Kabanata 27: Realization
#Death University
***
(Hayden Zyrienne Pov)
Maraming nangyari sa buhay namin. Natutunan naming lumaban at huwag sumuko.
Ang D.U na ngayon ay sinira at pinatayuan ng bagong pabrika ng alak yung mga bangkay na natagpuan doon ay inilibing ng maayos.
Pero napansin ko lang hindi na namin nakita ang bahay ni lola doon. Gusto sana namin siya pasalamatan sa pagpatira niya sa amin ng dalawang araw. Kahit na hindi namin nagawang tuparin ang kanyang pangako sa amin.
And thank you rin kina JC at Jaslee sa tulong nila speaking of sila.
Nandito kami sa Airport hinatid namin sila. Pupunta sila ng Italy. May asikasuhin silang business. Alam kong gagawin nila iyon para makalimot sa nangyari. Hindi mo kasi lubusang maisip na may namatay ka nang pinsan.
"Paalam at sana magkita pa tayo" Paalam ni JC habang nakangiti.
Dala nila ang kanilang mga maleta. Kumuway kami sa kanila ng papasok na sila sa Airplane.
'Goodbye JC at Jaslee happy trip'
Lumabas na kami sa airport. Agad na sumakay sa Van na pag-aari ni Arth bawal kasi magtagal sa Airport. Siya rin ang nagmamaneho.
Nakaupo lang ako nang may madaanan kaming flowershop. Bigla kasing may pumasok sa isipan ko nang maalala ang huling sinabi ni Den sa hospital.
"Arth. Bibili lang ako ng flower"
Bumaba ako sa Van. Walang sumabay sa akin lumabas.
Ngayon kasi namin bibisitahin ang libingan ng mga taong naging parte ng buhay namin.
Kahapon pa nakalabas ng hospital si Den.
Pagkatapos kong bumili ay sumakay na ako sa van.
Nagsound trip lang ako ng favorite kong kanta.
"Life would have been meaningless without you. We can't forget the laughters and the tears"
I really love this song. Naalala ko sa kanya ang kapatid ko.
Maya-maya nakarating na kami sa sementeryo. Naghihiwalay kami kasi iba naman ang pupuntahan nila.
Actually pito na bulaklak ang binili ko.
Una kong pinuntahan ang libingan ni Beatrice. Inilagay ko ang flower sa puntod nito. Kahit na may galit ako sa kanya ay kailangan ko parin siya bisitahin.
"Alam mo Beatrice. Mabait ka naman. Pero sa sobra mong pagmamahal sa isang tao nakagawa ka ng masamang gawain. Sa love hindi puro pagmamahal lang, May kalakip itong kasakitan bago mo makamit ang tunay na pagmamahal. Pwede ka ring makagawa ng delikadong gawain. Pero Beatrice alam ko ang feeling mo. Mahal mo talaga si Den pero sana learn to wait for the right moment to find the right man for you"
Lumapit naman ako sa Puntod ni Micca at Maika. Niligay ko ang dalawang bulaklak. Hindi ko mapigilan maiyak. Bakit? Bakit kailangan pang mamatay ni Micca? Kaibigan ko parin siya kahit may nagawa siyang masama sa akin.
"Micca. Naging matalik kitang kaibigan alam kong mabuti kang tao at hindi masama. Nakagawa ka lang ng masama dahil sa maling kwento at kasakiman ng iyong mama. Pero kahit nasa binggit na ka ng kamatayan iniligtas mo pa rin kami. Kahit namatay ka na hindi ko kita kakalimutan dahil parang kapatid na kita........ Pinapatawad ko na kita Micca. Maika kahit na hindi kita masyadong kilala. Pinatawad pa rin kita"
Lumapit naman ako sa puntod ni Michael. Pinunasan ko ang luhang nagbabadyang tumulo.
Ang sakit kasi. Alam kong tinuring niya akong kaibigan. Kahit na hindi ko siyang tinuring ganun.
"Michael. Besh"
Natawa ako sa tinawag niya sa akin dati. Hindi ko nga siya sinagot at tinawag ko pa siyang FC.
