi pa ng papel.
Pero dahil ako si Sophia na close friend itong Lea, ay nakangiti ko ding inabutan ito ng papel.
Pagtingin ko uli kay Lance ay nakatitig ito sa akin. "You look kind of familiar, hindi ko mawari pero parang may hawig ka sa kaibigan ko."O
"Ganda ng phone mo ah, apple. Mukhang rich kid ka yata pero bakit dito mo naisipang magpatuloy ng pag-aaral?" Pag-iiba ko sa usapan, ng mapansin kong magsasalita na ito ay kaagad din akong nagsalita. "Pati damit mo branded ah, patingin nga ng bag mo?"
Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon at kaagad kong inabot ang packpack nito na nasa kanyang likuran.
"Original din. Bigatin ka pala pre, pang-Ubuilt."
"Ang totoo ay galing talaga ako doon pero ang dad ko kasi," wika nito. "Ipinatapon ako dito."
"Ah DAD." sabi ko with over emphasize american accent.
"Hi guys!" Bati sa amin ng bagong dating na si Gabriel.
The VVIP finaly has arrive.
Tulad ko ay maiksi din ang buhok nito. Medyo tumataba kasi ito ngayon eh. Naupo naman ito kasunod kay Lea, bali siya na ang nasa dulo ng row namin at katabi na niya ang bintan.
"Gabreil meet our new friend Lance Pacim, Lance she's Gabriel Lagrimas."
"FRIEND talaga Sophie?" Si Lea naman.
"Why not? Right Lance?" Ako.
"Yeah." Ang naisagot na lamang ni Lance.
"Sophie," narinig kong tawag sa akin mula sa unahan kaya napatingin ako doon. "Sino siya?" Siya ang big boss sa klaseng ito.
"Ah ito?" turo ko kay Lance at tumango naman si big boss. "Bagong kaklase, Lance Pacim daw pangalan niya."
"Sino siya?" pabulong namang tanong sa akin ni Lance.
"Siya ang Big boss sa batch na ito." Sagot ko dito.
"Anong kaya mong gawin?" Direkta ng nagtanong si bigboss kay Lance.
"Kaya niyang kumanta." Ako yung sumagot. Alam kong magaling kumanta itong si Lance kaya nasisiguro kong hindi siya mapapahiya at nasisigiro ko ring mapapahanga niya itong sampong babae out of 33 katao sa klase na ito lalunglalo na si Gabriel.
"Sige nga, sample naman dyan." Udyok naman ni Bitoy na nakaupo sa likuran namin.
At nagsigawan na ng "sample, sample, sample."
"Sandali sandali," awat ko sa aking mga kaklase kasabay ang pagtayo. "May kulang eh."