Chereads / ARMADA: THE SEARCH HAS ENDED / Chapter 7 - 6.) Mistaken identity

Chapter 7 - 6.) Mistaken identity

Lance's pov

Pagpasok ko ng bahay ay naroon na si Nick sa loob. Nakaupo sa sofa at may hawak na tablet.

"You're not having a good day again my lord?" Pang-uudyok nito.

Itinapon ko sa solo na sofa ang bag ko at iniabot dito ang phone na agad namang kinuha nito at nagtataka sa nakikitang picture doon.

"Ano 'to?" Nag-aalalang tanong ni Nick.

Naupo ako sa tabi nito. "Salamat doon sa kaibigan ni Sophia at naisipan nitong mag-grouphie gamit ang phone ko kanina sa cafeteria. Siguro kung wala ito ay paniguradong hindi ka maniniwala dahil maging ako man ay hindi din makapaniwalang may isang tao na kamukha ko na nga ay parang magkaedad pa kami."

"Totoo ba it-sandali. Ano ba? Dude hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin." Nagugulumihang wika nito. "Pero pwedi nating ipagpalagay na parang hulog ng langit yang Sophia at Rick na tinutukoy mo at lagi kang natutulongan nila. Pero ang iniisip ko lang, kung walang inililihim sayo ang mga magulang mo, ibig sabihin ay sinasadya ng taong ito na maging kamukha ka, pero bakit."

"Dude salamat ha, salamat talaga sa tulong mo, ang laki ng naiambag mo dude." Sabi ko naman.

"Seryoso dude, paano kung may kakambal ka pala?"

"Imposible yon."

"Wala ka talagang kapatid?"

"Sa naaalala ko noong bago pa ako lumipat sa ARMADA ay narinig kong pinag-aawayan ng mga magulang ko ang tungkol sa anak nila na syempre kapatid ko, pero wala akong masyadong alam tungkol doon. Basta narinig ko lang na Athea ang pangalan nito. Hindi ko pa ito nakita, hindi ko din alam kung buhay pa ba ito o ano?"

"Kung narinig mong Athea ang pangalan, for sure ay babae ito."

"Sandali, yung tungkol kay Sophia, may nakuha ka na ba?" Pag-alala ko na may ipinapagawa pala ako dito.

"Wala namang kakaiba sa kanya." Kompyansang sagot nito.

"Sigarado ka doon?"

"Nothing special about her family backround. Pero kawawala pala yon, sakitin simula pagkabata hanggang sa mag-third year high school." Kwento nito.

"Ibig mong sabihin ay hindi na siya sakitin ngayon?" Mukhang may naaamoy akong kakaiba ah.

"Siguro kasi wala na siyang hospital record simula noong forth year siya hanggang ngayon." Kampanting sagot nito.

"Ngayon gusto ko ay ikaw mismo ang mag-imbistiga kung may involvement ba itong Sophia sa kahit sinong Guinlipi o baka naman ay may inililihim lang ang pamilya nito."

"Dude ako nag-imbestiga."

"Hindi, nasisiguro kong ipinagawa mo lang yon sa mga tao mo." Paniniguro ko naman dito. Kilala ko ang taong ito, paniguradong nag-hire ang brooker nito ng imbestigador na siyang gumawa ng ipinapagawa ko dito.

"Ano bang gusto mong malaman?" Inis nitong tanong.

Ikweninto ko dito ang nagyari kanina na muntik na naming masuntok ni Kaizer itong si Rick.

"Sino naman itong Kaizer?"

"Siya yang kamukha ko." Sagot ko. "Ang ipinagtataka ko lang kung papaano nakakilos ng ganoon kabilis si Sophia at hindi man lamang nasaktan ng saluhin ng mga kamay nito ang kamao namin ni Kaizer?"

"Mukhang may isda yata tayong malalambat o tayo ang malalambat?" Palaisipan nitong wika. "Mukhang, nagkakamali ka yata sa sinabi mo kahapon na walang challenge ito ngayon."

