Chereads / Trembling Hearts / Chapter 6 - PERSONAL FEELINGS

Chapter 6 - PERSONAL FEELINGS

JUST dont let your personal feelings get in the way. I don't want a half-ass work.

Personal feelings...

Feelings…

Animo`y sirang plaka na paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ni Charlie ang mga huling katagang binitawan ni Keilah bago matapos ang meeting nila kahapon bukod doon hindi mawaglit sa alaala niya ang paraan ng pagtitig nito na animo`y may alam ito sa nangyaring insidente sa pagitan nila ni Alessandro. Bigla nga siyang kinilabutan—parang nahawa ito ng psychic powers ni Kath. Kahit si Mis Rivas nagulat sa sinabi ni Keilah ngunit hindi iyon ang pinakamalaking problema niya. Kagabi, natuyuan siya ng dugo sa kakaisip kung bakit natameme siya ng sinabing iyon ng kaibigan. Her mind went blank, her mouth froze at dahil sa naging reaksyon niya hindi na siya tinigilan ni Jessie sa pang-aasar nito.

It`s laughable! It`s beyond reason. There`s no way she has feelings for Alessandro freaking Roman Gatchalian! It`s true that she kind of like his eyes but he`s still a cold, irritating arrogant jerk and top it all off he likes older women! Totoo na gusto niya itong tulungan—she even kept his secret but that doesn't mean that she likes him. She`s just being kind. It`s only normal to help people right? Pero bakit hindi siya nakatulog kagabi sa kakaisip tungkol doon? It`s even more annoying that she kept on remembering what happened last time with Alessandro—to think that she couldn't keep her cool. Lalo na`t may posibilidad na magkita ulit sila ngayon. She can`t act like an idiot again after all that trouble of winning an argument against him! Kinakailangan niyang kumalma! Napapagod na napasandal si Charlie sa pader pagkatapos ay hinimas ang kanyang sentido.

"Miss Santiago? Ayos ka lang?" anang boses sa may likuran niya. Napatuwid ng tayo si Charlie bago sinilip ang tumawag sa kanya.

"Wilma anong ginagawa mo dito? What about the entrance?" gulat na tanong niya sa kasamahan. She's supposed to be guarding the entrance kasama ang ibang prefect na ini-assign niya doon.

"I just went to the bathroom and besides the place was already packed. Nagbigay na ng instructions si Coach Rodriguez na limitahan na ang papapasukin since delikado kapag naging overcrowded"

Kasalukuyan silang nasa may pool area ng mga oras na iyon para magbantay sa exhibition game na magaganap mayamaya lamang. It's a tradition kasi na every sports club ng ekswelahan ay magsasagawa ng exhibition game para sa mga loyal fans nito. Ginaganap iyon tuwing nananalo ang mga teams o bago sumabak ang mga ito sa mga kompetisyon. Rosenthal Academy is really famous in sports hindi lang sila basta sa academics humahakot ng ginto. Last year may naaksidenteng estudyante sa exhibition game ng swim team. Sa dami ng taong pumunta hindi nakontrol ang crowd hanggang sa may nadulas at nabagok at dahil doon hiningi ng management ang tulong nila para maiwasan na maulit muli ang aksidente.

"What about Marife and Louie?"

"I've already instructed them na i-guide yung mga manonood sa proper seats nila while I'm gone. We already put restricted signs sa mga areas na hindi nila pwedeng puntahan. I told them to keep an eye on those areas and kick out anyone who crosses the line"

Kick out huh? Natawa si Charlie sa sinabi nito. For her it`s business as usual. "Thank you for the hard work" nakangiting saad niya dito.

"I'm just doing my job and besides we can't afford to have another accident like last year that's why were here"

Ang mga kasama niya ngayon ay ang mga bagong miyembro nila. Sina Wilma, Marife at Louie na katulad niya ay scholar din ng eskwelahan at kasalukuyang nasa unang taon sa kolehiyo samantalang nasa pangalawang taon na sila nila Keilah. Si Kevin naman na kasama niya lang kanina mag-ikot sa lugar ay nabibilang sa orihinal na estudyante ng Rosenthal Academy na nag-volunteer at naging opisyal na miyembro ng disciplinary committee.

"Diba kasama mo si Mr. Asuncion?" mayamaya ay tanong ni Wilma kay Charlie.

"Kapag narinig ka ni Kevin na tinawag mo siyang Mr. Asuncion magtatalo na naman kayo nun and stop calling me Miss Santiago just Charlie is fine. You're being way too formal"

"I can`t do that. Youre my senior. I have to show my respect" seryosong sagot naman nito.

Napabuntong hininga na lamang si Charlie. "Ok! Anyway, papunta na ako sa may locker room ng swim team para magbantay. Sinamahan ko lang si Kevin kanina na maglibot sa may back portion ng building. We didn't find anything suspicious pero nagpa-iwan pa rin siya para i-double check ang area. You never know what they're going to pull off"

Si Wilma naman ang napabuntong hininga sa tinuran niya. Dumako ang atensyon nito sa may entrance papunta sa pool area. Naririnig kahit sa layong iyon ang malakas na hiyawan ng mga manonood.

