Mabilis na lumipas ang mga araw at sa bawat paglipas na iyon ay nakikita kong higit pang nagiging mas malapit pa sila Gab at Lance sa isat-isat.
Looks like I'm out of the picture. Marahil kaya hindi na sa akin nagpapakita si Sooth ay dahil sa hindi na niya ako kailangan.
Pero hindi lang iyon. Nagiging malapit din sa kanila si Kaizer, hindi ako sure kung alam ni Sooth ang tungkol kay Kaizer. Nakikita ko ring magkasundo na magkasundo sina Kaiser at Lance sa isat-isat na parang magkapatid na kambal.
Lunes ngayon, kailangan kong pumasok ngunit nanghihina ang katawan at ni hindi ko man lang magawang makatayo.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Sophia!" Nakita kong pumasok si Rick na kaagad lumapit sa akin.
"Rick, nandito ka." Mahina kong wika.
Hinawakan ni Rick ang kamay kung lupaypay na.
"Oo nandito ako." Tugon naman nito. "Nasaan na ba kasi ang bruhang iyon? Isang buwan narin ni pagpaparamdam ay di man lang niya magawa."
"Wag kang magalit. Sa katunayan ay nagpapasalamat na ako...dahil sa kanya ay nadugtungan pa ng halos apat na taon ang buhay ko na matagal na sanang natapos."
"Kung hindi siya magpapakita ngayong araw ay ako ang magpapakita sa kanya."
"Rick, wag mong ilalagay sa kapahamakan ang sarili mo." Nag-aalala ako sa kung ano man ang binabalak nito. Ano bang kaya niyang gawin? Isa lamang siyang karaniwang tao.
"Dadalhin muna kita sa hospital at tatawagan ko rin ang mga magulang mo para may magbantay sayo."
"Rick makinig ka: wag mong hahanapin si Sooth, wag mong ipapahamak ang sarili mo, naintindihan mo?"
"Sophia—"
"Mangako ka."
"Pangako."
********
Lance POV
Nasaan ba yang si Nick? Kanina pa ako palakadlakad dito sa pintoan pero hindi ako makalabas sa kakahintay sa kanya. Male-late na ako sa klase ko. Porque Idol siya ni Gabriel ay paimportante naman siya.
"Lance!" Sa wakas ay dumating narin ito. Mabilis itong naglalakad pababa ng hagdan palapit sa akin. "Nagkaroon kasi ng emergency sa ARMADA pasensiya na."
Naka-doctor's coat pa ito, marahil ay papunta ng showting.
"Hindi okay lang." Sabi ko naman, kung wala lang talaga ako kailangan sayo ay nalintikan ka na sa akin. "Akin na."
"Akin na?" Tanong nito. "Anong akin na?"
"Yung hinihingi ko?" Pagpapaalala ko dito.
"Ahno yun?"
"Ay! Anong bang emergency ang nangyari sa ARMADA at ni hindi mo man lang yata nabasa ang mensahe ko?" Inis kong tanong dito.
"Hindi ko alam kong dapat ko bang sabihin sayo?" Pabulong nitong wika pero narinig ko parin.
"Sabihin mo na total di mo naman dinala ang kailangan ko. Ano Chismis sa ARMADA?" Pagpipilit ko.
"Eh kasi...."
"Wag mong sabihing magpapapilit ka pa?"
Biglang nagliwanag ang mukha nito na parang bright idea ang sinabi ko.
"Tama! Pilitin mo ako dali at suntukin mo rin ako dito." Pagsang-ayon nito at itinuro pa ang mukha. "Alam nilang lahat na mahal na mahal ko ang mukha ko kaya sigurado akong maniniwala silang napilit mo nga ako."
Baliw talaga. "Ano bang pakulo mo ha? Wag mong sabihing gumawa ka na naman ng gulo sa hospital sa ARMADA?" Baka galing ito doon kaya nakapangdoktor na kasootan ito.
Matagal na kasi itong intern doon pero hindi parin nagiging totoong manggagamot.
Panggagamot ang hiwaga ng angkan na pinagmulan niya kaya sa ayaw at gusto niya ay kailangan niyang maging manggagamot. Wala naman kasing show business sa ARMADA.
"Hindi. Wala." Pagtanggi nito. "Sige na pre suntukin mo na ako at sasabihin ko sayo kaagad."
"Wag mo akong idadamay sa kalukuhan mo." Sabi ko naman. "Male-late na ako sa klase ko."
Humarang ito sa pinto. "Dude isang suntok lang ang hinihingi ko sayo dahil kapag hindi ko yon makuha baka mabugbug mo pa ako pagnalaman mo pa sa iba. Ayaw ko lang na maipit din ni Hayen Bluen."
Mukhang mahalaga nga itong sasabihin niya na pinagbabawalan pa yata ni kuya Bluen na malaman ko.
Nakapangdoktor na kasootan si Nick galing ng ARMADA, hindi kaya ay may nangyari sa mga magulang ni kuya Bluen? Maaari, at ayaw nilang malaman ko dahil siguradong babalik ako ng ARMADA.
Mabilis kong nasuntok sa pisngi si Nick na nagulat pa.
"Aray ba't di ka nagsabi?" Iyak nito. "Binigla mo naman ako doon ang sakit."
"Sabihin mo sa akin, anong emergency meron sa ARMADA? May nangyari bang masama sa mamay at papay ko?" Sunudsunod kong tanong dito habang hawak ang kwelyo nito.
"H-hindi sila." Sagot nito. "s-si S-Sooth." Nauutal-utal pa ito.
"Si Sooth?" Pagtataka ko. Imposibling gumawa ng kalukuhan ang taong tulad ni Sooth na by the book kung kumilos. Napangiti ako, "Anong kalukuhan naman ang magagawa ni Sooth? At tika lang ha, kung gumawa man siya ng kalukuhan ay hindi ako ang nagturo o may makana."
"Isinugod siya sa hospital at hanggang ngayon ay wala pa siyang malay."
"Anong sabi mo?" Pagpapaulit ko sa sinabi nito kasi parang inilipad lang ng hangin ang tinuran nito.
"Ang sabi ko—"
Mabilis akong tumakbo paakyat sa hagdan. Rumihistro palang kasi sa akin ang sinabi nito. Idinikit ko sa pintuan ng aking silid ang isang pabilog na bakal saka ko binuksan ang pintuan.
"Sandali!" Mabilis na humarang si Nick sa pinto. "10 minutes."
"Anong 10 minutes? Umalis ka dyan kung ayaw mong masaktan!" Banta ko.
"Pero naroon pa ang Hayen sa hospital—" pagpapaliwanag niya pero sinipa ko siya papasok at sumunod ako.
Sa floor ground ng hospital kami nakarating. Nagulat pa ang mga taong naroon hindi dahil pagsulpot namin kundi dahil sa nakita nila si Nick na nakahiga sa sahig.
Tumakbo na ako papunta sa elevator pero nahabol ni Nick ang paa ko.
"Pare 9 minutes balang." Sabi pa nito.
Sinipa ko siya pero mabilis siyang bakaiwas at bumangon para humarang sa dadaanan ko.
Kailangan kong mapuntahan si Sooth sa lalong madaling panahon.
Wala na akong magagawa kundi labanan ang gagong ito.
Naglaban kaming dalawa ng hindi gumagamit ng hiwaga, na parang labanan lamang ng mga karaniwang tao. Pumalibut sa aming dalawa ang mga tao at tiwang-tuwa sa napapanood nipang laban naming dalawa. Ako para makalapit at makapasok ng elevator at si Nick naman ay para pigilan ako.