"Andiyan ka na po pala ama. Sandali." Sambit ko habangpinipigil ang pagkagaralgal ng aking boses. Umusod ako malapit sa pintuan upang mabuksan ko ito para kay ama. Bubuksan ko na sana ito ng biglang akong pinigilan ni ama.
"Huwag mo munang buksan." Sabi ni ama habang naka sandal sa mismong pinto ng karwahe.
"Elena, mahal mo ba talaga si Teodoro o pumapayag ka lang magpakasal sakanya dahil sa kahilingan ng ina mo?" malumanay niyang sabi. Ginagamit ngayon ni ama ang tono niya tuwing malalim ang kanyang iniisip. Ano ba ang pinagusapan nila ama at ng Heneral? Itinututol na ba ang aming kasalan ni Teodoro? Hindi kaya't si Teodoro ang tumututol? Kung sabagay nandiyan nanaman si Anna para makasama niya pang habang buhay. Napahinga ako ng malalim.
"Ama kung nais ninyong dalawa ng Heneral na itigil ang kasal naiintindihan ko po. Hindi po ako tututol sainyong desisyon ngunit kung tinatanong niyo ang nararamdaman ko lamang na walang halong ibang rason, ang sagot ko po'y oo , mahal ko po si Teodoro."
"Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan tuwing naririto ang unang anak ng Heneral. Paumanhin at huli ko ng nalaman ang trato niya sayo, kung hindi pa maibabangit ito ng Heneral ay hindi ko ito malalaman sapagkat nabubulag ako sa saya na ipinapakita mo tuwing andiyan siya. Hindi ko rin pinaniwalaan ang iyong kapatid at nagsisi ako dun dahil akala ko'y tama ang desisyon namin ng inyong ina. Subalit nagkamali kami."
"Akala ko ang pagkukulang ko sainyo ng kapatid mo ay ang pagbibigay pansin lamang. Ngunit mukhang hindi ko na talaga kayo nababantayan at na ipagtatanggol sa mga problema at mga taong nanakit sainyo. Hindi lang ang pangako ko sainyong ina ang aking nabigo pati narin kayo."
"Ngayon gusto ko itama ang desisyon dahil nakasalalay ang iyong kinabukasan. Kaya sabihin mo saakin kung gusto mo ituloy ang kasunduan at ayaw ko humadlang ako at ang nais ng iyong ina sa magiging desisyon mo. Igagalang namin ng Heneral ang iyong desisyon."
Ngayon hindi ko alam kung ano dapat kong isipin at nararamdaman dahil hindi ko ito inaasahan na sasabihin ni ama. Kahit ang mga salitang ito ay nakakaiyak kung tutuusin para sakit hindi ko maiwasan na napangiti dahil eto ang hinihintay ni Lorenzo, ang magbalik ang dati naming ama. Ang ama namin na lagi kami kinakausap at inaalala. Patungkol naman sa mga sinambit ni ama na alam rin ng Heneral ay ikinagulat ko. Oo nasasaktan ako tuwing nasa piling ni Teodoro ngunit hindi ko kayang iwan siya kahit masakit pa ito. Hindi lang naman sila ni ina ang rason bakit ko pinili ituloy ang kasunduan. Para saakin ay tungkulin ko na maging katuwang ni Lorenzo sa buhay at alagaan siya hanggang pagtanda hindi dahil ayaw ko siyang bitawan pero nangingibabaw ang pangakong hindi kayang putulin nino man.
Naalala ko ulit si Anna, ang babaeng inaasahan ko na maging kaibigan at ang babaeng mahal rin ni Teodoro. Anna, ayaw ko man sirain ang inyong relasyon pero hindi ko bibitawan ang pangako at pangarap ko simula pagkabata. Patawad Anna. Patawad Teodoro. Patawad Leandro. Patawad ama at Lorenzo dahil ang desisyon ko ay
"Gusto ko parin ituloy ama, ayaw ko matigil ang kasunduan." Sagot ko na may diin sa tono ngunit bakit parang may bura sa aking lalamunan pagkatapos ko bigkasin ang mga salitang binitawan ko.
