Chereads / Death Kill Academy / Chapter 23 - Kabanata 22

Chapter 23 - Kabanata 22

Kabanata 22: Meet Jaslee Bryan Herrera and John Christian Herrera

#Death University

***

(Hayden Zyrienne Pov)

Nagising na ako ng maaga ngayon na kasi ang alis namin dito. Mas mabuti pa na maaga namin matapos ang misyon para walang madamay na ibang tao. Alam na rin ni lola na aalis kami dito sinabi ko sa kanya kahapon. Ginising ko rin ang mga kasama ko kailangan na namin kumilos. This is the battle between us and Cindy.

Tumulong ako kay lola na maghanda ng almusal namin. Bagong gising pa kasi ang iba. Saka wala yata sakanila ang maalam magluto.

"Sigurado ba kayo na aalis na kayo dito?" Tanong ni Lola na nagluluto.

Tumango saka pinagpatuloy ang paghugas ng pinggan.

"Opo lola kailangan na namin tapusin ito. And this is the challenges that we need to solve"

Masyadong mabait si lola para masali sa gulo namin. Saka ayaw kong may ibang tao na madamay dito. Wala siyang kinalaman sa Curse na ito.

"Sana maging maayos ang lahat. Gusto ko sana makita na kumpleto parin kayo" Nakangiting sabi ni Lola.

Naalala ko sa kanya si Lola. Magaling siyang magluto at maalaga.

Salamat Lola kung pinatira niyo kami. Aasahan ko na tutulungan ko kayo kapag nagtagumpay kami.

"We will come back here. "

Babalik kami para panalamatan ka sa ginawa mo sa amin.

Ipinagpatuloy namin ang pagluluto ng almusal kanin lang at adobong manok ang kakainin namin. Habang naghahanda ako ng plato.

May nagsalita sa gilid ko. Nakakagulat naman ng isang to.

"Ngayon na diba ang alis natin?"

Hindi na ako tumingin sa kanya kilala ko naman siya boses pa lang niya tumango lang ako sa kanya bilang sagot at lumapit kay lola hindi ko kaya na malapit siya sa akin. Mabuti nga at sinagot ko pa siya. Ayaw kong muna siyang kausapin at hindi ko alam kung bakit.

"Iha nag-away ba kayo ng boyfriend mo?" Tanong ni Lola. Nakakunot noo niyang tiningnan si Den.

Boyfriend?  Sino ang boyfriend ko? Bakit di ako nainform. Hindi ko naman boyfriend si Den at kay Beatrice na yan.

"Ah lola wala ho akong boyfriend eh. And besides boys will be waste of time"

NBSB pa ako no. Saka ayaw ko pa. I need to focus on my life.

"Nako hija alam ko kung sino ang boyfriend mo. Bagay kayo"

Inihanda niya ang mga pagkain habang ako ay tulala pa rin.

Tsk malabong maging kami ni Den lalo na may iba siyang minamahal. Sila na kaya ni Beatrice psh.

Okay hindi ako affected ah.

Umupo ako sa tabi ni Kathleen. Alam ko sa gilid ng mata ko na tinitingnan ako ni Den. Hindi ako nakapag concentrate kapag kumakain ako na may tumitingin. Sarap sabihin sa kanya na Staring is Rude men kaso baka sabihan ako ng assuming. Ayaw kong masabihan ng assuming.

"Ang tagal mo naman kumain Hayden. Akala ko nagmamadali tayo" Maarteng sabi ni Beatrice.

Tss What a pretender.

Papatulan ko to. Porket siya ang mahal ni Den tapos kung makaasta akala mo.  Okay nagmumukha na akong bitter.

"Matuto kang maghintay" Sabi ko sa kanya at inirapan siya kinuha ko ang pinagkainan ko at agad na pumanta sa lababo. Ewan ko kung bakit ako naiirita letchugas talaga. Grr! Nangigil na talaga ako.

Nakakainis ang babaeng yun.

Kalma ka lang Hayden. Chill!

"Ako na ang maghugas ng plato

hija" May kumuha sa Plato na huhugasan ko sana.

Kinuha niya sa akin ang pinagkainan ko wala na akong nagawa kundi hayaan siya. Nakakahiya tuloy kay Lola. Hayst

Pumasok nalang ako sa banyo naghilamos lang ako. Sana maging maayos ang lahat ng ito. Marami Pa kaming pagsubok na gagawin.

