Chereads / My Boss, My Love / Chapter 2 - Chapter 2: The Encounter

Chapter 2 - Chapter 2: The Encounter

Bago pa man pumatak ang alas 5:00 ng umaga, nasa may kalsada na si Joana at matiyagang hinihintay ang first trip na bus.

Hanggang sumapit ang kinse minutos, ngunit wala pa siyang natatanaw na bus patungo sa kanyang destinasyon. Nag alala tuloy siya na baka hindi nya na inabot ang first trip.

"Nakuu hindi pwede to, alas 7:00 pa ang susunod na bus, siguradong late na ako darating sa trabaho pag nagkaganon, malaki nanaman kaltas sa sahod ko nito" pag aalala niya.

Ngunit naginhawaan siya ng matanaw ang paparating na bus na tumigil para mag pick-up ng pasahero, dali dali nyang hinanda ang sarili habang papalapit na sa kanyang kinatatayuan ang nasabing bus.

"Thank you Lord! hindi ako male-late! " aniya nang tumigil na tapat nya ang bus.

"Good morning mam! sensya na tinanghali kami "bati ng konduktor sa kanya na nagpaliwanag pa kung bakit na delay ang dating nila.

"Naku tamang tama pa rin naman ang dating niyo di pa ako male-late. hehe " mabilis niyang tugon.

Kilalang kilala na si Joana ng konduktor dahil halos dalawang taon na rin siyang bumabiyahe araw araw.

Halos puno na ang bus kaya sa may bandang likuran na nakakuha ng mauupuan si Joana. Pakaupo nya, kinuha nya agad ang cellphone sa bag at tiningnan ang oras, 6:00 na ng makasakay siya. Sandaling minuto pa at nakatulog na siya sa bus.

Dala ng labis na antok, nagising si Joana sa yugyog ng Konduktor.

"Ma'am, sentro na po, bababa na po kayo rito?" malakas na tanong ng konduktor na sinadya para magising siya.

Bahagyang nagulat si Joana at napabalikwas sa upuan. Nakita nya na wala ng kahit isang pasahero sa bus.

"Naku! ano ba yan, pasensya na manong ang lalim ng tulog ko" depensa nya para mabawasan ang hiya.

Agad na siyang bumaba at mabilis na lumakad papasok sa isang department store kung saan siya nagtatrabaho.

Nasa may employees entrance na siya ng dumating din kasunod nya ang kaibigang si Melody.

"Gaaaaaa! ang aga mo ha nauna ka pa sakin" bati nito sakanya

" Anong maaga eh dalawang minuto na lang late nanaman ako oh, kaltas nnaman sa sahod pag nagkataon." tugon nya sa kaibigan.

" Naku kaw talaga daig mo pa ang pamilyado na, workaholic ka masyado, di ka naman yayaman nyan eh. " tukso ni Melody sa kanya.

"Eh talaga namang pamilyado at hindi naman ako mag isa sa buhay, may pamilya akong sinusuportahan noh." mabilis nyang sagot habang nakapatong ang daliri sa biometric para mag time-in.

"Ikaw na ang masipag at ulirang anak" muling tukso sakanya ng kaibigan.

"Tara na nga sa taas magbubukas na ang store, magreretouch pa ako eh." aniya habang hawak ang kaibigan sa braso.

" Nahiya naman ako sayo sa ganda mong yan mag reretouch ka pa?" muling banat ng kaibigan.

" Siyempre galing ako sa biyahe, haggard look na ako." mabilis nyang tugon dito.

"Ay! taray! haggard ka na sa lagay na yan? pano na lang ako?" pang aasar ng kaibigan.

"Bakit maganda ka naman ah, kulang ka lang sa ayos" pamimikon ni Joana.

"Hahaha, pa simple ka din tumira ano, eh ano naman atleast ako may boyfriend, ikaw wala." tukso ng kaibigan.

"Tse! di ko kailangan ng bf noh, wala nga ako pambili sabon at shampoo eh idadagdag ko pa yan sa pagkakagastusan ko." pataray na sagot ni Joana sa kaibigan.

"Sabagay, kahit papano magastos din tlga ang may jowabels " pag sang ayon ni Melody.

"See? kaya pautangin mo ko mamaya 150, balik ko pag sahod ko. Naka budget na kasi allowance ko eh. " lambing nya sa kaibigan.

"Naku, matitiis ba naman kita, mamaya pahiramin kita 500 okie?" galanteng tugon ng kaibigan.

"The best ka talaga Ga! I love you! muah!" muling lambing nya sa kaibigan sabay halik sa pisngi.

"Hala siya, natotomboy ka nanaman sakin ha!"

pabirong sagot ni Melody.

"Ewan ko sayo, masyado akong maganda para maging tomboy, hahahaha! " biro ni Joana.

"Tara na nga, malapit na opening." putol ni melody sa tawa ng kaibigan dahil batid nyang wala nanamang katapusan ang asaran nila.