Tama ba ang desisyon ko? Kung hindi man tama ito ay itatama ko kung kinakailangan. Nasa tama pa ba akong pagiisip dahil ngayon lang ako naging ganto at hindi ako ganito magdesisyon na tipong maliit na bagay ay matagal kong pinag iisipan. Natawa nalang akong mahina na kahit alam kong padalos dalos ang aking desisyon ay alam ko lang na ito ang nararapat gawin.
"Gusto mo bang bigyan ka namin ng oras para pagisipan muli ito." Pagtatanong ni ama na may pagaalalang boses.
"Hindi na kailangan ama dahil eto ang una at huling desisyon ko patungkol dito."
"Kung gayon ay walang magbabago sa mga susunod na plano ng kasunduan. Siya nga pala mauna ka na anak umuwi tandaan mo mag iingat ka. Mahal kita anak at salamat sa pagintindi niyo ni Lorenzo saakin." Malungkot na sambit ni ama bago utusan ang kotchero upang ihatid na ako pauwi.
Salamat at mukhang nagbalik na ang aming ama ni Lorenzo. Sana Lorenzo narinig mo si ama na magsalita ng ganto kahaba at kung pano ito kumustahin ako. Kaya siguro nagpaiwan si ama ay kakausapin siya ng Heneral ulit.
Ngunit yan ang akala ko dahil yun na pala ang huling makikita ko si ama dahil kinabukasan ay nalaman ko nalang na pumunta siya ng Espanya. Hindi ko alam kung bakit ito umuwi doon pero panatag ako na walang mangyayaring masama dahil kasama niya ang Heneral. Sana nga walang mangyari.
Nakalipas na ang dalawang linggo pagkatapos nung hapunan sa mga Del Prado at ang pagalis ni ama. Nagpadala ako ng liham rin kay Lorenzo upang mangamusta at tanungin kung dinalaw na ba siya ni ama sa Madrid ngunit mapang hanggang sa ngayon ay wala parin itong tugon. Pinupuntahan rin ako paminsan minsan ni Leandro upang tignan ang aking kalagayan karaniwang galing kampo siya bago dumalaw. Sina Teodoro at Anna naman ay hindi ko na muling nakita matapos ang gabing yun.
Ngayon ay inimbitahan ako ng mga Saqueza sa kanilang piging. Sila lang naman ang pinaka mayaman na angkan sa San Il Defonso na nagmamayari ng mga iilang pamilihan at namamahala ng mga pinagkakakitaan o negosyo sa daungan. Kilala sila hindi lang bilang mayayaman na tao pati narin ang kanilang mainiting ulo. Ang alam ko kaya't nagkaroon ng piging ay dahil ang unang anak na lalaki ng Senyor ay napili upang maging tagapagpayo ng magiging Gobernador Heneral sa susunod na taon. Magpapalit na kasi ng Gobernador Heneral sapagkat matanda na ito at balak na mamahinga sa trabaho.
Kakatapos ko lang mag ayos ng aking buhok. Wala sila Luningning at Tala dahil inutusan sila ni Nay Esmeralda upang magdala ng buwanang handog ng aming angkan sa simbahan. Kanina pa sila naroroon bakit kaya't hindi ba ito nagsisibalikan samantalang malapit lang ito sa aming bahay. Hindi mo na nga kailangan mag kalesa kung tutuusin sa lapit nito sa bahay. Napagdesisyunan kong sunduin sila dahil ko'y nababahala at hindi mapakali.
Maya maya't dumating na kami sa simbahan. Nang bumaba ako sa karwahe ay naalala ko ang regalo para sa Senyorito ng mga Saqueza na naiwan ko sa aming sala kaya pinabalik ko ang kotchero namin para kunin ito. Pumasok na ako sa loob ng simbahan at walang tao rito dahil siguro sa piging, lahat kasi ng tao sa bayan ay inimbitahan. Nasaan na kaya sila? Nako baka nakipagusap ito sa mga kaibigan nila pero hindi naman nila ginagawa iyon dati kahit sadyang mahilig magsalita ang mga ito. Lagi naman silang nagpapaalam saakin bago makipagusap o pumunta sa kanilang mga kakilala. Pumunta ako sa harapang upuan upang manalangin sa Diyos dahil naririto narin naman ako at marami akong dalahin ngayon. Lumuhod ako upang magdasal ng makarinig ako ng kalabog sa likod ng altar.