Medyo maliit ang cr ni lola may lababo may salamin at may malaking drum na siguro ay dito kinukuha ang pampaligo.

May puso rin sa labas kayo hindi ka na mahirapan kumuha ng tubig. May mga panlinis rin ng katawan si lola. Wala akong damit na pamalit.

Lumabas muna ako ng banyo at humingi kay lola ng damit.

Binigyan niya ako ng jean t-shirt na red at jacket.

Bumalik ako sa banyo at nagbihis. Naligo na rin ako para fresh. Fresh ang isip at makapag-isip ako ng maayos.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako ng banyo at pumunta sa sala mukhang bihis na bihis sila. Ako lang talaga ang matagal. Baka sa puso sila naligo.

"Lola aalis na po kami. Salamat sa tulong niyo" Nakangiti ako kay Lola.

Naging palangiti na pala ako. Kailan kaya ako nagsimula?

"Sige. Mag-ingat kayo" Nakangiting sabi ni Lola saka kumaway sa amin.

Sinamahan kami ni lola hanggang sa pintuan ng bahay niya. Maging handa nalang kami sa maging resulta nito. Hindi ko alam kung maging kumpleto parin kami pero gagawin namin ang pangako ni Lola sa amin.

"Lola Paalam. Gagawin namin ang pangako niyo sa amin" Sabi ko at tinaas ang aking kamay na parang nanunumpa.

Ngumiti si Lola sa amin. Kumaway kami at umalis na.

Habang naglalakad kami ay napansin ko na medyo madilim ang gubat kahit umaga walang masyadong bahay dito tanging yung bahay lang ni lola ang nandito. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit walang lumalapit na wolf sa bahay ni Lola. Mabuti naman kung ganun para Hindi siya mapahamak.

May narinig akong parang mabangis na hayop na humuhuni. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nangamba. Kailan Pa ako natakot?

Ito na yata ang mga wolf napansin ko rin na medyo nakalayo na kasi kami sa bahay ni lola.

Kailangan namin harapin ito kaysa naman na umatras kami.

"Mukhang nandito na ang mga wolf" Seryosong sabi ni Alden.

Nakita ng aking gilid na mata ang paghawak ni Beatrice sa braso ni Alden. Tss edi sila na ang sweet.

Mamatay na kami pero nagagawa Pa nilang maging sweet.

I need to focus. Damn*t

Naalerto naman sila nagpabilog kami at nilabas namin ang kunai na binigay sa amin kanina ni lola. Kunai na parang katana. Mabuti nalang at may nagawa kaming pang self defense.

May nakita akong wolf na malapit sa akin agad ko naman itong sinaksak sa bandang dibdib sana walang mamatay sa amin. Natrain ako sa ganito.

Pero napakarami ng mga wolf.

"Ako na ang bahala sa kanila" Biglang sabi ni Jerald.

Nagulat kami sa sinabi niya. Bakit?

Nakagat kasi siya sa braso.

"No! Jerald we are not going to leave you here. All of us will survive. Don't forget our promise to Lola. Don't give up easily" Seryoso Kong sabi. Nakatingin sa Akin si Alden at ang iba. May lumapit na wolf sa amin. Agad nan itong tinira ni Jeseryll.

Nakita ko ang bahagyang pagtulo ng luha ni Arth.

"Hindi ka namin iiwan" Sabi ni Arth

Jerald. Ayaw kong may mabawasan sa amin. Please be strong.

"Mamatay tayong lahat dito masyadong marami ang wolf dito. Sige na tumakbo na kayo. Tapusin niyo ang misyon na ito"

Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin? Maraming mga wolf ang lumalapit sa amin.

Wala kaming nagawa kundi tumakbo. Masakit pero kailangan gawin

"Paalam Jerald" Naluluhang sabi ni Arth.

Sa tingin ko siya ang pinakamalapit kay Jerald.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makarating kami sa may high way. Nabawasan na kami. Ang sakit, Na may nabawasan sa amin. Parang pamilya ko na rin sila.

Walang dumadaan dito na na mga kotse.

Ano bang klaseng lugar to? Hindi ko akalain na dito ako makapag-aral. Sabagay wala akong pake dati sa paligid.

May dadaan na montero na kotse. Ito lang ang naisip kung bagay agad ko naman hinarangan to. Kahit mukhang desperada na ako basta makaalis na kami dito.

"Hayden! Anong ginagawa mo?" Tanong ni Crissa. Lahat sila Ay nagtatakha sa ginagawa ko.

