"May nagawa ba akong mali?" Nagpupumilit na tanong ko sakanya.
"Hindi mo parin ba na naiintindihan na hindi kita gusto at kinasusuklaman kita!" Sigaw ni Teodoro habang patuloy na naglalakad paalis ng bahay namin. Dapat ay nasa sala kami upang mapag-usapan ang pagsama ko sakanya sa Espanya ngunit bakit umabot sa ganto.
"Bakit? Sabihin mo saakin kung ano ang nagawa kong mali." Pilit kong sabi habang pinipilit sabayan ang mabilis niyang mga lakad.
Hindi ko talaga maintindihan bakit ganoon ang kanyang trato saakin. Saan ba ako nagkamali! Noong mga limang taon palang kami ay napaka lapit namin sa isa't isa tipong hindi na kami mapaghiwalay pero anong nangyari?
Nagulat ako ng huminto siya at humarap saakin na may nanlilisik na mata. Bigla siyang nagsalita ng kanyang hinanakit.
"Hindi mo ba talaga alam?! Kala ko ba matalino kang bata! Tuwang tuwa nga si ama sayo dahil sa gulang na siyam ay nakagawa ka ng mga mahusay na gawain sa akademikong larangan sa likod ng pangalan ng iyong ama kahit isa ka lamang babae. Samantalang ako. Samantalang ako. Bakit ba kailangan nila bigyan ng pansin ang isang may sala"
Dali-daling umalis si Teodoro pagkatapos sabihin ito. May sala? Ganun ba ang tinggin niya saakin? Kaya ba inaayawan niya na ako? Kaya ba ayaw niya na ako isama? Tama naman siya isa akong makasalanan. Isang may sala na nagagawa parin tumawa at maging masaya sa buhay matapos gawin ang isang maling desisyon. Ito ang nakadikit sa pangalan ko hanggang sa pagtanda ko sa paningin niya. Hindi ko ito maitatanggi kung tutuusin sumasangayon ako sakanya. Isa akong makasalanan.
Nagbalik ako sa kasalukuyan matapos ko maalala ang nangyari dati. Nakatitig siya saakin pati narin si Anna na nasisiguro akong walang kaalam alam sa aming relasyon. Sinusubukan ko tanungin siya kung anong nangyayari gamit ang aking mga mata dahil sa oras na ito ay hindi ko kayang buksan ang aking bibig. Subalit masamang titig lang ang kanyang ibinalik saakin bago niya ibalik ang kanyang paningin kay Anna. Puno rin ng pagtataka ang mukha ni Anna nang magtama ang aming mga mata.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon dahil parang napako lang ako sa aking pwesto at patuloy na ikinukumpara ang mga panahon na kasama ko siya at ngayon na kasama niya si Anna.
"Elena!"
May biglang humablot sa aking kamay hanggang makarating ako sa kanyang bisig. Niyakap ako ni Leandro at doon ko lang naramdaman ang sakit at inggit na kanina ko pang ipinipilit na baliwalain.
"Patawad Elena dahil hindi kita masagip sa sakit na ibinibigay lagi saiyo ng aking kapatid. Patawad. Kung nasasaktan ka ngayon ay mas mabuti nang umalis na tayo, ihahatid na kita sa inyong bahay." Bulong saakin ni Leandro bago niya punasan ang aking mga luha.
Kaya ba hindi masabi ni Leandro saakin kung ano ang nangyayari kanina? Kaya ba ayaw niya kay Anna? Kung gayon yon ang kanyang rason kung bakit niya ako pinalalayo dahil kasintahan ito ni Teodoro. Hindi ako makapaniwala sa mga pangyayari ngayon tila parang isang bangungot na kailangan kong tanggapin. Subalit lahat ng nangyayari ay katotohanan, may magagawa pa ba ako?
Tumango nalang ako bilang tugon sa tanong ni Leandro at agad tumalikod dahil hindi ko na kayang masilayan pa sila. Nanghihina na ako at magulo ang aking isipan kaya hindi ko namalayan na nawalan na ako ng panimbang. Buti nalang at nasalo ako ni Leandro.
"Senyorita Elena ayos ka lang po ba?" Tanong saakin ni Anna na nasa tabi ko na pala. Tumango lang ako at iniwasan siya ng tinggin. Hindi ko siya kayang tignan ngayon.
Masakit. Masakit sa damdamin. Ang hirap tanggapin dahil siguro mabilis ang mga pangyayari at hindi ko ito inaasahan.
"Siguradong ayos ka lang senyorita? Namumutla ka at tumatangis ka pa kaya't panigurado akong hindi ka nasa maayos na kalagayan." Sabi ni Anna.
" Miguel tulungan mo si senyorito Leandro sa pag alalay kay senyorita at ihatid niyo na siya pauwi. Uuwi nalang ako magisa dahil malapit lang naman ang simbahan dito." pagtutuloy ni Anna.
