Chereads / SINAGTALA SA DAGAT / Chapter 3 - KABANATA TATLO

Chapter 3 - KABANATA TATLO

"Aking Elena." Sambit nito habang nakatitig saakin.

Eto nanaman ako naiiyak sa galak. Bakit ba ngayong araw ay puno ng galak at lungkot? May ibang pahiwatig ba ito ng may kapal?

"Magandang gabi rin Leandro." Bating pabalik ko sakanya.

Leandro Del Prado, ang nakababatang kapatid ni Teodoro at ang aking kababata. Mas matanda kami ni Teodoro sakanya ng dalawang taon. Matagal ko na siyang hindi nakikita sapagkat sumama ito sa kanyang nakatatandang kapatid sa Espanya upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Napatingin ako sakanyang likod habang naglalakad kami patungo sa hapagkainan. Tumangkad na ito at lumaki na rin ang pangangatawan dahil siguro sa pageensayo nito upang maging susunod na Heneral sa Espanya. Lumaki na ang aking patpatin na nakababatang kapatid.

"Magandang gabi hija!" Maligayang bati saakin ni senyora Concepcion, ang asawa ng Heneral. Isa rin itong espanyol ngunit magaling ito magsalita ng wika rito. Ito rin ang ina nila Teodoro at Leandro. Subalit hindi ito ang tunay na ina nila sapagkat pangalawang asawa lang si senyora.

"Magandang gabi rin po senyora." Bati ko sabay tungo upang ipakita ang respeto para sa nakakatanda.

Isa rin ito sa mga tinitingalang babae dito sa bayan ng San Il Defonso, hindi dahil siya ay isang Del Prado kundi dahil sa kanyang sariling ugali at imahe.

Umupo kami sa isang mahabang lamesa. Napatitig ako sa mga pagkain na nakahain. Ang mga pagkaing ito.

"Nagustuhan mo ba ang aking ihinanda hija? Hindi ba yan ang mga paborito niyong kaining tatlo noong kayo ay mga bata pa?" Tanong niya saakin na may pag-aalala sakanyang mukha.

"Opo nagustuhan ko po, ito parin naman po ang aking mga paborito. Nagulat lang po ako at naalala niyo pa po pala yun samantalang napakatagal na panahon na po iyon."

"Hija, ikaw pa ba! Alam mo naman itinuturing kitang anak at ikaw lang naman ang anak kong babae kaya't hindi pwede na makalimutan ko itong mga bagay na ito."

Pagkatapos ng aming pag-uusap ay lumisan muna siya upang tawagin ang kaniyang asawa na nasa opisina nito na nasa loob ng bahay. Habang si ama ay sumunod rin sakanya dahil mukhang kakausapin niya ang Heneral patungkol sa mga talamak na kaso ngayon sa bayan. Naiwan nalang kaming dalawa ni Leandro.

Nilingon ko siya at nginitian. Una siyang nagsalita.

"Kamusta ka na Elena?"

"Maayos naman. Ikaw? Kamusta na ang iyong pag-aaral at pag eensayo sa hukbo ng Espanya?"

"Maayos rin naman. Habang tumatagal ay pahirap na ng pahirap ang mga pinag-aaralan sa bawat asignatura at sa hukbo lamang ako nakakaramdam ng saya kahit ito'y nakakapagod." Tawang sambit niya.

"Ganoon ba? Salamat naman at maayos lang ang paninirahan mo doon at mukhang masaya ka."

"Oo, nakakatuwa nga na-alala ko pa nga noong unang punta ko doon parang manghang mangha ako sa mga bagay bagay. Masaya sa Espanya pero wag ka malungkot dahil mas masaya ako sa piling mo." Pabiro niyang sabi habang nakatitig sa kanyang mga kamay na nakapatong sa lamesa.

Napailing nalang ako dahil hindi parin siya nagbabago. Lagi niya akong binibiro na papakasalan niya ako sa pagtanda niya at ako lang daw ang mamahalin sa buong niya ngunit alam ko naman na hindi totoo iyon dahil bata pa siya noon ng banggitin niya ito. Sandali may nobya na kaya ito?