Si Joana ay agad na dumiretso sa gondola nya, medyo magulo at marumi na ang mga lalagyan ng cosmetics, kaya alam nyang maghapon nanaman siyang mag aayos ng mga produktong hawak nya. Habang ang kaibigang si melody naman ay abala na rin sa pagbibilang ng produkto nya para sa opening inventory.

Medyo madalang ang customers sa store nila, kaya minabuti ni Joana na abalahin na lang ang sarili sa pag aayos at pag lilinis ng displays. Mag aalas 11:00 na ng makaramdam siya ng gutom, hindi kasi siya ng snack break dahil sa tinitipid nya ang budget para umabot hanggang sahuran.

Hindi nya na pinansin ang nararamdang gutom dahil wala rin siyang balak magtanghalian sa mga sandaling iyon.

Sa kabilang dako, si Melody na nakaramdam na rin ng gutom ay mabilis pa sa alas kwatro na pumunta sa gondola ni Joana.

"Gaaa! tama na muna yan, kain na tayo, di ka yayaman nyan magkakasakit ka pa" asar ng kaibigan.

"Sige na ga, di ako nagugutom eh tapusin ko na ito para mamaya makatutok na ako sa pag alok sa customers." sagot nya habang nakangiti para hindi mahalata ng kaibigan na nagsusinungaling siya, kahit ang totoo ay gutom na gutom na siya.

"Sigurado ka ha, sige punta na ako sa canteen ga, kung magbago isip mo pumunta ka na lang dun lilibre kita ulam, okie?" pagmamalasakit ng kaibigan.

"Opo ga, don't worry, enjoy your meal!" masigla nyang tugon sa kabila ng pagkalam ng sikmura.

Umalis na si melody para kumain, nang may dumating na customer. Lumapit kay Joana na sa pagkakataong yun ay abalang abala sa pagpupunas ng gondola. Umatras si Joana ng bahagya para tingnan ng maigi kung maganda na ang pagka arrange nya ng displays, nang biglang nyang nabangga ang papalapit na customer.

"Ay! naku sorry po sir, sorry po, di ko po kayo napansin", hinging paumanhin ni Joana habang yumuyuko yuko bilang pag galang sa customer.

"No, it's ok, di mo naman sinasadya," mabilis na sagot ng lalaki pagkasabi ay ngumiti ng npakatamis dahilan upang lumitaw ang dalawang dimples.

Biglang napatda si Joana ng masilayan ang nasa harapan nya. Hindi nya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso nya nang makita ang lalaki. Matangkad ito, tamang laki ng katawan, mukang professional, at higit sa lahat kamukha ito ng crush na crush nyang celebrity na si Tom Rodriguez.

Marahil ay napansin ng lalaki ang biglang pagkatulala ni Joana, kaya bigla na lang nya binaling ang atensiyon sa mga pabangong nakadisplay. Sabay nagtanong sa kanya.

"Ah miss, alin yung best seller nyo sa perfume?" tanong nya na hindi man lang tumingin kay Joana.

Habang si Joana naman ay masayang pinagmamasdan ang lalaki na pumipili ng pabango.

"Po? ah eh, lahat po yan sir mabenta, depende po kasi sa amoy sir, ang iba gusto matapang, yung iba naman gusto mild lang na ang amoy, pwede mo po siya sir amuyin isa isa, kung alin po magustuhan nyong amoy" mabilis na paliwanag nya na may halong kaba.

Samantala, wala siyang kamalay malay na napansin ng lalaki ang taglay nyang ganda at charm, at palihim itong humanga sakanya na hindi ngpapahalata, kaya minabuti nitong tagalan pa ang pag pili ng perfume. Naisip din nitong kulitin si Joana, para mabasa nya ang personality ng dalaga.

Panay ang salestalk ni Joana sa lalaki, nagtataka siya dahil halos mag iisang oras nya na itong pinapaliwanagan ay wala pa rin itong mapili sa lahat ng pabangong na try nito. Lingid sa kaalaman nya na palihim na natutuwa ang lalaki habang kausap siya at paminsan minsang tinititigan ang kanyang mukha. Hindi na makapigil ang lalaki at lakas loob na nagtanong ng personal na bagay sa dalaga.

"Uhm miss, hope u don't mind, pwede ba malaman kung taga saan ka?"

Bahagyang nahiya at nagulat si Joana, hindi nya inaasahang magtatanong ang lalaki tungkol sa kanya.

"Ah, ano sir, taga Sorsogon City po ako eh", sagot nya na medyo kinakabahan. Di nya talaga maintindihan kung bakit ang weird ng tibok ng dibdib nya

"Talaga? taga Sorsogon City din ako eh, bakit parang ang layo naman ata ng workplace mo?" gulat na tanong ng lalaki.

"Dito po kasi ako naassign eh, no choice, kesa naman po sa walang trabaho, ok na to", tugon nya na may halong lungkot.

