Kabanata 31: Crissa Mae Imperial and Greg Mike Santiago Moment
#Death University
****
(Crissa Mae Pov)
Nasa park ako. Kailangan pa bang sabihin kung nasaan ako? Char lang. Wala kasi akong magawa sa bahay.
Alone lang ako dito. Hindi parehas ng mga friends ko na may kadate sila. Alone forever nalang ako. Ang drama naman ng buhay ko.
Humuhugot lang ang papel ng mga single na tulad ko. Atsaka maganda ang lovelife nila pwera nalang sa akin. Hindi makaalis si Hayden sa bahay nila kasi nandon yung lola niya.
"Mag-isa ka lang yata?" Sabi ng taong umupo sa tabi ko.
Yung taong laging nagbibiro, tumatawa at nang-aasar sa akin.
Tsk.
"Kita mo na tinanong mo pa. Duh!"
Tsk si Baliw Greg. Ano naman kaya ang ginagawa nito dito? Stalker ko ba to? Ang ganda ko naman yata may stalker pa ako.
"Bakit ganyan ka makatingin. Gwapo ba ako?"
Tsk napaismid naman ako sa kanya. Gwapo naman siya kaso hindi dapat purihin kasi baka lumaki ang ulo. Mahirap na.
"Tsk kapal. Ang panget mo kaya. Alam mo ba ang nasa isip ko."
Nasa isip ko paano ko siya papatayin.
"Akala mo ang ganda mo rin. Ano naman kaya iniisip mo? Ako ba?"
Ngumisi ako sa kanya.
"Oo naman"
Kumindat naman siya sa akin.
"Alam mo ba na ikaw ang laman ng isip ko. Iniisip ko kung mamahalin mo rin ako"
Ano daw?
"Ha?"
Tumawa siya saka umayos ng upo.
"Habang buhay ka nasa puso ko"
Bakit ko ba ito kinakausap? #Sanaol bumabanat.
"Hahaha. Habang buhay kang baliw hahaha"
Sumimangot naman siya sa sinabi ko.
"Hakdog"
Uso na yata ang Hakdog. Lagi ko ngang nababasa sa social media. Sino bang nagpauso dyan?
"Bumili nga tayo ng ice cream" Aya niya sa akin. Saka tumayo.
Hindi tayo pwede. Pinagtagpo pero do tinadhana. Char lang.
"Walang tayo assuming" Inirapan ko siya nang bigla siyang Tumawa.
Ang dami nang assuming sa mundo. Kaya nasasaktan kasi nag-aasume na gusto sila ng isang tao.
"Ikaw ang assuming. Ayaw mo pa na ilibre kita eh"
Hindi na ako nakasagot kasi hinatak niya ako sa mga may ice cream vendor.
"Anong flavor ng ice cream ang gusto mo?"
#Sanaol Libre.
"Vanilla"
Vanilla Twilight. Yung kanya ng Owl City.
Char lang.
"Bibili ako ng double dutch at Vanilla" Order niya sa tindera ng ice cream.
Maya-maya nakuha na namin ang binila niya.
Umupo kami sa may grass at doon kinain ang ice cream.
"May joke ako"
Nagfacepalm lang ako. Ito na naman nagsisimula na naman ang pagiging baliw niya. Hindi yata nakainom ng maintenance niya.
"Joke o Puns?"
Mga walang kwenta na naman Ito. Tss
"Sige may dalawang sasakyan na nagsalpukan ito ay Dumtruck at Bouldozer. Ang tanong alin ka doon?"
Napaisip ako medyo mahirap yung tanong niya. Saka alin daw ako doon? Siyempre sa kanya.
"Siyempre sa bouldozer malaki yun"
Tumawa siya tulad ni Cindy. May nakakatawa ba? Sana sinabihan niya ako para makisabay rin ako.
"Ang tanga mo talaga. Susulong ka doon edi patay ka dapat sa gilid ka para hindi ka mamatay"
Letse naisahan niya ako doon. Sa totoo lang gusto ko yung pagiging joker niya na side. Naisahan niya ako.
"Bakit ka pala nandito?" Tumingin siya sa akin. Kapag ba boring ginagambala na niya ako.
"Boring sa bahay eh"
Hindi ko na siya tinanong hindi naman kami close niyan.
"Halika nga"
Hinila niya ang kamay ko at dinala sa mga rides.
Patay takot ako sa mga rides eh.
"Napatigil ka dyan. Bakit natatakot ka?"
Umirap ako sa kanya. Masama bang matakot. Lahat kaya ng tao may kinakatakutan.
