Chereads / Billionaire: Original / Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 14 - Chapter 13

"The easiest thing of all is deceive one's self; for what a man wishes, he generally believes to be true."

---Demosthenes

"H-how are you Sam?" I ask him, nabigla talaga ako sa pagdating niya.

"Hindi mo ba muna ako papa uupuin bago ka magdinaldal diyan?" Tanong niya sakin, aba't gago to ah siya na nga yung basta basta lang uuwi at siya pa yung bossy diyan. Sarap sapakin, pasalamat siya eh kaibigan ko siya, kung hindi lagot talaga siya sakin.

"I'm just asking, ikaw ha di kaman lang nag text o tumawag man lang na uuwi kana ng Pinas. Ayan tuloy nag antay ka pa sa labas." Sermon ko sa kanya eh ang slow kasi di man lang nag pasabi para masundo ko siya.

"Sorry na, sorry na eh surprise nga yun pag uwi ko. Gusto ko kasing surpresahin 'yong bago kung girlfriend. Help me best friend, pleaseeee."

"I can't promise Sam. Look busy ako ngayon dahil absent ako kahapon, okay? Ang dami ko pang pipirmahan kaya hindi ako sure, tawagan mo kaya si Mash di kaya sina Jhaenne para matulungan ka." Suggest ko kay Sam, seryoso na talaga siya sa babaeng yon ha. Dapat lang baka ako pa yung sumuntok sa kanya pag niloko niya pa si Clarine.

"Yes ma'am ikaw na ang busy. Ayan ang nakukuha ng taong workaholic, mag bonding naman tayo kahit ngayong weekend lang. Sige na." Pacute pa siya, itong lalaking to sumusobra na porke kaibigan ko siya.

"Okay, sa sabado wala naman akong ginagawa. Pero ngayon lang to ah, dahil kararating mo lang galing france mang libre ka kaya, diyan lang naman malapit lang dito. Take out muna then balik ka dito." Utos ko sa best friend kong inlababo.

"Grabe kana man, nag almusal ka ba ha? Asan 'yong pam-bili? I don't have any coins here in my wallet." Di makapaniwalang sagot niya.

"Ewan ko sayo, doon ka na nga sa Clarine mo. Dali, alis na! Shoo shoo!" Palayasin ko na nga to busy ako tapos manggugulo lang siya.

"Ito naman, di mabiro. Ito na bibili na, wag kang mag demand nagpapalibre ka lang. Pasalamat ka bff kita." Sabi niya, halatang napipitan lang siya. Ha ha ha buti nga sa kanya dahil sa pang gugulo niya dito sa office ko.

"Salamat Sam. Take care sa pag da-drive. Damihan mo ha para sabay na tayo di kasi ako pwede ngayon eh, ang daming works." Paliwanag ko sa kanya.

"I understand Mlaire, Just wait here. Okay?" Paalam niya.

"Aye Aye Captain Samuel." Sabay lock ng pintuan.

Hay salamat naman at naging tahimik na sa wakas itong opisina ko. Kulang pa ako ng tulog dahil kay Marxo. Makatulog nga mamaya pag uwi ko sa bahay.

Ang tagal ni Sam, malapit ko nang matapos itong pinipirmahan kong mga papeles. Siguro na traffic lang kaya siguro natagalan, pasado alas dyes na at alas noybe siya umalis, lagot siya mamaya sakin. Gutom na itong mga alaga ko.

Napapikit na lamang ako, gusto ko na talagang matulog ngayon, kahit nap lang. Pumasok ako sa private room ko dito mismo sa office ko para matulog, maya maya lang may narinig akong kumakatok.

Knock! knock!

"Come in." Sabi ko, inaayos ko pa kasi yong damit ko eh medyo nagulo na dahil sa pagkakahiga ko.

"Good morning ma'am!" Bati sakin ni Timothy kahit di niya ako nakikita.

"Ah ma'am pwede po bang maistorbo kayo kahit sandali lang po may ihahatid lang po sana akong pagkain. Bilin po ni Sir Sam eh may emergency daw kasi kaya di na daw siya makaka sabay sa inyo."

"Okay, just put it on my desk. Thank you and you can go now." Sabi ko sa kanya habang lumalabas galing sa room ko dito sa office bali yung office ko may kwarto then yun kwarto ko mayroon ding cr for emergency para naman di na ako akyat baba.

Hindi na siya nag salita at tanging tango na lamang ang sinagot sakin. Nasa labas kasi yung desk ng secretary ko ayaw ko kasing may kasama dito sa loob ng office ko, at isa pa lalaki yung sekretarya ko ngayon. Mas hindi ako komportable.

Tinapos ko muna yung mga papeles, di naman 'yon magtatagal. Kaya kumain na ako, 'yong pagkain na binili ni Sam. Lagot talaga sakin yong lalaking yon, di man lang nagtext kung ano ang nagyari. Kung anong emergency.

Di ko nalang pinansin ang dahilan ni Sam, at nilantakan ko na itong italian food na ti-nake out niya. Ang saya saya talaga kapag may kaibigan kang maaasahan at masasandalan. Kahit na mga lalaki sila kaya pa rin nilang intindihin kaming mga babae.

