Chereads / My Boss, My Love / Chapter 3 - Chapter 3: "First Date"

Chapter 3 - Chapter 3: "First Date"

Nalilito si Joana sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon, halos manlamig ang buong katawan nya sa sobrang kaba. Iniisip nya kung tama bang pumayag siya agad lumabas kasama ng lalaking kakakilala lamang niya. Pero hindi niya rin maintindihan kung bakit parang pakiramdam nya ay magkakaroon sila ng mas malalim na ugnayan sa isa't isa.

Bago mag break, nagtungo muna si Joana sa banyo upang ayusin ang sarili. Una nyang inayos ang kanyang buhok, minabuti nyang itali ng medyo nakataas ang kanina'y nakalugay nyang buhok. Nag retouch din siya ng kanyang light make up at nag spray ng pabango. Bigla tuloy siyang napailing sa sarili dahil hindi niya naman karaniwang ginagawa ito lalo na kapag mag lulunch break lang naman.

"Siya na kaya si Mr.Right ko?" tanong ng dalaga sa sarili habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin.

"Hays! ano ba yang iniisip mo Joana, inaya ka lang kumain binigyan mo na agad ng ibang meaning? Hindi ba pwedeng mabait at gentleman lang yung tao at gustong makipagkaibigan?" pagalit nya sa kanyang sarili.

"Joana, relax ok? kakain lang kayo , yun lang yun." patuloy nyang pag kalma sa sarili.

Habang si Erick naman ay matiyagang naghihintay sa dalaga sa labas ng Department store, di niya mapigilang mapangiti dahil di siya makapaniwala na napapayag nya lumabas si Joana kahit kakakilala pa lamang nila sa isa't isa. Lingid sa kaalaman ng dalaga, labis siyang hinangaan ni Erick hindi lamang dahil sa taglay na kagandahan, kundi maging sa personality ng dalaga.

Habang malalim na nag iisip si Erick, di nya namalayan ang papalapit na si Joana sa kinatatayuan nya.

"Ahm, sir Erick? tara na po?" mahinang pukaw ng dalaga kay Erick na nakatingin sa kawalan.

"Ha? Ah eh, Joana! andyan ka na pala? kanina ka pa ba?" nahihiya nitong tanong sa dalaga na iniisip kung bakit di nya napansin na lumapit ito.

"Ah, hindi naman po, pasensya na po medyo natagalan ako." mabilis na sagot ng dalaga sabay hingi ng paumanhin.

"Naku ano ka ba, walang anuman yun , ganyan naman talaga ang mga babae kumilos eh." pabirong tugon ni Erick.

Hindi maintindihan ni Joana kung bakit may kaunting kirot sa puso nya ang sinabi ni Erick. Bigla siyang napaisip na baka sanay sa babae si Erick.

"Siguro chikboy tong loko na to?" palihim nyang sambit sa sirili.

"Hmp, ganun ka nga, di ka uubra sakin noh!, kala mo madali mo kong makukuha? tse! tingnan natin kung di ka mapahiya. " patuloy nyang tugon sa sarili.

Samantala, napansin naman ni Erick na medyo nag iba ang aura ng dalaga na wari'y nag iisip ng malalim tungkol sa kanya.

Kaya naman mabilis na siyang nagsalita para maiiwas nya kung ano man ang mga iniisip ng dalaga.

"Tara na sa parking area, dun ako naka park." tugon nya sa dalaga na nakangiti habang iginigiya papunta sa parking lot ng department store.

"Wow, may sasakyan siya? yayamanin nga talaga to, eh ano naman? kung playboy ka di pa rin ako makikipag kaibigan sayo," patuloy nyang sambit sa sarili.

Nakarating na sila sa sakyan ni Erick, isang Toyota Fortuner na mukhang bagong bili lang, tinted ang salamin nito na agad napasin ni Joana at muling napaisip ng masama tungkol kay Erick.

"Naku, siguro sinadya nyang ipa tinted ang salamin para kahit sa loob ng sasakyan pwede nyang pagsamantalahan ang babae."