Hindi ko pinansin ito nung una ko itong marinig ngunit maya't maya ay sunod sunod na ang mga kalabog na may kasamang daing ng isang tao. Dali dali na akong pumunta sa pinto na papunta sa likuran ng altar kahit may kaba sa aking damdamin. Bubuksan ko na sana ito ng biglang bumukas ito ng kusa at lumabas dito si Madre Miranda na may galos at pasa sa iba't ibang parte ng braso at mukha subalit hindi naman siya malala. Agad sinuot ni Madre Miranda ang kanyang belo ng makita niya ako. Ano ang nangyari sakanya?
"Andito ka pala hija! Ano ang iyong sadya at naparito ka?" Nakangiti niyang bati saakin habang inaayos ang sarili.
"Ah hinahanap ko po sila Tala at Luningning, yung mga nagdala po ng buwanang handog po namin sa simbahan."
"Ganun ba! Nakita ko sila kanina na palabas ng simbahan kasama si Madre Imelia papunta ata sila sa pamilihan. S'ya nga pala napaka ganda ng ayos mo ngayon pupunta ka rin ba sa piging ng mga Saqueza?"
"Oho dadalo po ako."
"Nagmamadali ka ba hija? Gusto sana kita makausap kahit sandali lamang?" Tanong niya ulit. Gusto ko sana tanungin siya patungkol sa kalagayan niya ngunit hindi ko maisingit dahil pagkatapos ko sumagot ay agad agad siyang nagsasalita.
"Hindi naman po ako nagmamadali."
Inaya niya ako papuntang kusina ng simbahan upang doon magkwentuhan habang umiinom ng tsaa. Nang makaupo na si Madre Miranda agad ko siyang tinanong patungkol sa kanyang kalagayan dahil mukhang kailangan agad magamot ang kanyang mga galos at pasa.
" Madre Miranda kung mararapatin niyo gusto ko lang po malamon kung ayos lang po ba kayo dahil nakita ko po kanina na may mga galos at pasa po kayo. Ano po ang nangyari sainyo?"
Tumawa siya bago niya sagutin ang aking katanungan.
"Nako hija ang mga pasang ito ang nagpapatunay na napaka tanda na ng punong madre ng San Il Defonso."
"Ibig ko linisin ang natitirang mga alikabok na itinira ng mga tagalinis dahil ang likuran ng altar ay nagsilbing bagong imbakan ng mga lumang libro at gamit ng simbahan at ng mga pari." Pagtutuloy niya bago inumin ang kanyang tsaa.
"Ganun po ba? Dapat ho nagpatulong kayo sa iba pa pong madre o kaya isang ko nalang ko sila Tala rito kapag nakita ko sila mamaya upang makatulong po sainyo." Pagaalala kong tugon.
"Nako hija wag na! Ako lang naman may nais gawin iyon at tama ka naman at may mga kapatid ako rito sa kumbento ngunit hindi pa ata tapos ang paglilinis nila sa kumbento ngayon kaya't wala pa ang mga dapat tumutulong saakin. Kaya wag ka na mag-alala. Balik pala tayo sa aking gustong ipahiwatig sa iyo, gusto ko sana na batiin ka patungkol sa iyong papalapit na kasal dahil hindi rin ba ito ang lagi mong ipinapanalangin sa Diyos."
"Salamat po." Napangiti nalang ako habang umiinom ng tsaa. Kasal namin. Ito ang isa sa dahilan bakit araw araw ako nasa simbahan tuwing umaga at nanalangin. Mga oras na nangangarap ako na may ngiti sa mga labi.
Nagpasalamat rin si Madre Miranda sa walang tigil na buwanang handog ng aming angkan sa simbahan at sa pagtulong namin sa pagpapatayo ng kanilang munting bahay taniman sa gitna ng kumbento sat simbahan. Kilala ang aming angkan rin sa pagiging rehilyoso. Matapos ang maikling kwentuhan sa kusina ay nagpasya na akong lumisan at magpaalam.