"Yeah I can see that. Unang beses ko pa lang makita ang fans ng swim team I can understand why Ms. Rivas wanted us to be extra careful. They're going wild and crazy out there. It's kind of scary to watch"

Charlie smirked. "You'll get use to it"

Natawa si Wilma. "Anyway, Miss Santiago babalik na ako sa pwesto ko"

"Keep up the good work!"

Nang makaalis si Wilma ay nagpatuloy na sa paglalakad si Charlie papunta sa locker room ng swim team. Pinasadahan niya ng tingin ang bawat entrance ng lugar ng mapansing wala namang umaaligid napagpasiyahan niyang pumunta muna ng comfort room. Pagkapasok pa lamang niya sa loob ay agad na bumungad ang usapan ng dalawang babae na nag-aayos sa may harap ng salamin. Hindi siya napansin ng mga ito.

"Totoo ba talagang hindi nahuli si Beatrice ng mga prefects?"

Natigilan si Charlie sa narinig. Agad siyang nagtago. "I'm not sure pero mukhang hindi. If she was caught they would have broadcasted it already but since there's none, I think it was a success" saad ng isa habang nagsusuklay ito ng buhok.

"Really?! In that case I want a copy" What the heck are they talking about?

"I don't know about that, I mean duh! She practically risked her life to go as far as to put a video cam in their locker room. If her Dad knew about that—"

"Totoo ba yang sinasabi niyo? May video cam sa locker room nila ngayon?" hindi na napigilang sabat ni Charlie sa usapan ng dalawa. Biglang naestatwa ang dalawang babae sa kinatatayuan ng mga ito habang nanlalaki ang mga matang napatitig sa kanya.

"Give me your id's"

"What?! No! We didn't do anything" agad na protesta ng isa.

"I know but I still need you're ids" insisted ni Charlie sa mga ito.

"Just because you're a prefect doesn't mean that were going to blindly do whatever you asked of us" sabat naman ng isa habang nanlilisik ang mga mata.

"I don't have time for this. If you don't want to get in trouble just give me your ids or face the consequences"

"What?!" they both shrieked in unison.

"Id's" Charlie semi-repeated. Wala ng nagawa ang mga ito. Nagmamadaling tinanggal ng mga ito ang kanya-kanyang id`s at iniabot iyon sa nakalahad niyang kamay habang maiiyak na ang isa.

"Stupid! Don't cry" angil ng kaibigan nito.

"My Mom's gonna kill me"

Agad namang binulsa ni Charlie ang mga id's nito. "Don't worry. You're not going to get in trouble but you'll be my witness" reassurance niya sa mga ito. Kumaripas ng takbo si Charlie pabalik sa may tapat locker room. Napahugot muna siya ng isang malalim na buntong hininga bago kumatok sa pinto.

No personal feelings! Just act normal. Be confident! Charlie chanted inside her head. Kumatok siya ng malakas at ang tagal niyang naghintay ngunit walang nagbukas ng pinto. Muling kumatok si Charlie ng mas malakas kaysa sa una.

"Kayo diyan sa loob! Naririnig niyo ba ako?" malakas ang boses na tawag niya sa mga ito. Nang akala ni Charlie kinakailangan na niyang balyahin ang pinto biglang bumukas naman iyon at iniluwa ang isang lalaking bare chested. Napakurap ang dalaga.

"What the hell is this all about?" iritableng saad ng lalaki. Sumandal ito sa may hamba ng pinto at nakahalukipkip na pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Mayamaya ay lumingon ito sa may likod nito.

"Captain! There's pervert here! I thought the prefects already handled it?"

Anong pinagsasasabi ng lalaking ito? How dare him! She's the prefect! Walang babalang ubod ng lakas na binalya ni Charlie ang binata na humaharang sa may pintuan. Sa gulat nito, natumba ito. She smirked at him. Nanggagalaiti na tinitigan naman siya nito. Nang makapasok ay nagmamadaling umikot ang tingin ni Charlie sa paligid, hinahanap kung saan pwedeng ilagay ang video camera—only to stop short when she felt pairs of eyes boring a hole in her. Dahan-dahang bumaba ang tingin niya at ang unang nasalubong niyon ay ang madilim na mukha ni Alessandro.

Crap. She felt a shiver run down her spine.

"What the hell is the meaning of this?" ani Alessandro sa malamig na boses.

"Uhmm…" Oh God no! She needs to talk right now!

"I don't have time for this. Get out" he flat out stated. Alessandro's clearly in no mode for her stuttering habit this time around. Hindi agad nakahuma si Charlie. "Out!" he yelled.

Did he just yell at her? "Don't shout at me! You punk!" Charlie yelled back.

"What?" Alessandro asked incredulously. Jeez! They're at it again. She needs to calm down. Napalunok si Charlie bago muling magsalita.

"I'm not here to cause trouble and certainly not interested to peep" Charlie said pointedly looking to the guy who called her a pervert. "I just want to inform you na may nakalagay lang namang videocam ngayon dito sa loob and obviously trying to capture you guys naked. So please if you're not interested getting starred in a porno movie—help me find it"

Everyone chuckled in response aside from Alessandro who's still pointedly looking at her with his cold eyes. She ignore him. Charlie sighed. Obviously walang naniniwala sa kanya.

"I'm not the type to joke about this—but oh well if you don't believe me it`s not my loss" pabalewalang saad na lamang niya. It has the desired effect because everyone scrambled in their feet snatching their towels to cover up their bodies. She couldn't help but smirk. As if that would help.