Chereads / My Boss, My Love / Chapter 4 - Chapter 4: "First Kiss"

Chapter 4 - Chapter 4: "First Kiss"

Pagkababa ni Joana sa sasakyan ni Erick, halos takbuhin na nya ang biometric upang mag time-in. 1:30 na oras sa biometric, alam nyang may kaltas nanaman ang sahod nya, bahagya niyang sinisi si Erick.

"Hay naku, kung di ako sumama sa taong yun hindi sana ako na late!" sa isip ng dalaga.

Bago pa man tuluyang umakyat sa selling area, nahagip nya ng tingin ang mga empleyadong nagbubulungan. Alam niyang siya ang topic ng mga ito, pero dahil nagmamadali na, hindi na siya nagbigay ng ano pa mang komento at hinayaan na lang nya ang mga katrabaho na pag usapan siya.

Mababait naman ang mga katrabaho ni Joana, alam nila kung gaano ka dedikado pagdating sa trabaho si Joana. May mga ilan ilan din na humuhanga kay Joana dahil sa angking kagandahan at kasipagan ng dalaga. Mabait at marunong makisama si Joana sa mga katrabaho nya, kaya naman gustong gusto siya ng mga ito.

Samantala, naabutan ni Joana ang kaibigang si Melody na abala sa pag aayos ng hawak na produkto. Dinaanan nya ito at sinadyang wag magpahalata dahil alam nyang magtatanong ito kung saan siya galing at bakit late na siya nag time-in. Naalala pa nya ang sinabi nito na puntahan lang siya sa canteen kung kakain siya ng tanghalian. Wala siyang balak banggitin sa kaibigan ang mga naganap sa pagitan nila ng kakakilala pa lang na si Erick. Alam nya na sesermonan lamang siya nito dahil sumama siya sa taong ngayon lamang nya nakilala.

Pero sadyang malakas ang radar ng kaibigan nya. Napansin siya nito na dumaan kaya hindi na siya nakatakas sa pag intriga ng kaibigan.

"Hooy babae!, saan ka po galing??", kumain ka ba ng tanghalian?, bakit di ka sa canteen kumain eh sabi ko sayo lilibre kita, saan ka ba nagpunta at ngayon ka lang?" sunud-sunod na tanong ng kaibigan habang siya naman ay nag iisip ng alibi dito.

"Gaaa, ano ka ba nawala lang ako saglit miss mo na agad ako", pabiro nyang sagot sa kaibigan para hindi siya mahalata nito.

"May pinuntahan lang ako importante, nag scout ako ng hiring somewhere." pagsisinungaling nya.

Pero lingid sa kaalaman nya na sentro siya ng usapan sa selling area habang wala siya.

"Naku gaaaa, para namang di tayo magkaibigan, naglilihim ka na sakin, magtatampo ako nyan, hmp!", makahulugang tugon sakanya ng kaibigan na halatang di naniwala sa alibi nya.

"Ha? ok ka lang? ano ba sinasabi mo? " tanong ni Joana sa kaibigan na may halong pagtataka. Iniisip nya kung may alam ba ito tungkol kay Erick.

"Naku ga, kala mo ba di ko alam? May boyfriend ka na pala di mo sakin sinabi! Nakakainis ka, pa virgin ka masyado ha!" pabirong sagot ng kaibigan na may halong pagtatampo.

"Hoy ga, saan mo naman nalaman yan?" ,nagtatakang tanong ng dalaga.

"Eh kanino pa ba eh di sa mga chismosa nating workmates, naku ikaw talaga huli na magdedeny pa, nakakatampo ka na gaa! " turan ng kaibigan na naiinis na sa kanya.

"Nakita ka kaya nila kanina na sumama sa boyfriend mo na sumundo sayo!, ano magdedeny pa talaga Ga? " nakasimangot na paliwanag ni Melody.

Nagulat naman si Joana sa narinig, di nya mawari kung ano ang isasagot sa kaibigan. Alam nyang lalo itong maiinis kapag sinabi nyang hindi nya ito boyfriend at kakakilala pa lamang niya kay Erick. Kaya minarapat na lamang ni Joana na panindigan ang mga kumalat na tsismis tungkol sa kanila ni Erick.

