"Ano ang nangyayari dito?" Sigaw ni Madre Miranda.
May diin ang kanyang mga boses ngunit hindi ito galit. Siguro ay hindi niya pa natatanto na kinuha ko sa poder niya ang bata.
Hindi ko mapigilan na tignan siya ng masama.
"Wala po may nangyari lang po na hindi inaasahan. Maaari na po kayong bumalik sa loob." Diin kong sabi sakanya bago tumalikod upang dumeretso sa karwahe saktong bukas rin ng pinto nito at lumabas ang aming kotchero. Malaki ang naging kawang ng pinto dahil sa pagbukas kaya't alam ko na maaaring makita ni Madre Miranda ang bata kung nasa likod ko parin siya.
"Elena! Bakit may duguan kang bata saiyong karwahe?! Bakit na sayo si Felipe? Imelia pumarito ka!" Sigaw niya habang nagpupumilit na lumapit sa aming karwahe ngunit hinaharangan siya ni Ramon, isa sa mga guardia sibil na inatasan ng Heneral Del Prado na bantayan ako at ang aming angkan habang wala ang aking ama.
"Mawalang galang na po pero wala kayong karapatan upang kunin siya saamin at wala kang karapatan na masilayan siya." Walang emosyon na sambit ko.
Hindi ko mapigilan na mawalan ng respeto ang aking tono habang kinakausap siya. Alam kong walang wala na ako sa pagkatao na aking binuo ng ilang taon sa isipan ng mga tao pero wala na akong pakialam ngayon.
Lumabas si Imelia na hinihinggal pa at tila may pagtataka sa kanyang mukha.
"Imelia tulungan mo ako kunin si Felipe sakanila!"
"Punong madre bakit nasa kanila si Felipe? Ano ang nangyayari?" Tugon niya habang papalapit saakin.
"Wag ka na matanong at hindi ko rin alam kung bakit nila kinuha si Felipe!" Inis na sambit niya.
"Elena maari mo bang ibalik saamin ang bata? Isa kasi yan sa mga inampon ng simbahan na galing sa lansangan upang maging tagapagsunod ng mga pari." Mahinahon na paki-usap ni madre Imelia.
Ngunit kung inampon nila ang mga ito bakit kailangan saktan ito. Ganun rin ba ang ginawa nila sa ibang bata? Kung gayon ay nararapat na kunin ko ang batang ito sa poder nila.
"Hindi madre Imelia! Iginagalang ko ang simbahan ngunit hindi ko kukunsintihin ang ganitong mga gawain."
"Anong gawain ang hindi ka sangayon? Ang pagtulong at pag aruga sa mga batang nasa lansangan? Ganyan ba ang iyong totoong ugali mo? Atsaka ano ang nais mong gawin sa bata?"
"Tulong? Aruga? Ha! Hindi talaga ako sangayon! Matapos niyo kupkupin ay sasaktan niyo sila! Wala akong nais gawing masama sa bata ngunit kayo! Ano ang nais ninyo?! Sabihin mo saakin madre Imelia bakit kailangan danasin ng bata ang mga malulupit na pambubugbog ninyo at ang hindi makatarungan na ginawa niyo sa bata! Para niyo na siyang pinatay sa itsura niya! Satingin mo hindi ako aakto?!"
Nanghihina ako habang binabanggit ang bawat salita na sinambit ko. Hindi ko matanto bakit nila ito nagawa. Tila nawala ang aking malalim na paggalang sa simbahan at nagsisimula na magtanong ang aking isip patungkol sa mga pamamalakad nila sa likod ng taong bayan.
"Hindi ko maintindihan ang iyong mga sinambit ngunit pwede mo bang ibigay na ang bata saamin at pag usapan nalang sa loob ang iyong mga ginigiit dahil hindi maaaring sumama ang pakiramdam ng punong madre ngayon sapagkat matanda na ito at may iniindang sakit sa puso."
"May sakit sa puso? May iniindang sakit? Parang ayaw ko maniwala dahil kung ganyan nga ang kanyang lagay bakit niya nagawa iyon sa bata! Hindi po ba?" Liningon ko ang punong madre at tinitigan siya sa mata. Umiwas siya sa aking tinggin at doon ko naramdaman na tama ang aking hinala.
Huminga ako ng malalim bago magdesisyon.
"Sasangayon ako sa inyong gusto ngunit gusto ko malaman kung bakit ito nangyari at kung bakit nararapat na tuluyang ibalik sa inyo ang bata."