"Itatakwil ka namin! Kapag nagpakamatay ka. Alam mo naman na mahal ka namin" Madramang sabi ni Jeseryll.

Nakakunot noo ko silang nilingon.

"Hindi ako magpapakamatay no! Mahal ko Pa ang sarili ko kahit Hindi niya ako mahal!" Opss? Kailan Pa ako nagdrama at naghugot.

Ang choosy ng line ko ah. Nakita ko Pa ang pagngiwi ni Kathleen. And she mouthed to me the word 'Ang Corny'.

Langya!

Tumigil ang montero at

Bumaba sa kotse ang dalawang lalaki. Medyo matangkad sila pero wala akong pake. Tanggap ko na pandak ako. Kailangan namin makapunta sa town.

"Anong bang ginagawa mo? Malapit ka na masagasaan kung hindi lang ako nakapreno. Kung magpapakamatay ka. Huwag kang mandamay wala kaming pera" Sabi nung isang lalaki. Habang yung Isa may nakatingin lang sa amin

May kahawig silang lahat  pero nakalimutan ko na kung sino.

Tsk kailangan ko gawin to.

"Kailangan namin makapunta sa town. Saka mahal ko Pa ang buhay ko kaya bakit ako magpapakamatay. Porket nasa gitna ng Daan magpapakamatay na agad" Seryoso kong sabi.

Tumaas naman ang kilay ng isang lalaki yung tahimik kanina.

"Miss malayo ang town dito" Sabi niya.

Kalma Hayden! Chill ka lang.

Tsk Anong purpose ng kotse niyo? Hayst hindi ko alam kung gagamit sila ng common sense.

"You have a car. Then help us to go the town. We need your help"

Ang sarap hablusin ng mga to. Nagawa pang ngumisi nung is a habang yung Isa may tulala lang.

"Sige tutulungan ko kayo pero sa isang kundisyon kailangan mong masagot ang Riddle na ito"

For the sake of survival. I need to do this.

Dahil gusto ko talaga makarating sa town gagawin ko talaga ang lahat. Para matapos na ito.

"Sige" Kaya mo to.

Nakangiti Pa siya. Yung ngiting hindi mo ito masasagot. Tss what a idiot?

"Easy to get. But hard to get out"

Huh?

Medyo familiar tumingin ako sa mga kasama ko. Mukhang di pa nila alam ang sagot. Tss

"Trouble" Wala sa sarili kong sabi.

Napalaki naman ng mata nung isa. Problema nito? Baka nakakita ng nakakagulat psh. Tapos yung nagtanong ay parang nawalan ng kulay ang mukha.

"Tama" Sabi niya.

Oh? Ano siya? Kala niya ah!

Yes makakasakay na kami. Hindi ko nga alam na magiging tama ang sagot ko. Makararating rin kami sa town.

Sumakay na kami kahit medyo maliit ang kotse ay nagkasya pa rin kami umupo ako sa 2nd seat.

Agad naman pinaandar nung lalaki ang kotse.

"Anong pangalan niyo?" Tanong nung isa. Yung nasa passenger seat.

"Ako si Hayden sila si Kathleen, Crissa, Jeseryll, Alyssa, Allison, Beatrice, Greg, John, Arth, Jerome, Azrael at Alden. Kayo anong pangalan niyo?" Tanong ko sa kanila. Palatanong na talaga ako at Chismosa.

Ngumiti muna yung isa nasa passenger seat bago nagsalita. Okay cute siyang ngumiti.

"Ako si Jaslee Bryan Herrera at siya naman Si John Christian Herrera" Pakilala niya.

Psh hanggang ngayon may Christian parin ang pangalan? Baka may Micca na naman dito.

Char sosyal ang pangalan.

"Tawagin niyo nalang akong JC" Sabi ni John Christian daw. Mabuti naman ang awkward naman kapag tawagin ko siyang Christian diba?

Okay?

Tumahimik nalang kami sana matapos namin to 13 nalang kaming natira

Sana matapos nato.

We don't give up!

*****

Hychii's Note:

Sorry for the late update. Kasi nagbakasyon kami sa bukid namin. Wala ring signal dito o wifi man lang kaya natagalan ng update. May panibagong Characters na naman kaya goodluck.

Gusto ko talaga ng thrill.

Meet

John Christian Herrera

Jaslee Bryan Herrera

Kakampi ba sila o kaaway?

-@missHYchii