"Hehehe, naku di pala kami nakaligtas sa mga malisyoso nating workmates, ah, eh, ganito kasi yun Ga, yung totoo ay manliligaw ko pa lang yun at taga sorsogon din siya." mahabang paliwanag ng dalaga.

"Eh, bakit dinedeny mo siya? At bakit parang wala ka atang balak sabihin sakin? Kung di pa kita binuko diyan eh ililihim mo talaga." nakasimangot na tugon ng kaibigan na halatang nagtatampo sa kanya.

"Eh kasi balak ko sabihin kapag boyfriend ko na, para surprise diba?" muling pagsisinungaling ni Joana.

"Hmp, naku umayos ka ha, kilalanin mo munang mabuti yang manliligaw mo bago mo sagutin, at wag na wag mong ibaba ang bandera mo diyan hanggat di pa kayo lubusang magkakilala. " paalala ng kaibigan.

"Oo naman noh! Kala mo sakin madaling maloko?" paniniguro niya sa kaibigan.

"Oh siya, magtrabaho na nga tayo saka na ako magkukwento sayo tungkol sakanya kapag balak ko na siyang sagutin. " muling pagsisinungaling niya sa kaibigan pagkasabi ay agad na tumalikod dito.

Alam niyang napaniwala niya ito, pero di niya maiwasang ma guilty. Ang kailangan lang niyang gawin ngayon ay iwasang magkaharap ang kaibigan at si Erick , at baka mabuking pa siya at nakakahiya kung iisipin ni Erick na pinakilala siyang manliligaw ng dalaga kahit hindi naman. Dahil dun, muling nadagdagan ang alalahanin ni Joana.

"Haist!, bakit ba kasi nakilala pa kita." sa isip ng dalaga.

Habang naglilinis sa kanyang gondola, di maiwasang sumagi sa isip ni Joana ang Gwapong mukha ni Erick, ang pagka gentleman nito sa kanya, at ang mabangong amoy ng lalaki. Wala sa loob na napangiti siya at bahagyang kinilig habang iniisip ang lalaki.

Halos naririnig na nya ang malakas na tibok ng puso habang sinasariwa sa isip ang mga kaganapan sa pagitan nila ni Erick.

Alas 5:00 na ng hapon. Natapos ni Joana linisin ang gondola niya at napakaganda ng pagkakaayos ng mga displays. Hindi ito nakaligtas sa mata ng kaibigan. Kaya bigla itong lumapit sa kanya.

"Aba, mukhang inspired ata kaibigan ko ah?" nakangiti nitong tukso sa kanya.

"Ha? bakit mo naman nasabi?" tanong niya sa kaibigan.

"Eh tingnan mo nga ang ganda at ang linis ng mga display mo." muling tukso ng kaibigan.

"Ano ka ba, maliit na bagay, ganyan talaga ako magtrabaho, pulido." paglilihis niya sa kaibigan upang wag na siya nitong tuksuhin.

"Oh, pano ba yan out na ako at bibyahe pa ako ga, see you next week!" paalam niya sa kaibigan sabay yakap dito.

"Mamimiss nanaman kita ga, wag ka na mag day off bukas. " lambing ng kaibigan.

Dahil sabado ngayon at day off niya pag linggo, sa lunes nanaman ulit siya babalik sa trabaho.

"Text-text na lang ga!, I'll miss you too. Babye!" paalam ni Joana sa kaibigan.

Pagkasabi nun ay mabilis siyang bumaba ng hagdan at kinuha ang gamit sa locker. Pumunta muna siya sa banyo upang ayusin ang sarili. Mataman niyang tinitigan ang sarili sa salamin, inayos ang buhok, nag pulbos at naglagay ng light lipstick. Nang matapos, muling sinulyapan ang sarili sa harap ng salamin at biglang kinausap ang sarili.

"Haist, sigurado ka bang sasabay ka pauwi sa lalaking yun? Di mo pa nga siya kilalang mabuti eh, haay, pero bakit ganun?, bakit parang excited akong makita siya ulit?, hay naku Joana last na to, wag ka na ulit sasama sa kanya pagkatapos nito! " naiiling na sambit niya sa sarili.

