Chapter 15 - 11.)

Rick's POV

Tumambad sa aking harapan ang naglalaban na sina Lance at Nick.

Ang daming tao na nakapalid at tuwang tuwa na pinanunood sila. Ni wala man lang pumansin sa biglang pagsulpot ko. Marahil ay ito na nga ang ARMADA ngunit bakit silang dalawa nagsusuntukan?

Di nagtagal ay nagulat nalang ako sa aking nasaksihan. Lumutang silang dalawa sa ire ta gapos ng tubig.

Nakanganga nalang ako ng habang pinapanood sila.

Naramdam kong may humawak sa aking braso.

"Wag mo itong tanggalin." Nagulat ako ng makita ang pamilyar na mukha at palihim akong sinootan nito ng plastic wristband na kulay itim. "Magkita nalang tayo mamaya."

Mabilis siyang umalis at lumayo sa kumpulan ng mga tao. Napansin ko ang ilang katao na naglalakad palapit sa akin. Pansin ko rin na lahat sila ay kulay pula ang soot na wristband maging ang kina Lance at Nick rin na nakalutang parin sa ire gayundin ang lalaking pinagmumulan ng tubig na nakagapos sa dalawa. Ngunit ang karamihan sa mga naririto ay kulay itim katulad ng soot ko ang wristband.t

Lumampas sa akin ang mga taong yun at sa tingin ko ay ang nagbigay ng wristband ang pakay nila.

'Magkita tayo mamaya.' Naalala kong bilin nito. Papaano siya nakapunta dito? Bakit siya nandito? Anong kaugnayan niya dito? At anong pakay sa kanya ng mga taong yun?

Sumunod ako sa mga taong may wristband na pula.

"Kuya Bluen gusto ko lang naman makita si Sooth." Narinig kong tinig ni Lance kaya natigilan ako saglit.

Ibig bang sabihin ay nandito sa gusaling ito ang bruhang iyon?

Saka ko na hahanapin si Sooth, ang mahalaga ay alam ko ng nandito lang siya. May higit pa akong ipinag-aalala ngayon at baka mapahamak siya.

Lumabas ako ng gusaling iyon ay nakita ko ang may mga pulang wristband na pabalik na sa loob ng gusali ngunit may naiwan sa isa sa labas at kausap ang binatilyo.

"yun nga po Guro, nalaman ko na pumunta kayo dito sa hospital kaya ako nandito para magpaalam sa inyo na liliban muna ako sa pag-aaral." Wika nito.

"Kinain ba talaga ng aso mo ang Ayden mo pinakain mo sa aso ng magkaroon ka ng dahilan upang lumiban?" Tanong naman ng naroon pang may pulang wristband.

Muling nilampasan ako ng ibang may pulang wristband ngunit gaya ng kanina ay hindi ako pinansin ng mga ito at nagsibalikan na a ng mga ito sa loob ng gusali.

"Guro naman, wala ba kayong tiwala sa akin?" Balik tanong nito. Ipinagtataka ko lang kung bakit Guro ang tawag niya sa kausap.

"Samuel Salazar, ginawa mo na ito dati, sa tingin mo ba ay maluluko mo pa ako?" Nakita kong may iniabot ang lalaki sa kanya. "Gamitin mo muna ito pansamantala kaya di mo kailangan lumiban. Pagnagkaroon ka ng pagkakataon ay magpagawa ka ulit ng Ayden at ipabura mo ang dating ginagamit mo."

"Ayhh—"

"Aangal ka pa?" May himig ng pagbabanta sa tinig nito kaya nakita kong nataranta pa si Samuel.

"Hindi po, hindi po guro. Salamat po dito. Napakabuti niyo pong guro." Sabi pa ni Samuel at isinoot ang wristband.

Naglakad na pabalik ang lalaking tinatawag na guro ni Samuel. Di tulad ng mga kasama nito kanina ay nginitian pa ako nito ng malampasan ako kaya ngumiti nalang din ako dito.

Papaanong nagkaroon ng kanilala si Samuel dito? At mukhang nag-aaral din yata siya dito.

"Paring Rick kumusta?" Sa pag-iisip ko ay namalayan ko nalang na nakaakbay na pala sa akin si Samuel. "Lumayo muna tayo dito." Pabulong na dugtong nito.

Si Samuel ay nakababatang kapatid ni Sophia. Kilala ko siya dahil freshmen ito noong senior year namin ni Sophia sa high School at iisa lang naman ang paaralang pinasukan namin.

Nang matantya ko na nakalayo na kami ay doon na ako nagtanong dito.

"Paano ka nakapasok dito? At bakit may nakakakilala sayo?"

"Mukhang ako yata ang dapat na magtanong sa iyo niyan?" Balik tanong nito. "Mabuti na lamang at nandoon ako hindi hindi ay baka pinagsasaluhan ka na ngayon ng mga mababangis na isda sa pasipiko."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nakita mo naman diba na lahat ng mga mamamayan dito ay may ganitong soot?" Hinawakan nito ang braso ko at itinuro ang wristband na naroon. "Mas nabuti siguro kung bumalik ka na."

Nahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito.

"Hindi pwedi." Pagtanggi ko. "Naglakas loob akong magtungo sa tinutuluyan ni Lance baka sakaling matulongan ako nitong makita si Sooth ngunit di ko siya nakita doon. Mabuti na lamang at nakita kong bukas ang pintuan ng isang silid, magbabakasakali lang sana ako na baka may mahanap akong gamot doon higit pa pala ang matutuklasan ko pagpasok ko sa silid na iyon."

"Hindi naisara ni Mayen Lance ang lagusan dahil sa pagmamadali at pinipigilan siya ni Mayen Nikolas. Rick, kaibigan ka ng kapatid ko at dahil sa kanya kaya ka nandito ngayon, hindi kita pweding pabayaan nalang dito. Pero hindi pweding malaman ng ARMADA ang kaugnayan mo kay Mayen Sooth."

"Sam kailangan ng kapatid ng gamot at si Sooth lang ang makakapagbigay non!" Naiinis kong wika dito. Bakit ba parang wala siyang pakialam kay Sophia? Magkapatid nga ba talaga sila?

"Pansamantalang ginhawa lamang iyon, at hindi iyon ang kailangan niya." Saad nito. "Kapag malaman nila ang kaugnayan ni Mayen Sooth sa aming magkapatid at sa'yo ay baka matuluyan na ang kapatid ko at ayukong dumating ang araw na iyon, naiintindihan mo ba?"

"Anong gusto mong mangyari ngayon?"

"Alam kong nagmamalasakit ka sa kapatid ko kaya sinisigurado ko sayo na makakalapit ako kay Mayen Sooth at higit sa lahat, sinisigurado ko din sayo na hindi kailangan ng kapatid ang isakripisyo mo ang buhay mo dito sa ARMADA. Ako ang kapatid niya, alam ko kung ano ang higit na mas makabubuti sa kanya at iyon ay ang bumalik ka na."

Hanggang doon na lamang ang narinig ko mula kay Samuel. Sa isang kisap mata ay napalayan ko nalang ang aking sarili na nakahiga na loob ng maiit na bahay na tinutuluyan ni Sophia.

"Papaano ako nakarating dito? Anong ginawa sa akin ni Sam?" Kahit ilang ulit kong tanungin ang aking sarili ay wala akong makukuhang sagot.

Tumingin ako sa aking orasan at mas lalong nagtaka ng makitang alas-onse na.