"Leandro may kasintahan o napupusuan ka na ba?"

"Alam mo naman wala pa sa isipan ko yan."

"Bakit naman nasa tamang edad ka na. Hindi ba't masaya kung sumunod ang iyong kasal saamin ni Teodoro? Isa yung biyaya para sa angkan ninyo!"

"Pwede ba tigilan mo yang pagpupumilit saakin na maghanap ng babae. Dati mo pa yan sinasambit saakin sa sulat yan pati ba naman dito."

"Hay nako nagtatampo ka na agad. Gusto ko lang naman makita na masaya ka lalo na sa ngalan ng pag-ibig. Iba kaya ang saya na dala ng pagibig!"

"Bakit gusto mo ba akong maging masaya sa iba..." bulong nito. Hindi ko ito narinig ng mabuti ngunit parang alam ko ang kanyang sinaad. Baka nagkakamali lang ako.

"Ano yun? Hindi ko narinig."

"Ang sabi ko wag mo akong kulitin at wala akong balak mag-asawa."

"Hala! Leandro! Bakit? Ayos ka lang ba? Pagisipan mo ngang mabuti muna bago ka magsambit ng ganyan." Napasigaw kong sabi sakanya.

Tumawa bigla ito. May nakakatawa ba sa sinambit ko?

"Ikaw nga ang Elena ko. Sabi ko naman sayo dati hindi mo kailangan gumalaw na parang may kadena kapag kasama ako. Iba ka kasi kanina." Sabi niya habang natawa.

Bakit parang tuwang tuwa siya saakin ngayon? Pero totoo naman ang sabi niya, nakakagalaw ako ng maluwag at walang pagaalinlangan sa bawat sambit ko kapag kasama siya ngunit nasanay na rin kasi ako na kalimutan ang dating sarili.

"Pano pag hindi ako mag-asawa?" Pang-aasar niyang sabi.

"Hindi pwede iyon dahil marami na akong plano sa iyong kasal. Gusto ko tumulong sa kasal mo habang wala pa akong anak." Patawa kong sagot.

"Atsaka ikasasaya at ikapapanatag ko kung may nagaalaga at nagmamahal sayo sa Espanya dahil magisa ka lang doon. Syempre nag-aalala ako tuwing nasa Espanya ka alam mo naman na ikaw lang ang nag iisang nakababata kong kapatid."

"Sige mag-aasawa ako para sayo nakakatanda kong kapatid." Mahinang sambit niya habang nakangiti ngunit, bakit parang malamlam ang kanyang mga mata?

Namalikmata lang ba ako? Bakit parang malungkot ang kaniyang mga ngiti at tawa para saakin. Nagkakamali lang ba ako?

"Elena."

"Mmm."

"Sigurado ka nabang magpapakasal ka sakanya? Alam mo naman ang trato ng nakatatandang kapatid ko sayo diba?"

"Oo, alam ko iyon pero may rason naman siya."

"Ngunit ang rason na yon ay rason ng mga isip bata lamang! Atsaka kaya mo bang pakasalan ang isang taong hindi ka kayang mahalin?" Pasigaw niyang sabi.

Ano ba ang ikinakagalit niya? Minsan hindi ko alam kung bakit galit na galit siya kay Teodoro samantalang kapatid niya ito. Simula pagkabata ay inis na inis na ito pag nakikita niya ang nakatatandang kapatid.

"Aminin mo nga saakin Leandro bakit ka ba galit na galit kay Teodoro?"