Palabas na ako ng simbahan ng makita ko si Madre Imelia na may dalang mga pagkain na parang pang meryenda. Si Madre Imelia ay ang pinaka bata at pinaka bago dito sa simbahan, mas matanda lang rin ito saakin ng apat na taon kaya't malapit ang loob namin sa isa't isa na parang magkaibigan lamang.
"Magandang hapon Madre Imelia."
"Magandang hapon rin Elena. Paalis ka na? Papunta ka ba sa piging?"
Tumango ako bilang tugon.
"Sayang at umalis ako at hindi tayo nakipagkwentuhan tulad ng dati. Hindi bale sa susunod na ikaw ay dumalaw sisiguraduhin ko na andito ako." Saad niya bago dumeretso sa lihim na hagdan patungo sa pangalawang palapag ng simbahan kung saan may mga nagpipinta sa bubong ng simbahan. Siguro ay pagkain ito ng mga trabahador.
"S'ya nga pala Madre Imelia paki tulungan po si Madre Miranda sa paglinis ng bagong imbakan ng mga lumang libro."
"Elena! Ano ka ba naman bakit mo iyon sinambit?!" Gulat nitong tugon saakin.
"May mali ba sa aking mga sinambit?"
"Malamang mayroon! Alam mo ba kung saan ang bagong imbakan?"
"Oo, hindi ba't sa likod ng altar?"
"Anong sa likod ng altar?! Eh Imbakan yun ng mga tubig at iba pang gamit pang linis at pang ayos ng simbahan. Ang bagong imbakan ng mga libro at iba pang kagamitan ng mga pari ay sa loob mismo ng bahay ng mga pari kaya't si Punong Madre lang ang may karapatan maglinis doon." Sagot niya bago tuluyang tumaas.
Ano?! Imbakan ng mga tubig at iba pang gamit pang linis at pang ayos ng simbahan. Doon ko napagtagpi tagpi ang aking mga nasilayan at pinagninilaynilayan kanina pa.
Ang mga daing kanina boses babae ngunit kung iisiping mabuti at isang batang lalaki ang tumatatanggis. Kung babae man ito kung ikukumpara sa boses na malalim ni Madre Miranda ay malayo ito pero binalewala ko ang kaisipang ito dahil hindi maari ang kadahilanan ng mga pangyayaring ito subalit maari ba itong mangyari?
Ang mga galos at sugat niya ay sadyang mukhang galing sa pagkabangga o sanhi ng mga bagay dahil hindi ito katulad ng mga matutulis o gawa man ng isang tao. Nagkakamali lang ba ako? Ano pa ba ang totoo? Kung ang mga daing nga ay galing sa isang batang lalaki, ibig sabihin kung may kaharasan na nangyayari si Madre Miranda ang nanakit. Hindi. Hindi kaya gawin iyon ng punong madre. Hindi ako mapakali, paano kung tama ang aking hinala?
"Senyorita Elena nakuha ko na ang inyong regalo. Tara na ho ba?" Tanong ng aming kotchero na naghihintay sa bukana ng simbahan.
Sasangayon na sana ako sakanya ngunit hindi talaga mawala sa aking isipan ang mga aking hinuha.
Sandali! May nakalimutan ako! Ang bakas ng dugo sa laylayan ng kanyang damit! Bakit hindi ko naisip agad iyon! Binaliwa ko lang ito dahil akala ko galing sa kanyang mga maliliit na sugat sa kanyang kamay ito at inisip na baka sakaling ipinunas niya ang kanyang mga kamay sa kanyang damit. Subalit kanina may panyo siyang gamit na ipinunas niya sa kanyang kamay noong naghugas siya ng kamay. Kilala rin ang punong madre bilang istrikto sa kalinisan ng itsura pati narin sakanyang lugar na kinalulugaran.
Ibig sabihin ba nito tama ang aking hinala? Walang bata o tao ang lumabas at pumasok sa likod ng altar simula kanina. Ibig sabihin andoon pa sa likod ng altar yung tao o bata.
