Alas 8 ng gabi ay nandito pa rin kami sa bahay nila Caldrone para tignan-tignan si Chichi.
Normal naman at wala namang kakaibang ginagawang aktibidad ang bata.
Masaya lang siyang naglalaro ng lutu-lutuan at nariyan pa na inalok kami ni Chichi na tikman ang luto niya.
"Kuya tikman mo po." Ani Chichi habang iniaabot sa akin ang plastic na plato na may plastic na itlog.
Kumagat ako sa plastic na itlog at sinabing "Wow, ang sarap naman nito."
"Talaga po?!!" Nakangiting sabi ni Chichi
Pinatikim niya rin ito kay Hanzo at sinabi naman ni Hanzo na "Hindi masarap."
Agad kong binatukan si Hanzo dahil doon.
" 'Wag ka ngang gumawa ng ikapapahamak mo." Pabulong na sabi ko.
"No, ang point ko is what if magluto ka ng totoong itlog sa totoong kusina.
O 'di ba mas masaya 'yon? Mas matitikman pa namin kung gaano kasarap yung luto mo Chichi.
Ano tara? Hahaha tuturuan ka naman namin." Nakangiting sabi ni Caldrone kay Chichi.
"Pero baka magagalit si papa kapag nabawasan yung mga itlog niya sa ref." ani Chichi
Pinaproduce ni Hanzo si Shiney ng mga itlog at ilang saglit lang ay may lumabas na malaking tubo sa kamay ni Hanzo at doon lumabas ang mga itlog.
"Hindi mo na kailangan problemahin ang itlog." Ani Hanzo sabay kindat kay Chichi
"Hala magluluto ako!! Yeyyyyyy!!!" Masayang sabi ni Chichi.
Sabay sabay kaming pumunta sa kusina at inihanda ang mga bagay na kakailanganin namin.
"Ngayon tuturuan ka namin nang dalawang luto ng itlog.
Sunny side up at scrambled, so anong gusto mong unahin?" Tanong ni Hanzo kay Chichi
"Wala po akong idea kung ano po yung dalawang 'yun pero pipiliin ko po ay sunny side up kasi ang ganda niya po pakinggan." ani Chichi
At tinuruan muna ni Hanzo si Chichi kung paano mag-crack ng itlog.
"Mahina mong ipupukpok ang itlog sa gilid ng mangkok at dahan-dahan mong ihihiwalay ang shell." ani Hanzo
Pero sa kaso ni Chichi ay malakas niyang naihampas ang itlog sa mangkok kaya nabasag at kumalat ito sa mesa.
Sinabi naman ni Hanzo na normal lang ang magkamali kaya kumuha siya ng panibagong itlog at ibinigay ito kay Chichi.
Sa pangalawang subok ni Chichi ay mali nanaman ang pagkabasag ng itlog at kumalat ito muli sa mesa.
"Umm okay lang 'yan, subukan mo nalang ulit." ani Hanzo
Sinubukan ulit ni Chichi pero bigo nanaman ito.
At q sumubok nang sumubok nang sumubok pero ni isa ay walang nailagay na itlog sa bowl si Chichi.
Habang patagal nang patagal ay nakikita namin ni Hanzo na nagiging seryoso ang bata kaya sinimulan na kaming kabahan.
"Uy paano kung biglang magwala yan?!" Pabulong na sabi ko
"Hindi siya magwawala dahil lang sa itlog noh!" Pabulong na tugon naman ni Hanzo
Pero sa inis ni Chichi ay nabasag niya ang bowl pagkapukpok niya ng itlog.
Nabasag ang bowl dahil tumama ang kamay niya dito.
Hindi pa man kami humihingi ng tulong ni Hanzo sa aming mga bracelet ay sinuotan na kami nito ng fullmetal armor.
Akala namin ay magwawala na si Chichi pero kasabay nang pagkabasag niya sa bowl ay may biglang batang nagsalita.
"Ay nagluluto ka ng itlog? Gusto mo tulungan kita."
Dumating na si Caldrone kasama ang batang tinulungan namin kanina at mukhang okay na siya ngayon.
Lumapit ang bata kay Chichi sabay kumuha ito ng mangkok at itlog.
"Mali kasi ang hawak mo, dapat 'wag padakot ang hawak sa itlog at dahan dahan lang ang pagpukpok." ani ng bata
Pinukpok ng bata ang itlog sa gilid ng mesa at inilagay ang itlog sa mangkok.
"Ako si Lizzie, nice to meet you." Nakangiting sabi ng bata kay Chichi
Ang batang kanina ay takot na takot ay nagbago na sa paningin namin
Siya na ngayon ay masayahin at may maamong mukha, maamong mukha na tila ba susi para mapakalma si Chichi.
Kumuha ng itlog si Chichi at ginawa ang sinabi ni Lizzie.
Tama ang paghawak at dahan-dahan ipukpok ang pagitna ng itlog sa gilid ng mangkok and then voila!
Successful na naihawalay ni Chichi ang itlog sa shell nito.
"Hala ang galing ko! Hala!!
Hala nagawa ko yeheeyyy!!" Masayang sabi ni Chichi
"Salamat sayo marami! Li-liz-- ano ulit pangalan mo?" Tanong ni Chichi
"Ako si Lizzie." Tugon ng bata
Sa sobrang saya ni Chichi ay hinawakan niya sa dalawang kamay si Lizzie sabay sabing "Pwede ikaw nalang ate ko? Pleaseeee! "
"Oo naman! Gusto ko rin ng kapatid eh!" energetic na tugon ni Lizzie
At nagluto na ng itlog ang dalawa at sinabi naman ni Caldrone na sarapan nila ang luto sa itlog dahil ang itlog na lulutuin nila ay ang magsisilbing hapunan namin ngayong gabi.
"Opo!"
Matapos ang lahat ay nilapitan kami ni Caldrone at tinanong kung bakit kami naka full metal armor ni Hanzo
"Ah ano to ummm ah eh hehe, ewan ko kay Dante, siya may idea nito eh." Ani Hanzo
"Anong ako?! Ah eh ano lang 'to para hindi kami matalsikan ng mantika hehe." Pagdadahilan ko
Nagdahilan nalang ako dahil ang totoo ay nagsuot kami ng armor sa buong katawan sa pag-aalalang baka nga magwala si Chichi at who knows kung anong gagawin niya.
Walang nakakaalam ng gagawin niya kapag galit yung batang yun.
Sa kabilang banda ay ikinuwento sa amin ni Caldrone kung ano ang nangyari kay Lizzie kanina.
Ikinuwento ni Lizzie sa psychiatrist ang lahat ng nangyari.
Sinabi daw ni Lizzie sa psychiatrist na nagpakamatay daw ang kanyang ama pero bago ito magpakamatay ay may sinabi daw ito sa kanya
"Pag patay na ako, kunin mo 'tong baril nak." Ani ng kanyang ama
At nagbaril sa sarili ang ama ni Lizzie at iniwan ang bata na napaliligiran ng mga mababangis na hayop.
"Naikwento din ni Lizzie na iniwan daw sila ng ina nila kaya siguro naisipan ng tatay niya magpakamatay.
Pero mali eh! Bakit siya gagawa ng desisyon na alam niyang mapapasama ang bata.
Kung nagkataon ay baka mamatay pa nga si Lizzie doon!" ani Caldrone
"Nakapagdesisyon na ako, aampunin ko ang bata." Dagdag pa ni Caldrone.