Chereads / My Boss, My Love / Chapter 5 - Chapter 5: Intimate moment

Chapter 5 - Chapter 5: Intimate moment

Agad na inayos ni Joana ang sarili bago nagsalita. Bagaman hindi makatingin ng diretso kay Erick dahil sa hiya, di niya napigilang magtanong dito.

"Ma--matagal ba ako nakatulog?, a--anong oras na? So--sorry antukin talaga ako." nauutal na tanong niya na hindi makatingin ng diretso kay Erick.

"Hahaha! hey, it's okay! 30 mins ka lang naman nakaidlip. Ang cute mo pala lalo kapag tulog. " nanunudyong tugon ng lalaki.

Dahil sa sinabi ni Erick, nag init ang mukha ni Joana, inisip niya tuloy na baka pinagmasdan siya ng lalaki habang natutulog. Pinili ni Joana wag patulan ang panunukso ni Erick, sa halip iniba niya ang topic.

"Siguro hindi na tayo makakapag swimming, naubos na ang 30 mins sa pagtulog ko eh, umuwi na siguro tayo?" si Joana na hindi maitago ang pagkailang.

"Huh? naku, sayang naman ng pagpapalit natin ng pan swimming at pag upa ko sa room kung di rin tayo maliligo sa pool? " malungkot na tugon ni Erick.

Bahagyang na-guilty naman si Joana, narealize niya may point naman si Erick at siya naman ang may kasalanan dahil natulog siya. Kaya nag desisyon siyang mag swimming na lang para makabawi sa lalaki. Sa pagkakataong ito, wala na siyang pakialam kung anong oras man sila umuwi ni Erick, gusto din naman niyang makalimutan

pansamantala ang mga problema at mag enjoy kahit minsan lang.

"O sige na nga, mag swimming na tayo!" masigla niyang tugon sa lalaki.

"Yes! hindi pa nga tayo nagkukwentuhan eh, sa tingin ko perfect time to para mas makilala din natin ang isa't isa." nakangiting sagot ni Erick sa dalaga.

" Well then, let's go? " tipid niyang sagot sa lalaki sabay talikod at diretsong naglakad papunta sa pintuan ng kwarto.

Sinundan naman agad siya ng tingin ni Erick na sa pagkakataong iyon ay di maitago ang paghanga sa magandang katawan ng dalaga, tinitigan niya ang makinis nitong likod, at bahagyang bumaba ang tingin sa matambok na puwetan ng dalaga hanggang sa mahahaba at makinis nitong legs. Nakaramdam si Erick ng init ng katawan at napalunok na lang sa nakitang kagandahan ng dalaga. Iniwas na lamang niya ang tingin para maibsan ang init na nararamdaman niya at mabilis na kinuha ang bathrobes nilang dalawa at dali-daling sumunod sa dalaga.

Nang makarating na sila sa pool ng hotel, palihim na napangiti si Erick dahil walang ibang tao doon maliban sa kanilang dalawa, tinawag niya ang naka istambay na staff at binulungan na magdala ng flavored beer para sa kanila ni Joana. Sa mga oras na iyon, parang batang galak na galak si Joana nang makita ang pool. Agad na inalis ang tsinelas at naupo sa gilig ng pool at nagtampisaw sa tubig. Nagulat siya nang biglang sumulpot sa tabi niya si Erick. Halos magkalapat ang mga braso nila, sa di maipaliwanag na dahilan ay may kakaibang sensasyon ang naramdaman ng dalaga.

"Do you know how to swim? " biglang tanong ni Erick sa dalaga.

" Naku, hindi eh, hanggang bewang lang nga kaya ko, takot na ako sa malalim." nahihiyang tugon ng dalaga.

"Don't worry, tuturuan kita lumangoy, yung basic lang, para kung sakaling mag isa ka tapos naramdaman mong nalulunod ka, eh alam mo gagawin mo." pangungumbinsi ng lalaki.

"Sabagay, nalunod na din kasi ako dati sa dagat eh, mga 10 yrs old pa lang naman ako nun, buti nakita ako ng tatay ko, kaya takot na takot na talaga akong pumunta sa malalim." kwento ng dalaga.

Bumaba si Erick sa pool na halos hanggang dibdib niya ang lalim.

"C'mon! I will teach you. " nakangiting sambit ni Erick habang iniaabot ang kamay sa dalaga para alalayan itong bumaba sa pool.

Hindi naman nabigo si Erick, agad na inabot ni Joana ang kamay niya at dahan dahan bumaba sa pool, ngunit biglang nanginig ang katawan ng dalaga nang maramdaman niyang malalim ang tubig na halos umabot sa leeg niya. Kaya naman dala nang takot ay bigla siyang napayakap kay Erick.

