"You're in the way" malamig ang boses na saad ni Alessandro sa dalaga.
Hindi makagalaw si Charlie. She was literally rooted in the spot. Kahit anong gawing isip niya na kinakailangan na niyang mag-evacuate ayaw gumalaw ng mga paa niya. What the heck is wrong with her?
Marahas na napabuntong hininga ang binata. "Are you alright?" Alessandro asked but Charlie was still caught up with the shock that she can't even form a simple sentence.
"Do you have something to say?" nauubusan na ng pasensiyang tanong ulit nito. Halos magsalubong na ang makakapal na kilay ni Alessandro habang titig na titig sa kanya.
"Ahhh…Uhmm…"
"Pipi ka ba?"
'Ano?!" biglang bulalas ni Charlie. She was caught off guard by his question and how serious he looked while asking it. Tuluyan na ba siya nitong nakalimutan pati ang nangyari noong nakaraang araw? Hindi na ba siya nito naaalala?
"She speaks" Alessandro muttered almost to himself. "So are you quite done with your uhmm`s and ahh`s?" sarkastikong tanong sa kanya ng binata. Pakiramdam ni Charlie biglang lumubo ang ulo niya dahil sa narinig. Sobrang nag-init rin ang buong katawan niya sa inis, sa galit at pagkapahiya. Naghalo-halo na ang mga nararamdaman niya.
"Jerk!" hindi na niya napigilang angil dito. Kulang na lang bugahan niya ito ng apoy. Alessandro`s face remained impassive, though. Ni hindi ito nainis sa sinabi niya.
Napailing ito. "I get it. So now you`re only leveled up for a one word conversation but I don't have much time to waste and wait for you to atleast complete a sentence. You can understand me right? I`m telling you again. YOU`RE –IN-THE-WAY" he enunciated the last words like he's talking to a kid and she's the freaking kid! Charlie gaped but then she quickly snapped out of it. Tinapatan niya ng matitinding tingin ang nakakatakot na blangkong tingin ni Alessandro. See? Read the anger there?
Nang makuntento si Charlie umisod siya sa may gilid para bigyan ito ng espasyo para makadaan na ito. Sumenyas siya sa binata—sweeping her hands off towards the direction of the pool area telling him silently to go on his merry way before she change her mind and tear him into pieces instead. Ngumiti siya ng matamis. Ang laki ng daanan tapos sasabihin nitong she's in the way! What a jerk! Halatang nabigla naman ito sa inakto niya. Kung kanina lang walang ekspresyon ang mukha nito ngayon may bahid na iyon ng pagtataka pero inignora iyon ng dalaga.
What are you doing asshole? Out of my sight! Faster! Faster! Charlie silently told him while using her eyes alone but the brute didn't move at all. Nanatili ito sa pwesto nito.
Solid. Hard. Unyielding.
"What are you doing?" ani Alessandro sa mariing boses. He's not angry yet but he's almost there. Umiling lang si Charlie bilang sagot. Pakiramdam niya bigla namang umusok ang ilong nito dahil sa ginawa niya.
"What the hell do you think you're doing?" Alessandro growled out again. Hindi pa rin siya natinag. Nagkibit balikat lamang si Charlie. Lalong tumalim ang tingin nito. Nagtitigan silang dalawa. Nang tumagal ang staring contest nila hindi na nakatiis si Charlie kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon at agad na nag-type doon habang hindi inaalis ang tingin sa binata. Nang matapos, bahagya siyang lumapit dito at dinungdong iyon sa pagmumukha nito.
"UMALIS KA NA!" Manghang napatitig sa kanya ang binata. Muling nag-type si Charlie sa cellphone niya at ipinakita iyon kay Alessandro. KUNG WLA KNG PNAHON PRA MGSAYNG NG ORS PWES AKO WLNG BLAK MGSYANG NG AKNG PRECIOUS VOICE PRA SAU. KYA GORABELS NA! WHILE I'M STILL BEING NICE! 😝
Pagkatapos ay muli siyang gumilid samantalang lalo namang dumilim ang mukha ni Alessandro. Nagtagis ang mga bagang nito. Tuluyan na ding nagdikit ang makakapal na kilay ng binata dahil sa pagkakakunot ng noo nito. Napalunok si Charlie. Bigla itong humakbang ng isa papunta sa direksyon niya, nanghihina ang mga tuhod na bigla siyang napaatras. Muli itong humakbang ng isa pa. Napaatras ulit si Charlie hanggang sa mabunggo niya ang bench seat sa may likod niya.
Napangiwi siya. Oh no! No! No!
Nanlalaki ang mga matang napatili si Charlie ng biglang sumugod si Alessandro, hinawakan siya sa baywang at walang kahirap-hirap na pinasan siya sa balikat nito pagkatapos ay muling nagmartsa papunta sa direksyon ng pool area.
"Hoy! Bitawan mo ako! Wala akong ginagawang masama sayo ah! Ano ba?! Ibaba mo ako!" nanggagalaiting utos niya kay Alessandro ngunit wala itong narinig. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Wala ding epekto ang mga pagpupumiglas niya. Ilang beses na niyang binabayo ng suntok ang likod nito pero wa-epek pa rin. Mas siya pa nga ang nasasaktan sa ginagawa niya. Anong balak nitong gawin sa kanya? Lulunurin ba siya nito? Wag naman sana!