Tama nga kayo, Samuel Bras is my best friend aside from Mash and Shelley. Pito kaming mag kaibigan noong high school kami then nung college na kami mas nadagdagan pa ng dalawa bali siyam na kami. Yung iba after nag college pumunta sa Europe, States, sa China para doon mag trabaho. Lahat kasi kami medyo pinalad sa buhay kaya private yong pinasasukang school namin.

After kong kumain, ni review ko lang yung i pre-present kong power point para bukas. May meeting kasi ako kay Mr. Bust, pag uusapan namin yong bago naming project.

Mag aalas tres na ng hapon ng matapos ko yung presentation ko para bukas. Wala naman siguro akong gagawin mamaya, walang meeting ngayon, mabuti naman.

"Mr. Wills? Please come in. I have something to tell you." Sabi ko sa telepono.

"Yes ma'am. I' m coming." Sagot sa kabilang linya.

Pagkatapos niyang sabihin yon, binaba ko na yung telepeno at nag antay lamang na pumasok siya.

Hindi nagtagal at may pumasok na sa opisina ko.

"Mr. Wills do I have any appointments tomorrow morning?" Tanong ko sa kanya habang busy ako sa pag aayos ng mga gamit ko.

"9 o'clock ma'am, meeting with Mrs. Santos until 10 o'clock and lunch meeting with Mr. Mills at 10:30 to 11:30 at Sirens Restaurant.,That's all ma'am."

"Thank You Mr. Wills and in the afternoon?" Gusto ko lang malaman yong mga meetings ko para maka handa ako, nakakainis kasi yong iba kong kliyente. Ang daming arte.

"You have an appointment with Mr. Cress at 2 o'clock up to 3:30. That's it ma'am."

"Okay.,Let's talk tomorrow at 4 o'clock, after my meeting with Mr. Cress. I just want to ask you something. Okay? You can go back to your desk now." Pag di dismiss ko sa kanya.

"Yes ma'am." Bago siya umalis tinitigan niya ako sa mata at parang may sinasabi ang mga ito. Ba't bigla akong kinabahan sa mga titig niya? Parang may kakaiba eh.

Pagkalabas na pagkalabas ni Mr. Wills agad akong tumayo at parang nauuhaw ako. Hindi ko alam kong bakit ganito kabigat ang dibdid ko? Nang makita ko ang mga matang yon parang may naaalala ako. Parang nakita ko na yon dati pero di ko lang matandaan kung saan.

Hindi ko na lamang iyon inisip pa at nag pahinga na lang ako. Tutal wala naman na akong gagawin ngayon, kaya inayos ko muna yong gamit ko then lalabas na sana ako ng may makita akong mga lalaking naka suot ng itim. Lahat sila.

Anong ginagawa nila dito sa teritoryo ko, asan ang mga body guards? Tatawag na sana ako ng police ng may humablot sa cellphone ko Aat nagulat ako ng makilala ko kung sino.

"Mr. Wills, what are you doing?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, hindi ba siya nababahala na may mga lalaking naka itim na basta basta lang pumasok sa teritoryo ko.

"Shhh, they might hear us. Minimize your voice, they are the body guards of Mr. Grill." Paliwanag niya, ba't alam na alam niya to?

"But why are they doing here? Wala naman akong ginagawang masama ah." Hindi talaga ako maka paniwala, ano kaya ang motibo ni Mr. Grill at pina punta niya itong mga body guards niya.

"I don't know ma'am. Basta mag iingat po kayo parang gusto atang mapabagsak ang pinaghirapan mong kompanya." Sabi niya na hindi nakatingin sakin, bagkus nakatitig siya sa mga lalaking naka itim na para bang papalapit samin? WTH!

"Are you sure, Mr. Wills?" Hindi ako maka paniwala sa lahat ng kanyang pinagsasabi dahil akala ko mabuting tao si Mr. Grill pero may tinatagong kasamaan rin siya. Humanda siya, at siya ang una kong pababagsakin.

"Yes ma'am, kaya dapat doble po ang pag iingat niyo para walang makapasok na taong sisira sa lahat ng pinaghirapan mo, ng iyong mga magulang." Ba't bigla itog naging concern sakin? Hindi pa nga ako sanay na lalaki ang bago kong sekretarya.

Hindi na lamang ako nagsalita at nagulat na lamang ako ng makita ko ang mga lalaking naka itim na papalapit saming kinalalagyan.

Mas nataranta pa ako dahil may kinuha ang isang lalaki sa kanyang bulsa. Shit, what the hell is happening? Wala naman akong kasalanan sa kanila.

Kinalma ko na lamang ang aking sarili, hindi dapat ako kabahan. Isa akong CEO at kailanman hindi ako dapat kabahan sa mga ganitong sitwasyon pero di ko maiwasan kasi. Nakakatakot ang mga lalaking ito.

Nabigla ako ng biglang nagpaputok ang isang lalaking naka itim at tinutok niya yung baril sakin.

Nagdasal na lamang ako baka may himalang mangyari sakin ngayon.

May narinig akong sunod sunod na putok ng baril at kasabay noon ang pagtawag sakin ni Timothy subalit hindi ko na kayang tingnan siya dahil unti unti akong nakaramdam ng pagkahilo at tuluyan na nga akong bumagsak.