Sophia's POV
Ikinuwen ni Rick sa akin ang tungkol sa nangyari kahapon at ang nais mangyari ni Sooth. Ipinakita niya rin sa akin ang picture ni Lance.
Artistahin pala itong Lance ah, poge naman oy. Kilig ako doon.
Sa TTh ay 9am pa ang unang klase namin. Hindi pa sana ako gigising ngunit itong si Gabriel eh napaaga sa pangungulit. Nagpapasama na pumunta sa pamilihan.
Umulan pa naman, di ba siya pweding pumunta doon mag-isa?
Namili kami ng panghanda sa birthday ng tatay ni Gabriel at nag-order narin ng cake para mamayang hapon.
Uuwi na sana kami ng maisipan nitong kasama ko na pumasok sa junjun enterprise. Umuilan pa naman kaya di na ako kumontra.
Habang tumitingin ako sa mga ballpen, itong si Gab naman ay may hinahalungkat sa mga posters.
"Ahyyyy! Finaly I found you!" Narinig kong wika nito at ng nilingon ko ito ay yakap-yakap ang isang poster.
Paniguradong si Nick ang nasa larawan ng poster na iyon.
"Sophie, look!" Ipinakita nito sa akin ang poster at hindi nga ako nagkakamali.
Fun talaga itong si Gab ni Nick at walang duda yon, sa dami ba naman ng picture ni Nick sa kwarto nito.
Naalala ko lang, ayon kay Rick ay katulad din si Nick Angelo nina Sooth at ng Lance na hindi ko pa nakakatagpo.
Pilit na ngiti naman ang ipinakita ko dito kay Gab at mula sa poster ay parang may nahagip ang aking paningin na isang pamilyar na mukha kaya dumaritso ang aking paningin sa pintuan ng enterprise na iyon. At di nga ako nagkakamali, si Lance nga ang aking nakikita at palabas na ito.
"Ang kaso wala akong pera, pwedi mo bang bilhin ito para sa akin? Sige na tutal malapit na naman ang pasko, pamasko ko nalang." Diskarte sa akin ni Gab.
"Hello? August palang kaya." Ako naman
"Eh ang sabi: magbigayan daw araw-araw para pasko lagi."
"Doon ka manghingi sa nagsabi sayo niyan." Sabi ko dito at akmang aalis na sana ako hinaharangan ako nito.
"Sige na please! Paghindi ko ito binili ngayon ay wala na ito mamaya." Pamimilit nito.
"Edi magpaprint ka nalang ng maraming picture ni Nick Angelo." Sabi ko.
Tika, nasaan na si Lance? Ay! Nawala na tuloy sa paningin ko. "Iyan at may hahabulin ako." Binigyan ko ng isang daan si Gad. "Balik mo sa akin sukli ha."
Sa wakas ay nakalusot narin ako kay Gab.
Pagdating ko sa labas ay tumila na ang ulan ngunit wala na doon si Lance. Babalikan ko na sana si Gab ng may maapakan akong isang leather wallet.
Pinulot ko iyon at binuksan. Namangha pa ako ng kaagad na tumambad sa akin ang school ID ni Lance na nakasiksik sa loob ng wallet na naglalaman din ng ilang one thousand. Parang hindi yata pwedi sa wallet na iyon ang ibang bills.
Maaaring ngayong araw lang ang pagkakataon na mayroon ako upang makausap si Lance at bukas ay babalik na naman si Sooth. Mabuti nalang at maswerte ako, hito ngayon at nagkadahilan pa ako. Ayon kay Rick eh sa townhouse ni Engr. Cui sa unay beach nanunuluyan itong si Lance. Ihahahatid ko ito sa kanya.
Pero tika lang, magkaklase pala kami, bat ko pa siya pupuntahan sa unay beach kung magkikita din naman kami sa klase one hour later from now.
Naexcite lang ako heehe.
Muli ko pang sinubukang halughugin sa tingin ang paligid, nagbabakasakaling makita ko pa si Lance.
Umalis ang tricycle na nakaparada sa tabi ng Hellen's Caffee kung saan kami ni Gad nag-order ng cake kanina.