"Salamat dahil nakilala kita at naging kaibigan kahit sandali lamang. Ikaw naging joker namin sa oras na bored kami. Namimiss ko ang kabaklaan at kaharutan mo. Alam mo ba close na si Mhia at yung crush mong si Jerome. Kung buhay ka sana naku baka ginera muna si Mhia. Pero patay ka na.
Bakit ka namatay? Akala ko walang iwanan. Pero okay lang tanggap ko ang tinandhana pero ito lang ang masasabi ko Salamat Besh" Nilapag ko ang bulaklak sa puntod niya.
Lumapit ako sa katabi nitong libingan.
Claire Sandford.
Yan ang nakasulat.
"Salamat sa tulong mo ate Claire. Kung hindi dahil sayo hindi namin kaya ang kasamaan ng mama mo at hindi ko malalaman ang secreto ng paaralan ito. Salamat rin at pinalaya mo ako nung time na nakulong ako at hinang-hina na ako "
Inilapag ang ko ang bulaklak sa puntod nito.
At ang huli kong bibisitahin ay ang namiss ko na ng tao.
10 years kung hindi ko nakita.
Sammantha Zyril Reduxes
Si ate Zyril.
"Hi ate. Miss ka na ni mama at papa. Salamat sa panahon nakausap kita kahit multo ka lang. Nang dahil doon nawala ang galit ko sayo at naintindihan kita alam kong mahirap tanggapin na wala na yung the best ate ko. Kahit kailan hindi ka nawala sa akin. Hindi pa rin kita nakalimutan. Bakit mo ako iniwan?"
May naramdaman akong humahagod sa likod ko. Pagtingin ko si Den pala.
"Huwag kang mag-alaala lagi akong nasa tabi mo. I will be here by your side watching your happy future"
Matapos ang drama namin ay pumunta kami sa bahay ni Jeseryll.
May party kasi na naganap dito sa garden.
Maraming pagkain. Malamang. Ano nalang kakainin namin? Hindi mawawala sa party ang pagkain.
"Whoo!!!. Magvideoke na tayo"
Nagkatuwaan kami sana walang problema na mangyari sa buhay namin. Pero hindi naman maiwasan. Handa akong harapin lahat ng problema.
Natutunan rin namin na mas mabuti pumasok sa paaralan kapag umaga kahit boring basta ang mahalaga ligtas. Kaysa naman sa gabi, Maganda nga kaso hindi mo alam kong ligtas ka.
Grade 11 na kami.
Marami kaming natutunan na leksyon sa pagpasok namin sa DU. Marami kaming na realize.
No Matter what how hard it is the only thing that you can do is Fighting and never give up.
Hindi ang kamatayan ang nakakatakot na magyayari sa buhay mo kundi makaharap ang god.
Death is not the greatest loss in life. The greatest loss is what dies inside us while we live.
Hindi kamatayan ang nakakatakot sa lahat. Ang pinaka nakakatakot ay ang nawalan sa mahal sa buhay habang nabubuhay tayo.
Pero..
Ako si Hayden Zyrienne Reduxes. Galing sa pagiging insensitive ay naging sensitive. Handang gawin ang lahat para malutas ang problema.
This is me.
***
(Someone Pov)
Letse nandito ako sa lugar kung saan maraming puno. Nasira ang plano ko pati rin si nanay. Ang bait tinulungan niya ang mga bubuwit.
Tapos yung dalawa kong pamangkin na pakialamero ay tinulungan sila.
Nasira rin ang paaralan pag aari ko at napatayuan ng pabrika ng wine.
Nasira ang plano ko.
Pero ngayon may bago na akong kakampi at malakas sila.
Sisiguraduhin ko walang makakatakas sa akin ng buhay.
"Boss naayos na po ang plano.
"Good"
I'm your biggest nightmare co'z
'Death Will Never Leave our Side'.
***End of Book 1***
*********
P/S: Sa wakas natapos na din haha may special chapter pa po.
Enjoy reading....
All Rights Reserved Copyright @2018
-@missHYchii