"Erick, ayoko ang lalim, di ko kaya" takot na sambit ng dalaga habang nakapulupot pa rin sa lalaki.

Sa pagkakataong iyon ay lihim na nasisiyahan si Erick dahil sa posisyon nilang 'yon. Ngunit hindi siya nagpahalata sa dalaga at pinili pa rin maging gentleman.

"I-Im sorry, wait dadalhin kita dun sa medyo mababaw." natatarantang tugon ng lalaki at dinala sa mababaw na bahagi si Joana.

"Im sorry kung natakot ka, sige dito na lang tayo mag aral sa medyo mababaw. First tuturuan kita mag floating." nakangiti nitong tugon habang kinukumbinsi ang nanginginig na si Joana.

Di malaman ni Erick kung nilalamig ba si Joana o natakot lamang talaga dahil patuloy pa rin ito sa panginginig. Hanggang sa magsalita ang dalaga.

"E-Erick..nila-nilala-mig ako eh." sambit ni Joana na di mapigilan ang pag chill ng buong katawan.

Ha? nabigla ka ata, hindi ka kasi nag shower eh kaya siguro nabigla ang katawan mo. Di bale may inorder ako na tiyak makakapag alis ng panlalamig mo. Umahon na muna tayo." si Erick na naisip ang inumin na inorder niya.

Pagkasabi nun ay inalalayan niya nang umahon si Joana at agad niyang sinuotan ng bathrobe ang dalaga. Saktong pagdating ng inorder niya, isang bucket na flavored beer at chicken wings at sisig na pulutan. Agad na inilapag ng waiter ang mga ito sa mesa na naroon at sumunod naman ang dalawa dito.

"This is perfect!" ani ni Erick na hindi maitago ang excitement sa pagkain.

Agad na binuksan ang dalawang flavored beer at iniabot kay Joana ang isa.

"Naku, sorry di ako umiinom eh." tanggi ng dalaga.

"Don't worry 5% lang naman alcohol content nito, hindi ka malalasing ng isang bottle lang, try it, flavored yan Kaya I'm sure magugustuhan mo. Makakatulong din yan para mawala ang panlalamig mo, mamaya pag ok ka na balik ulit tayo sa pool. " pangungumbinsi ni Erick sa dalaga.

Sinubukan namang tikman ni Joana ang alak, at nagustuhan ang lasa nito. Hindi niya namalayan naubos na niya ang isang bote at kusang nagbukas ng isa pa. Nag alala si Erick na baka malasing ang dalaga. Kaya pinigilan niya ito nang mangalahati na ang pangalawang bote nito.

"Ahm, hey, that's enough, baka malasing ka, di kita kayang buhatin." saway ni Erick sa dalaga na dinaan sa biro para hindi ito ma offend sa kanya.

" Lasing, eh sabi mo nga 5% lang naman alcohol nito, first time ko uminom, masarap pala, nakakaadik ang lasa. " masiglang tugon ni Joana.

"Ah basta last na yan na bote ha, mag su-swimming pa tayo eh." nakangiting tugon ni Erick.

"Okay po , pero kwentuhan muna tayo." ani ng dalaga.

"Sige ano gusto mo pag usapan natin? " tanong ni Erick.

"Tungkol sayo, your family, your work, your love life." agad na sagot ng dalaga na di maitago ang curiosity.

"Sige, I'm Erick Valladolid, 36 yrs old, I am a distributor of Coca cola products in the whole province of sorsogon, nag iisang anak lang ako, my mom passed away last year and my father died when I was in college. I had my first love when I was 30, we even got engaged, but after 4 years of our intimate relationship, she left me without a word. Until now, I dont know her whereabouts. I felt so alone when she left me. But I realized, it's not the end of the world for me, I know one day, i will find love again." Mahabang kwento ng lalaki na hindi maitago ang lungkot sa mga mata nito.

Bahagyang kumirot ang puso ni Joana dahil sa mga sinabi ni Erick, di niya maunawaan ang nararamdang lungkot lalo na nang malaman niyang may isang babaeng labis na minahal ang binata. Nagulat din siya ng malaman ang edad nang binata, dahil wala sa itsura na thirty six na ito. Nalungkot din siya dahil pakiramdam niya ang lungkot ng buhay ng binata.

"I'm sorry, dapat pala hindi kita tinanong. " si Joana na bahagyang na-guilty.