Naputol ang kanyang pag iisip ng maramdaman nyang hinawakan siya ni Erick sa siko at ipinagbukas ng pinto. May kaunting kuryenteng dumaloy sa buong katawan ng dalaga at hindi nya naiwasang kiligin sa ipinakitang pagka maginoo ng lalaki.

Pakasakay ni Joana sa katabi ng driver seat, agad na sinara ni Erick ang pinto at agad nagtungo sa driver seat para paandarin ang sasakyan. Sa pagkakataong iyon, nanlalamig nanaman ang buong katawan ni Joana dahil sa sobrang kaba ng magkalapit na sila ni Erick sa loob ng sasakyan. Naaamoy din nya ang mabangong perfume ng lalaki dahil kaunting pulgada lang naman ang pagitan nila.

Napansin ni Erick na parang hindi komportable ang dalaga kaya tinanong nya na ito.

"Joana are you ok? napansin ko kasi tahimik ka, hindi ka ba komportable sakin?" tanong ng lalaki na may halong pag aalala.

"Naku hindi naman po sir, ok lang po ako, hindi lang po siguro ako sanay sumakay sa mamahaling sasakyang tulad nito." pagsisinungaling nya habang nakangiti sa lalaki .

"Hay salamat naman, kala ko kasi ako ang dahilan bakit ang tahimik mo eh, anyways masanay ka na sumakay dito kasi magkaibigan na tayo diba?" sagot nito sakanya na may kasamang lambing sa boses.

Bago pa man ulit makapagsalita ang dalaga, naunahan na siya ni Erick.

"So, saan na nga tayo kakain? " tanong nito na bahagyang humarap sa dalaga ngumiti ng napakatamis na nagpalitaw sa mga dimples nito.

Napahanga naman ang dalaga sa kagwapuhan ng lalaki, kaya di nya maiwasang titigan ito. Di nya na namalayan na nakatulala pala siya sa mukha ni Erick. Nagising ang diwa nya ng marinig niyang muling nagsalita ang lalaki.

"Ahem, Joana? may dumi ba ako sa mukha?" biglang tanong ni Erick sa dalaga

"Ha! ah-eh, kuwan, oo may dumi ka sa gilid ng mata mo," utal utal na pagsisinungaling nya upang pagtakpan ang hiya.

Agad naman nilinis ng lalaki ang gilid ng mata sa pag aakalang totoong may dumi nga siya. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin nya ang namumulang pisngi ng dalaga.

Kaya di nya maiwasang magtanong ulit dito.

"Are you sure ok lang Joana?, may lagnat ka ba? namumula ka kasi eh. " sunud sunod na tanong nito sa dalaga.

Walang maapuhap na isasagot ang dalaga kaya nagpasya na lamang siyang sagutin ang tanong ni Erick kung saan sila kakain.

"Ah sir, meron resto na medyo native ang dish doon sa may malapit sa pier, gusto nyo po bang i try?"

"Oh sure! i loved to, medyo sawa na din ako sa fine dine eh, maiba naman." sagot nito sakanya na may halong excitement sa mga mata nito.

"Shall we?" tanong nito sa dalaga pagkatapos i-on ang engine ng sasakyan

"Yes! " tipid nyang sagot habang nakangiti.

Nang makarating sa restaurant na binaggit ni Joana, agad bumaba ng sasakyan si Erick upang ipagbukas ang dalaga.

Palihim namang kinilig ang dalaga dahil pakiramdam nya para siyang prinsesa kung pagsilbihan ng lalaki.

Bahagyang nawaglit ang lahat ng masama niyang iniisip tungkol dito.

Sabay na silang pumasok sa nasabing resto, mangilan ngilan lang ang nandun. Mabilis na nahagip ng mata ni Erick ang bakanteng mesa na pandalawang tao at medyo tago, iginiya nya ang dalaga papunta doon at agad nya munang pinaupo si Joana bago siya naupo.