"Hay naku bahala na, mukhang mabuting tao naman ang lalaking yun. Maginoo siya at mabait. Wals naman siguro akong dapat ipag alala. "

Bagama't naguguluhan pa rin, nagdesisyon siyang sasabay kay Erick pauwi sa sorsogon.

Paglabas ng banyo, agad na nag time-out si Joana sa biometric. Nagpaalam sa ibang kasamahan na pauwi na rin. Mabilis siyang naglakad sa lugar na usapan nila ni Erick kung saan siya nito hihintayin. Di pa man nakakarating ay natanaw na niya ang sasakya ni Erick. Bahagyang binuksan ang bintana at kinawayan siya nito kasabay ng napakatamis na ngiti ba para bang excited na excited na makita siya. Muling kumabog ng malakas ang dibdib ng dalaga, pakiramdam nya para siyang matutunaw ng mga sandaling iyon. Nang makarating sa may harap ng sasakyan ni Erick, agad na bumaba ang lalaki upang salubungin siya at alalayan papasok sa sasakyan. Nabalot ng katahimikan ang buong paligid ni Joana nang nasa loob na siya ng sasakyan ni Erick, wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na kabog ng dibdib na hindi niya maintindihan kung ano ang dahilan.

Natigil sa pag iisip ang dalaga ng marinig ang boses ng lalaki.

"Hey Beautiful, are you okay?" nakangiti nitong tanong sa kanya habang tinititigan siya nito.

"Ha?, ah eh , yes I'm fine. " mabilis niyang tugon dito na hindi pinahalata ang kabang nararamdaman.

Nagulat si Joana nang biglang lumapit ito sakanya na halos isang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga mukha, bahagya siyang napaliyad nang maramdaman ang kamay ng lalaki sa may tagiliran nya. Di nya maipalawanag ang sensasyong bumalot sa buong katawan at ang mabangong amoy ng lalaki na di niya mapigilang hangaan sa isip.

Muli siyang nagulat nang magsalita si Erick.

Dun lang niya napagtantong, nilagyan lang pala siya ng seatbelt ng lalaki. Bahagya siyang nakahinga ng lumayo na ito sa kanya at nagsalita.

"Hey, relax di kita kakagatin, " pabiro nitong tukso sa kanya nang mapansin ang pamumula ng ng kanyang pisngi.

Minabuti ni Joana na wag na sumagot dito.

Narinig niyang pinaandar na ng binata ang sasakyan, nakahinga siya mula sa kaba na bumalot sa buong katawan niya.

Muli lang siyang napukaw ng magsalita si Erick.

"Bakit di ka nagsasalita? kwentuhan mo naman ako, dalawang oras din biyahe natin, sige ka baka antukin ako pag di mo ko kinausap."

"Ano naman ikukwento ko sayo? Boring ang life ko eh., ikaw kaya magkwento sakin? pag iiba ng dalaga dahil ayaw niyang pag usapan ang personal na buhay lalo na at kakakilala pa lamang niya sa lalaki.

"O sige, mas maganda siguro magkuwentuhan over food, medyo nagugutom na din kasi ako, how about drop by tayo kung saan pwede kumain?" nakangiting tugon ni Erick sa dalaga.

Pansamantalang nag isip si Joana, iniisip nya na baka gabihin sila masyado kapag tumigil sa pa sila kung saan.

"Hindi kaya masyado tayong gabihin kapag tumigik pa tayo kung saan?" nag aalangang tanong ng dalaga.

"Don't worry, maingat ako magmaneho kahit gabi na yan." mabilis at nakangiting tugon ng lalaki.

Walang nang nagawa si Joana kundi ang sumang ayon na lamang dito. Samantala si Erick na palihim na natutuwa dahil alam niyang papayag ang dalaga. Ang totoo ay gusto niya lang talaga makasama ng matagal si Joana kaya nagkunwari siyang nagugutom.

"O sige, saan ba tayo titigil para kumain?" tanong ng dalaga.