"No , it's okay!, mas mabuti na yun na alam mo ang kwento ng buhay ko." si Erick sabay ngiti sa dalaga.

"Now it's your turn! " si Erick na inayos pa ang upo para ihanda ang sarili sa pagkukwento ng dalaga.

"Ha? , a-ako na ba? " si Joana na biglang kinabahan sabay lagok ng alak.

Sa pagkakataong iyon, bahagyang nakaramdam si Joanan ng panghihilo, ngunit di niya yun pinansin bagkus ay lumagok ulit ng alak bago nagsimulang magkwento.

"Ma-mahirap lang kami, kulang sa lahat ng bagay, broken family, naghiwalay mga magulang kasi tamad tatay ko, bungangera nanay ko, mainitin ulo, madalas kami pagbuntunan ng galit lalo pag walang wala kami. Kaya ako nagtatrabaho ng puspusan para masuportahan pamilya ko, kung tungkol naman sa love life, maraming gusto manligaw, pero sadyang wala pa talaga akong panahon para diyan." maiksing kwento ng dalaga na puno ng pait ang bawat sinasabi. Kasabay nun ang tuloy-tuloy na pa salin ng alak at pag lagok na sa tungin niya ay makakapawi ng bigat na nararamdaman niya.

Ramdam ni Erick na mabigat ang pinagdadaanan ng dalaga. Napansin din niyang lasing na ito dahil halos limang bote na ang naubos ng dalaga. Alam niyang nadadala lamang ang dalaga sa bigat ng kinikimkim nitong problema. Masaya siya dahil kahit papano nalaman niya ang tungkol sa buhay ng dalaga. Napansin naman nito ang saglit na pananahik niya.

"Oh? di ka na umimik diyan? na-nagulat ka ba na ma-malaman kung-- gano ka--gulo ng buhay ko? Hahaha!" si Joanan na utal-utal na magsalita dahil sa kalasingan.

"I think that's enough, lasing ka na kasi, uuwi na tayo." si Erick na nakaramdam ng awa sa dalaga dahil batid niyang pinipigilan nito na huwag umiyak sa harapa niya.

"U-umuwi??! kala ko ba mag--magsu-swimming pa ta--yo? " si Joana na parang wala na sa katinuan.

"No. let's go home, iuuwi na kita, lasing ka na eh." si Erick na biglang tumayo at akmang aalalayan si Joana.

"La--sing? ano ba sina--sabi mo? Di a-ko lasing! Tingnan mo nga oh! si Joana na biglang tumayo para ipakita kay Erick na hindi siya lasing. Ngunit kabaliktaran ang nangyari dahil bigla siyang natumba. Mabilis naman siyang nasalo ni Erick.

"See?? lasing ka na, halika ka na magpalit ka na ng damit sa room para makabiyahe na tayo." si Erick na nag-aalala sa dalaga.

"Alam--mo ikaw? ang labo mo ,ka--kanina, gus-gusto mo mag swim--ming, tapos-- tapos ngayon, gus-gusto mo na um-umuwi. Ba-ha-la ka, dito lang ako mag mag-eenjoy." si Joana na umandara ang kakulitan dahil sa kalasingan. Bigla nitong hinubad ang bathrobe na nakatakip sa swimsuit niya

Nalantad kay Erick ang seksing katawan ng dalaga, bigla siyang nakaramdam ng init sa mukha. Nagulat siya Erick sa ginawa ng dalaga kaya bigla nitong kinuha ang bathrobe sa kamay ni Joana at itinakip sa katawan nito.

"A-ano ba prob-problema mo? Ang init! gus-gusto ko ma--maligo sa pool! pagmamaktol ng dalaga.

"Okay-okay! let go swimming, but afterwards, we'll go back home." striktong pahayag ng binata.

"Yey! sala--mat pogi! " nabulalas ng lasing na lasing na si Joana.

Bagama't alam ni Erick na wala na sa wisyo ang dalaga dahil sa kalasingan, bahagya naman siyang kinilig ng tawagin siya nitong pogi. Kasunod nun ay inakay na niya ang dalaga patungi sa pool at inalalayan sa pagbaba sa tubig. Dahil sa lasing ang dalaga, minabuti niyang alalayan lang ito habang nakababad sa pool. Si Joana naman ay nawiwili at ineenjoy lamang magbabad sa tubig habang si Erick ay masayang pinagmamasdan ang dalaga. Minabuti ni Erick na magbukas ng usapan habang nakababad sila sa tubig.

"Joana, kahit kailan ba wala ka pang lalaking nagustuhan sa lahat ng nanligaw sayo?" si Erick na diretsahang tinanong ang lasing na dalaga.