"Let's order?" tanong ni Erick sa dalaga

"Sige, try mo yung specialty nila dito, pinangat at bulalo," pagbibida nya dito.

Agad namang tinawag ni Erick ang waitress na natayo sa di kalayuan. Habang isinusulat ng waitress ang order nila, kinuha ni Joana ang cellphone niya upang tingnan ang oras. Pasado alas dose na ng mga oras na yun at kailangan nya makabalik sa trabaho ng ala una.

Habang naghihintay ng order, si Erick ay nagsimulang makipagkwentuhan sa dalaga.

Nagulat ang dalaga sa unang tanong ni Erick sa kanya.

"Ahm, Joana do you have a boyfriend?", seryosong tanong nito nakatitig sa kanya ng diretso.

Napatda naman si Joana at hindi nakapagsalita agad. Hindi nya mawari kung bakit nagtatanong ng mga ganitong bagay ang lalaki.

"Ha? , naku sir , wala pa po sa isip ko yan, trabaho lang po pinagkakaabalahan ko eh." tapat niyang tugon dito kahit nahihiya.

Bigla namang umaliwalas ang mukha ni Erick sa sagot ng dalaga. Samantalang si Joana naman ng mga sandaling iyon ay pinipigil ang sarili na wag na magtanong tungkol sa personal na buhay ng lalaki. Hangga't maari ayaw niyang magpakita ng interes sa lalaking kakakilala pa lamang niya kahit na nga gustong gusto nyang itanong kung may asawa na ba ang ito.

Sandaling katahimikan ang namutawi, sakto namang pagdating ng inorder nilang pagkain.

"Ma'am sir, order's complete na po. Thank you and enjoy your lunch." ani ng waitress na nag serve ng pagkain at magalang na nagpaalam.

"Wow! nakakatakam, tara kain na tayo?" excited na paanyaya ni Erick sa dalaga habang nakangiti.

"Opo sir, tara let's eat." masigla niyang tugon dito.

Tahimik na kumain ang dalawa na halatang parehas gutom at sarap na sarap sa mga putahe.

Napansin ni Erick na may dumi si Joana sa bandang labi nito kaya agad siyang kumuha ng panyo at pinunasan.

Nagulat naman si Joana sa ginawa ni Erick, at bakas ang pamumula sa pisngi ng dalaga dahil bahagya siyang kinilig sa ginawa nito.

Habang si Erick naman ay nginitian lamang ang dalaga ng pagkatamis. Muli silang nagpatuloy sa pagkain at tahimik na nilalasap ang masarap na pagkain.

Nang matapos, sinulyapan ni Joana ang kanyang cellphone upang tingnan ang oras.

Nabigla siya nang makita na pasado ala una na.

Nahihiya siyang magpaalam agad dahil halos katatapos lang nila kumain. Napansin naman agad ni Erick na balisa ang dalaga kaya di nito napigilan na hindi magtanong.

"Joana what's wrong? Hindi mo ba nagustuhan ang food?" tanong nito na may halong pag aalala.

"Ha? ay hindi po sir, pagkasarap nga po eh, kuwan po kasi, ahm.., eh, late na po kasi ako sa work eh, sobra na po ang break ko." nahihiyang paliwanag ng dalaga.

"Ha, ganun ba? so aalis ka na?" tanong nito na bakas ang lungkot sa mga mata.

"Opo sana eh, tsaka diba po may meeting din po kayo? Baka ma late po kayo sa appointment niyo?" tugon ng dalaga.

"Ah, yes you're right, sige I'll pay our bills first then let's go together, ihahatid na kita tutal halos magkatapat lang naman ang Hotel La Luna at ang store na pinagtatrabahuan mo." mabilis nitong sagot habang dumudukot ng pera sa wallet. Pagkatapos ay tinawag ang waitress na agad namang lumapit at ibinigay ang bill sa kanya.

"Miss, keep the change." ani niya sa waitress na bahagyang nginitian.

Napahanga naman si Joana sa lalaki dahil batid niyang hindi ito kuripot.