Pinuntahan at binuksan ni madre Imelia ang pinto ng karwahe. Napasinghap siya kanyang nadatnan. Alam ko ang kanyang narandaman kung tutuusin nga ay mas maayos na ang itsura ng bata kumpara sa nakita ko kanina dahil may nakabalot na kumot sa sugatan na katawan ng bata. Binuhat niya ang bata at bumulong saakin ng madaan niya ako.
"Hindi ko alam kung paano ito nangyari ngunit sana pakinggan natin ang rason ng punong madre. Naniniwala ako na may makabuluhang rason ang pangyayaring ito."
Bumalik kami sa likod ng simbahan sa may tanggapan ng bisita. Ang aking kotchero at
si Ramon ay hindi ko na isinama at pinatili na lamang sa may karwahe. Ang bata ay ipinasok sa isa sa mga kwarto na nakalaan sa mga bisita at ipinaintindi sa dalawang katiwala. Nasilip ko naman ito at mukhang inaalagaan naman nila ito at ginamot narin ang mga sugat nito. Naririto kami ngayon sa tanggapan ng bisita na parang sala ng simbahan.
Katapat ko ang punong madre ngayon habang si madre Imelia ay nakatayo sa likod niya.
"Elena, sana hindi ito nakarating sa labas at isawalang bahala nalang natin ito. Ito ay isang maliit na problema sa loob ng simbahan at hindi kailangan ang saloobin ng mga taga labas. Kung gusto mo malaman ang aking pananaw dito sa pangyayaring ito, ang masasabi ko lang na ang batang iyon ay galing sa isang pangkat na sumasamba sa mga babaylan. Alam mo naman ang reputasyon ng mga taong galing roon. Alam kong naiisip mo ngayon na maaari na ginawa ko iyon dahil lamang sa isang una at mabilisang panghuhusga ngunit hindi. Tinanggap ko ang bata at inaruga na parang ina subalit siya pala ang rason kung bakit ako nagkakasakit at kaya pala hindi rin alam ng manggagamot ang dahilan ng aking sakit. Pinagalitan ko ang bata at sinuway pero itinanggi niya ang mga paratang kahit may ebidensiya na. Isinawalang bahala ko nalang ito dahil matapos ang aming pag uusap ay guminhawa na ang aking pakiramdam. Pero kanina lamang ay nahuli ko siya na hawak ang litrato ng pari at ginagawan ng sumpa at doon ko ako hindi nakapagpigil ngunit ang ginawa ko lang naman ay pigilan siya. Pinigilan ko siya sa abot ng aking makakaya at iniwasan masaktan ang bata kaya't nagtamo rin ako ng mga sugat. Kanina. Kanina kung nakita mo lang ang bata, para siyang sinasapian ng demonyo. Kaya ko siya nagawang itago doon sa maliit na lugar ay dahil sa takot ko sa mga pangyayari at sa takot na may magawa pa siya sa iba. Pinagsisihan ko naman ang aking nagawa dahil alam ko na kasalanan ang manakit ng tao ngunit kailangan ko maging matatag sapagkat isiniwalat rin niya saakin kung ano ang mga balak niya at mga natitirang ka-pangkat niya. Nagsisimula na sila na saktan sa likod ang mga mamamayanan at totoo ang mga balita na galing na isinaad ng mga taga gobyerno. Kaya patawad kung ikinagagalit mo ito ngunit eto ang aking panindigan at alam ko na alam ng Diyos na wala akong masamang hangarin at kaisipan sa sitwasyon ngayon."
Mahabang paliwanag niya habang hawak ang isang rosaryo. Ramdam ko ang pagkatotoo ng kanyang mga salita at nasagot ang mga katanungan sa aking isipan. Kilala ko si Madre Miranda simula pagkabata at alam kong hindi siyang masamang tao. Binalaan rin ako ni ama sa mga batang nasa lansangan dahil sa mga bali-balita dahil totoo ang mga ito sapagkat hawak niya ang kaso patungkol rito at may iilan na umamin sa plano ng pangkat. Ang mga bali-balita na ito ay ang ibabaw lang ng isang malaking problema at bukas ang aking mata sa kaalamang ito dahil kay ama kaya't masasabi ko na maaari ngang totoo ang sinasabi ng punong madre.
Matapos ako kausapin ng punong madre ay umalis na ito habang naiwan naman si madre Imelia.
"Gusto mo bang makita ang bata? Gising na siya at kumakain ngayon."