"Malapit na tayo, isa lang naman alam ko na madadaanan nating restaurant , magugustuhan mo dun." nakangiting sagot ng lalaki.

Sandaling minuto lang ay nakarating na nga sila sa sinasabing restaurant ni Erick, isa itong hotel na may restaurant sa baba. Pumasok ang sasakyan nila sa gate ng hotel. Samantala , si Joana ng mga oras na iyon ay kinakabahan dahil nakita niyang mukhang pribado ang lugar at wala gaanong tao. Pinagbuksan siya ng pinto ni Erick at iginiya sa loob ng restaurant. Palihim na natuwa si Erick dahil wala gaano tao sa lugar, gusto niyang masolo ang dalaga at makasama ng matagal, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya para sa dalaga, ang tanging alam niya ay gusto niya ito.

Nakaupo na sila sa table na napili ni Erick, at nag order ng makakain. Habang naghihintay ng inorder nila, biglang nakaisip si Erick ng dahilan para makasama ng mas matagal ang dalaga.

"Do you want to go swimming?" biglang tanong ni Erick sa dalaga.

"Ha? ngayon? Saan? " sunod sunod na tanong ni Joana na halatang nagulat sa tanong ni Erick.

"Meron ditong swimming pool, pwede tayo maligo kahit 30 mins lang after we eat. " nakangiti nitong sagot sa dalaga.

Hindi malaman ni Joana ang isasagot, gusto niyang tanggihan si Erick, ngunit di man niya aminin sa sarili , gusto din niya makasama pa ng matagal ang lalaki at bukod doon, matagal na panahon na rin siyang hindi man lang nakapagswiming dahil sa puro trabaho na lang nasa isip niya. Sa palagay niya, okay lang naman mag relax paminsan minsan, lalo na kung ang kasama niya ay sobrang gwapo at maginoo. Biglang naputol ang pag iisip niya nang dumating na ang inorder nilang pagkain.

"Sige kain na muna tayo, habang kumakain isipin mo nakung mag swimming tayo o hindi." si Erick habang palihim na nananalangin na sana pumayag ang dalaga.

"Eh, teka, pano naman tayo mag suswimming eh wala nga akong dalang extra na damit." biglang tanong ng dalaga.

"Wag ka mag alala, meron silang for rent na swim wear pwede mo magamit." masiglang sagot ni Erick na bahagyang sumaya dahil alam niyang pumayag na ang dalaga.

"Sige, pero 30 mins lang talaga ha, kasi baka gabihin tayo masyado." alanganing sagot ng dalaga.

"Don't worry, magrerelax lang tayo for few minutes, I know pagod ka rin sa work." tugon ni Erick.

Samantala si Joana naman ay bahagyang nakaramdam ng excitement, gusto nya talagang makapag relax din at kalimutan sandali ang mga problema. Binilisan niya na din ang pagkain para makapag swimming na.

Nang matapos sa dinner nila, tinawag ni Erick ang isa sa mga staff ng hotel at may binulong dito. Samantalang si Joana naman sa pagkakataong iyon ay naglilibot sa labas ng restaurant ng hotel. Napansin niyang may kausap na tao si Erick sa loob kaya hinayaan niya muna ito at hinintay ang lalaki sa labas.

Napaiktad siya nang biglang magsalita si Erick mula sa kanyang likuran.

"Let's go?" si Erick na nakangiti at may hawak na susi.

"Ha? saan?" nagtatakang tanong ni Joana

"Magbibihis ka ng pang swimming kaya nag rent na din ako ng room natin." nakangiting sagot ni Erick.

Bigla namang umandar ang imahinasyon ni Joana at nag isip ng kung anu ano.

"Ano ba binabalak ng mokong na to? nag rent ng room? para samin? eh pwede naman magbihis sa banyo ng hotel ah, bakit kailangan pa kumuha ng room? Palibhasa mayaman . Hay naku Joana, napaparanoid ka nanaman, relax, walang mangyayaring masama, kaya mo ang sarili mo."

Napansin naman ni Erick na biglang natahimik si Joana, inisip niyang baka naiilang ito kaya nilapitan niya at hinawakan sa braso.

"C'mon magbihis na tayo." si Erick na bahagyang hinila si Joana patungo sa room na inukupa niya.