"Bwiset"
Pumili kami sa unang rides na sasakyan namin. Yung parang snake rides. Ano bang tawag doon?
Bumili ako ng dalawang ticket para sa amin. Ako na ang bumili. Baka maubusan Ito ng pera.
Sumakay na kami.
Nasa pang-apat kami. Okay nato kaysa sa unahan. Maya-maya umandar na ito. Nakakatakot talaga Ito. I swear hindi na ako sasakay dito.
"Ahhhhhhhh!"
Nasa itaas na ito sa susunod hindi na ako sasakay dito.
Nang makababa kami ay tinawanan lang niya ako sinamaan ko naman siya ng tingin psh. Pumunta siya sa may mga balloon na kailangan mong tamaan ng dart para may kapalit.
Ano kaya ang gagawin nito?
Kumuha siya ng limang dart at nagsimula na. Ang unang tira niya ay masyadong malayo pati na rin ang pangalawa. Ang pangatlo at pang apat medyo malapit na. Nang pang lima na ay natira niya. Natamaan na rin niya.
Binigay sa kanya ang stufftoy na panda.
"Sayo na yan"
Binigay niya sa aking ang panda na stuff toy.
"Seryoso ka?"
Nagpout naman siya pero bilang nagseryoso ang mukha.
"Hindi porket Joker ay hindi na seryoso. Sa akin nalang pag-ayaw mo?"
Hugot?
Kinuha ko agad ang panda bago niya bawiin ang cute kaya ng panda. Saka I love panda stuff toy. Lalo na yung palabas na we bare bears. Gusto ko talaga yun.
Pumunta kami sa may grass at umupo doon. Bigla siyang umalis tsk..
Iiwan pala niya ako dito. Humuhugot na ako.
Nagulat ako ng may nagtrams ng guitar sa tabi ko.
Siya pala.
["Said it happened last night about ten to eleven when it first laid on eyes on you
Standing in line, into club triple I.it was just like heaven and a dream come true we've standing at the right place at the right time
When you, this ehu girl caused the crime"]
MAGANDA ANG BOSES NIYA. KUMPARA SA AKIN. Nakakainis. Pero para naman saan ang kanta?
["You're my pretty little ehu girl
who made me a fool inlove
You got my heart on in a whirl, and now it needs cooling off
You set my heart on fire and now i don't know what to do
You set my heart on fire and now i'm so inlove with you my ehu girl"]
Ang ganda ng boses niya. Nakakainggit. Someday gaganda rin ang bosses ko.
"Para kanino ang kanta?"
Ngumiti siya ng mapait. Bakit kaya?
"Secret"
Walang sekreto ang hindi nabubunyag.
"Ang ganda ng boses mo"
Nagthums-up pa ako.
"Salamat. It's that a compliment?"
Ngumiti naman siya ng palihim.
"Yeah"
Umubo naman siya. May sa sabihin na siya?
"Hmm. Crissa alam kong lagi tayong nag-aaway pero may gusto lang akong sabihin sayo kaya makinig ka. Alam mo nung unang kang pumasok sa school hindi na maalis sayo ang tingin ko. Akala ko crush lang ang nararamdaman ko sayo yun pala malala na. Lagi nga akong nagseselos kay John dahil sila na ni Jeseryll. Pero wala dapat ako ika-inggit kasi darating rin ang sa akin. Ang ganda mo sa paningin ko lalo na kapag na pipikon ka. Alam mo ba masyadong akong seryoso pero dahil sayo natuto akong magbiro. Nagsearch pa ako sa google kung ano ang nakakatawang biro para lang mapasaya ka ikaw ang happiness ko kasi masaya ka na
kumpleto na ang araw ko lalo na kapag ako ang dahilan. Alam Kong hindi ka pa handa. Pero pwede ba akong manligaw?"
Ano daw? Gusto niya ako?
Umamin siya pero mas lumala daw ngayon at halata sa mga salita niya na may meaning yun.
"What do you mean?"
Aamin talaga siya? What should I do? Manliligaw daw siya.
"I'm extremely and urely inlove with you"
What mahal niya ako? Pero bakit.
"Crissa. Can I court you?"
Anong isasagot ko. Bahala na nga.
"Yes. You can court me"
******-*
P/S: I don't know how to say. But thank you for reading this guys.
Crissa Mae Imperial as Lalisa Manoban
Greg Mike Santiago as Got 7 Bambam
Song playlist:
Ehu Girl by: Kolohei Kai
-@missHYchii