Kabanata 25: Comatose
#Death University
***
(Mhia Rainya Pov)
Nandito kami sa hospital. Tatlong linggo na kaming nagbabantay dito. Patay na si Allison, Alyssa, Michael at Azrael. Pati rin si Beatrice. Dahil sa gusto niyang makuha ay nakapatay siya ng tao tss.
Hindi pa gumigising si Hayden at Alden. Si JC naman ay kagigising niya lang.
Comatose yung dalawa. Sana naman magising na sila. Nag-alala na kami sa kalagayan nila. Malay mo naman diba na amnesia sila?
Natapos na din alam na rin ng mga magulang namin ang nagyari sa amin nagulat sila. Yung iba naman na magulang nagsi-iyakan sa nangyari hindi nila matanggap. Saka maraming tao ang humusga sa amin pero parang wala lang sa amin. Opinyon nila iyon eh.
Nakaupo lang ako sa tabi ni Jerome. Siya lang matino kung nakakausap patay na kasi ang mga kaibigan ko. Si Angelie ay mabait at mahilig magjoke. Si Rain ay tahimik na nerd. Si Loren ay matalino naman kaya lang nagulat ako na naging playgirl siya.
Hindi ko talaga akalain na makakaligtas ako. Hindi naman kasi ako malakas at isa pa lahat patay na ang mga kaibigan ko.
"Sa tingin mo Mhia. Magagasing pa ba si Alden at Hayden?" Tanong niya sa akin.
Lumingon ako sa kanya bago nagsalita. Saka ngumiti na bihira ko lamang gawin. Nakatungo kasi siya at tinitingnan niya ang kanyang sapatos.
"Oo naman malakas sila. Lumaban sila at kahit kailan hindi sila sumuko. And when you have a reason to live. Then you do anything to live"
Malungkot rin siya sa nangyari marami silang magkaibigan pero apat nalang sila tapos yung isa nakacomatose. Yung dalawa niyang kaibigan ay nagpatayan dahil sa kaibigan ko. Hindi ko rin akalain na magagawa ni Loren ang bagay na iyon.
Kaming sampu nalang ang natira. Mabuti nga lang at buhay yung si Jaslee at JC malaki ang naitulong nila sa amin. Kung wala ang tulong nila ay hindi kami makakarating sa Alberean Sea kasi nga hindi namin alam ang lugar na iyan.
Si Lola naman ay pasasalamatan namin sa pagtulong niya sa amin. Plano nga namin na bisitahin siya kapag maayos na ang kalagayan ng iba.
Si Beatrice naman ay namatay dahil sa pagka-obessessed niya kay Alden. Pati na rin na gusto niyang makuha ang gusto niya. Nagawa niyang pumatay ng tao. Ganun pala kapag nasobrahan sa pag-ibig nagagawang mong patayin ang gusto ng taong gusto mo.
Tsss that's not love.
Nabigla kami ng may Lumapit sa amin na tumatakbo sila Kathleen yun ah. Bakit kaya sila nagmamadali?
"Jerome, Mhia nagising na si Hayden!"
Mabuti naman at gising na siya. Si Alden nalang ang kulang. Sumama kami kay Kathleen. Pagpasok namin sa kwarto ni Hayden ay nakaupo na ito at tumingin sa amin.
"Nasaan ako?"
****
(Hayden Zyrienne Pov)
Nagising na ako. Nanaginip pa nga ako na namatay daw si Den kaya nung magising ako ay hinahanap ng mata ko siya. Kahit na nasaktan niya ako ay hindi parin siya nalilimutan ng puso ko. Kasalanan ko naman kung bakit ako nasasaktan.
Ang corny ko talaga.
May pumasok sa kwarto at bigo ako sila Mhia ang pumasok kaya hindi ko na alam kung tatanungin ko sila kung nasaan si Alden. Pero maghihinala sila kung bakit ko siya hinahanap.
Mukhang nagkatingnan pa sila sa isa't- isa. May problema ba sa tanong ko?
"Hmmm. Nasa hospital ka. Nacomatose kasi kayo" Kinakabahan na sabi ni Kathleen
Napatingin ako kay Kathleen.
Kayo?
What does she mean?
"May kasama ba akong na comatose?"
Nakita ko ang pag-alangan nilang sumagot. Bakit may problema ba? Gusto ko lang naman malaman kung sino ang nacomatose.
"Si Alden" Diretsong sabi ni Greg.
Tumahimik nalang ako. Paano kung totoo ang panaginip ko na mamatay siya? Pero na comatose lang naman siya.
May mga ilan na comatose na hindi nagigising.
Hindi ko mapapatawad ang aking sarili pag may nangyaring masama sa kanya. Hindi ko manlang siya nailigtas. Ang hina mo talaga Hayden.