"Hmmm, me-meron..pe--ro hindi ko siya man--manliligaw. Ha-ha-ha! sagot ng dalaga na sinabayan pa ng malalakas na tawa.

Samantala si Erick naman ay nakaramdam ng lungkot, hindi niya maipaliwanag kung bakit tila ba nasaktan siya sa ipinagtapat ng dalaga.

Napansin naman ng dalaga na natahimik siya.

Walang ka malay-malay si Erick na siya ang tinitukoy ng dalaga.

Si Joana naman ay parang sasabog na, naghuhumiyaw ang kanyang damdamin, gusto niyang aminin sa binata ang nararamdaman niya, pero natatakot siya dahil alam niyang kakakilala pa lamang niya sa binata at hindi niya tiyak kung gusto niya ba ito o paghanga lamang ang nararamdaman niya. Sa huli, mas pinili niyang manahimik at maghintay sa sasabihin ng binata.

"Joana, i want to be honest with you. I know this may sound funny, but I can't help it. I think, I-- I like you Joana." diretsahang pagtatapat ng binata.

Bahagyang nahimasmasan ang kanina'y lasing na si Joana dahil sa pagtatapat ng binata sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Magsasalita na sana siya ng maramdaman ang paglapit sa kanya ng binata. Halos isang pulgada lamang ang pagitan nila. Dinig niya ang tibok ng kanyang puso dahil sa magkahalong kaba at saya ng damdamin. Magsasalita na sana siya ng maunahan ng binata.

"I like you Joana." si Erick na sobrang lapit na sa mukha ng dalaga.

Nag-init ang mukha ng dalaga, napasinghap siya ng maamoy ang hinga ng binata na naghatid kakaibang kilig sa kanyang kabubuuan. Nagsalubong ang kanilang mga mata na wari'y nangugusap sa bawat isa.

Pinagmasdan ni Erick ang magandang mukha ng dalaga, ang mapupungay nitong mata, ang matangos nitong ilong, at ang mapupula nitong mga labi. Sa pagkakataong iyon, lalong nag init ang mukha ni Joana, hindi niya alam kung epekto ng alak na ininom niya o dahil sa nararamdan niyang kaba sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay para siyang lalagnatin.

Napaiktad si Joana ng maramdaman ang kamay ni Erick sa kanyang baba at bahagya itong itinaas ng binata. Bago pa man makapag protesta, naramdaman niya na ang paglapat ng labi ng binata sa kanyang mga labi. Sa una ay pinapakiramdam lamang siya nito, hinihintay na paunlakan niya ang halik ng binata, gusto niyang tumutol, pero hindi niya maintindihan ang sensasyong dala ng paglapat ng kanilang mga labi sa kaibuturan ng kanyang pagkababae. Hindi man niya aminin, alam niyang gusto niya ang nararamdaman sa mga oras na yun. Wala sa loob na napapikit ang dalaga kasabay niyon ay ang bahagyang pagbuka ng kanyang mga labi. Para kay Erick, iyon ay hudyat na gusto ng dalaga ang paghalik niya kaya hindi na niya napigil ang sarili, sinuyo niya ang labi ng dalaga na nag aanyaya sa kanyang halik. Napasandal si Joana sa gilid ng pool habang ang kanyang mga labi ay nakakulong sa mga labi ng binata. Bagama't kapwa nakababad sa tubig ang kanilang mga katawan, pakiramdam ni Joana ay sinisilaban siya sa init na nararamdaman mula sa mapupusok na halik ni Erick. Tuluyan nang nagpatangay si Joana, gumanti siya ng halik sa binata, bagaman first time niya makipag halikan, ay tila ba awtomatikong alam niya kung ano ang gagawin. Dahil sa bugso ng damdamin at ligayang nararamdaman sa pagkakataong iyon, wala sa loob na ipinulupot ni Joana ang mga braso sa leeg ng binata. Dahil dito mas lalong umalab ang halik ni Erick sa dalaga na para bang wala siyang balak tapusin ang sandaling namamagitan sa kanila. Kasabay ng mapupusok na halik , ay ang malilikot na kamay ni Erick na naglalandas mula sa batok ng dalaga pababa sa kanyang likod. Napakislot naman ang dalaga dahil sa kiliting naramdaman. Halos wala nang pagitan ang kanilang mga katawan, hindi na nila maramdaman na nakababad pa sila sa tubig dahil mas nangingibabaw ang init ng katawan na nararanasan nila dala ng kanilang nag aalab na mga damdamin.