Napangiti ako sa aking nakita. Hindi ko na pala kailangang maghintay pa ng isang oras upang makausap si Lance dahil nasa loob ito ng caffee at mag-isang kumakain.
Tumawid na ako ng kalsada para pumasok doon sa Hellen's Coffee.
"Hi Lance!" Bati ko dito nangmalapitan ko ito na natigilan sa pagkain ng tinapay. "Wallet mo pala."
"Miss, hindi po Lance ang pangalan ko. Baka kamo nagkakamali kayo." Wika nito.
Hala! Mukhang totoo nga ang hinala ni Rick na nagdududa itong si Lance sa akin at sinusubukan ako ngayon.
Tinawanan ko nalang ang sinabi nito. "Hahaha parang kahapon lang ha at di mo na ako kilala? Hindi ka narin si Lance? Ano ito double identity lang?"
"Kaizer ang pangalan ko." Pagpapakilala nito.
"Okey, Lance Kaizer Pacim." Pagsang-ayon ko dito. "Pero yung nasa school ID mo kasi dyan sa wallet mo ay Lance Pacim lang."
Binuksan nito ang wallet at parang nagulat sa yata ito sa sariling picture. Baka ganoon siguro kapag mas gwapo sa personal kaysa sa picture ayyeeeh.
"Oo nga."
"It's nice to see you around, mukhang kabisado mo na itong maliit naming bayan." sabi ko pa.
"Ahmmm, di pa naman. Naglilibotlibot nga ako para di na ako maligaw."
"Will, kung maligaw ka ay maaasahan mo naman dito ang google map pero kung sakaling hindi ay pwedi mo naman akong tawagan." Sabi ko. "May number ka na ba akin or any sa mga classmate natin?"
"Ahh, wala." Alangan nitong sagot at pagkarinigid kong wala ay take the opportunity naman agad ako.
"Ito oh number ko." Iniabot ko dito phone ko.
Matapos nitong maiphonebook number ko ay wala na akong maisip naaaari naming pag-usapan kaya naman nagpaalam na ako dito.
"Ahhh, sige...maiwan ma kita dito. Kasama ko kasi si Gabriel, iniwan ko lang siya saglit para ibigay ito sayo." I intentionally mention Gabriel, bala sakaling maisipan nitong sumama pero sa tingin ko ay wala yata kaya nag-exit na ako sa Hellen's caffee.
Binalikan ko kung saan ko iniwan si Gab kanina pero wala ito kaya tinawagan ko nalang at sabi nito ay nasa second floor daw ito. nagtungo ako doon at kaagad naman itong nakita pero nakakagulat lang ng makita ko kung sino ang kausap nito.
"Lance, di mo naman sinabing papunta ka rin pala dito. Ang bilis mo namang maglakad at nakapag-change outfit ka pa agad ha." Nakangiti kong wika doon sa Lance na ito.
"Sophie, ano bang pinagsasabi mo? Nawawala na nga ang wallet nong tao." Si Gab naman.
"Dito lang naman ako nagpunta kanina eh." Si Lance.
"Nawawala na naman ang wallet mo? Kababalik ko lang sayo doon sa Hellens ah?" A dissapointed me.
"Sophie, pag-alis mo ay nagkita naman kami ni Lance, papaanong nagkita din kayo sa Hellens?" Si Gab ulit.
"Totoo sinasabi ko, doon sa labas ko napulot ang wallet mo Lance. May school ID mo doon kaya sure akong saiyo yun. Nakita kitang kumakaiin sa Hellens kaya pinuntahan kita." Paliwanag ko at akmang aalis na ako ng pigilan ako ni Gab sa braso.
"Saan ka naman pupunta?" Si Gab.
"Doon sa hellens, ipa-check natin CCTV nila baka nga multo nakausap ko, natatakot ako sa inyo eh." Sa totoo lang ay nag-aalala ako baka isa iyon sa mga kalaban na nagpapanggap lang na si Lance upang linlangin ako.
Pero bakit naman ako, hindi kaya ay may alam na sila tungkol sa amin ni Sooth?
Ipina-check nga namin ang CCTV sa hellen's caffee at doon lang sila sa akin naniwalang may Lance akong pinag-abutan ng wallet. Ngunit ayon nga kay Lance ay hindi siya iyon.