"Pupuntahan ko siya"
Agad naman sila umapela.
Bakit sila umaapela? Bawal bang bumisita sa kanya?
"Hindi pwede"
Bakit may problema ba pagpinuntahan ko siya?
"Ano ba pupuntahan ko siya! Bibisatahin ko lang siya! Masama ba?!"
Nagulat sila sa pagsigaw ko. Gusto ko lang naman makasigurado na buhay siya. Lumabas muna si Arth pagkatapo ay bumalik para ihanda ni Arth ang Wheel chair. Ewan ko kung bakit pinasakay nila ako sa Wheel Chair eh wala naman bali ang aking paa.
Lumabas kami.
Si Crissa naman ang nagtutulak sa wheel chair. Tumigil kami sa isang kwarto. Binuksan ni Arth ang pinto nito at pumasok kami.
Bumungad sa akin ang isang babae na may edad na.
"Ikaw ba si Hayden?"
Sino ba siya? Ewan ko kung bakit kilala niya ako?
Wait....
Nandito siya sa kwarto ni Alden. Ibig sabihin ay nanay siya ni Alden.
"Opo"
Niyakap ako bigla ng Nanay niya. Biglang bumugso ang aking damdamin. Feeling ko ay may karamay na ako. At nanay na tinuring akong anak.
"Alam mo ba kamukha mo si Sammantha. Yung girlfriend ng anak namin na si Samuel"
Nakangiting gumanti ako ng yakap. Hindi ko akalain na mabait ang nanay ni Den
"Salamat rin sayo. Natagpuan na namin ang bangkay ni Samuel. Nabigyan na rin siya ng Hustisya"
Tumahimik nalang ako at niyakap pabalik ang nanay ni Den.
Kumalas sa yakap ang nanay ni Den.
"Dadalawin mo ba ang anak ko?"
"Opo"
Nakangiti lang sa akin ang mga magulang niya.
"Sige"
Naawa ako sa kanya ang daming aparatose ang nasa katawan niya. Mukhang
"Sige Hayden. Lalabas lang kami" Paalam ni Kathleen saka lumabas.
Tumango lang ako sa kanya. Lumabas rin si Tita.
"Den kailan ka ba gigising? Miss na kita alam mo ba nung unang araw na nakita kita ay naagaw muna ang atensyon ko tapos bagay pa sa iyo ang iyong pangalan. Alam mo kahit na gusto ko nang sumuko ng nga oras na yun ikaw parin ang dahilan kung bakit hindi ako sumuko dahil gusto pa kita makasama. Kahit kaibigan lang ang turing mo sa akin okay lang. Nagalit ako ng marinig ko na mahal mo si Beatrice iniisip ko ng time na yun na mamatay nalang kasi hindi ko makita ang happiness ng buhay ko. Then ikaw pala si Den na kababata ko. Ang first crush ko. Ang nagpaliwanag sa akin kung gaano kahalaga ang pagiging matatag sa buhay"
Kaya ko to. Ikaw rin ang isa sa mga dahilan ng pag-alis ng madilim na mundo sa akin.
"Kahit sino pa ang mahal mo ay tatanggapin ko. Wala naman akong karapatan diktahan ka. Pero kahit ganun tatanggapin ko na one sided love ito no matter what happen I love you Den"
Naalala ko ang masasayang aalala namin pagkabata.
***
(Flashback 10 Years Ago)
Kanina pa ako nakatambay sa ilalim ng puno. Ang tagal kasi ni Den sabi niya tuturuan niya ako maglaro ng Chess Board.
Mabuti nalang at umalis na si Yaya. Natatakot ako pag nalaman ni Lolo na nakikipagkaibigan ako kay Den. Hindi ko rin kasi alam kung bakit galit siya sa pamilya ni Den.
"Riane!!!"
Iisa lang ang tumatawag sa akin ng ganyan.
Humihingal siyang umupo sa harapan ko habang nilapag niya sa damuhan ang chess board.
"Yehey! Maglalaro na tayo"
Aabutin ko sana ang Chess Board kaso hinawakan niya muna ang kamay ko. Bakit niya ako pinipigilan? Napanguso nalang ako.
"Riane. Tandaan mo ang sasabihin ko sa iyo. Huwag kang sumuko sa buhay. Maging matatag ka kahit anumang pagsubok ang dumating sa iyong buhay ay kailangan mong harapin at lutasin."
"Oo na para kang Matanda eh"
(End of Flashback)
***
Tama nga siya. Kapag may pagsubok na dumating ay kailangan harapin at huwag sumuko. Malalampasan ang lahat na pagsubok kapag hinarap.
Den. You have to wake up.
Everyone is waiting for you.
Including
Me...
****
P/S: Matagal na pala na hindi ako naka-update.
-@missHYchii