"Isama mo na rin sa pag-iimbestiga sina Rick at lalo na yang Kaizer del Valle na yan. Sino man sila ay kailangan ko parin silang pakisamahan alang-alang kay Gabriel. Hindi ako pweding kumilos ng walang ibedinsya."

"Ba't naging seryoso na tayo? Anong nangyari?"

"Wala." Pagsisinungaling ko dahil gustong kong maging sa akin lang muna sa ngayon. "Ayaw ko lang na matulad tayo sa namayapang Allan na matatapos na sana niya dati ang misyong ito pero nagkagulo ang lahat."

Sa totoo lang kasi ay naaalala ko kay Sophia ang isang mabuting kaibigan. Tatlong taon narin ang nakalipas ng huli ko itong makita. NaHIDLAW na ako na makita siya, gustong gusto ko na siyang makita at ng magkaroon ako ng pagkakataon na humingi ng tawad sa kanya. At kapag dumating ang araw na iyon na muli kaming magkita ay dapat ako yong taong maipagmamalaki niya, na hindi nasayang ang pagsasakripisyo at tiwala niya.

++++++++

Sophia's pov

Pagkatapos ng klase namin sa hapon ay nauna ng umuwi si Gab. Susunod nalang kami ni Rick mamaya sa bahay nila.

Nasa loob lang ako ng library nagbabasa ng book written by Steffen King ng may tumawag sa akin.

"Sophie." Napalingon ako dito.

"Lance."

"It's Kaizer." Pagtatama nito.

"Sorry." Agad ko namang hinging paumanhin dito. "May kailangan ka?"

"Hindi ka pa ba uuwi? I mean, kanina ka pa kasi hinihintay ni Rick doon sa parking. Pauwi na kasi sana ako ng maalala kong hindi ko pa pala naisauli yung book na hinoram ko."

"He," pigil ko sa pagpapaliwanag nito. "Hindi mo kailangang magpaliwanag o sabihin sa akin ang lahat."

Natawa ito. "I just feel obliged, parang pamilyar ka kasi sa akin. Nagkita na ba tayo noon? Hindi yung doon sa caffee, pero noong matagal ng panahon?"

Hindi ko masagot ang tanong nito kaya nginitian ko nalang at tumayo para pumunta na ng parking lot.

Magkamukha naman kasi sila ni Lance at si Lance naman ay nabanggit na sa akin bago ko pa ito unang makita kaya pamilyar talaga sa akin si Lance na sa kasamaang palad ay pinagkamalan kong siya.

Sabay na kami nitong si Kaizer na bumaba ng library.

Pagdating namin doon sa parking lot ay talaga ngang naroon na si Rick.

Dumaritso na kami ni Rick kina Gab. Pagdating nga namin doon ay nagsimula na ang birthday party ng tatay ni Gab. Kilala na kaming dalawa ni Rick doon maging ng mga kapitbahay nilang nag-iinuman at nagkakantahan sa bakuran nila.

Pagdating ng 5:30 ay nauna ng umalis si Rick dahil malayo pa ang uuwian nito. Kami naman ni Gab ay nagtungo sa aking tinutuloyan upang gumawa ng report ni Gab para bukas. Panigurado kasing hanggang hating gabe pa ang kasayahan sa bahay nila.

Habang abala si Gab sa laptop ay gumagawa naman ako ng homework. Napahinto ako ng may ediyang pumasok bigla sa aking isipan.

"Gab, what if one day malaman mo na ampon ka lang, anong gagawin mo?" Tanong ko out of no where.

"Saan mo naman napulot yan?" Balik tanong nito at nagkibit kalikat lang ako saka nagpatuloy sa ginagawa. "Wag mong sabihing ampon ka Sophie?"

"Ako? Hindi." Depinsa ko.

"Okey fine. Anong gagawin ko nga ba kapag nalaman kong ampon ako?" Tanong nito sa sarili na natigil pa sa ginagawa at patingin-tingin sa bubong na parang nandoon ang sagot.

"He! Kalimutan mo yong tanong ko, di ka required na sumagot ano ka ba." Pagbawi ko sa tanong kasi kahit ako ay di ko alam kung bakit ba ako nagtanong ng ganoon.

"Siguro depinde." Sagot nito.k