Pagkabayad ay tumayo na ang dalawa at sabay na naglakad palabas ng resto.

Pagdating sa sasakyan, muling ipinagbukas ni Erick ng pinto ang dalaga. Bago paandarin ang sasakyan, tiningnan nya ng diretso si Joana na may halong lungkot sa mga mata.

Si Joana naman ng mga sandaling iyon ay parang matutunaw sa lagkit ng tinginnsa kanya ni Erick. Nang hindi makapagpigil, napilitan siyang magtanong dito.

"Ahm, sir bakit po? may dumi po ba ako sa mukha?" tanong nya rito at bahagyang nagbaba ng tingin dahil nag iinit na ang kanyang mukha.

"Pasensya ka na, nabitin lang kasi ako sa kwentuhan natin kanina, andami ko sanang gustong itanong sayo." sagot nito na bakas panghihinayang.

"Ah, oo nga po sir eh, malay nyo po next time baka magkasalubong po ulit tayo." mabilis na sagot ng dalaga.

"Pwede ko bang malaman kung anong oras ka uuwi sa Sorsogon? " muling tanong nito sa kanya.

"Alas singko po out ko sa work kasi hahabulin ko po ang last trip ng bus papuntang sorsogon.", sagot niya rito.

"Joana, pwede ba ulit kita sunduin mamaya at sabay na tayong bumiyahe pa sorsogon? Para naman may kausap ako sa biyahe at nang hindi ako antukin." pakiusap nito sa kanya.

Nagulat si Joana sa pakiusap ng lalaki, gusto nya tanggihan ito dahil ang totoo ay hindi pa siya masyadong komportable kasama ito at iniisip din nya na baka may magalit kapag sumama siya dito. Mukhang nabasa naman ni Erick ang iniisip nya at agad na nagsalita.

"Don't worry Joana, I'm harmless , and I'm single too, kaya walang magagalit kung may kasama akong napakagandang babae." pabiro nitong tugon sa dalaga

Namilog naman ang mata ni Joana pagkarinig sa mga sinabi nito, lalo na ang sinabi nitong "harmless" siya. Inisip niya tuloy, nababasa ba nito ang utak nya? Hindi rin siya agad naniwala sa sinabi ng lalaki na single ito, dahil sa sobrang kagwapuhan nito di maiiwasang maraming babae ang magkakandarapa dito.

Samantala, si Erick naman ay naghihintay ng sagot mula sa dalaga. Palihim siyang nagdarasal na sana ay pumayag itong makisabay sa kanya pauwi.

"Ok po sir, basta wala po talagang magagalit ha? " paninigurong tanong ng dalaga.

Nagdiwang naman ang kalooban ni Erick ng marinig ang sagot ng dalaga. Hindi nya pinahalata dito ang sobrang kasiyahan.

"Ok, then I'll pick up at 5:00 pm?" masayang tanong nya sa dalaga.

"Yes sir, sige na po tara na po kasi baka mamaya abutin po tayo ng ala singko dito." pabiro nyang tugon dito.

"hahaha, yeah tama ka, by the way, pwede bang wag mo na ako tinatawag na sir? Erick na lang?" pakiusap nya sa dalaga.

"Ho? ah eh, ok po sir Eri-- I mean Erick." sagot nya rito na ma pag aalinlangan.

"Good girl!" pabiro nitong tugon sa kanya sabay kindat sa dalaga.

Pakiramdam ni Joana ay maloloka siya pag kasama ang lalaking ito, hindi nya maitanggi na may kaunti siyang paghanga para dito. Ngunit alam niyang gusto lang naman nito makipagkaibigan kaya hindi na nya binigyan ng iba pang kahulugan ang mga ginagawa nito.

Pinaandar na ni Erick ang sasakyan at hinatid si Joana sa harap mismo ng employees entrance. Sakto namang may mga empleyadong papasok pa lang galing kumain at nasipat ang dalaga na bumaba sa isang mamahaling saksakyan.