Chereads / ARMADA: THE SEARCH HAS ENDED / Chapter 3 - 3.) pagdududa

Chapter 3 - 3.) pagdududa

"Anong kulang?" Tanong naman ni Marga.

"Kuya Ken, guitara." Tawag ko doon sa mataba naming kaklase na siyang may hawak ng guitara. Guitarist ito sa banda nila.

"Marunong kang magguitara pre?" Tanong naman ni Kuya Ken dito at tumago naman si Lance kaya iniabot na dito ang guitara.

————

Pagdating ng 10:30am ay wala na kaming klase at mamaya pang 12nn magsisimula ulit hanggang 4pm. Ganoon ang class schedule namin MWF.

"Maglunch na tayo?" Si Gabriel ang nagtanong. Magkatabi na kami ngayon dahil wala na Lea.

"Okey." Sagot ko naman dito. "Lance ikaw? May klase ka pa ba or baka gusto mong sumabay na sa aming maglunch?"

++++++++++++

Lance's POV

Pag-uwian sa hapon ay dumiritso na ako ng uwi dito sa tinitirahan kong two storey house na katabi lang ng dalampasigan.

Mula dito sa terrace at tinatanaw ko ang papalubog na araw.

"Ganda ng lugar mo ah." Si Nick yon. Nang lingunin ko ito ay nakatayo sa pintoan palabas dito sa terrace.

"Ba't ngayon ka lang?" Naiinis kong tanong dito.

Kanina ko pa siya pinapapunta dito. Halos dalawang oras din akong pinaghintay nito. Ano siya? Check?

"Dude relax," pa-cool nitong wika. "Alam mo namang busy guy itong kausap mo. Okey fine, gumagawa kasi kami ngayon ng MV. Malapit na deadline namin kaya di ako makalusot."

"Wow? Di ko alam na alam mo pala ang salitang DEADLINE."

"Dude, ang paghahanap ng dugo ng diwata ng digmaan ay marami na ang nabigo at ipinapasa nalang generations to generations, meaning walang deadline doon. We just have to take our whole life time sa paghahanap, but lucky we, may natagpuan tayo. Ano ba yang mahalagang pag-uusapan natin bossing."

"Five years." Sabi ko. "Limang taon na pahirapan ang dinanas natin sa paghahanap sa dugo ng diwata ng digmaan."

"At sa wakas nga ay may nahanap tayo. Anong problema mo doon? Isipin mo ha, five years. Samantalang yung iba ay namatay nalang sa paghahanap. Will, salamat doon sa nasundan natin na namayapang Allan, ang laki ng naiambag niya dahil napatunayan niyang may nag-eexist ngang dugo ng diwata. Grabeh noh halos abot kamay na niya noon boong pamilya ni Gabriel pero nabigo pa siya."

"Unang pagkikita palang namin ni Gabriel ay naging isa na agad ako sa mga kaibigan niya. Parang instant, wala man lang challenge?"

"Edi maganda nga iyon diba?"

"Para kasing may iba akong pakiramdam sa nangyayari eh. Parang nakaarrange na lahat, isang salita lang ng Sophia na iyon ay naging magkakaibigan na kami nina Gabriel. Kahit sa paglipat ng classroom ay isinasama niya ako sa kanilang dalawa, maging sa tanghalian. Ni hindi ko na kailangang mag-effort at mag-ooo na lang ako, okey na lahat, mangyayari lahat ng iniplano natin."

"Ibig sabihin ay dapat na ba tayong magparty ngayon? Hiyan Lance."

"Hiyan ka dyan." Hiyan ang tawag sa pinuno naming mga Mayen, at ang 'mayen' naman ay ang tawag sa siyam na kawal na direktang nasa ilalim ng may pinakamataas na katungkulan sa ARMADA na tinatawag na Hurami.

Sa ngayon, ang Hiyan namin ay si kuya Ben na anak ni Hurame William. Lumaki ako sa pamilya ng Hurame, yung magulang ko kasi ay parating wala sa ARMADA.

Kung sasama sa akin si Gabriel sa ARMADA ay hihirangin siya doon bilang reyna at higit na mas mataas iyon kaysa sa Hurame.

"Alamin mo ang pagkatao ni Sophia Salazar." Utos ko dito.

"Dude naman baka may crush lang sayo yung tao kaya gusto nitong Sophia na ito na lagi kang kasama." Pagdadahilan nito upang hindi gawin ang pinapagawa ko.