Hindi ko talaga matanto ang ikinakagalit ni Leandro. Gusto ko isipin na talagang may nararamdaman ito saakin dahil hindi naman ako manhid upang hindi mapansin ang kakaibang kilos at akto nito kumpara sa ibang tao. Tuwing nagbibiro siya patungkol sa nararamdaman niya saakin ay nakakaramdam ako ng katapatan sa kanyang boses, ngunit itinanggi niya ito at sinabing nagbibiro lamang siya noong itinanong ko ito kung totoo. Kaya't hindi ko talaga siya maintindihan dahil ayos naman ang pakikitungo ni Teodoro sakanya at wala rin naman siyang reklamo kung patungkol sa relasyon nilang dalawa na magkapatid.

"Galit ako dahil! Dahil!" Nagaalinlangan sambit niya.

"Bakit Leandro? Bakit?"

"Dahil.... Dahil sa pangako natin sa asotea..." pabulong nitong sabi bago lumisan sa kwarto.

Pangako sa asotea? Yung mga panahon na bata pa kami? Leandro... Hindi mo na kailangan tuparin iyong pangako sa asotea. Hindi ko alam na dala dala mo parin pala ito saiyong isipan. Masasaktan ka lang at masisira ang iba pang mga pangarap mo kung madadamay ka sa buhay ko na naka dikta na. Hindi mo na ako kailangan iligtas sa sarili kong kapalpakan. Hindi ako nararapat sa iyong katapatan. Hindi ako nararapat...

"Elena?"

"Ha? Ano po yun?"

"Tanong ko lang bakit wala si Leandro sa kanyang upuan?" Tanong ni senyora Concepcion.

Dumating na pala sila ama kasama ang Heneral. Tumayo ako at nagbigay galang sa Heneral. Itinaas nito ang kamay senyales sa tinatanggap niya ang aking pagbati.

"Magandang gabi po Heneral Del Prado." Bati ko sakanya.

Ngumiti ito at binati ako pabalik.

"Magandang gabi rin hija. Tara't umupo na upang kumain"

Heneral Anastacio Del Prado, ang nag iisang heneral sa bayan ng San Il Defonso at pumapangatlo sa pinaka malakas na heneral dito sa bansang Las Felipinas. Ang hukbo niya ay kinatatakutan dahil malak ito at siyang ang pamumuno nito kung saan dumanas ang mga miyembro sa malupit at walang tigil na pageensayo. Ang Heneral ay napaka seryosong tao ngunit ito ay mabait sa mga tao kaya mahal na mahal ng buong sambayanan ang pamilyang Del Prado.

Umupo kami at nagsimula nang kumain. Nagkwekwentuhan si ama at si Heneral pati narin ang kababalik lang na si Alfredo patungkol sa Espanya pati narin ang estado ng aking kapatid roon. Habang kami ni senyora Concepcion ay tahimik lang kumakain. Si Leandro naman ay nagpapahinga sa kanyang kwarto dahil pagod daw ito sapagkat tumulong ito kanina sa pageensayo ng mga sundalo at gwardya sibil. Hindi rin dumating si Teodoro dahil daw may importanteng pinuntahan na ukol sa kanyang magiging trabaho. Nung nalaman ito ng Heneral ay nagalit ito at balak sunduin si Teodoro mismo pero pinigilan ito ni senyora Concepcion. Humingi nalang ng tawad sila dahil hindi kami sinipot ni Teodoro.

Matapos kumain ay dumeretso si Heneral at aking ama pabalik sa opisina sa loob ng bahay. Samantalang kami ni Senyora ay nagdesisyon na magkwentuhan sa hardin sa likod ng bahay. Mahaba haba narin ang aming napagkwentuhan patungkol sa mga bagay bagay sa Espanya. Ngayon ay tinawag si senyora ng heneral kaya't naiwan ako ngayon na magisa.

Ano kaya ang pinaguusapan nila ama at parang natatagalan ata sila. Maya't maya ay may nakita akong bulto ng isang tao na parang si Leandro na papuntang kagubatan. May kagubatan kasi na kadikit sa hardin ng mga Del Prado. Oo nga pala kailangan ko makausap si Leandro tungkol sa pangako namin. Dali-dali akong tumayo at sinundan ang bultong nakita ko. Nang makapasok ako sa gubat ay bigla nalang nawala ang sinusundan ko. Namalikmata lang ba ako? Hindi! Sigurado akong siya yun.