Miguel? Hinayaan niya si Anna tawagin siya na Miguel? Miguel ang pangalawang pangalan niya at iilan lang ang may alam dahil para sa kanya iisang tao lamang ang pwede tumawag sakanya nito. Pero hinayaan niya si Anna na tawagin siya nitong Miguel.
"Kaya na iyan ni Leandro atsaka kasama kita kaya hindi kita pwedeng iwan lalo na't nangako ako kay Gloria na lagi akong mananatili sa tabi mo. Atsaka hindi naman siya isang mahalagang tao at hindi ko siya bisita upang ihatid pabalik." Tugon ni Teodoro.
Hindi man lang niya ako sinipat kahit kaunti. Halata ring ayaw niya ako makasama dahil nang gagalaiti ang kanyang tono.
"Miguel bakit parang ang init ng ulo mo? Hindi mo dapat binabanggit ang mga ganyang salita sa harap ng isang binibini." Suway ni Anna kay Teodoro na nakatayo ngayon sa kanyang likuran.
Ganoon ba ako hindi kahalaga sakanya na kahit sulyap ay di niya ako matapunan. Maging bilang isang bisita dito sa pamamahay nila ay hindi niya rin ako ibinibilang sa ganoong pwesto. Ano nga ba ang lugar ko sa buhay niya?
Gusto ko itawa nalang ang lahat ngayon. Anna, ikaw siguro ang pinaka mahalagang tao siguro sa buhay niya. Natatawang mo siyang Miguel na hindi siya nagagalit. Nasusuway mo siya na hindi ka niya sinusungitan at sinasamaan ng tingin. At nakuha mo ang mga malumanay na tingin niya na kahit kailan ay hindi ko makakamtam. Lahat ng bagay na nagagawa mo sakanya ay isang pangarap na walang tulay para saakin.
Napasigaw ako bigla ng bigla akong binuhat na buhat pangkasal.
Hindi ko inaasahan na gagawin ito ni Teodoro. Ako ang taong pinagdidirian niya simula pagkabata pero dahil lang sa isang sabi ni Anna ay ginawa niya ang isang bagay na alam kong kinasusuklaman niya lalo na't ako ang binuhat niya. Anna paano? Paano mo nagawang masungkit ang kanyang puso na aking pinaghihirapang kunin simula bata pa.
"Ako na bahala maghatid sakanya sa karwahe nila. Leandro ihatid mo si Anna sa karwahe ko. Hintayin mo nalang ako doon Anna at ako ang maghahatid sayo pauwi." Diing sabi niya bago tuluyang maglakad.
Nakita ko na balak sana umapila si Leandro pero hindi niya na itinuloy. At naglakad sila ni Anna sa ibang direksyon kung saan papunta sa mga karwahe ng mga Del Prado.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating kami sa karwahe. Inilapag niya ako sa upuan ng karwahe at lumabas na agad na walang salitang iniwan. Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng karwahe.
"Sandali! Hindi mo parin ba ako kakausapin?" Tanong ko sakanya bago pa siya makalayo.
"Nagagalak ako na naka balik ka nang maayos." sambit ko habang pinipilit kong ngumiti.
"Layuan mo si Anna. Huwag na huwag mo kaming guguluhin. Huwag mong gagalawin si Anna." Sagot niya habang nakatalikod parin.
Bakit sobrang sakit na kahit pagharap sa akin ay di niya magawa.
"Wala akong balak sirain ang relasyon niyo. Alam mo yan."
"Alam mong wala akong tiwala sayo at pwede ba wag ka umakto na parang natutuwa ka sa pagbabalik ko! Hindi mo parin ako tinatantanan pati ba naman ang kapatid ko pinaglalaruan mo! Ayusin mo nga ang sarili mo dahil kapag ako hindi nakapagtimpi Elena tandaan mo ito hindi kita sasantuhin kahit anak ka pa ng isang La Guardia." Sigaw niya saakin bago tuluyan nang umalis.
Napaupo nalang ako at pinagnilaynilayan ang mga sinambit niya. Niyakap ko ang aking sarili dahil alam kong nanginginig na ako ngayon. Marami na akong narinig na mas masakit pang mga salita sa likod ko ngunit hindi ko iyon kinimkim dahil alam kong mali sila pero bakit sakanya kahit alam kong mali siya masakit itong pakinggan at naibabaon ko ito sa aking puso. Gusto ko siyang sagutin at sabihin na mali siya ngunit alam kong parang nakikipag-usap lang ako sa hangin dahil hindi naman niya ako papakinggan.
Patuloy lang akong umiiyak dahil umaasa ako dati na sana sa kanyang pagbabalik ay maisasaayos na namin ang aming alitan at magiging maayos na ang lahat. May kumatok sa karwahe kaya't na pagtigil ako sa pagiyak at pinunasan ng mabilis ang mga luha.
"Anak..."
"Ama?"