"Sandali lang ho may titignan lang ho ako." Pag-papaalam ko bago dali-daling pumunta sa may tapat ng pinto ng likod ng altar. Ramdam ko ang kaba at panginginig ng aking mga kamay. Pano kung totoo ang mga iniisip ko? May nasaktan na tao nga ba? Buhay pa kaya siya? Napailing nalang ako kung ano ano na ang aking iniisip. Binuksan ko ang pinto at inaamin ko na nakakapagpigil hininga ito. Madilim ang kwarto kaya kumuha ako ng kandila na nasa gilid ng altar bago pumasok dito.
Nakakita ako ng isang maliit na bintana at binuksan iyon. Nagbigay naman ito ng sapat na liwanag sa kwarto kaya't pinatay ko na ang kandila. Tama si Madre Imelia na imbakan nga ito ng mga gamit panglinis at pangayos ng simbahan, may dalawa rin na imbakan ng tubig na naririto ngunit iyon lang ang nakita ko at walang tao o bata. Baka mali ako...
Baka tama sila Nay Esme masyado na akong nagaalala sa walang ka kabuluhan na dahilan at nagiisip ng malalalim sa mga munting bagay. Lalabas na sana ako ng biglang may dumagundong na dabog sa dulo ng kwarto. Napalingon agad ako patungo roon at bigla kong nakita ang kandila sa aking paa. Pano ito napunta rito? Ito ba ang rason ng ingay? Nakalimutan ko pala ito kunin sa mayimbakan.Napaka layo ang pinagtulungan nito. Teka imbakan ng tubig? Isang lugar na sapat para lagyan ng isang maliit na tao. Hindi ko nasilip ang loob nito. Hindi kaya ang hinahanap ko ay andoon?!
Kumaripas ako ng takbo papunta sa imbakan at sabay na inalis ang mga takip nito. Sinilip ko ito pero wala wala akong nakita. Tubig lang ang laman ng isa samantalang ang isa ay mga iba lang gamit na panglinis. Naka hinga ako ng malalalim at nawala ang takot sa aking puso. Ibinalik ko ulit ang mga takip bago pinipilit alisin sa aking isipin ang aking mga kahibangan sa isipan.
Paalis na sana muli ako ng may malagkit at malamig na bagay ang lumapag sa aking kanang paa. Tumingin ako sa ibaba at nasilayan ang ilang mga daliri sa aking paa. Sa sobrang takot okay napaatras ako at napaupo. May mga daliri... mga daliri na nang gagaling sa ilalim ng sahig?! May nakausling kahoy ng sahig andoon nang gagaling ang mga daliri at daliri ito ng isang bata!
Agad akong tumayo at inusog ang imbakan na may lamang tubig sa gilid upang maiangat ang kahoy kung nasaan ang mga daliri ng tao. Habang inuusog ko ang imbakan ay nanghihina ako sa mga naririnig kong daing ng isang bata na tinatawag ang kanyang ina. Ng naalis ko ang kahoy ay nakita ko ang kalunos lunos na itsura ng isang batang lalaki na halatang pinilit isiniksik sa maliit na espasyo sa ilalim ng sahig.
Dahan dahan ko siyang inalis kanyang kinalalagyan at doon ko mas nasilayan ang kanyang mga sugat at pasa na halatang galing sa pambubugbog. Namumula at namamaga rin ang mukha nito na tila sinampal ng sampung beses. Ihinilig ko sa aking katawang ang gawan ng bata upang masipag ko rin ng mabuti ang kanyang katawan. Wala naman itong malalim na sugat ngunit puno ang kanyang katawan ng mababaw ngunit mahahabang sugat. Mainit na rin ang kanyang katawan na senyales ng pagkakaroon ng lagnat. Binuhat ko ang kanyang katawan at itinakbo papunta sa aming karwahe.
Nadatnan agad ako ng aming kotchero sa harap ng simbahan.
"Senyorita sino po ang batang yan? Ano po ang nangyari?" Tarantang tanong nito.
Sasagutin ko sana siya ng may sumigaw saamin.
"Elena anong ginagawa mo?"
Ibinigay ko ang bata sa kotchero at pinapasok sila sa loob ng karwahe bago harapin ang taong nasa likod namin.
"Ano ang nangyayari dito?"