Hindi ako nagsalita at tiningnan ko lamang siya ng masama. "Okey fine. Pero hindi agad-agad ha, busy talaga ako ngayon sa ginagawa naming MV at my up comming concert pa ako. Pagtutoonan ko ng panahon yang SOPHIA na yan at hindi ako magcoconcert hanggat hindi nadadala natin si Gabriel sa ARMADA." Ganyan, makuha ka sa tingin.

Ang totoo ay mas mataas ang rank ni Nick kaysa sa akin bilang Mayen at ako ang panghuli. Ayon nga sa tsimis eh hindi naman daw talaga ako karapat dapat na maging Mayen, sadyang pinapaboran lamang ako ng Hutame.

Pero ito ha, sa siyam na Mayen ay apat lang ang hindi takot sa akin. Sa paaralan namin ay takot lahat sa akin ang mga mag-aaral doon maging ang karamihan sa mga guro. Ako yata ang tinaguriang hudlom sa ARMADA.

ARMADA— Hindi ko talaga matukoy kung ano at paano. Pakiramdam ko ay kilala ko itong Sophia na ito. Parang nakita ko na siya sa ibang lugar at pagkakataon.

Sophia, sino ka nga ba?

++++++++++

Rick's POV

Gabe na ng pumasok kami sa loob ng maliit na bahay na tinutuluyan ni Sophia. May ilaw na doon, marahil ay hindi iyon napatay nitong Sooth na ito kaninang umaga.

Nang matapos ang klase kaninang hapon ay tumuloy kami sa unay beach, hindi ko alam noong una kung bakit pero pagdating namin doon ay nakita ko si Lance sa terrace ng townhouse ni engr. Cui. Marahil nga ay doon ito tumutuloy.

Parang mga stalker kami kanina ni Sooth, lalo na at sikat na personalidad ang kausap ni Lance kanina.

Si Nickolo o mas kilala bilang Nick Angelo na sikat na singer, model indorser at teen star pero twenty two na ang totoong edad nito.

"May kailangan akong gawin sa ARMADA, tulad ng dati, gabayan mo Sophia dahil wala siyang alam sa nangyari ngayong araw." Wika ni Sooth habang may hinahanap sa mga drawer. "Sabihin mo sa kanya ang tungkol kay Lance."

"Noted madam." Nasisiyahan kong sagot dito, aalis din naman pala ito agad eh.

"Ito," iniabot nito sa akin ang isang transparent na maliit na buting naglalaman ng likido na kulay pula.

Alam ko na kung ano iyon.

"Ipa-"

"Ipainom ko sa kanya pagkaalis mo." Putol ko sa sasabihin niya.

"Mabuti at hindi mo nakakalimutan." Nakangiti niyang kuminto. "Kaya maaasahan ka talaga at aasahan kong gagawin mo ang mga DAPAT mong gawin."

Nahiga na siya sa higaan ni Sophia. Pumikit at muling dumilat.

"Sophia ikaw na yan?" Excited kong tanong dito. "Inum—"

"Rick excited lang?" Biglang wika nito na parang hindi naman nanghihina kaya natigilan ako.

"Sooth."

"Oo, ako parin ito. May nakalimutan kasi akong sabihin."

"Eh di sabihin mo na."

"Ikaw, yang ugali mo ang magpapahamak sayo. Matuto kang igalang ang isang tulad ko lalo na ang isang ako kung gusto mong humaba ang buhay mo."

'Di mo kailangang ipamukha sa akin, alam ko kung saan ako lulugar. At alam ko ring hindi sasayangin ng mga tulad mo ang buhay ng mga tulad naming napapakinabangan niyo.' Yun sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero di na lamang ako nagsalita.

"Ano nga ba sasabihin ko? Nakalimutan ko tuloy." Sabi nito. "Ah! Yung buti pala. Pagnaglabas ka ng likido niyon ay kaagad mong ipainom sa kay Sophia at takpan mo din agad ang buti. Sa tingin ko ay hindi lamang sina Lance ang mga guinlipi na umaalid ngayon kay Gabriel. Maaamoy ng mga guinlipi ang laman ng buting yan at baka ikapahamak niyo pa magtatagal na nakabukas yan."

Langya naman oh, dati nagmamadali akong ipainom ito kay Sophia upang manumbalik agad ang lakas nito pero ngayon pala ay mas double time pa dahil dilikado na ang pagbukas nito.