Samantala, si Joana naman ay wala nang nagawa kundi sumunod. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang akay akay siya ni Erick. Tila nahe- hypnotized siya at mabilis na napapasunod na lang sa mga sinasabi ni Erick.

Nang makarating sa kwarto, ipinagbukas siya ng pinto ni Erick habang nakangiti pa rin sa kanya.

"Come in, pinahatid ko na ang mga swim wear na pwede natin pagpilian." si Erick habang itinuturo ang mga swim wear na naka hanger.

"Thank you." tipid na sagot ni Joana at dumiretso na din sa pagpili kung alin ang isusuot.

Dahil gabi naman, pinili niya ang one-piece bikini at isang shorts. Matapos makapili ng isusuot, nagpaalam na siya kay Erick para magpalit sa banyo ng room. Pakapasok niya sa banyo , si Erick naman ay pumili na din ng isusuot. Maya-maya pa ay lumabas na si Joana. Napatda si Erick na masilayan ang taglay ng kaseksihan ng dalaga. Bagay na bagay ang piniling swim wear ni Joana. Halos kita ang buong likod niya na napakinis at ang mahahabang legs na maputi. Titig na titig si Erick sa dalaga, kaya di maiwasang maasiwa si Joana at mamula. Yumuko siya upang iwasan ang mga titig sa kanya ni Erick.

"Ehem, ahm ikaw naman magbihis ok na ako." nakangiti niyang tugon kay Erick.

Samantalang si Erick naman biglang napukaw sa pagkatulala sa dalaga.

"Ha? a, eh, yes mag- magbibihis na ako." nauutal niyang sagot sa dalaga at nag atubiling pumasok sa banyo.

Nakahinga naman si Joana ng maluwag nang makapasok na sa banyo si Erick. Mabilis niyang inayos ang buhok, pinataas na parang ensaymada, dahilan upang lumantad ang buong batok niya. Kinuha niya ang cellphone sa bag at naupo sa dulong bahagi ng kama. Doon lang niya napansin na napakalambot pala ng kama ata wala sa loob na nahiga siya habang hinihintay si Erick lumabas ng banyo. Dala marahil ng pagod, di niya nalabanan ang antok at tuluyang nakatulog.

Sa kabilang dako, si Erick na hindi maalis sa isip ang kagandahan ni Joana, nag init ang buong katawan niya kaya minabuti niyang maligo muna bago magpalit ng pang swimming. Wala siyang kamalay malay na nakatulog s Joana sa paghihintay sa kanya.

Matapos maligo, agad na nagsuot ng shorts pang swimming at lumabas ng banyo. Nagulat siya ng makita ang himbing na himbing na si Joana, nakatagili ito kaya kita niya ang labas na likod ng dalaga sa suot ng swimsuit. Kitang kita ni Erick ang magandang kurba ng katawan ng dalaga, at bigla nanaman siyang nag init.

"Shit Erick, stop looking at her!" pagsasaway niya sa sarili. Why is she so damn sexy!" nagsusumigaw sa isip ni Erick.

Minabuti niyang wag gisingin ang dalaga, alam niyang pagod ito sa trabaho. Hindi niya napigil ang sarili, lumapit siya at naupo sa tabi ng dalaga, maya-maya pa ay di niya namalayang hinahaplos na niya ang magandang mukha ni Joana. Habang dahan dahan binaba niya ang kanyang ulo at dinampian ng halik sa labi ang dalaga. Naglapat ang kanilang labi at naramdaman niya ang bahagyang paggalaw ng dalaga kaya bigla niyang inilayo ang sarili dito. Alam niyang mali ang ginagawa niya, pero hindi niya mapigilan ang sarili sa mga sandaling iyon. Labis ang paghanga niya sa dalaga, at inaamin niyang gustong gusto niya ito kahit kakakilala pa lamang nila.

Dahil sa ginawa ni Erick, naalimpungatan si Joana, pagdilat niya, nagulat siya nang makitang katabi niya si Erick at titig na titig sa kanya. Halos lumundag siya sa kama ng mapagtantong nakatulog pala siya.