Biglang may narinig ako na naguusap di kalayuan at parang boses iyon ni Leandro kaya sinundan ko ito. Unti unti ko nang naririnig ng malinaw ang mga boses na nag-uusap.

"Dinala ka ba ni Teodoro dito? Hindi ka nararapat pumunta rito." Diin na salita ni Leandro.

Sino ang kausap nito at parang galit siya. Hindi ko pa naririnig ang ganyang tono sakanya. Nakita ko na si Leandro at may kausap siyang babae ngayon pero hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil lampara lang ni Leandro at buwan ang nagsisilbing liwanag dito sa bukana ng kagubatan. Tumago ako sa isang malaking puno sa gilid nila. Sandali, hindi ba't parang nanghihimasok ako sa buhay ng iba kung makikinig ako. Ngunit hindi kaya't ayaw ni Leandro mag-asawa dahil sa babaeng ito? Kung ganon kailangan ko na umalis. Wala akong karapan makinig at kailangan rin nila magusap ng masinsinan siguro. Paalis nasa na ako ng tinawag niya ang babae sa pangalan nito.

"Anna! Patawad ngunit wala kang karapatan tumapak dito sa pamamahay namin kaya't umalis kana!" Sigaw ni Leandro.

Anna? Tama ba ang narinig ko? Siya ba ang Anna na kilala ko?

Napalingon agad ako ng wala sa oras at hindi ako nagkamali si Anna nga ito, ang Anna na kilala ko. Umiiyak siya ngayon at bigla siyang napaupo sa lupa dahil siguro sa pagsigaw ni Leandro. Ano bang ginagawa ni Leandro, hindi naman siya ganyan. Hindi ba't sobra naman ang pakikitungo niya sa babae.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasigawan siya.

"Bakit mo siya sinigawan? Alam ko na wala akong alam sa nangyari sainyo subalit sumobra ka naman sa pakikitungo sakanya! Hindi ka naman ganyan dati!" Diing sabi ko habang sinasamaan ng tinggin.

Mukhang nagulat siya na andito pala ako. Ganyan ba ang nagawa sakanya ng pagtira sa Espanya ? Ibang Leandro ang nakita ko kanina, sa tono, sa mga mata, at sa mukhang nagagalit habang nakatingin sa babae.

"E-ele-na... B-bakit ka nandito? Bumalik ka sa loob baka mahamugan ka at magkasakit." Nag-aalalang tugon niya pero bakit parang may mga takot sa kanyang mga mata.

Binaliwala ko lang siya at tinulungan makatayo si Anna. Tinulungan ko siyang ayusin ang sarili at patahanin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

"Oho senyorita, salamat ngunit wala pong kasalanan ni senyorito Leandro kaya wag po kayong magalit sakanya." Sagot niya habang nakatungo.

Tinignan ko ang buong katawan niya upang masiguro na ayos lang siya. Teka hindi parin siya nagpapalit ng damit simula kanina na nagkita kami. Ang paghahanda niya kaya ay para kay Leandro? Kung gano'n ay magkasintahan sila?! O nagkahiwalay na sila kaya't hindi maganda ang relasyon nila? Pero kamakailan lamang umuwi si Leandro, hindi ba?

"Tara na Elena baka hinahanap ka na ng ama mo. Halika na." Sambit ni Leandro habang hinihila ako palayo. Sinusubukan kong kumawala ngunit sadyang malakas siya.

"Ano ba Leandro bakit mo ba ako hinihila palayo? Bitiwan mo ako! Naiwan doon si Anna! Gabi na baka mawala siya sa gubat!" Habang inaalis ang kamay niya sa kamay ko.

Tumigil siya at binitawan ako. Huminga siya ng malalim bago niya ako harapin. Ang mga mata niya ulit. Bakit may halong galit at sakit sa kanyang mga mata. Bigla siyang tumungo at niyakap ako. Tama ba ang hinala ko ngayon? Dati niya bang kasintahan si Anna? Bakit sila naghiwalay? Nasaktan ba siya ni Anna?