WALANG babalang idinispatsa siya ni Alessandro sa may gilid ng pool matapos nilang makapasok sa loob. Nahihilong napaatras siya palayo doon. Muntikan na siyang mahulog!
"Alessandro Roman Gatchalian! Balak mo ba akong lunurin?! Anong ginawa ko sayo ha? Wala kang karapatan pa—" natigilan si Charlie sa paghuhuramentado ng makita niya ang hitsura ng binata. Pwerte lang naman itong nakasandal sa may pader habang bored na pinagmamasdan siya.
"Ano?!" inis na singhal niya dito.
"Are you done?" malamig ang boses na tanong naman nito. Magkahalong inis at amusement ang naramdaman niya dahil sa narinig.
"Taga North Pole ka ba?" hindi na napigilang tanong ni Charlie dito
"What?"
"Tinatanog kita kung taga-North pole ka ba?"
"I heard you the first time"
"Sabi mo kasi "what" e kaya inulit ko lang tanong ko"
Tinitigan lang siya nito na animo'y nagsasabing so what? Ngumisi siya pagkatapos ay pinamaywangan ang binata.
"Anyway, it's because you're freaking cold Mister. It feels like I should always wear my jacket when I'm talking to you" nang-aasar na birada niya sa binata.
It had the desired effect. Biglang nagsalubong na naman ang makakapal na kilay nito. Then he smirked as if realizing something.
"Trust me kiddo you don't need a jacket at all because I'll keep you warm instead. And I know a hundreds of ways how to do just that" Alessandro answered dangerously low. His eyes turned a shade too darker. Nag-init ang mukha ni Charlie pati na rin ang buong katawan niya dahil sa tinuran ng binata. Animo'y nagkaroon ng invisible fireworks sa isip niya, sending pure delight and undeniable excitement in her body but that was just for a moment. It immediately dampered down and Charlie snapped back in attention when she realized something else.
"Kiddo?!" makapatid hiningang sigaw niya dito.
"Do you always have to shout when you're talking to people? Nakakadagdag ka sa noise pollution" anito na parang guro lang na pinapangaralan siya. Kulang na nga lang ilista siya nitong noisy sa blackboard.
"Hindi mo ba alam? I'm always nice when I'm talking to PEOPLE but since you're not, I always feel the need to shout so I can get through that thick arrogant cold head of yours!" Charlie shouted with so much emphasis—kahit siya natulilig sa boses niya.
Alam niyang nakaka-eskandalo na ang boses niya kaya lang kasi kapag tuwing binubuka na ni Alessandro ang bibig nito hindi niya maiwasang wag bumula sa galit ang bibig niya.
"Thick arrogant cold head? Hindi ka nauubusan ng pang-insulto ah and besides akala ko ba wala kang panahon para aksayahin ang precious voice mo sa akin?" Alessandro flat-out reminded, using his uppity bored tone again that irked her all the time. Hindi niya maiwasang isipin na nabuhay lang ang binata para pakuluin lagi ang dugo niya.
"Ang akala ko ba wala kang panahon mag-aksaya ng oras para sa akin?" Charlie shot back. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito pagkatapos ay tinitigan muna siya nito mula ulo hanggang paa bago iiling-iling na bumalik sa mukha niya. Tumaas ang kilay niya.
"Alright. I'm done talking to you. You can leave now" mayamaya ay parang haring utos nito sa kanya. Talagang iniinis siya nito.
"Nag-aksaya ka ng lakas at binuhat mo ako papunta dito para lang paalisin ako?" hindi makapaniwalang saad niya.
'Ayaw mong umalis. You can stay then, and do whatever you want" pabalewalang sagot naman ni Alessandro. Pagkatapos ay walang sabi-sabing hinubad nito ang t-shirt nito sa harapan niya at hinagis iyon sa may direksyon ng bench seat sa may bandang gilid din niya. Naeeskandalong napatili si Charlie dahil sa ginawa nito.
"Anong ginagawa mo? Nababaliw ka na ba? Bakit ka naghuhubad sa harap ko?!"
"I told you, that you can leave didn't I?"
"Hindi mo naman sinabi na may balak kang maghu…hu—hu—hu…" hindi na makumpleto ni Charlie ang balak sabihin dahil biglang umabante ang mga kamay nito sa butones ng pantalon nito. Awtomatiko siyang mariing napapikit. Mayamaya lamang ay narinig ni Charlie ang distinct sound ng pagbukas ng zipper nito. Napaungol si Charlie sa sobrang pagkapahiya ngunit kasabay niyon, napalunok ang dalaga. Bigla kasing nanuyot ang lalamunan niya.
Then Charlie heard the soft thump of his pants when it landed near her. Lalong napadiin ang pagpikit niya. Kinakapusan na din siya ng hininga dahil sa mga nangyayari.