Tumango nalang ako at sumunod sakanya. Nang makarating ako sa kwarto kumakain nga ang bata kaya umupo nalang muna ako sa silya na malapit sakanyang higaan at hinintay siya matapos habang si madre Imelia ay umalis na matapos ako ihatid. Habang hinihintay siya matapos ay sinipat ko ang kwarto at masasabi ko na disente naman ito at halatang sakanya ang kwarto ng ito sapagkat may mga gamit ng bata. Malinis ng kapaligiran ng kwarto at amoy ang kalinisan nito.
Napalingon ako ng makarinig ako ng mahinang kalampag ng mga kubyertos. Mukhang nadulas ang kubyertos ng balak ilapag ni Felipe ang pinagkainan niya sa lamesa sa gilid ng kanyang kama. Agad ko ito nilapitan at tinulungan pulutin ang kubyertos na nahulog.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Wag ka masyadong gumalaw." Sambit ko habang inaayos ng pinagkainan niya.
Hindi sumagot ang bata at tumungo lang. Maawa ka talaga sa kalagayan niya lalo na't parang wala nang emosyon ang mga mata nito kanina. Umupo ako sa gilid niya at kinausap siya kahit hindi ito umiimik. Puro pangangamusta sakanya at paalala ang mga sinambit ko at hindi binanggit kahit ano patungkol sa pangyayari kanina o kahit ang patungkol sa kanyang angkan. Huminga ako ng malalim bago tumayo at pinatulog siya.
"Matulog ka na at magpahinga dadalawin nalang kita bukas." Ngiti kong saad at doon lang niya ako tinignan.
Tumalikod ako at biglang nakaramdam ako ng hilo. Siguro pagod na ang aking katawan dahil kung tutuusin wala akong matino na tulog simula ng hapunan sa mansyon ng Del Prado.
Hindi ko na kaya, sobrang sakit ng ulo ko at unti unting nawawala na ang aking paningin. Naramdaman ko ang pagka bagsak ko sa sahig.
"Matulog?" Pagtatanong niya bago tumaas ang dalawang sulok ng kanyang labi.
Anong nangyayari?
"Senyorita Elena!" Yan ang huling salita na narinig ko bago tuluyang nawalan ako ng malay.
________________
"Elena!"
"Elena!"
Sino ang natawag saakin? Bakit ang dilim? Sinubukan ko gumalaw ngunit hindi ko maramdaman ang katawan ko.
"Elena gumising ka!" Sigaw ng tao na kanina pa ako tinatawag.
Ramdam ko ang bigat ng aking katawan at sakit. Nasaan ba ako? Anong nangyayari? Pinilit kong buksan ang aking mata at salamat naman at nagawa ko itong buksan.
Unti-unti na akong nakakakita ng liwanag. Anong nangyayari, bakit andaming nakapalibot saakin? Subalit may isang mata ang lamang ang pagaalala sa mukha.
"Senyorito Teodoro andito na po ang manggagamot."
"Kung gayon papasukin niyo na siya."
Pumasok ang manggagamot at tinignan ang aking kalagayan. Pagkatapos niya sipatin ako ay kinausap siya ni ama na nakaupo lang sa gilid ng kwarto. Sinamahan siya ni ama palabas ng kwarto kasama narin ang iba pang mga tao na nasa kwarto kanina at natira nalamang si Teodoro.
Anong nangyayari? Patuloy kong pagtatanong sa aking utak. Lingid sa aking kaalaman ay nakatitig saakin sa Teodoro at napansin ang aking pagtataka.
"Kinuha ka ng mga iilang masasamang indio at itinapon sa lawa."
Hindi ko narinig itong mga salitang ito nung una sapagkat napatitig ako sa katauhan ni Teodoro ngayon. Tama ba ang nakikita ko?
"Bakit.." hindi ko kayang magsalita dahil siguro sa pagkalunod ko.
"Ang sabi ko dinakip ka ng mga iilang masasamang indio at itinapon sa lawa ng mga panahong nakatulog ka sa ilalalim ng puno sa labas ng inyong bahay." Paguulit niya.
"Maayos na ba ang iyong kalagayan? May kailangan ka ba? Dalawang araw ka nang tulog."
"Bakit.. bakit bata ang iyong itsura." Pagtatanong ko ngunit tila sa isip ko lang ito nabanggit sapagkat hindi niya ako sinasagot.
Bakit parang nangyari na ito? Bakit nasa dati kong kwarto ako? Bakit bata si Teodoro?
Dali-dali akong pumunta sa salamin na nasa gilid ng aking higaan. Laking gulat ko na bata rin ang aking itsura. Naalala ko na! Eto ang mga panahon na apat na gulang pa lamang ako. Hindi ko naiwasan na hawakan ang salamin sa may mukha ko.