Hinayaan ko siya na yakapin ako hanggang huminahon na ang poot nararamdaman niya. Maya't maya lamang ay bumitaw na siya sa pagkakayakap. Hinawakan ko ang kanyang mukha at itinapat ang kanyang mata sa aking mga mata katulad ng dati noong kami ay mga bata pa lamang. Ibig sabihin ay gusto ko malaman kung ano ba talaga ang nangyari at sinasagot niya naman ako kung ano ang katotohanan pag ginagawa ko ito sakanya.

"Patawad Elena hindi ko kayang sabihin sayo kahit ano pang mangyari pero nasisiguro ko sayo na hindi maganda kung lalapitan mo ulit yung babaeng yun." Malamlam niyang sagot.

Ngunit paano si Anna, hindi ko alam pero parang mali na iwan lang siya doon na magisa atsaka gabi na kahit may nagawa man itong masama kay Leandro hindi parin tama na hinayaan namin siya doon.

"May tiwala ako sayo ngunit kahit ano mang nagawa ni Anna hindi nararapat na iwan ang isang babae sa gubat lalo na't gabi na." Sabi ko sakanya bago tumakbo pabalik upang balikan si Anna.

Asan na kaya si Anna? Umalis na kaya siya? Wala naman sigurong nangyari sakanya? Ayos lang kaya siya? Nandoon parin ba siya?

Binalikan ko ang lugar kung saan ko sila nakita. Salamat at hindi parin siya na aalis sa pwesto kanina. Tatawagin ko na sana siya ng biglang may sumigaw ng kanyang pangalan sa kasalungat sa direksiyon.

"Anna! Anna! Anna!" Sigaw ng isang lalaki. Ang boses na iyon ....

May tumakbo papunta kay Anna at niyakap siya nito. Ang taong yun... hindi ako nagkakamali.. Nandito na siya... Siya yun diba? Bakit niya niyayakap si Anna? Magkakilala sila?

"Anna bakit ka nawala bigla? Pinagalala mo ako."

"Patawad gusto ko lang gumala at hindi ko namalayan na napalayo na ako."

"Huwag ka na magsinungaling alam ko naman na pinapunta ka rito ng kapatid ko. Patawad dahil hindi kita napagtanggol sa kapatid ko kinausap kasi ako ni ama. Huwag ka na rin umiyak, wag ka magalala at pagsasabihan ko siya dahil wala siyang karapatan para ganunin ka." Galit na sambit nito bago niyakap muli si Anna.

Bakit siya ganyan. Hindi siya ganyan dati. Bakit ganun ang pakikitungo niya kay Anna? Sino ka ba talaga Anna? Ka-ano ano mo siya? Hindi kaya magkasintahan sila. Hindi ko namalayan na bumuhos na ang aking mga luha.

Andaming tanong na pumapasok sa isip ko ngayon. Bakit ganun? Bakit siya pa? Nasasaktan ako ngayon at hindi ko alam kung ano pa ang iba kong dapat maramdaman.

Bakit ganun ka sakanya.....

Bakit.....

"Elena!" May sumigaw galing sa likod ko. Paniguradong si Leandro ito.

Hindi ko siya nilingon dahil hindi ko kaya alisin ang aking mga mata ngayon sa dalawang tao na nasa aking harapan ko. Napalingon ang dalawang tao sa gawi ko...

At doon ko napatunayan ang hinala ko. Ang lalaking yun.... Ang lalaking minamahal ko... Ang lalaking hinihintay ko.... Ang lalaking hindi magawang galitin ako kahit ano pang gawin nito..... Ang lalaking galit saakin.... Ang lalaking hindi ako mamahalin kahit anong mangyayari.... Ang nagiisang lalaki sa puso ko...

"Teodoro." Iyak kong sambit sa kanyang pangalan.