Nararamdaman na nga rin niya ang pagtulo ng pawis niya. Bakit ba biglang uminit? Then it felt like forever, she couldn't hear a thing. Then out of nowhere she heard a stifled laugh, then a splash of water. Awtomatikong napadilat si Charlie, at natutok ang direksyon sa may pool only to find a floating rubber duckie floating towards Charlie like it's mocking her. Where the hell did that come from?
"Booo" out of nowhere Alessandro breathed down her neck. As if on instinct lumipad ang likod ng ulo ni Charlie at malakas na dumapo sa mukha ng binata.
"Awwww!" halos magkasabay na hiyaw nila pareho.
Ano bang pumasok sa kukote niya at ginawa niya iyon? Lagi na lang ba siyang maghahanap ng sakit sa katawan? Buti na lang hindi gaano kasakit ang impact dahil likod naman ng ulo niya ang pinang-untog niya. Muli niyang hinarap si Alessandro at akmang sisinghalan ito ng bigla siyang mapatda sa nakita. Nakasuot lang naman ito ng swimming trunks, exposing his bare sculpted chest and six pack na pandesal. He's wearing his swimming trunks underneath his pants? Charlie chuckled only to stop short ng biglang nag-ripple sa paningin niya ang muscles ni Alessandro. Hindi lang siya nakaramdam ng uhaw, pakiramdam ng dalaga bigla siyang nagutom.
Yum! Oh schocks! Hindi pwede! Anong yum? Hindi pa ako nababaliw no!
Marahas siyang napailing. Mabuti na lang abala si Alessandro sa paghipo sa may pisngi nito na tinamaan ng ulo niya kaya hindi siya nito agad napansin sa ginagawa niyang pagmamasid ngunit ng tuluyang hindi mapagkit ang tingin niya dito bigla siyang nahuli ni Alessandro. Napatuwid ito ng tayo at binitawan ang hinihipo nitong pisngi. Napasinghap si Charlie sa nakita. Sa may bandang ibabang bahagi ng pisngi ng binata ay may sugat at namumuong pasa. Biglang napakapit si Charlie sa may hairclip niya ang may sala kung bakit nagkasugat si Alessandro. Mariin siyang napapikit at napausal ng isang maikling dasal.
"Sorry" mahinang usal ni Charlie sa binata.
Tumaas ang dalawang kilay ni Alessandro. Nanlulumong naglakad si Charlie papunta dito at walang sabi-sabing hinila ito sa braso.
'Sumama ka sa akin. Gamutin natin yan" yakag niya dito habang hindi makuhang tumingin sa mukha ng binata. Hindi ito sumagot. Bagkus matagal ang katahimikang bumalot sa pagitan nilang dalawa. Hindi sinasadyang napahigpit siya ng hawak dito. Then, Alessandro's arm suddenly grew tight beneath her hands. Nagtatakang napatitig siya sa binata. At sa pangalawang pagkakataon ng araw na iyon, hindi niya napigilan ang sariling wag titigan ang mga mata nito. Sa malapitang pwesto, kitang kita niya ang kulay abong mata ng binata. Parang pinapanood niya ang kulay ng langit sa kalagitnaan ng bagyo habang sumasabay ang malalaking alon ng karagatan. At alam niyang katulad ng isang normal na tao, kailangan na niyang lumayo at hintaying humupa ang bagyo para maging ligtas siya subalit kabaligtaran ang ginawa niya. Nanatili siya sa pwesto niya habang patuloy na hindi mapagkit ang tingin sa malapit na trahedya. At pakiramdam niya papalapit ng papalapit ang mga alon para lamunin siya. Nakakaramdam siya ng takot at panginginig, patuloy rin sa malakas na pagtibok ang puso niya subalit sa lahat ng nararamdaman niyang iyon hindi rin niya maiwasan ang sarili na wag mamangha sa nakikita. Kaya patuloy lang siya sa pagtitig, sa panonood, hanggang sa…
May tumikhim. Huh?!
"Let me just put my clothes on" anito sa tinig na parang kinakapusan yata ng hininga. Napakurap si Charlie. Muling nag-focus sa paningin niya ang mukha ni Alessandro. For a moment, she saw a flash of emotion in his eyes. That was Charlie's wake up call. Crap.
"Just wait for me outside" muling saad nito. Him, telling her in a roundabout way to let his arms go. Double crap. Parang napapasong binitawan ni Charlie ang braso ng binata.
"Si—si—ge" nauutal na sagot ng dalaga. Nagmamadaling tumakbo si Charlie palabas ng pool area na animo'y hinahabol ng aso.
What the hell were you thinking? You really do have a death wish! Charlie thought to herself. Napatingin siya sa kamay na humawak sa braso ni Alessandro kanina. She feels her hand tingling. Naguguluhang mahigpit na napahawak siya doon.
That was nothing. Nothing happened at all pilit na pangungumbinsi niya sa sarili. Nang makalabas ay lumipad ang tingin ni Charlie si kalangitan. It is a bright sunny day. No trace of storm raining down on her. No cold grey sky. No gigantic waves that will swallow her whole. Just warmth. Comfort. With that thought, Charlie finally relaxed.