Agad namang napansin ng lalaki na hindi masaya ang dalaga sa trabaho nya. Kaya bigla siyang nagsalita.

"Alam mo kasi miss kanina habang panay salestalk mo sakin, napansin ko magaling ka magsalita at makipag usap sa tao, may potential ka as marketer, at magaling ka din sa sales." diretsahang puri ng lalaki kay Joana.

"Naku, hindi nman po ata magaling, pinag aralan ko lang po ang produkto ko para may knowledge ako kung paano ko siya i promote sa customers. " nahihiyang paliwanag ni Joana.

Bahagya namang napahanga ang lalaki sa pagpapakumbaba ng dalaga, dahilan para gustuhin nyang mas makilala pa ng husto ang dalaga at maging kaibigan.

"By the way miss, if u don't mind, may I know your name?" nag aalangang tanong ng lalaki.

"I'm Joana sir", tipid nyang sagot dahil sa sobrang tense.

Nagulat na lng siya ng biglang inabot sakanya ng lalaki ang kamay nito at nagpakilala.

"I'm Erick, nice to meet you Joana, hope we can be friends? " malumanay na pagpapakilala ng lalaki na may halong pakiusap.

Dahil ayaw ni Joana mapahiya ang lalaki sa pakikipagkamay sa kanya, mabilis nyang inabot ang kamay nito na bahagyang nanlalamig. Lalo pang bumilis ang pintig ng puso nya ng mag tama ang mata nila ni Erick habang magkahawak kamay. Para silang na love at first sight sa isa't isa. Di nya na rin namalayan ang namutawi sa mga labi nya habang magkatitig sila.

"Yes sir Erick, i'm willing to be your friend" , sambit nya habang dahan dahang kumakawala sa kamay ni Erick na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay nya. Biglang nag init ang pisngi nya. Di nya maintindihan ang sarili, ngayon lamang siya nakaramdam ng ganoong kaba.

Dahil curios din siya kung bakit napunta si Erick sa lugar ng pinagtatrabahuan nya gayong taga Sorsogon City din ito, nahihiya man ay lakas loob pa rin nyang inalam.

"Ahm, by the way sir Erick, bakit po pala kayo nandito sa Sitio Irosin?" intriga nya sa lalaki

"Well, i have an appointment after lunch, meron akong meeting dyan sa La Luna Hotel." mabilis ng sagot ng lalaki na nkangiti pa rin.

"Ah I see, ok sir , so may napili na po ba kayong pabango?" pag iiwas nyang tanong para hindi masyadong halatang kinakabahan siya.

"Ah yes! of course pwede ba namang wala eh ang galing mo mag salestalk eh", pabiro nitong sagot sabay kindat sakanya at ngiting ubod ng tamis.

Pakiramdam ni Joana ay sasabog na ang puso nya, sa bawat minutong nasa harap nya ang lalaki ay lalo syang kinakabahan

Napansin ni Erick na parang may iniisip si Joana tungkol sa kanya. Bago pa man makaiwas ng tingin si Joana, muli nanaman siyang tinanong ni Erick.

"Joana, would you mind joining me for lunch, my treat?" , diretsong tanong ni Erick na may halong pakiusap.

Hindi naman makaapuhap ng isasagot si Joana, nabigla siya sa sobrang bilis ng mga pangyayari, nag isip din siya ng negatibo tungkol kay Erick.

" Hindi kaya masamang tao to? baka sindikato? o kaya manyak ? pero wala naman sa itsura. Kakakilala lang namin, sasama na ba agad ako sa kanya? sabagay kakain lang naman. Naku bakit sinasabi ng puso ko paunlakan ko paanyaya nya? Hays, bahala na si batman. ", mga naglalaro sa isip ni Joana habang si Erick naman ay hinihintay siyang sumagot.

"Uhm, sure, but where are we going to eat sir? " sagot niya nang makabawi galing sa malalim na pag iisip.

"Teka ba't ba ako nag eenglish", sa isip nya nang mapagtanto na nakikipag englishan na rin siya sa lalaki.

"Good question, dahil mas madalas ka dito kesa sakin at kabisado mo na ang lugar, ikaw bahala kung saan basta medyo private and masarap ang food.

Namula si Joana ng marinig ang sinabi ni Erick na gusto nito ng Private na resto, naisip nya tuloy meron bang ganun?

Naputol ang kanyang pag iisip nang muling magsalita si Erick.

"Biro lang, kahit saan bsta komportable ka", tugon nito na nkangiti.

"Babayaran ko na muna to sa counter and then i'll wait you sa labas?" mabilis ni yang tanong sa dalaga.

Si Joana naman na nabibigla sa mga pangyayari at di malaman ang gagawin ay agad na lang pumayag.

"Ah, yes, hintayin mo na lang po ako sir sa labas mag time out lang ako sa biometric." mabilis niyang sagot kahit medyo labag pa sa kalooban.

"Ok, I'll wait for you", mabilis nitong sagot bago tumalikod at naglakad palabas ng department store.