"Elena"
Hindi ko napansin na may matulis na bagay na nasa leeg ko na.
"Teodoro?" Mahinang sambit ko na may pagtatanong.
Tinignan ko siya gamit ng salamin na nasa tapat namin. Ang kanyang mata. Malamig ito at tila walang mga emosyon.
"Dapat hindi ka nalang nabuhay." Malamig na boses ang gamit niya.
"Maawa ka Teodoro!" bago niya ako ginilitan ang aking leeg.
_____________
Nakabangon ng wala sa oras dahil sa isang malagim na bangungot. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at ang paghahabol ng hininga. Pinakalma ko ang aking sarili at ipinikit ang aking mata. Ayoko na. Anong nangyayari saakin? Totoo ba ang mga pangyayaring yun? Bakit ramdam ko ang malamig na kutsilyo sa loob ko mapasa hanggang ngayon. Hindi ko maiwasan na himasin ang aking leeg at parang pilit na itinatago gamit ang kamay. Parang totoo ito. Hindi. Hindi siya totoo dahil paulit ulit ko itong napapanaginipan tuwing natutulog ako simula ng araw na bumalik siya.
Napatawa nalang ako ng mahina. Hindi ko inaasahan na pati ba naman sa sa aking pagtulog hindi mapipigilan si Teodoro na ipakita kung gaano niya ako kinamumuhian.
Nilibot ko ang aking mga mata at alam ko na ako nasa panaginip. Tumayo ako at binuksan ang bintana. Napapikit ako at dinama ang lamig ng simoy ng hangin. Mukhang malapit na magtanghali sa oras ngayon. Ng binuksan ko ang aking mga mata nakita ko ang mga manggagawa namin na naglilinis ng bakuran tulad ng ginagawa nila araw araw. Napangiti ako at naalala ang isa sa mga pangako na binitawan ko sakanila ng ibinigay saakin ni ama ang pwesto sa pagiging tagapangalaga ng pamamahay ng La Guardia.
"Alam ko na ako'y isang babae lamang at walang gaanong kapangyarihan. Hindi ko rin batid ang mga iba't ibang pamamaraan o gawain sa pamamahay na ito sapagkat hindi ako minulat sa ganitong gawain , hindi gaya ng aking nakakatandang kapatid. Pero nangangako ako na gagawin ko ang lahat para sa ikakaayos at ikauunlad ng ating pamamahay. Ituturing ko rin kayo bilang pamilya at ipapagtanggol ang inyong mga karapatan. Wag kayong magatubiling na magtanong o lumapit saakin kung may kailangan man kayo. Tulad ng aking ama gusto ko na maging payapa at masaya ang pamumuhay natin. Salamat sa pakikisama at pagaalaga saakin ng mga nakaraang taon. Salamat sa pagtanggap at pinapangako ko na hindi ko kayo bibiguin."
Sila. Sila ang mga taong gusto kong alagaan at ipagtanggol sa mundong hindi makatarungan sa mga indyong katulad nila.
"Si senyorita Elena ba iyon?"
"Si senyorita nga!"
"Gising na ang senyorita!"
"Magandang tanghali po senyorita." Sabay na bati nilang lahat.
Kita ko ang pagtakbo ni Luningning at Tala papasok ng bahay. Paniguradong saakin ito pupunta at hindi nga ako nagkakamali. Ngumiti ako at binati sila. Tumakbo sila palapit saakin. Niyakap ako ni Luningning at tinugunan ko ito. Nilingon ko si Tala na nakatitig lang saakin. Bumitaw ako sa pagkakayakap ni Luningning at pinuntahan si Tala, pinunasan ko ang butil ng luha niya sa kanyang kanang mata.
"Salamat at nagising na po kayo senyorita." Mahinang sambit ni Tala habang iniiwasan ang aking tinggin.
Hanggang ngayon ay mahiyain talaga si Tala at laging nagmamasid lamang, hindi tulad ni Luningning na madaldal at masiyahin. Minsan naman ay nahahawa na si Tala kay Luningning at ikinatutuwa ko ito pero hindi parin nagbabago ang kanyang ugali simula ng inampon namin sila. Tahimik man si Tala pero maalalahanin siyang tao.
Tinapik ko ang kanyang braso at nginitian.
"Wag ka na mag-alala dahil ayos na ako."
"Kung gayon po ay nagagalak po ako."
"S'ya nga pala kanina pa ako nagiisip kung ano ang nangyari saakin sa simbahan at paano ako naka balik rito?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
Nagkatingginan sila at nagsimula na magkwento.